noveltoon logo noveltoon
James Navarro (Kristine Series 19)

Chapter 7

Ch. 7 / 21 Apr 09, 2022

N ARAMDAMAN niyang may nagbukas ng pinto ng silid niya subalit hindi nag-angat ng mukha si Chantal. She was softly weeping on her pillow.

“Chantal, I’m sorry...” ani James na sinamahan ng buntong-hininga ang sinabi.

Biglang nahinto sa paghikbi si Chantal. She was surprised to hear James’ voice. Ang nasa isip niyang nagbukas ng pinto’y si Nayumi o di kaya’y si Adora, subalit hindi ito.

Naramdaman niyang humakbang ito palapit sa kanya at huminto sa mismong gilid ng kama. “Alam kong wala akong karapatang husgahan ang ginawa ni Quinn. Tama ka, naroon siya’y itinatago sa lahat ang sakit niya at nagdusang mag-isa. And I admire the way you defended my brother...”

Hindi agad nakakilos si Chantal. Hindi niya matiyak kung makadarama siya ng konsolasyon sa sinseridad na nasa tinig nito o maguluhang lalo. Hindi niya inaasahan ang paghingi nito ng paumanhin. Hindi niya iniugnay ang salitang paumanhin kay James Navarro.

Nang iangat niya ang sarili mula sa pagkakasubsob sa unan at humarap dito’y napuno ng guilt ang dibdib niya nang makita ang anyo nito. His face bleak and his dark eyes troubled as he gazed at her. Pagkuwa’y naalala niya ang dahilan ng mga pag-atake nito kay Quinn. Alvaro provoked him. On his wedding day. Uncaring if he’d hurt his younger son in the process.

May humaplos na kung ano sa dibdib niya para dito. Napatayo siya nang wala sa loob. “Oh, James...” she whispered kasabay ng pagtaas niya ng kamay upang hawakan ito sa mukha, meaning to comfort him. Sandali lamang ang pagkadama ng mga daliri niya sa mukha nito at bago niya iyon tuluyang mahawakan ay nahagip ni James ang braso niya.

Ang tila bakal nitong mga daliri’y humigpit sa palapulsuhan niya at pabagsak iyong ibinaba. Sapat ang lakas na iyon upang mapaatras siya at kung wala ang kamay nito na nanatiling nakahawak ay baka bumagsak siya sa kama.

“Oh!” usal niya. Hinila niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito dahil nararamdaman niya ang pagbaon ng tila bakal nitong mga daliri sa palapulsuhan niya. Subalit lalong dumiin ang mga iyon, at ang mga mata nito’y matiim na nakatitig sa kanya na hindi niya matiyak kung galit o ano.

Malaki ang silid subalit sa paningin ni Chantal ay tila unti-unting iyong lumiliit at sasakupin sila anumang sandali. He was inches closer. Ang mga mata nito’y patuloy sa matiim na pagtitig sa kanya. Then something crossed his dark eyes, hindi niya kayang bigyan ng pangalan.

At hindi niya magawang magbawi ng tingin. At lalong hindi niya mahagilap ang tinig. Her heart hammering in her chest, ang kamay nito’y humihigpit sa palapulsuhan niya. At matapos ang pangyayari sa ibaba’y hindi niya inaasahan ang gagawin nito. He bent his head and claimed her lips and kissed her savagely. A punishing kiss.

Her lips hurt and she couldn’t breath. But she was too shock to even utter a sound. Kahit ang gumalaw o magpumiglas man.

James ended the kiss abruptly. Marahas nitong pinakawalan ang braso niya. Sa pagkakataong iyon ay pabagsak siyang napaupo sa gilid ng kama sa puwersa niyon. At pagkuwa’y marahas na nagmura nang patalikod. Tumingala sa kisame at minasahe ang batok, then groaned like a wounded animal.

Pagkatapos ay hinarap siya, his chest heaving, then remorse filled his eyes nang makita nito ang namumulang mga labi niya.

“Now, do I have to say I’m sorry again?” he said, anger and something in his voice. Ang galit ay hindi niya matiyak kung para kanino. Siya ang dapat na magalit sa ginawa nito.

“Wala... kang karapatang hagkan ako, James!” Sinikap niyang lagyan ng puwersa ang tinig niya. Hindi niya gusto ang nararamdaman sa dalawang pagkakataong hinagkan siya nito.

“And don’t you dare touch me like that, Chantal! Sa loob mismo ng silid mo,” he warned. “You can only push a man to his limit. At hindi lahat ng lalaki’y tulad ni Quinn!”

Nanlaki ang mga mata niya. So she was right! It was desire she saw in his eyes! He desired her! And the throbbing of her loins was entirely unfamiliar. Hindi niya alam kung saan nagmula. Subalit hindi niya gustong pagtuunan iyon ng isip. Mas itinuon niya ang pansin sa sinabi nito. Tumingala siya rito, her eyes confused and troubled. Iniisip ba ni James na kaya niya tinangkang hawakan ito’y para... para tuksuhin?

“You’re wrong!” she said defensively. “H-hindi ko intensiyong—I only want to...”

“Alam ko kung ano ang gusto mong gawin!” he snapped. “I don’t need you to comfort me... or was it pity I saw in your eyes?”

“Hindi ikaw ang uri ng taong kinaaawaan, James Navarro!” mariing sabi niya. Hindi niya maaaring pahintulutan si James na isiping naaawa siya rito. It would hurt him more. At kung bakit hindi niya gustong masaktan ito’y hindi niya maunawaan ang sarili.

“I... I only want to say I’m sorry, too,” she added softly. “Nabigla rin ako sa sinabi ko sa ibaba. Wala akong karapatang sabihin iyon. L-lalo na pagdating doon sa... sa sinabi kong nagpapasasa ka sa kasaganaan. It was unexcusable for me to say. Alam kong ikaw ang—”

“Oh, I deserved it,” agap nito kasabay ng patuyang ngiti. “Wala na si Quinn. It was thoughtless of me to attack him verbally. But I want you to know, Chantal, that I love my brother. Masakit sa akin ang nangyari. Pero inaamin kong nagagalit ako sa ginawa niya sa iyo nang una kong malaman ang kalagayan mo. I thought it was selfish and thoughtless of him to marry you when he knew he was dying...”

Niyuko at tinitigan siya ni James. Ilang sandali ang pinalipas bago, “You said you love Quinn... you said it was your idea that he married you. Was he in love with you, too?”

Nagyuko ng ulo si Chantal. Hindi alam kung paano sasagutin iyon. She didn’t even know if Quinn had loved her, really loved her in the real sense of the word. At hindi niya gustong magsinungaling. James was too sharp para hindi iyon malaman bukod pa sa may mga nasabi na siya kanina sa ibaba sa galit niya.

“P-perhaps he had loved me...” she said in a small voice, her eyes on the floor. At saka idinagdag, “In... in his own way...” Narinig niya ang marahas na paghinga nito.

“Sinabi mong pinakasalan ka niya para iligtas sa step-uncle mo... Ipaliwanag mo!” he commanded angrily. At napasinghap si Chantal sa galit na iyon sa tinig nito.

“It’s none of your business, James,” aniya, her eyes defiant.

“You’re my wife now, Chantal. Ipinaaalala ko sa iyo kung nakalimutan mo. And that has made you my business. At karapatan ko ring alamin ang lahat tungkol sa iyo. Hindi tayo maaaring manatiling estranghero sa isa’t isa gayong mag-asawa na tayo.... When you said Quinn married you to save you from your step-uncle’s clutches, then he just played hero. Na siyang maaaring dahilan upang hindi niya iparehistro ang inyong kasal. Subalit hindi ko kayang bigyan ng katwiran ang pag-angking ginawa niya sa iyo gayong alam niyang may taning na ang buhay niya! Hindi si Quinn ang uring nagsasamantala... o nagkakamali ako ng pagkakakilala sa sarili kong kapatid!”

So, that was it. Nagagalit ito dahil sa pag-angkin sa kanya ni Quinn. Hindi nga naman ito maoobligang pakasalan siya kung hindi siya nagdadalang-tao. Wala ring magiging dahilan si Quinn upang hilingin sa kanilang pareho na magpakasal.

Itinaas niya ang mukha rito. “You’re right, James. Hindi si Quinn ang uring nananamantala. Pero ikaw ang... nagpilit na magpakasal tayo...”

“That makes me more fool!” he snarled. “Pero kaya kong pangatawanan ang anumang bagay na ginawa ko, Chantal. Now, tell me about that step-uncle of yours,” utos nito.

Hindi niya gustong magsabi rito. Subalit ibinabadya ng tinig nito na hindi ito lalabas ng silid na iyon hangga’t hindi siya nagsasalita. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. At sa pahapyaw na salita’y sinabi niya rito kung paano silang nagpakasal ni Quinn.

Nang matapos siya sa pagsasalita’y nakita niya ang pagtatagis ng mga bagang nito... ang paniningkit ng mga mata. He was angry. At gusto niyang mangilabot sa galit na ibinabadya ng mukha nito. Nagagalit ito kay Mariano. He could have easily murdered him. Kung hindi dahil kay Mariano’y hindi malalagay sa ganitong sitwasyon si James.

She could very well understand that.

“S-sinabi ko na sa iyo kanina... K-kung dumating ang pagkakataong may nakita kang babaeng gusto mong—”

“Shut up, Chantal!” muli nitong singhal. “Let us try make this marriage work. Annulment is out of the question... sa ngayon.” He added the last word with emphasis.

“My family believed in the sanctity of marriage. Bilang anak at apo ay gusto kong sundin iyon. Hindi ko gustong pasamain ang loob ng grandparents ko dahil lang hindi ko kayang pagtagumpayan ang pag-aasawa ko. Pero lalong hindi rin ako ang taong magtitiis sa isang walang-kuwentang pagsasama. At kung sa aking palagay ay hindi natin kayang ayusin ang pagsasamang ito, tinitiyak ko sa iyong madali para sa akin ang sumuway sa tradisyon. Now, ayusin mo ang sarili mo at bumaba—”

“Ayoko, James—”

“Spare me with your childish tantrums, Chantal,” agap nito sa sasabihin niya. “Behave like a Navarro wife. What we have downstairs is a traditional post-wedding drink celebration. Ano na lang ang iisipin ng Papa kung hindi ka bababang muli. At pagkatapos ay inaasahan ng mga taga-Rancho na pupunta tayo ngayon doon kung saan gumagawa sila ng sariling pagsasaya... Natural na gusto nilang makilala ang asawa ko bago tayo bumalik sa Maynila.”

“Oh.”

“At gusto kong ipaalala sa iyong walang alam ang mga tauhan sa rancho tungkol sa inyo ni Quinn.” Nahimigan niya ang banayad na babala sa tinig nito. At pagkasabi niyon ay tumalikod na ito at lumabas ng silid.

Ilang sandali nang nakalabas si James ay nanatiling nakatitig si Chantal sa pinto.

Childish tantrums!

Hindi siya makapaniwalang sinabi ni James sa kanya iyon. At lalo siyang nagpupuyos sa inis. Marahas na umikot ang mga mata niya sa loob ng silid. Naghahanap ng bagay na maaari niyang ihagis. Nahagip niya ang unan at ibinato iyon sa pintong dinaanan ni James.

At akma pa niyang dadamputin ang isa pang unan upang ihagis din nang matigilan siya. Now, what was she doing? He was right. Gumagawi siyang talaga na tila batang may sumpong!

She closed her eyes tightly. Ano na ba ang nangyayari sa kanya? Walang ibang tao ang pumukaw ng ganitong uri ng emosyon sa kanya maliban kay James. Nag-init ang sulok ng mga mata niya. More than ever, he missed Quinn so much. Ang banayad nitong pakikitungo sa kanya; his friendship; ang pag-uusap nila... Napatuwid siya sa bahaging iyon. Ano-ano ba ang mga napag-usapan nila ni Quinn?

Gusto niyang balikan sa isip ang kapanatagang naramdaman niya habang nag-uusap sila nito sa tabi ng bintana bago matulog. Upang mamangha lamang nang maisip na sa loob ng dalawang linggong magkasama sila sa iisang bubong ay si James ang paksa nila!

Mahusay si James sa lahat, Chantal. Laging top sa klase, champion swimmer... he excels in martial arts... he races car like a madman...

She remembered Quinn smiling at that. Nasa tinig ang pagmamalaki sa nakababatang kapatid, at naroon din ang panibugho. Pero hindi ang uri ng panibughong nakasisira sa pagkatao. Quinn adored his younger brother.

And women go after him as if he were the only man on earth...

Then Quinn would laugh at that.

And Chantal half-believed his story, only that he had a brother. At iniisip niyang ikinukuwento ni Quinn ang isang imahen ng lalaking gusto nitong maging. A figment of his imagination because Quinn couldn’t be that man.

Little did she know that she would be that man’s wife. Ang lalaking inakala niyang kathang-isip lamang nito. James was Quinn’s exact opposite. And she feared him. He made her lost her temper... made her blush and stammer like silly.

Humugot siya ng malalim na hininga. She had to stop to be all those things. She had to be cool and collected. Walang dahilan para matakot siya sa asawa niya.

Tumayo siya at inayos ang sarili.