N AG-INIT ang sulok ng mga mata ni Chantal habang nakapanungaw siya sa bintana. But she blinked the threatening tears away.
Hindi niya gustong paganahin ang isip at sa halip ay itinuon niya ang paningin sa malawak na karagatan. Ang Alta Tierra Villa ay nakatayo sa ituktok ng isang mabato at matarik na talampas at nakatunghay sa dagat. Sa laot ay may mangilan-ngilang bangka siyang nakikita. Halos hindi na magkahugis ang mga iyon sa layo.
Naririnig niya ang huni ng mga ibon sa paligid. Nararamdaman niya ang haplos ng hanging-dagat sa kanyang mukha, at naririnig niya ang lagaslas ng tubig mula sa talon na hindi kalayuan sa villa. Sa isang buwan niya sa Alta Tierra ay minsan lang niyang napuntahan ang talon na iyon at hindi na siya pinayagan ni Adora na muling mag-ikot sa rancho nang nag-iisa. And she was fascinated by it. Ang tubig ay tila nagbukal lamang mula sa mga bato at humuhugos pabagsak sa dagat.
Gayunma’y hindi natutuyo ang pagbukal at patuloy sa pagbuhos. O ang tubig na humuhugos ay galing din naman sa dagat at may puwersang nagpapangyari upang ipanhik iyon sa talampas at ibalik na muli sa pinanggalingan? Marahil. Sa Aurora’y maraming bukal na nagmumula sa mga bundok ng Sierra Madre at humuhugos pababa sa kapatagan..
She sighed sadly and again blinked away the threatening tears as she thought of Quinn. He died almost a week matapos itong dalhin sa intensive care unit ng Makati Medical Center.
Hindi niya malaman kung tatawa o bubulalas ng iyak. Halos kailan lang ay nagpakasal sila ni Quinn. And now, in a span of less than ten weeks, magpapakasal siyang muli. To his younger brother. At tila hindi na niya hawak ang nangyayari sa buhay niya. It had been taken from her by Quinn’s bully of a brother.
May pakiramdam siyang ang buhay niya’y tila isang dahon na nalaglag sa tangkay at nahulog sa isang agos ng tubig at tinatangay iyon palayo sa kung saan man.
She barely heard the soft knock on her door. At kahit ang marahang pagbukas ng pinto ng silid. “Naghihintay na sila sa ibaba, Chantal.”
Agad ang pag-ahon ng kaba sa kanya. Pinuno niya ng hangin ang dibdib upang kalmahin ang sarili at mula sa bintana’y nilingon niya si Nayumi. Pilit ang ngiting ibinigay niya rito.
Tinitigan siya ni Nayumi at kumislap ang mga mata nito. At saka masuyong sinabi, “You’re so lovely, Chantal.” Pagkuwa’y hinagod ng tingin ang suot niya. Her beautiful mouth curved in distaste. “Though I don’t really understand why you chose this thing as your wedding dress.”
Nagkibit ito ng mga balikat at hindi hinintay na sumagot siya. Inayos nito ang bulaklak na yari sa lace na nakapalibot sa sombrero niya.
“You could have followed tradition, you know,” muli nitong sabi. “Hindi naman kailangang ganito ang isuot mo. Hindi ko kailangang hulaan kung ano ang suot mo nang ikasal kayo ni Quinn. At sa ikalawang pagkakataon, pinagbigyan mo na ang sarili mong makapagsuot ng traditional gown, Chantal.”
Isa iyong off-white-a couple of inches-below the knee wedding dress. Napakasimple na siya mismo ang pumili sa kabila ng pagtutol nito at ni Adora. At ipinilit lamang ni Adora na palagyan ng imported beads at swarovski stones sa may collar. Iyon at ang vogue-style wedding hat niya na ipinilit naman ni Nayumi na ipagawa sa couturier at lagyan ng white net upang siyang ipangtakip sa kalahati ng mukha niya, ang nagpangyari upang kahit paano’y magmukhang damit-pangkasal ang suot niya.
“Hindi rin naman ayon sa tradisyon ang pagpapakasal kong ito kay James, Nayumi.” Hindi niya maiwasan ang sarcasm sa tono niya at gusto niyang ma-guilty. Nang una niya itong makita, inaasahan niya ang isang palalong dalaga dahil natiyak na niya kung gaano kayaman ang mga Navarro. But she was wrong.
Nayumi had a goddess-perfect beauty. While James was dark, ito at si Quinn ay maputi. At noon lang siya nakakita ng ganoong uri ng buhok. Parang buhok ng bagong sibol na mais. May di-mabilang na kulay ang streaks ng buhok nito, from pale blond to brownish-red, at hindi niya matiyak kung totoo o dye. Nahihiya siyang magtanong.
And yet she was sweet and kindhearted, too. At gusto lamang nitong maging maganda siya sa araw na iyon ng kanyang kasal.
Sa loob ng isang buwang pananatili niya sa Alta Tierra ay si Nayumi at si Adora ang kasama niya. Mula sa bahay ng mga Navarro sa Corinthians ay umuwi sa Alta Tierra ang dalawang babae upang may makasama siya roon habang hinihintay ang paglalakad at pag-aayos ng mga papeles para sa kasal nila ni James.
“Kung sa bagay ay isang buwan pa lamang mula nang mailibing si Quinn.” Sudden sadness filled Nayumi’s voice. Pagkuwa’y mabilis na idinugtong sa pinasiglang tinig, “Subalit kung hindi kayo pakakasal ni James ay malalagay ka sa kahihiyan, Chantal. Sabi ni Adora, you’re considered one month pregnant at walang kikilalaning ama ang nasa tiyan mo. Hindi bale sana kung lalabas na biyuda ka...”
Agad na nagbara ang lalamunan niya. Nanikip ang dibdib at nag-init ang sulok ng mga mata. The Navarros were multi-millionaires. At kahit si Quinn ay nalaman niyang may sariling pera mula sa trust fund na iniwan dito ng lolo nito sa bahagi ng ina noong ito’y sanggol pa lamang. Bagaman hindi kalakihan kung ikokompara sa mamanahin nito sa pamilya ay sapat ang salaping iyon upang mabuhay ito nang maalwan kung nangyaring hindi nito gustong umasa sa mga Navarro.
The trust fund had accumulated through the years. Dahil ayon sa abogadong nagbasa ng testamento nito ay hindi man lang iyon binawasan ni Quinn kahit isang sentimo.
And he could have used a little of his money when he was in Aurora for almost a year. But he lead a very simple life. Ang buong akala niya’y ang pagsusulat ng mga kuwentong-pambata lamang ang maaaring pagkukunan nito ng ikabubuhay.
“H-hindi ako makapaniwalang hindi kami legal na mag-asawa ni Quinn, Nayumi...” Hindi niya napigil ang pagkawala ng isang hikbi. She could remember how she raised her chin defiantly nang ulitin niyang sabihin kay James na asawa siya ni Quinn—legal.
Puno ng simpatya ang tinging ibinigay ni Nayumi sa kanya. “Hindi sinasadya ni Quinn ang pagkakamaling iyon, Chantal. Unti-unti na siyang iginugupo ng karamdaman niya. At natural lamang para sa abogadong alamin ang ganitong bagay bago mapunta sa iyo ang trust fund ni Quinn.”
“Ipagpalagay na,” sagot nito. “Pero paano ang batang dinadala mo? Of course, financially, hindi pababayaan ni James ang magiging anak mo. Pero karapatan ng bata ang mga naiwan ni Quinn, Chantal.”
Nang araw na dalhin sa ospital si Quinn ay agad nitong ipinatawag ang abogadong may hawak ng trust fund nito. Na ang beneficiary ng trust fund ay ang magiging anak nito kay Chantal kung sakaling maiiwan siya ni Quinn na nagdadalang-tao. At kung hindi naman siya nagdadalang-tao ay mauuwing lahat iyon sa kanya bilang asawa nitong legal.
She wasn’t interested with the money. Mas niyang ipinagdaramdam ang kapabayaang hindi narehistro ang kanilang kasal... na sa loob ng dalawang linggong magkasama sila’y wala naman pala siyang karapatang tawaging asawa.
Pero paano niya itong masisisi? Nawaglit marahil sa isip ni Quinn na dalhin sa munisipyo ang mga dokumento. He was ill... terribly ill. Leukemia. At sa panahong alam nitong maysakit ito’y hindi ito nag-abalang manatili sa ospital. Ang buwang itinaning dito ng doktor ay ginugol nito sa paggawa ng mga aklat-pambata—sa bagay na gusto nitong gawin.
At itinago nito iyon sa lahat... sa sariling pamilya at sa kanya. Nag-init ang sulok ng mga mata niya kasabay ng alaala...
MULA sa pagtuturo sa mga batang kindergarten ay natuon ang paningin ni Chantal sa may pinto ng silid na iyon ng montessori. Hindi niya kilala ang lalaking nakatayo roon. He was smiling at her. A handsome man in his... forties? Ama kaya ito ng isa sa mga bata?
Sanay na siyang may mga magulang na naghihintay sa labas ng schoolroom. Subalit wala ang mga iyon sa mismong pinto ng silid kundi sa may paikot na upuan sa ilalim ng punong sampalok sa loob din ng compound ng kindergarten school.
But he didn’t look as if he was one of the parents. Hindi ito ang uring nagtatrabaho sa bukid o sa alinmang public office sa karatig-bayan. He had fair skin na inisip niyang sa kaputian ay maputla na yata.
Lumakad siya patungo sa pinto and gave him a warm smile. “Good morning... anak n’yo ba ang isa sa mga batang naririto?” Nilinga niya sandali ang mga batang nagkakagulo at muli ring ibinalik dito ang atensiyon.
Napakamot ito ng batok and smiled boyishly. And Chantal realized that the man wasn’t as old as she first thought.
“Ako nga pala si Quinn... Quinn Borromeo,” pakilala nito at inilahad ang kamay sa kanya na tinanggap naman niya.
His grip was warm and friendly and didn’t take longer than necessary. Kaibang-kaiba sa mga lalaking nagpapakilala sa kanya na pinipisil pa ang palad niya at naghahatid ng seksuwal na motibo. Kabilang na roon ang ilang mga lalaking sumusundo sa mga bata, ama man iyon o kamag-anak kapag ipinakilala sa kanya.
“Hindi pang-Miss America ang beauty mo, Chantal,” ani Helen, ang best friend niya, kapag nagrereklamo siya sa pagnanasang hantarang ipinahihiwatig ng mga lalaki. Isa itong pharmacist sa botikang pag-aari ng pamilya nito. “Pero ang lakas ng sex appeal mo. Karaniwan na’y ang kama ang iniisip ng mga lalaki kapag tinititigan ka.
“Pero ni hindi nga ako voluptuous!”
Isang tawa ang pinakawalan ni Helen. “Hindi naman kailangang malaki ang boobs mo o nagmumura ang balakang mo para ka matawag na sexy. Ikaw, talaga, napakanene mo pa. Konserbatibo ka kasing masyado.”
Ang lalaki sa harap niya’y tumikhim at napangiting ibinalik ni Chantal ang atensiyon dito. Why, she instantly liked him.
“Nice meeting you, Quinn... ako naman si Chantal Cheng...”
“Chinese. That explains those exotic oriental eyes...”
She laughed softly. The compliment was honest and sincere and without hidden malice. Hindi niya iyon ikinairita. “Ang great grandfather ko ang lehitimong Chinese. He married a Filipina and they had a son, my grandfather, na hindi ko na nagisnan.” She rolled her eyes and laughed. “Ikinuwento ko na sa iyo ang talambuhay ko.”
He grinned, and she almost thought that his skin was as white as his teeth. “Do you speak Chinese? Mandarin kaya? I knew some few phrases...”
“Mabuti ka pa,” she said smiling, noticed that he had a cultured voice. “Ako’y hindi naturuan ng Papa. Sino nga pala sa mga pupil ko ang anak mo?” muling tanong niya at pagkuwa’y agad na binawi ang sinabi. “Oh, I’m sorry. Wala nga pala akong pupil na Borromeo ang apelyido. May... pamangkin o kamag-anak ka sa mga bata?”
Umiling si Quinn. At itinaas nito ang kaliwang kamay na noon lang niya napunang may hawak na dalawang maninipis na mga colored books.
“Gusto ko sanang... ialok sa iyo ang mga librong ito. Puwede mong gamitin sa mga bata...”
“Oh.” Kinuha niya ang isa sa dalawang children’s book. Binuklat-buklat iyon... sandaling dinaanan ng mga mata. Wala iyong ipinagkaiba sa mga children’s book na nakikita niya. But of course, she couldn’t say that. Talaga namang pare-pareho ang mga children’s books. Kaya lang mahal ang iba’y hardbound at foreign authors.
“Ipinagbibili mo ba ang mga ito?”
He shrugged his shoulders. “Kung magagamit mo, then I could give discount. Seventy-five percent off the bookstore price.. ”
“Why, that’s wonderful! Hey, ikaw ba ang may gawa nito?” aniya nang makita ang pangalan nito sa cover ng libro. “Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong makakilala ng author ng libro. Glad to meet you again, Quinn...” she said excitedly at muling iniabot dito ang kamay.
“You make it sound as if I were a celebrity,” nahihiyang sabi nito and took her hand and held for a while before releasing it again. “I only write children’s books, Chantal. Hindi naman ako ganoon ka-bigtime.”
She saw him blush and she smiled. “You’re a celebrity in your own right, Quinn. And you’re giving seventy-five percent discount! Nahihiya ka lang yatang ipamigay, eh,” she teased at saka sinundan iyon ng tawa.
Quinn laughed with her.
Iyon ang simula ng pagkikilala nilang dalawa. Nalaman niyang nangungupahan lamang ito sa isang bahay sa barangay Quirino, more or less dalawang kilometro ang layo mula sa montessori na pinagtuturuan niya. At na may apat na buwan na itong naninirahan doon.
Kasama ng matalik na kaibigang si Helen ay malimit nilang dalawin si Quinn sa bahay nito at pinanonood ang pagguhit nito para sa susunod na aklat-pambata.
“ANO ITONG nakarating sa aking balitang nakikipagmabutihan ka sa isang lalaking bukod sa dayo na’y halos ama mo na, Chantal?” sita ng tiyahin niyang si Lolita sa kanya.
“Tiyang, hindi naman ganoon katanda si Quinn!” pabulalas niyang depensa rito habang nagtse-check ng papel ng mga pupils. “At wala hong malisya ang pakikitungo ko kay Quinn. Magkaibigan lamang ho kami.”
“At saan ba patungo iyang pagkakaibigan na iyan kundi sa pagiging magnobyo, ha?” paismid nitong sabi. At pagkuwa’y mabilis na idinagdag, “Kung makikipagnobyo ka rin lang, Chantal, tiyakin mong masalapi ang lalaki at nang makaganti ka man lang sa akin sa pagkupkop ko sa iyo mula nang mamatay ang mga magulang mo!”
“Tigilan mo na nga iyang pamangkin mo, Lolita,” mahinahon namang wika ni Mariano, ang asawang kauli nito.
Ang unang asawa ni Lolita, si Delfin, ay kapatid ng kanyang ina. Kinupkop siya nito nang mamatay ang mga magulang niya maraming taon na ang nakararaan. Pinag-aral siya ngTiyo Delfin niya sa kabila ng pagtanggi ni Lolita. Katwiran ni Delfin ay wala naman daw silang anak kaya hindi makabibigat ditong gastusan ang pamangkin maliban pa sa bahagi ng ipagpapaaral sa kanya’y sa naiwang negosyo rin naman ng mga namayapa niyang mga magulang manggagaling na kung saan kasosyo rin naman ito.
Ang mga magulang niya’y may pagawaan ng mga furniture, mga yaring narra at idine-deliver sa Maynila. At mula nang kupkupin siya ng Tiyo Delfin niya’y doon na siya tumira sa bahay ng mga ito. Ang bahay nila ay napilit siyang maipagbili dahil na rin sa udyok ni Lolita, para naman daw makatulong sa pagpapaaral at gastusin niya. At dahil may kalakihan din naman ang napagbilhan kasama ng lupang kinatitirikan niyon ay ipinagkaloob sa kanya ni Delfin ang mahigit sa kalahati ng napagbiihan. At alam niyang kung hindi sa pagpipilit ni Lolita’y ipagkakaloob ng tiyuhin lahat sa kanya ang pera.
Subalit noong nakaraang taon ay naaksidente at namatay ang tiyuhin niya. Sa pag-iwas nito sa isang humahagibis na bus sa zigzag ay nawalan ito ng kontrol at nahulog sa bangin. Napabayaan ang negosyo dahil wala namang alam doon si Lolita. At kahit paano’y nabawasan ang pera niyang naipon dahil wala nang ginawa si Lolita kundi konsiyensiyahin siya na maglabas ng pera at bumili ng ganito at ganoon.
“Wala ka nang nakikita kundi si Chantal,” patuloy ni Mariano. “Nakita mo namang ni hindi na nga naglilibang iyan at panay trabaho ang ginagawa.”
“Aba, dapat lang! Kung hindi ko pinayagan si Delfin na gastusan iyan sa kolehiyo, makakatapos ba iyan? Kahit ba iskolar iyan, malaki pa rin ang ginastos niyan. Ganoon ma’y tingnan mo naman ang kita, kulang pa sa kanya. Bakit ba’y nagtitiyagang magturo ng mga paslit diyan sa montessoring bago?! Sinasayang ang pagiging iskolar!”
“Eh,Tiyang... gusto ko lang naman ho munang magkaroon ng experience bago ako mag-apply sa ibang escuelahan,” she said defensively. Iyong kakarampot niyang kitang sinasabi ng tiyahin ay nauuwi rin dito dahil sadya nitong inaabangan ang sahod niya.
“Tama naman si Chantal, Lolita,” muling pagtatanggol sa kanya ni Mariano.
Nang tingalain niya ito’y malisyoso siyang kinindatan. Mabilis siyang umiwas ng tingin. Alam niyang ang mabuting pakita ng amain ay may pailalim na kahulugan. And she hated both of them. Wala pang isang taong namamatay ang Tiyo Delfin niya nang ipanhik ni Lolita sa kanila si Mariano sa paghihimagsik ng loob niya. Subalit wala siyang magawa.
Bukod sa kaibigang si Helen, ang sama ng loob niya’y kay Quinn niya inihihinga. At nakagagaan sa loob niya ang simpatyang ibinibigay nito sa kanya.