A LVARO paled and looked shock. Pagkuwa’y humugot ng malalim na paghinga. Inihilamos ang kamay sa mukha. Suddenly, he looked ten years older. At bigla rin ay nakadama ng guilt si Chantal. Ano ang karapatan niyang usigin ang matandang lalaki?
“I never blamed him for my wife’s death...” Halos hindi marinig ni Chantal ang sinasabi nito. “Ikaw ang kauna-unahang kinaringgan ko nang ganyan...”
Sandali siyang nalito. “I–I am sorry... perhaps—”
“Perhaps many people thought so, too. I realized that just now. Lalo na marahil ang mga magulang ko.” Muli nitong pinuno ng hangin ang dibdib. “I didn’t blame James for his mother’s death. Kristine’s obsession to give me a son killed her.”
“Then why?”
“James didn’t need me when he was a little boy and when he was growing up. Or so I thought.” Then he smiled bitterly. Pagkatapos ay tinitigan siya. “Perhaps you’re right. I have a distorted way of showing my love for my son. But James, as a child was strong... healthy. At habang lumalaki siya’y napakarami niyang achievements. He was a champion swimmer, a racer. He excelled in everything. He was a Navarro through and through and I am so proud of him. My parents are proud of him...
“Subalit hindi niya katulad si Quinn. Ang panganay at bunso kong lalaki’y milya-milya ang kaibahan sa isa’t isa. Alam ni Quinn na basta na lang siya iniwan ng kanyang ina sa akin. Alam niya rin kung nasaan ang ina niya and he had tried to communicate with her sa tuwing nasa Amerika siya but his mother made it sure she had nothing to do with him.”
“Oh.”
“Yes. And that hurt him so much. And then he was such a sickly boy. Part of his childhood was spent in hospitals. He could not do the things normal children do. May asthma siya at ang komplikasyong kasama niyon. And he had no one else but me, Chantal...
“Siguro’y sa pagnanais kong pagtakpan ang kawalan niya ng ina at ng pagiging masasakitin niya’y nalimutan kong iyon din ang kailangan sa akin ni James... that he’d lost his mother, too.” Tuluyan nang nabasag ang tinig ni Alvaro sa bahaging iyon.
Chantal’s heart went out to her father-in-law. Nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito sa pinipigil na luha. Her throat constricted.
“When James first brought you here, nakita kong isa kang mabuting babae. I am a very good judge of character. You were nothing like that bitch of a woman who jilted him. I saw how you stammer when he was talking to you, bullying you... I saw how you fear my son. Oh, well, I know it’s not as if you think he’d hurt you. James would never hurt a woman.
“And you both reminded me of myself and Kristine when we first met. At nang makita ni Adora na nahihilo at nagsusuka ka, I was ecstatic. I urged her to convince James you were pregnant... na tiyakin niyang kilala namin ang doktor na maaaring pagdalhan sa iyo ni James para magpatingin. No doctor would refuse what I would have offered him para lang sabihin niyang nagdadalang-tao ka.”
Chantal gasped.
“Yes. Quinn wasn’t capable of bearing a child. I could memorize his medical records which he hadn’t had a slightest idea. I’m glad Quinn made that deathbed wish for you and James to be married. Though it wasn’t after I had recovered a little from his demise. I want you to give James the family he wanted so much. At umaasa akong sa sandaling matuklasan ninyong pareho ni James na hindi ka naman pala nagdadalang-tao’y natutunan na ninyong pakibagayan ang isa’t isa.”
“And Renz?”
“Part of the plan. Pinakasalan ka ni James dahil sa binitiwan niyang pangako kay Quinn at sa pamimilit ko. Alam kong hindi niya ako bibiguin. At gusto kong pukawin ang damdamin ng anak ko sa iyo. Gusto kong pagselosin siya. Hindi siya magseselos kung wala siyang pagtingin sa iyo. At kahapon ay nakita ko ang galit niya sa pinsan niya mula rito sa itaas.”
Hindi malaman ni Chantal ang iisipin. She sighed. “You’re right, Papa. Nagagalit si James. Hindi nagseselos. Sinong asawa ang hindi magagalit kung ang asawa niya’y niyayakap at hinihipuan ng ibang lalaki.”
“Believe me, Chantal... just give my son a chance, and he will fall for you.”
“You’re a manipulative man, Papa.” She was a little amused. “You coerced James into this marriage at pagkatapos ay pinlano mong pagselosin naman siya sa pamamagitan ni Renz. Being an old man must be a bore, kaya kung ano-ano na lang ang naiisip ninyo.”
“You are starting to love my son, Chantal. Perhaps you already did. I could see it—”
“Alam kong mahirap maka-recover mula sa pagkawala ng isang minamahal kahit matagal na. I still missed my parents so much. Pero bakit hindi ninyo subukang bumalik at manirahang muli sa Alta Tierra, Papa? Make yourself busy. You used to run the ranch. Loved the place so much, ayon sa mga taong nakausap ko roon noong kasal namin. I’m sure James wouldn’t mind.”
Sandaling kumislap ang mga mata ni Alvaro. “And what do I get in return?”
She almost rolled his eyes. “Bittersweet memories, Papa. Enough to keep you alive and strong. That and if you could show James that you love him... slowly... then I promise to give you dozens of grandchildren to spoil with...”
“And haven’t you started it yet, my dear?” he teased.
Muling napasinghap si Chantal at pinamulahan ng mukha. Damn the old man!
She turned toward the door. “Aalis na kami ngayon...”
“Tell James not to drive fast,” wika nito.
“Bakit hindi ikaw ang magsabi niyan?” she challenged. “Aantalahin ko ang pagbaba sa dining room.”
“I SAW you and father talking. Kinakabahan akong baka sinabi mo sa kanyang hindi ka nagdadalang- tao...” ani James nang nasa daan na sila.
Kunot-noong napatitig siya rito. Paano niya sasabihin ditong alam ni Alvaro na hindi siya talaga nagdadalang-tao nang hindi ito magagalit sa ginawa ng ama?
“Subalit nang paalis na tayo’y mahigpit niyang pinisil ang balikat ko. Almost as if he wanted to embrace me... And for the first time in my whole life he said something that really shocked me and both my grandparents...”
“Na mag-ingat ka sa pagmamaneho mo,” aniya and smiled faintly. “Your father loves you, James,” aniya. “Marahil ay iba lamang ang pamamaraan niya ng paghahayag niyon. Hindi marahil katulad ng paraan ng pagpapakita niya kay Quinn dahil ikaw iyong uri ng taong sa tingin ay hindi nangangailangan ng affection. You are so sure of yourself. A man of your own. But he loves you. Give him the chance.”
Sandaling hindi kumibo si James. Nakatitig lang sa daan, his face thoughtful. Pagkuwa’y nilingon siya.
“He said something about going back to Alta Tierra and manage the ranch for me. Iyon ba ang napag-usapan ninyo?” Nagdududang nilingon siya nito.
“Nang makita mo kami’y nagpapaalam lang ako...” It was half-truth. “Pero okay lang ba sa iyo na bumalik ang p apa sa rancho?”
“Okay? Lord, Chantal, I’ll do anything in my power para lang makitang maging abala at masaya uli ang p apa! He loved the ranch. Sa magkakapatid, siya ang ganoon katindi ang pag-ibig sa lupaing iyon. At nang iwan niya ito nang mamatay ang m ama’y nakadagdag iyon lalo sa kalungkutan niya.”
Tumango siya. At least, may unti-unting mababago sa relasyon ng mag-ama. At hindi niya kailangang sabihin dito ang iba pang mga sinabi ni Alvaro. James didn’t love her. Kung sakaling nagagalit man ito kay Renz kagabi, it didn’t mean he was jealous of his cousin. She was his wife at kahit na sinong lalaki ang lumagay sa katayuan nito’y magagalit din.
Kahit ang tungkol kay Renz ay hindi na kailangang malaman nito. Marahil ngayong alam na niya’y hindi na ipagpapatuloy ni Renz ang utos ni Alvaro.
Muli’y nilingon siya nito makalipas ang ilang sandali, hinagod ng tingin sa suot niya. Then he smiled devilishly.
“I almost forgot to tell you that you look sweet and sexy. I couldn’t wait to see you pregnant.”
She blushed at umiwas ng tingin. Itinuon ang atensiyon sa labas ng sasakyan. Pagkatapos ng komentong iyon ay hindi na nagsalita pang muli si James. He was driving fast subalit kontrolado na hindi nakadama ng takot si Chantal. Hustong isang oras ay nasa bahay na sila. Sinalubong sila ni Adora na nauna nang umuwi umaga pa lang.
“Patungo kaming Sto. Cristo ngayon, Adora,” ani James nang makababa ng sasakyan. “Ipatawag mo si Calixto upang ihanda ang lantsa.” Chantal would know later na ang tinutukoy ni James ay isang tauhan na nakatira sa malayong bahagi ng lupaing iyon, malapit sa dagat kung saan may munting pantalan.
“Idadaong ko sa Batangas marina ang yate, sabihin mo kay Josue na salubungin kami roon makalipas ang dalawang araw.”
“Anong gusto mong ihanda ko?” tanong ni Chantal bago pumanhik.
“A couple of clothes,” wika nito, at nang nasa hagdan na siya ay inihabol, “Huwag kang magdadala ng marami. A swimsuit’s fine. Hindi mo kailangan ng damit kapag nasa yate tayo. Malibang lalabas ka sa deck...”
She rolled her eyes at nagmadaling pumanhik bagaman hindi niya maiwasang hindi mag-isip sa sinabi nito. She started fantasizing herself and him, naked. Sa cabin ng yate sa loob ng dalawang araw. Excitement ran through her. And she couldn’t wait for her fantasies to come true.
Nang bumaba siya’y nasa garahe na si James. Kinuha nito ang maliit na traveling bag mula sa kanya at inihagis sa backseat.
“I would have preferred horses patungo sa pantalan dahil natitiyak kong hindi ka pa nakakasakay kahit noong nasa Alta Tierra ka.” Then he grinned at tinitigan siya mula ulo hanggang paa at pabalik. “But I’m a very considerate husband, my darling wife. After last night, you wouldn’t be able to ride a horse astride.”
She turned red. “You’re wicked...” padabog niyang sabi at pumasok na sa loob ng pickup.
“And you’re sexy...” he countered, grinning at her. Pagkatapos ay umikot na sa driver’s seat.
Isang madamo at pataas na landas ang tinatahak ng four-wheel drive, at natitiyak niyang bibihirang madaanan iyon ng sasakyan. Puro berde ang kapaligiran at habang paakyat sila’y namimingi siya. She hadn’t been there long para mapasyalan ang dakong iyon ng propriedad ni James.
If they used horses at kung marunong siyang mangabayo, natitiyak niyang mag-e-enjoy siya nang labis. Nang nasa Alta Tierra siya’y hindi niya magawang makapangabayo, she was in mourning. At ilang araw ding hindi siya lumalabas ng silid. Nag-iisip kung ano ang mangyayari sa buhay niya kung hindi siya magdalang-tao.
They were on top of the hill when James killed the engine. Halos magkapanabay silang bumaba ng sasakyan.
“Oh, my!” bulalas ni Chantal nang makita ang view mula sa kinatatayuan nila. Sa kabila ng mga nagtataasang puno at bulubunduking natatanaw niya sa balkonahe ng bahay ay ang Taal Lake. “Saang bahagi ito ng Tagaytay, James?”
“Boundary. Ang kabila ng barbed wire na iyon ay ang bayan ng Payapa.” Itinuro nito ang bakod na barbed wire kung saan ang hangganan ng propriedad. “At ang dakong iyong natatanaw mo’y ang bayan ng Taal.”
“It’s almost like Alta Tierra!”
“Almost but not quite,” sagot nito. “There’s no place on earth like AltaTierra and soon I will inherit that place,” he said with so much passion in his voice. “Ang lupaing ito’y matagal nang nabili ni Lolo. Nang tanungin niya ako kung alin sa mga lupain ang gusto kong ibigay niya sa akin ay pinili ko ito. Alam kong hindi ipamamana sa akin ng Papa ang Alta Tierra. He had always favored Quinn... In a way, I was jealous of him. Lalo na at sa kabila ng lahat ay bale-wala kay Quinn ang lupain. He had always wanted to get away from that place, to make a life of his own. Pero hindi niya gustong saktan ang Papa...”
“At... ngayong wala na siya, walang ibang magmamana kundi ikaw.”
Nilingon siya ni James. Pinagmamasdan ang buhok niyang banayad na nililipad ng mabining hangin. “Yes,” he said, and then sighed sadly. “But don’t get me wrong, Chantal. If Alta Tierra could bring back Quinn’s life, I’ll gladly trade it. Tama si Quinn, hindi lang naman pera ang makapagpapaligaya sa tao. He wanted so much to please my father... he regretted not being able to bear the Navarro name, and he was always sick through out his life...”
Gustong umiyak ni Chantal sa lungkot na nasa tinig nito. Both Alvaro and James had loved Quinn sa kani-kanilang paraan. At ang dalawang magkapatid ay hindi kailanman nanaghilian sa isa’t isa sa negatibong paraan. While the other wanted to please Alvaro, James wanted Alvaro’s attention and love.
If only life weren’t so complicated.
Pinuno ni James ng hangin ang dibdib. “My grandparents love me at sinikap nilang ipagkaloob sa akin ang bagay na nakaligtaan ni Alvaro. At alam nilang hindi sapat ang pagmamahal nila. All my life, gusto kong makita ng p apa ang mga ginagawa ko, ang mga achievements ko... Sa lahat ng ginagawa ko, I always do my best para mapansin ng p apa.” He shrugged. “Wala na si Quinn pero parang kasama niyang namatay ang damdamin ng Papa...” Nahinto ito sa pagsasalita nang may umalpas na hikbi sa kanya.
“Chantal?”
“I–I’m sorry...”
“For me?” Tumigas ang anyo nito. “Don’t, Chantal,” he warned. “I’m a ruthless and hard man, remember? Hindi ko kailangan ng awa.”
“Hindi ako naaawa sa iyo, James,” she said sniffing. “You’re strong and healthy and rich. At maraming tao ang gustong makipagpalit ng lugar sa iyo. Even your own brother! And please believe me when I say that your father loves you.”
“Perhaps he does,” wika nito, wala sa loob na tinanaw ang daan-daang baitang ng hagdanang lupa pababa sa baybayin at patungo sa pribadong pantalan na pagdadalhan ng lantsa.
“At kung may maibibigay ako para makabawas sa kung ano mang nararamdaman mo, I ’ll gladly give it to you,” she added in a whisper.
Marahas ang ginawa nitong paglingon sa kanya. “Meron, Chantal,” wika nito. Hinawakan siya sa magkabilang balikat at iniharap.
“W-what?”
“Do you know how lovely you are?” he said huskily, his eyes caressed her face. Lifted a few strands off her face gently. “And do you have any idea how much I want you again?”
Nakatitig lang siya rito, hindi makahagilap ng sasabihin.
“I want your body, Chantal. Gusto kitang angkinin ngayon,” he said in a ragged voice. “Dito mismo. Sa ilalim ng panghapong araw... na ang saksi ay ang mga ibon sa himpapawid, ang mga ulap, ang mga puno. No foreplay. With our clothes still on. I’ll make it quick. At gusto kong malaman mong hindi ako kailanman nakadama ng ganito sa kahit na kaninong babae. So please say yes.”
She was stunned, speechless. The passion in his voice moved her. The desire in his eyes created havoc with her senses. Just the thought of him inside her sent her blood soaring through her head.
At hindi niya kailangang magsalita. Natitiyak niyang nakikita ni James sa mga mata niya ang sagot. He sweeped her up in his arms at binuhat patungo sa ilalim ng punong akasya at isinandal siya roon.
Then he kissed her hard, raised her skirt and pull down her briefs in haste. Tila musika sa pandinig niya ang tunog ng pagbababa ng zipper ng maong nito. Then he parted her legs with his hand and she gasped and held her breath when he lifted her and raised her legs to curl them around his hips and finally entered her.
Agad ang pagtugon ng katawan niya. She met every deep thrust. At sa loob lamang ng ilang sandali’y tila dinala siya nito sa gilid ng bangin at nagpatihulog. Subalit hindi niya nagawang makarating sa lupa. It was over soon. And James shuddered as he poured his seed into her.
Then he lowered her to her feet. Embraced her at idinikit ang ulo sa noo niya habang naghahabol ng paghinga. May kung ilang sandaling nanatili ito sa ganoong ayos at saka idinistansiya ang katawan mula sa kanya.
“W-why?” naguguluhang tanong niya nang makitang puno ng pag-aalala ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya.
“It was quick.”
“Alam ko,” sang-ayon niya.
“Hindi ka nagagalit?”
She smiled tenderly. “An appetizer. Gusto kong malaman kung kailan ang talagang pagkain...”
Sandali lamang ang pagkamangha sa mukha nito. Then his bark of laughter echoed throughout the place. May mga ibon siyang natanaw na nagliparan mula sa malalapit na puno na marahil ay nabulabog sa lakas ng tawa nito.
Mahigpit siya nitong niyakap, napakahigpit na may palagay si Chantal na mababali anumang sandali ang mga buto niya sa dibdib. But she didn’t mind. And realized for the first time that she loved this complex of a man. Her husband.
Na ang pag-ibig na nararamdaman niya kay James ay hindi maaaring ihambing sa pagmamahal na naramdaman niya kay Quinn. Her feelings for James were of different level and intensity. Ang pagmamahal niya kay Quinn ay na-motivate ng pangangailangan at ng pagiging mabait at mapagkalinga nito. Na ang pagmamahal na inukol niya kay Quinn ay maihahalintulad niya sa pagmamahal para sa isang kapatid... sa isang kaibigan.
While she loved James with all her heart, body and soul.