N ASA puno pa lang siya ng hagdan ay natanaw na siya ni Renz na nasa bar at nagsasalin ng alak. He smiled at her. Agad nitong binitiwan ang pagsasalin ng alak sa wineglass at sinalubong siya.
“Lovely,” Renz whispered.
“Thank you,” aniya. Ikinasiya niyang pinili niyang isuot ang damit na iyon. The dress was almost two years old. Pero hindi pa niya naisusuot iyon dahil wala namang tamang okasyon para gamitin. Regalo sa kanya ng Tiyo Delfin niya nang magtapos siyang cum laude sa Aurora State College of Technology.
Isa iyong ankle-length Chinese-cut silk dress in lilac na may itim na Chinese buttons. May slit sa isang tagiliran na bukod-tanging dahilan upang bahagya siyang ma-self-conscious. Ang nasa paa niya’y isang itim at mababang sandalyas. Itinirintas niya sa likod ang buhok niya.
Wala sana siyang balak isuot iyon subalit gusto niyang bawiin ang walang kakuwenta-kuwentang damit-pangkasal niya. Bukod pa sa gusto niyang magkaroon ng tiwala sa sarili sa pagbaba niyang muli.
“I don’t go for women with chinky eyes... Now you’re giving me second thoughts...” ani Renz, admiration in his blue eyes habang sinasabayan siya sa paglakad patungo sa dining table.
She smiled, bahagyang nadagdagan ang confidence sa sarili. “Maaari ba akong uminom?” tanong niya at nilingon ang hindi natapos na ginagawa nito sa bar.
“Of course,” wika nito. “Ikukuha kita.”
Humakbang siya patungo sa nakabukas na pinto ng family room. Natuon ang pansin ng lahat sa kanya nang bumungad siya. Si James ay nakatayo sa may French door palabas sa gazebo. Nakatitig sa kanya, in his usual cool manner. Bigla’y parang nanigas ang mga binti niya. Hindi niya makuhang humakbang. Ang lakas ng loob niya mula sa papuri ni Renz ay biglang naglaho. She contemplated on bolting back upstairs. But James eyes locked with hers, forcing her to walk forward.
Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit natatakot siya rito. O tama bang salita ang natatakot?
“Are you all right, hija?” s i Alvaro nang makalapit siya.
“I’m fine... Mr... P-papa, thank you.” Muli niyang sinulyapan si James. Dinala nito sa bibig ang hawak na wineglass and sipped from it. He was staring at her over the rim.
She sighed at inikot ang tingin sa mga nakapaligid. “I... I am sorry I made a scene a while ago. I—”
“There’s no need to apologize,” ani Nayumi, smiling at her.
“Don’t blame yourself,” dagdag ni Alvaro. “It was James’ fault that you lost your temper. At tama ka. It was inconsiderate of him to talk against Quinn when he wasn’t around anymore to defend himself.”
Napahugot ng marahang paghinga si Chantal kasabay ng muling pagtuon ng tingin sa asawa. Nakayuko ito sa hawak na wineglass at hindi niya makita ang mga mata, but she saw his shoulders stiffened. Nakadama siya ng simpatya rito at gusto niyang ipagtanggol ito pero hindi niya alam kung ano ang sasabihin.
Pagkuwa’y marahan siyang tinapik ni Alvaro sa braso. “Ipagpaumanhin mo, hija, pero gusto kong magpahinga. Hinintay lang kitang bumabang muli. Now that you’re here, traditions done. At napagod ako sa biyahe kaninang umaga. At muli’y bibiyahe na naman mamaya.”
Tumango si Chantal, lihim na nagpasalamat. Nakalabas na si Alvaro nang tanggapin niya ang wineglass na iniabot ni Renz. Hindi pa siya minsan man nakainom ng alak. Subalit sa sandaling iyon ay may palagay siyang kailangan niya iyon. Hindi na matapos-tapos ang tensiyon.
“Huwag mong biglain ang pag-inom,” ani Renz, smiling at her. “Sandali mong pigilin sa bibig mo ang alak, tasting it, then swallow slowly...”
She sipped from her wineglass at the same time watching her husband over the rim. Nakatitig ito sa kanya, his eyes dark and brooding. Si Nayumi at Renz ang gumagawa ng mga bagay na pag-uusapan. Nagsisimula na siyang mapalagay nang lumapit si Renz, may hawak na red wine upang lagyan ang wala nang lamang wineglass niya. Subalit bago masalinan iyon ni Renz ay lumapit si James.
“That’s enough. Hindi ka sanay uminom...” wika nito.
“Come on, James,” ani Renz. “Hayaan mong si Chantal ang magpasya niyan.”
Gusto niyang sang-ayunan si Renz para lang kontrahin ang asawa subalit bago niya masabi ang anumang sasabihin niya’y kinuha ni James sa kamay niya ang walang lamang wineglass niya at inilapag sa isang mesa sa sulok.
“Wala akong balak magsama ng asawang lasing sa rancho,” wika nito sa matabang na tono. Hinawakan siya nito sa likod ng braso at inakay palabas. “Binalak kong gamitin ang mga kabayo. Pero hindi ko maisip ang sarili kong nasa ibabaw ng kabayo na nakabarong-Tagalog at ikaw ay diyan sa suot mo. Gamitin na lang natin ang pickup.”
Nang makalabas sila’y bigla niyang binawi ang brasong hawak nito. Iniisip pa lang niyang dalawa lamang silang magkasama sa loob ng sasakyan ay gusto na niyang pangapusan ng hininga.
Huminto si James sa paghakbang. “What’s wrong with you?” he snapped. “It isn’t as if I am going to rape you! O baka naman sa palagay mo’y madudumihan ka kapag nahawakan man lang kita?”
“You’re... being ridiculous,” aniya.
“Yeah? Kung ganoon ay bakit ka kumikilos na tila may sakit akong nakakahawa sa tuwing lalapitan kita? You stammer kapag kinakausap kita gayong hindi ka naman sa iba. Malibang nagagalit ka sa akin, nalilimutan mo ang takot mo at saka mo pa lang natutuwid ang mga sinasabi mo. At hindi tayo maaaring laging ganito, Chantal!”
“I–I’m... sorry...”
“See what I mean?”
“Oh.” Nanlulumong napayuko siya.
“Look at me, Chantal!” utos nito. Hinawakan siya sa baba at itinaas ang mukha niya. Napaungol ito nang makitang kumikislap ang mga mata niya sa pinipigil na pag-iyak. Binitiwan nito ang mukha niya at hinawakan siya sa magkabilang baiikat. “Nayumi said I’m a natural bully. I’m sorry...” At bago pa makakilos si Chantal ay humigpit ang pagkakahawak nito sa mga balikat niya, pulling her against him.
Tumaas ang mga kamay niya sa dibdib nito. She meant to push him, subalit ni hindi niya nagawang lagyan ng puwersa ang mga kamay.
His voice was tortured when he spoke again. “I’m sorry if I have been brusque. Pero hindi mo ba alam kung gaano kahirap para sa akin ang... ang...”
Napatingala siya rito, naghihintay ng karugtong na sasabihin nito, her eyes wide in wonderment and shock. His face wasn’t grave but strained as he looked down at her, his breathing uneven.
Pagkuwa’y pinakawalan siya ni James at nagbuntong-hininga at saka tumalikod.
“Let’s go.” Bumalik ang kalamigan sa tinig nito. Nagpatiuna itong lumabas ng kabahayan patungo sa kinaparadahan ng sasakyan.
Hindi agad makuhang sumunod ni Chantal. Para siyang estatuwang nakatayo lang doon. Her own breathing was as uneven as James had been. Higit kailan man, ngayon siya lalong naguluhan.
Sinisikap niyang ibalik sa isip ang mismong sandaling hinapit siya nito. Tinitigan niya ang mga kamay, nararamdaman pa niya ang init na nagmumula sa dibdib nito and wondered why she hadn’t pushed him as she had intended to do. Sa halip ay hinayaan niyang manatiling nakapaloob sa mga bisig nito at... even when she’d became aware of his arousal.
Did James desire her?
Mabilis din niyang tinanggihan iyon. Mas madali ang arousal sa lalaki kaysa sa babae. And James could have been turned on easily by hugging any women. It didn’t mean he desire her particularly.
Still, naguguluhan pa rin siya. Bantulot siyang sumunod dito sa labas.
MATAPOS ang halos isang oras na pakikipagsaya sa mga taga-rancho ay ipinakita sa kanya ni James ang disteleria sa Sto. Cristo.
Mula sa rancho at hanggang sa Disteleria Navarro ay mga nakangiting mukha ng mga empleyado ang sumasalubong sa kanila. One could always recognize sincere greetings. James was respected by his employees. At sa nakikita niyang pakikipag-usap nito sa mga tauhan ay hinahanap niya ang “bully” na nakikita niya sa pagkatao nito. But there was none. James was strict and businesslike habang nakikita niya itong nakikipag-usap sa mga tao. But she could see that beyond the businesslike tone was a compassionate man.
“Sana’y maging maligaya ang pagsasama ninyo ni James, ma’am,” wika ni Mang Jacinto, isa sa mga matatandang katiwala sa rancho nang lapitan siya nito. “Hindi pa ipinapanganak ang batang iyan ay narito na ang mga magulang ko. Sa ikalawang pagkakataon ay naranasan namin ang takot na baka mawalan kami ng ikabubuhay. Subalit tulad ng matandang Franco ay itinayong muli ni James ang Rancho Navarro.”
“At hindi lang iyon,” nakangiting sabi naman ni Aling Josefa, ang asawa nito. “Nagdagdag pa siya ng hanapbuhay nang itayo ang Disteleria Navarro sa bayan.”
Sinulyapan niya ang asawa na nakaupo sa koral ng mga baka at inaabutan ng local wine ng isang ranchero. Gusto niyang mangiti sa ayos nito, alangan ang barong-Tagalog nito sa mga baka at kabayo sa kapaligiran. Ibang James ang nakikita niya sa sandaling iyon. Nakikipagbiruan ito at nakikipagtawanan sa mga rancheros. Kinakarga ang maliliit na batang mga anak ng mga tauhan.
Hinahanap niya sa sarili ang takot at pagkailang na tuwina’y nararamdaman niya rito. At tila wala iyon sa sandaling iyon. Sa halip ay naroon ang paghanga’t paggalang. Quinn never felt a malicious jealousy over his brother’s achievement. Now she knew why.
Ibinalik niya ang isip sa kasalukuyan nang makitang gumulong ang isang barrel mula sa ibabaw ng salansanan pababa, mabilis iyong inagapan ng dalawang tao.
“Saan galing ang ginagawang rum?” tanong niya, kahit ang pagod ay hindi nakapag-alis sa interes sa tinig niya habang nakikita ang mga barrels.
“Sugar cane,” sagot ni James. “Sa buong panahon ng kabataan ko’y pagra-rancho ang kinalakihan ko. Subalit hindi miminsang pinag-uukulan ko ng pansin ang mga tubong nakatanim sa iba’t ibang bahagi ng lupain. Isang taon matapos kong maibalik sa stability ang Rancho Navarro ay nag-imbita ako ng mga experto mula sa ibang bansa sa paggawa ng rum.”
Tiningala nito ang kabuuan ng building. Pride in his eyes as he surveyed the whole place. “Bata pa ang disteleria, hindi pa kayang makipagkompetensiya sa malalaking kompanya. But it’s earning and doing well. And I have plans to export.
“At hindi ko magagawa iyon without Grandpa. He financed everything. I’ve started repayment on installment basis a year ago with interest. Noong una’y ayaw tanggapin ni Franco ang bayad ko, saan daw ba niya ibibigay ang pera niya kundi sa mga apo. But I insisted, sabi ko’y saka na lang niya ipamana sa akin kapag malapit na siyang mamatay at isama uli ang interest...” At that point, he grinned at her and her heart went overdrive.
Bahagya nang napigilan ni Chantal ang mapasinghap. My g od, the man was really handsome!
“It was a private joke between me and my grandfather,” patuloy nito. At kung gaano kabilis dumating ang ngiti sa mga labi nito’y siya ring bilis ng paglalaho niyon. Sadness crossed his eyes na gusto ni Chantal na abutin ito at dalhin sa dibdib niya at pawiin ang lungkot na iyon.
“You see, I was just a little boy when my mother died. Hindi ko na halos matandaan ang anyo niya dahil lagi naman din siyang wala at nagpapagamot. Ang mga Lolo at Lola na halos ang nagpalaki sa akin. And it pains me to think that my grandparents are very old now, lalo na ang Grandpa. I couldn’t come to terms with the thought that the man I admire and love so much would soon leave me... that after all he’s a mere mortal.” Then he stiffened. Niyuko siya at tinitigan. Muli’y bumaba ang maskara, his face cold again.
“I’m sorry if I bore you with my life story. Natangay ako nang itanong mo ang tungkol sa disteleria,” wika nito sa tonong tila pinagsisisihang sandali itong nakalimot at lumitaw ang totoong James Navarro.
Her heart sank. She wanted to hate her father-in-law para sa hindi pantay na pagmamahal na inuukol nito sa mga anak. She swallowed and said, “Quinn was so proud of you that I’ve already heard part of the story from him. He’d said you inherited your grandfather’s business acumen...” Nagdala ng lungkot sa tinig niya ang muling pagkaalala kay Quinn.
James sighed heavily. Muli’y ang anino ni Quinn ay nagbigay ng isang maitim na ulap sa pagitan nila. Hinawakan siya nito sa siko at iginiya palabas ng distileria.
“Let’s go. Natitiyak kong nag-aapura nang makabalik sa Maynila si Renz at ang Papa.”
“Sino ang mamamahala sa rancho at sa disteleria kung nasa Maynila ka?”
Huminto ito sa paghakbang at muli siyang nilingon. “Wanting to get rid of me this early, my dear wife?” patuyang tanong nito, pagkuwa’y nagpatuloy at binuksan ang pinto sa bahagi ng passenger seat.
“Resonable ang tanong ko, James,” aniya. “Wala akong ibig sabihin.”
“Kaya kong pangasiwaang pareho ang Rancho Navarro at ang disteleria mula sa Maynila. Maliban sa mga competent employees ay nariyan ang mga telepono at computers. Bukod pa sa kailangan ako ng Manila office para sa mga meetings at advertising side ng produkto.”