“B AGAY naman sa iyo ang nakasalamin,” ani Adora nang sa pag-uwi niya’y may suot na siyang salamin sa mata at matapos niyang masabi ritong hindi naman pala siya nagdadalang-tao.
Pagkagaling sa OB-GYNE ay nagtuloy na sila ni James sa ini-refer na ophthalmologist. May astigmatism siya at kailangan niyang magkaroon ng correction eyeglasses. Iyon ang dahilan ng pagsakit-sakit ng ulo niya at pagduduwal.
“Kung sa bagay, sino ba naman ang mag-iisip na hindi ka nagdadalang-tao? Kahit na nga ba nagpadalos-dalos si James at hindi na hinintay na makapagpatingin ka,” patuloy ni Adora. Not bothered by the fact that she hadn’t been pregnant at all. “Nagsama kayo ni Quinn sa iisang bubong, pagkatapos ay hindi dumating ang buwanang-dalaw mo sa takdang araw at sinamahan pa ng pagduduwal at pagkahilo mo...”
Nagbuntong-hininga siya. Inalis ang salamin sa mukha at inilapag sa working counter. Naninibago siyang suot iyon.
“Ngayong wala naman pala ang talagang dahilan ng pagpapakasal niya sa akin, nakokonsensiya ako, Adora. Natali si James sa akin... at sinabi niyang wala siyang balak ipa-annul ang kasal namin. At naguguluhan ako nang sabihin niyang natutuwa siyang hindi ako nagdadalang-tao,” tuloy-tuloy niyang sabi. Pero hindi niya idinagdag ang huling sinabi ni James.
“Malaki ang pagpapahalaga ni James sa pag- aasawa, Chantal. Hindi iyon magiging dahilan upang ipawalang-bisa niya ang kasal ninyo.
Somehow, may sekyuridad na dulot ang sinabing iyon ni Adora sa dibdib niya. “Ang sabi ni James ay wala kaming dapat sabihin sa p apa, Adora. Iyon ang inaalala ko.”
“Siguro’y para hindi makadama ng muling pagkabigo si Alvaro, Chantal,” katwiran nito. “Hindi pa siya nakaka-recover sa pagkawala ni Quinn. Inaasahan niyang nagdadalang-tao ka at umaasang makalipas ang walong buwan ay makikita na niya ang anak ninyo ni Quinn ”
“Oh, Adora,” she said miserably. “Ano ang gagawin ko? Hindi namin maitatago sa Papa ang katotohanan. Lilipas ang mga buwan at hindi lalaki ang tiyan ko.”
Tinitigan siya nito nang may ilang sandali bago nagsalita. “Bakit hindi mo gawing totoo ang pagsasama ninyo ni James, Chantal?”
Lumipad ang mga mata niya rito. “W-what are you suggesting?”
“Alam mo ang ibig kong sabihin,” wika nito, a smile formed her lips at saka lumakad patungo sa pantry at kumuha ng tomato sauce. Inilapag iyon sa working counter kasama ang ilan pang rekado sa pagluluto.
“Hindi ko kayang isipin ang sinasabi mo, Adora!” namumula ang mukhang sabi niya. “I... I love Quinn, at—”
“Wala na si Quinn, Chantal,” putol nito sa sasabihin niya. “At kilala ko si Quinn. Madali para sa sinuman ang maakit dito. Mabait at mahinahon. He could easily make people love him. At hindi ko gustong pagdudahan ang damdamin mo sa kanya. Pero ayon sa pagkukuwento mo, si Quinn lamang ang tanging taong maaaring makapagligtas sa iyo mula sa tiyuhin mo. At ipinagkamali mong pag-ibig ang pagiging harmless nito...”
“Adora—”
“Hayaan mo muna akong matapos,” patuloy nito at ibinaba ang kutsilyo sa counter. “Maraming uri ng pag-ibig, hija. At magkaibang-magkaiba ang magkapatid. James had this overpowering aura. Pero hindi marahil dahilan upang makadama ka ng takot sa kanya dahil alam mong sa pisikal na paraan ay hindi ka niya sasaktan. At naisip mo na rin ba kung bakit hindi mo kayang tingnan siya nang deretso? That sometimes you shiver kapag nasa malapit ka?”
“Nai-intimidate niya ako, Adora...” nalilitong sagot niya.
Adora smiled knowingly. “Marahil. Pero pag- isipan mo ang sinabi ko at ikaw ang magpasya. Hindi ko gustong isubo sa iyo ang posibilidad at ayokong sa akin manggaling.”
Humugot siya ng malalim na paghinga habang pinanonood ang paglalabas ni Adora ng gagamitin sa pagluluto. Iniisip ang sinabi nito. Had she been drawn to James? Na tulad ng sinasabi ni Adora ay bulag, bingi at walang pakiramdam lang ang hindi maa-attract kay James?
Adora was right, she was first drawn to Quinn because of his mild nature. Quinn was handsome in a boyish way. Maginoo at mahinahon. Iyon ang mga bagay na hinangaan niya rito.
Minahal nga ba niyang talaga si Quinn? Yes. Pero ang sabi ni Adora’y maraming uri ng pag-ibig. Was Quinn had been just a lifeline nang dumating ang suliranin niya kay Mariano?
At si James? Ano ang maidadahilan niya sa damdamin niya rito? Surely you wouldn’t fall for someone because he was dead-gorgeous? That would be very shallow.
There’s sex. Iyon ang idinidikta ng kabilang isip niya. She could be attracted to him on a purely sexual level only. At hindi naman imposible iyon. James was a very good-looking man.
Perhaps she could make their marriage a real one. Tulad ng ipinapayo ni Adora. Para na rin kay Alvaro.
The thought surprised her. At unti-unti nang naglalaro sa isip niya ang maraming eksena kung paano niya gagawing makatotohanan ang kasal nila. At iniisip pa lang niya iyon ay gusto na niyang nerbiyosin. Not to mention the thrill that went along with it.
Ang pag-iisip niya’y pinukaw ni Adora. “Magpamaneho ka kay Josue pa-Maynila, tatawagan ko si Nayumi para magkita kayo sa mall.”
Kumunot ang noo niya. “Para saan?”
“Sa Lunes ng gabi’y may pampamilyang handaan sa mansiyon, darating ang matatandang Navarro. Gusto ni James na magtungo ka sa mall at bumili ng isusuot mo sa gabi ng party. Sasamahan ka ni Nayumi. Tatawagan ko siya at mag-usap kayo kung saan kayo magkikita ”
SA LANDMARK parking lot nagkita ang dalawang babae. Pinauwi na ni Nayumi si Josue at sinabing ito na lang ang maghahatid kay Chantal pauwi sa Tagaytay.
“This is the best thing I like,” natatawang wika nito at ikinawit ang braso sa kanya. “Shopping. Binigyan ka ni James ng sariling credit card, `di ba?”
Tumango siya. Kasama ng isang ATM card ay ibinigay ni James ang mga iyon sa kanya nang araw na manggaling sila sa ophthalmologist. Bumili raw siya ng anumang bagay na kailangan niya.
“Pati na rin ATM card,” aniya. “Hindi ko nga gustong tanggapin dahil may sarili naman akong pera pero nagpilit siya at alam kong magagalit kapag nagmatigas ako.”
“Loka,” natatawang sabi ni Nayumi. “You’re a novelty, Chantal. Iyong ibang babaeng nakarelasyon ni James, umaasa ng mamahaling regalo kung hindi man pera.”
“Hindi ako ibang babae, Naya, I’m his wife. Ano pa ba ang maaari kong kakailanganin? He is providing me everything I need... at kahit nga iyong mga hindi ko kailangan. At natitiyak kong sobra-sobra ang laman ng ATM card na ito.”
“Huwag mong gawing issue iyan.” May inabot itong bestidang naka-hanger sa rack. “Look at this, bagay sa iyong tiyak ito... at ito rin...”
Ilang sandali pa’y nagkakatuwaan na silang dalawa sa pamimili. Hindi lang isang party dress ang gusto ni Nayumi na bilhin niya. Iba’t ibang style ng damit at napakaraming gamit pambabae ang itinuro nito. Mula sa underwears hanggang sa pabango at makeup. At aminin man niya o hindi, nag-e-enjoy siya. No wonder shopping ang isa sa mga weaknesses ng mga babae.
Pagkatapos nilang mamili ay pumasok sila sa isang kilalang coffee shop and was shocked to learn that a cup of coffee would cost so much. Hindi pa sila natatagalang makaupo nang mula sa pinto ng coffee shop ay sumungaw si Renz. Nagulat pa ito nang matanaw sila. Kinawayan ito ni Nayumi.
“Hi, ladies...” nakangiting bati nito. Hinila ang isang silya at naupo. “Shopping?”
“Yeah. Hindi na nga kami magkandatuto sa pagbuhat, eh,” ani Chantal.
“I’m not surprised. Naya’s a shopping bug.”
“Why are you in this area, Renz? May kausap ka ba rito?” tanong ni Nayumi, then sipped her iced cappucino.
“Yap, but got stood up,” nakatawang sabi nito sabay sulyap kay Chantal and winked at her. Siya namang pagtunog ng cell phone ni Nayumi, dinukot nito iyon sa bag at sinagot.
Kinawayan ni Renz ang waiter at humingi ng kape. Si Chantal ay nahulaang si Alvaro ang kausap ni Nayumi sa kabilang linya. Hang sandali pa’y ini-off na nito ang cell phone at muling ipinasok sa bag.
“Oh, Chantal,” wika nito, “tumawag ang Papa, nagpapasundo sa barber shop. And knowing my father, tutuloy pa iyon sa massage parlor pagkatapos.”
“It’s all right, Naya,” walang anumang sabi niya. Hindi ikagagalit ni James kung matatagalan sila sa pag-uwi kung dahil lang sinamahan nila si Alvaro.
“No, no. Matatagalan ang Papa sa barber shop.” Binalingan nito si Renz nang biglang may pumasok na ideya rito. “Ikaw na lang kaya ang maghatid kay Chantal, Renz? Is it okay with you? Wala ka bang appointment?”
Renz shrugged his shoulders. “Libre ang oras ko...”
“That’s great.” At bago pa may masabi si Chantal ay nasa kanya na uli ang pansin ni Nayumi. “I’m sure you won’t mind, Chantal. Napaka-wrong timing naman kasi ng p apa, eh. Don’t worry, Renz’ a good company, ginagarantiyahan ko.”
“Chantal’s in good hands, Naya. Go ahead.”
“You’re an angel, Renz,” wika nito at binuhat na ang sariling shopping bag. “Gotta go, Chantal, pasensiya ka na.”
“O-okay...” marahang sabi niya. Nabigla ma’y hindi na rin siya kumibo. Sinundan ng tanaw ang paglabas ni Naya ng coffee shop.
Sinulyapan ni Renz ang relo niya. “Six-thirty. Let’s have an early dinner somewhere else bago umuwi. Sandwich lang ang tanghalian ko.”
“S-sure. Pero paano ang in-order mo?” Dinukot nito ang portamoneda sa bulsa ng pantalon at kumuha ng bill at sinenyasan ang waiter bago inilapag iyon sa mesa at hinawakan na siya sa siko at iginiya palabas.
They went fine dining. At hindi maitatanggi ni Chantal na nagustuhan niya ang mga pagkaing in-order ni Renz nang ipaubaya niya rito ang pag- order para sa kanya. Natitiyak niyang French ang lengguwaheng nakasulat sa menu na kung may English translation man sa ilalim niyon ay hindi rin naman siya familiar sa pangalan ng mga pagkain.
She looked around her. The place was elegant, at nakikita niyang puro may mga sinasabing tao ang mga naroroong customers. At kung hindi nakamaong din lang ng pantalon si Renz at puting sport shirt ay baka nailang na rin siya sa suot niya.
Marahil ay walang dress code sa restaurant na iyon na nasa loob ng isang five-star hotel.
Renz was handsome and charming. Maraming mga kababaihan ang nagtutuon ng tingin sa dako nila. Kahit ang ilang mga kalalakihan ay sandaling nag-angat ng ulo nang pumasok sila kanina. Tulad ni James, he, too, had a commanding personality. Perhaps a Navarro trait dahil kahit puti nang lahat ang buhok ni Franco ay nakikita niya ang aroganteng tayo at paraan ng pagsasalita nito.
They had wine after their meal. And she thoroughly enjoyed his company, laughing with his jokes. He was a good conversationalist. They’d talked of anything under the sun. From movies to politics. At lumipas ang mga sandaling hindi niya namamalayan.
“I hope I did you justice as your date, Renz,” she said in a little insecured tone nang nasa labas na sila ng hotel at hinihintay ang pagkuha ng valet ng kotse nito.
“More than just justice, Chantal,” wika ni Renz, he stared at her with open admiration. “A man couldn’t ask for more.”
“Thank you.” She smiled at him and took the compliment with grace.
Huminto ang sports car ni Renz sa tapat nila at bumaba ang valet. Renz tipped him and opened the passenger for Chantal and let her in.
“Oh!” she exclaimed nang palabas na sila sa highway at masulyapan ang oras sa dashboard. Alas-diyes y media. “Hindi ko alam na inabot tayo ng ganitong oras.”
“We both enjoyed the night. Hindi natin namalayan ang oras. Don’t worry, Cinderella,” nakangiting sabi nito. “I’ll get you home before the clock strikes twelve midnight.”
Cinderella.
The name was aptly given. May pakiramdam siyang tila siya si Cinderella. Sino ang mag-aakalang magkakaroon siya ng pagkakataong makakain sa isang French restaurant na ang mga customers ay nasa higher echelon ng sosyedad.
Hindi lang iyon, who would have ever dreamt that from her simple life in Aurora as kindergarten teacher she would be married to a gorgeous millionaire, albeit the circumstances that brought her to this marriage.
Naalala niya si Helen. Susulatan niya ito at natitiyak niyang mamamangha ang kaibigan sa nangyayari sa buhay niya.