noveltoon logo noveltoon
James Navarro (Kristine Series 19)

Chapter 18

Ch. 18 / 21 Apr 09, 2022

LA PRINCEPESSA , a Roman word that meant The Princess.

Animnapu’t limang talampakan at nagre-reflect ang puting pintura sa dagat. Stainless steel fittings at mga bintanang salamin. A great white whale of a power cruiser. It was a double engine yacht.

Nang umalon ay nauga at nahatak nang marahan ang lubid na nakatali rito sa dock. At napahawak sa railings si Chantal.

Nakatayo sila ni James sa main deck habang inihahanda ng kapitan, si Antonio, a Mexican in his early forties, at ng isa pang crew who must be the first mate, ang paglalayag patungong Batangas.

“Do you like her name, La Princepessa?” tanong ni Chantal.

“Pansamantala,” sagot ni James. “Hahalinhan ko ang pangalan ng yate ng pangalan ng unang anak nating babae. I’d call her Kristina, kung babae. Mula sa m ama. At kapag lalaki ay isusunod ko sa pangalan ng l olo, Franco,” wika nito.

Agad nitong inilipat ang atensiyon sa kapitan na tinungo ang wheelhouse. Hinawakan siya nito sa kamay at hinila pasunod sa kapitan.

“Gusto kong matutuhan ang pagpapatakbo nito, Chantal. Come...”

Walang kibo siyang nagpaakay, gustong mahawa sa excitement ni James sa bagong yate.

“At kapag natutuhan kong patakbuhin ito’y yayayain kong mag-yacht racing si Karl...” Then he laughed happily.

“Who’s Karl?”

“Oh. He’s almost family by affinity. Ang Tiyo Zandro niya’y asawa ng kapatid ng Papa, ang Aunt Jenny.” Pagkuwa’y hinapit siya nito at hinagkan sa noo.

ANG SUMUNOD na mga araw ay mananatili na sa isip ni Chantal magpakailanman. James made love to her anywhere he had the chance to do it and anytime. In broad daylight or under the moonlight. And making love with her husband was a soul-shattering experience. A two-minute quickies on the dark corner of the deck with their clothes on or underwater when they swam during the day, was as satisfying as many nights spent inside their cabin habang walang-sawang ginagalugad ang katawan ng bawat isa.

At hindi sila nakabalik sa Batangas sa araw na sinabi ni James. He instead instructed the captain to set sail to Paso de Blas where Chantal met Karl and his wife, Lora. At nakita niya ang pagkamangha ni Karl nang malaman ang pagpapakasal ni James na hindi man lang nito nalaman. James explained laughing, na kahit ang pamilya nito mismo’y hindi nagawang makadalo.

“Look at those men, nalimutan na tayo nang dahil lang sa kuwentuhan tungkol sa mga yate nila,” nakatawang sabi ni Lora.

She was more than four months pregnant and pregnancy became her. And Chantal liked her instantly. Friendly and gregarious. Then she felt guilty dahil nakalimutan na niyang sulatan si Helen at ipaalam dito ang nangyayari sa kanya. At ipinangako niya sa sariling susulatan ito pagbalik nila sa Tagaytay.

“James attended our wedding. Hindi makapaniwala si Karl na sa muli nilang pagkikita’y may asawa na rin ito.”

“B-biglaan lang ang nangyari...” Hindi niya makuhang salubungin ang mga mata nito. Paano ba niya sasabihin kay Lora ang sirkumstansiya ng pagpapakasal nila? Na kinaiinggitan niya ang mga sulyap na ipinupukol ni Karl sa asawa, puno iyon ng pag-ibig.

“Do you love it here?” pag-iiba niya sa usapan. Nilinga ang buong paligid. Nasa tabing-dagat sila at doon ipinasyang mananghalian. Sa buhanginan na rin nag-ihaw ng makakain.

“Yes,” ani Lora. “Sa tabing-dagat ako lumaki. And Karl’s a country boy. Nagtatrabaho siya through computers. Twice a week ay lumuluwas kami. Pero siguro kapag malaki na ang tiyan ko’y mababawasan ang pagparoo’t parito namin sa Maynila. Ikaw, gusto mo bang magdalang-tao kaagad?”

“Oh yes,” she said eagerly. Pinigil ang sariling idagdag na iyon ang pinakamatibay na dahilan upang mapanatili niya ang atensiyon ni James. Na minimithi nitong magkaanak sila kaagad. Na magkaroon ng pamilya. For Alvaro. Dahil sa pagkakaalam ni James ay hindi alam ni Alvaro na hindi naman siya talagang nagdadalang-tao.

“Watch out for the first trimester,” babala ni Lora, nakatawa. “It’s hell. At ayokong bumangon at hindi ko gusto ang amoy ng bawang at kahit ang aftershave ng asawa ko. At napilitan ang pobreng huwag gumamit ng aftershave hanggang sa matapos ang paglilihi ko. And no one used bawang for the next three months.” She laughed again.

Nakitawa na rin siya. It was impossible not to laugh with her. Sinulyapan niya si James na nakapamaywang at nakatanaw sa yate. Ano kaya ang mga bagay na aayawan niya sa sandaling maglihi siya? Sa sandaling iyon ay nilingon sila ni James and he winked and smiled at her nang mapunang nakatitig siya rito. Her heart leaped as she smiled back.

“He loves you so much,” komento ni Lora.

“H-how could you say that?” b ahaw siyang tumawa.

“James couldn’t take his eyes off you kahit nag-uusap sila ni Karl. Panay ang sulyap niya sa iyo na tila ka mawawala...”

Iniisip marahil ni James na baka ikinukuwento ko sa iyo ang sirkumstansiya ng pagsasama namin kaya ito laging nakatingin.

“I’ll tell you a secret,” patuloy ni Lora. “Men are an insecured bunch. Gusto nilang marinig na mahal mo sila... actually they’re like boys waiting to be told that you care.”

Napilitan siyang tumango roon. Of course, James wanted to be told that Alvaro loved him... cared for him.

Tinungo ni Lora ang inihaw na pusit at inahon. Pagkatapos ay tinawag na ang dalawang lalaki. “Guys, eating time!”

“I GOT turned on nang mahuli kitang nakatitig sa akin kanina,” wika nito nang nasa yate na sila at naglayag pabalik na sa Batangas. They had just made love. “Iniisip kong pinapantasya mo akong hubad...”

She laughed. No wonder na agad siyang hinila nito papasok sa cabin. Took her even before she had time to take her clothes off.

He bent and kissed her stomach. “Sana’y lalaki ang unang anak natin...”

“Paano kung babae ang magiging anak natin?” She was aware of his hand caressing her skin... then moving down to her thighs. She held her breath as she anticipated the pleasure to come. Oh, l ord, wala pang kalahating oras magmula nang magtalik sila at umaasam na naman siyang angkinin nito.

“It doesn’t matter, but I’m sure Alvaro will spoil her rotten,” wika nito and his fingers found their target and Chantal gave a moan of delight. “I could feel you’re pregnant already,” wika nito. “We’ve done nothing but make love for the past five days.” Then James stopped what he had started at nahiga sa tabi niya.

Nakadama siya ng frustration nang huminto ito. “Bukas ay nasa Batangas na tayo. Honeymoon’s over, darling...” Then he embraced her and closed his eyes. “Now, sleep...” he murmured in her ear.

Nagpupuyos ang kalooban ni Chantal na nakatitig sa kisame ng cabin. Wala itong karapatang pag-initin siya at pagkatapos ay basta na lang tutulugan.

He couldn’t be that rotten!

She felt exploited, a victim, vulnerable to his desires.

Not that she didn’t enjoy everytime he took her. But she hated to think that she was his sex slave. Aangkinin sa anumang oras na gusto nito at paglaruan at kapag nagbago ng isip ay matutulog na lang.

“Go to sleep, Chantal...” muling utos nito nang maramdamang alumpihit siya. Isiniksik nito ang mukha sa leeg niya at hinila siya nito palapit. Ang init ng hininga nito sa leeg niya’y tila lalong nagdaragdag sa frustration na nararamdaman niya.

She pushed him back, sa pagkabigla ni James. Itinihaya. Pagkatapos ay bumangon siya, and straddled him. Her hair, like dark waterfalls fell around her face.

“What—!”

“You rotten...” she uttered an oath sa panlalaki ng mga mata nito. Gusto niyang ipakita sa asawa ang mga natutuhan niya mula rito. She’d drive him crazy tulad ng ginagawa nito sa kanya. Then she kissed him, sa paraang kung paano siya nito hinahagkan. Her hand moved down to the middle of his thighs, searching... and found it... and caressed the velvety tip.

James groaned. And when she felt him hardened in her hands, satisfaction filled her. Slowly, she raised her body and sheathed him... inch by tormenting inch...

James said something incoherently. His hands moved to cup her breasts. Chantal arched her body to give him more access while wrigling a little to tease him.

“Do you like it, sweetheart?” she asked seductively kasabay ng pag-angat ng katawan upang pakawalan ito.

James sucked his breath. “Don’t sweetheart me, you little tease!” Pagkuwa’y hinawakan siya nito sa mga balikat, pulled her roughly down to the bed that she screamed.

Kung paanong nagkabaliktad ang posisyon nila’y hindi niya malaman. Now he was on top, gazing at her with those burning eyes.

“You’ve learned a few tricks and already you think you’re the master, huh?” he mocked lightly, parted her legs and teased her with little thrust that she moaned for more. Then drove savagely that she sucked her breath in a mixture of pleasure and pain.

“No, darling wife, you’re my slave... my beloved slave.”

At ni hindi matiyak ni Chantal kung gusto niyang magalit sa sinabi nito. Because again, he was right. She was his slave as he took her to the edge of ecstasy and beyond.

ANG SUMUNOD na dalawang linggo ay naging abala para kay James. Nagkaroon ng problema sa disteleria nang ang isang tao roon ay maaksidente at gustong makipag-meeting ng presidente ng labor union. Umuwi ito kasama si Alvaro at nanatili sa Sto. Cristo ng apat na araw. Hindi nito isinama si Chantal dahil mas na ang buong panahon nito’y mauukol sa pakikipagpulong sa mga tauhan ng rancho at sa disteleria.

Nang bumalik ito’y tatlong araw namang sunod- sunod ang meeting nito sa Maynila. At sa tuwing uuwi ito sa gabi’y hindi pa man lang nailalapat halos ang katawan sa higaan ay tulog na ito.

A week after ay kailangan naman nitong umalis muli para sa tatlong araw na live-in seminar sa Cebu.

“Gusto kitang isama, Chantal,” wika nito. “But it isn’t practical. Gabi lang ang libreng oras ko at wala na tayong mapupuntahan sa oras na iyon.”

“I’ll be fine,” aniya at inayos ang gamit nito sa luggage.

Hinapit siya nito at hinagkan sa mga labi. “We could do a quickie, couldn’t we?”

She laughed. “For pete’s sake, James, nakabihis ka na’t lahat!”

“Who cares,” wika nito. “It’s been ages since we made love...”

Itinulak niya ito patungo sa pinto. “You’ll be late. Kapag na-traffic pa kayo ni Josue sa Bacoor, maiiwan ka ng eroplano...”

“I’ll make it up, darling,” pangako nito, passion burned in his eyes at hinagkan siya sa mga labi. “Pagkatapos ng mga abalang ito, we’ll set sail to anywhere we fancy. For a month... There will be no crew, just the captain, so I could make love to you on deck in broad daylight.”

She smiled. “I like that.”

“Don’t you know that just thinking about it now you’re turning me on?” he said huskily.

She rolled her eyes. At nang akmang hahagkan siya nito’y kumatok si Adora sa pinto. He uttered an oath.

“James, tumawag ang sekretarya mo. Daanan mo raw si Mr. Chan sa Las Pinas, his driver couldn’t make it.”

“Damn!”

Chantal laughed.

PINILIT ni Chantal na bumangon nang umagang iyon. Kung hindi lang siya nangako kay Adora na sasamahan ito sa palengke ay gusto pa niyang magbabad sa higaan. Nahihilo siya. Siguro dahil hindi niya ginamit ang correction glasses niya nitong nagdaang mga araw.

Matapos maligo at magbihis ay bumaba na siya. “Nag-iisip ako kung lalakad na lang mag-isa sa palengke o gigisingin kita,” bungad ni Adora nang bumungad siya sa kusina.

“Masama ang katawan ko, Adora.” Hinila niya ang stool sa breakfast counter at naupo roon. “Hindi ko gustong bumangon...”

Sandali siyang tinitigan ni Adora pero hindi kumibo at kumuha ng tasa at platito. “Igagawa kita ng tsokolate. Ano ba ang gusto mong almusal?”

“Kahit na ano,” patamad niyang sagot. Inabot ang bread basket at inalis ang cloth na nakatakip doon. Agad ang pagngiwi ng mukha niya. “Adora, ano ang amoy na—” Hindi niya natapos ang sinasabi, tutop ang bibig ay halos takbuhin niya ang lababo at doon nagduduwal. At dahil iyon ang ikalawang pagduduwal niya mula kaninang umaga’y halos wala rin naman siyang inilabas.

Nilapitan siya ni Adora at hinagod sa likod. “Garlic bread ang nasa bread basket, ano ba ang naamoy mo roon?”

“Garlic bread?” Napatuwid siya ng tayo, inabot ang paper napkin at pumilas at pinunasan ang bibig. Pagkuwa’y napatingin kay Adora na nakatingin din sa kanya.

“Iyon ba ang nagpaduwal sa iyo?” kalmanteng wika nito. Nanunuri ang mga mata.

“Adora... hindi kaya... naglilihi na ako?” Pinamulahan siya ng mukha roon at agad niyang iniwas ang mga mata. Kung sa kanya mismo nanggaling iyon ay para na rin niyang inamin kay Adora na tuluyan na niyang ginampanan ang tungkulin bilang asawa ni James.

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ng matandang babae. “Iyon nga sana ang sasabihin ko sa iyo. Pero para makatiyak ay tayo na sa bayan at nang makapagpa-checkup ka.”

POSITIVE ang resulta ng pregnancy test niya. At niresetahan siya ng mga bitamina ng OB-GYNE na pinagpatingnan nila. She was so excited nang makauwi sa bahay matapos samahan si Adora sa palengke.

She was pregnant! Natitiyak niyang ikatutuwa ni James iyon. At hindi siya makapaghintay na umuwi ito sa kinabukasan. Tinawagan niya ang numero ng cell phone nito upang ibalita rito ang pagdadalang-tao niya. But James’ phone was probably off dahil iisa ang sinasabi ng boses sa automated telephone system— subscriber is out of reach, try your call later...

Ipinasya niyang tawagan ang hotel na tinutuluyan nito, ang Waterfront. Matapos niyang ibigay ang pangalan ni James at ang iba pang detalye kung bakit ito naroroon sa hotel ay ibinigay ng reception ang room number sa kanya.

“He’s in room 305, Ma’am,” wika nito. “I’ll connect you now.” Nagpasalamat siya at naghintay. Matapos ang apat na ring ay may nag-angat ng telepono sa kabilang linya.

Ang antimanong balak niyang pagbigkas sa pangalan nito’y napigil sa lalamunan niya nang marinig ang tinig ng sumagot.

It was a woman!

“Hello... hello...” ang kabilang linya.

“Who’s that, Sylvia?” Iyon ang narinig niyang tinig sa background. Tinig ni James. Hindi siya maaaring magkamali.

“Wala, darling,” ang malambing na sabi at saka ibinaba ang telepono.

Nanatiling nakatitig sa telepono si Chantal gayong ilang sandali nang naibaba iyon ng kabilang linya.

Sylvia. Sylvia.

Iyon ang pangalang narinig niyang inusal ni James. A spasm of pain crossed her chest. Kasama ni James sa Cebu ang ex-fiancee nito. Hindi niya pinagdududahan ang seminar nito dahil alam niya ang mga detalye, subalit ang makasama nito sa loob mismo ng hotel room ang babaeng iyon ay hindi niya kayang ilagay sa isip niya.

In trembling hands, ibinalik niya sa receiver ang telepono, and then the tears came. Heart-wrenching sobs racked her body. How could everything that had seemed right go wrong? They’d been happy the last few weeks.

But, no. Wala naman talagang tama sa simula pa lang. James married her for the wrong reasons. Ang tanging tama ay ang damdamin niya nang matuklasan niyang iniibig niya ito. Perhaps she had loved him right from the moment she laid eyes on him. Fell for his charm hook, line and sinker.

At nitong nakaraang mga linggo’y nagtiwala siyang ang susunod na mga araw ay walang katapusang kaligayahan. She could almost feel that he loved her, too. May mga pagkakataong nagigisnan niya itong nakatitig sa kanya, at halos tinitiyak niya sa sariling may pagtingin din ito sa kanya. At tuwina’y naroon ang pag-asa.

Now, things began to fall into place. It was just sex. Though it wasn’t pure and simple. Because her emotions got involved... deeply.