noveltoon logo noveltoon
James Navarro (Kristine Series 19)

Chapter 5

Ch. 5 / 21 Apr 09, 2022

S I NAYUMI ay bahagya lang na nilingon si Chantal at tuloy-tuloy na. Samantalang napahinto siya sandali sa gitna ng hagdanan nang makitang nakatayo sa puno niyon si James. Tall, dark and devastatingly handsome. At nakabadya sa mukha ang pagkainip.

Well, if someone would ask her what the devil looked like in barong-Tagalog, then she would have a definite answer. Ipinagpatuloy niya ang pagbaba bago pa manlambot ang mga tuhod niya. At pipiliin sana niyang lumihis sa kabilang bahagi ng hagdan but that would make her look foolish.

“Who chose that wedding dress?” he asked as she descended the final two steps. n agdidikit ang mga kilay nito habang sinusuri ang suot niya. “Kung damit-pangkasal man ngang matatawag iyan? I can’t believe my sister have chosen such horrible—”

“Don’t blame Nayumi,” agad niyang sabi. “A-ako ang pumili ng damit na ito...”

Lalong nagdikit ang mga kilay ni James. “You’re entitled to wear a proper wedding dress, Chantal,” he said brusquely. “This is your wedding day not your elementary graduation!”

Napahugot siya ng paghinga. Hindi maiwasang yukuin ang sarili. She had never been vain in her whole life, at alam niyang rebellion ang dahilan nang piliin niya ang ganoong uri ng damit-pangkasal.

Subalit ngayong si James mismo ang pumintas niyon ay parang gusto niyang pagsisihang pinili niya ang damit na iyon.

She bit her lip. “O-ours is not a normal marriage, James... It doesn’t matter what I wear...”

“It does to me, Chantal,” he said angrily, ang mga mata nito’y matalim na muling humagod sa kabuuan niya na gusto niyang manliit. Tila ba anumang sandali’y hahablutin nito ang damit sa katawan niya at pagpupunit-punitin. “And just in case you forgot, this is also my wedding day... At hindi katulad ng kasal ninyo ni Quinn, ang magiging seremonyas ngayon ay legal... It would bind you to me... as my wife!”

“Hindi sinasadya ni Quinn na hindi maging legal ang kasal namin!” pagtatanggol niya kay Quinn. Nasasaktan siyang marinig na tila ipinahihiwatig ni James na niloko siya ni Quinn at sadyang hindi ginawang legal ang kasal nila.

“Yes! But it was just like him to forget something as important as legalizing his marriage.”

Nanlaki ang mga mata niya sa akusasyong iyon ni James sa kapatid na wala na para ipagtanggol ang sarili. At gusto niyang tumakbo palayo sa lalaking ito sa sandaling iyon... He wasn’t like Quinn at all. Quinn was mild, gentle and caring. Gusto niyang isigaw rito na hindi kailangang pakasalan siya nito... Instead tears filled her eyes.

James muttered an oath at tumingala sa kisame. “I really don’t understand why you women could cry in a drop of a hat,” he said drily. Then his arms went around her and pulled her to his chest. “Come now, Chantal, don’t cry...” His voice had changed to a gentler tone. Dumukot ng panyo sa bulsa ng pantalon at ibinigay sa kanya.

Ang biglang pag-iiba ng tono at kilos nito’y nakalito kay Chantal. Wala sa loob na inabot ang panyo mula sa kamay nito.

Parang araw at gabi ang kaibahan nina James at Quinn. Quinn was fair, of medium height at hindi malaki ang katawan, ni wala siyang makitang muscles dito. Bagaman ngayon ay alam na niya kung bakit, dahil nga buong buhay nito’y lagi na lang itong maysakit. While James was dark, big and tall, kung tatayo siya nang tuwid ay aabot lamang ang ulo niya hanggang sa may baba nito.

And while Quinn was soft-spoken, mild and reasonable, James was a big bully, arrogant and brusque.

Kumawala siya mula sa mga bisig nito. “S-salamat,” aniya, nanginginig ang kamay niya habang idinadampi sa mga mata ang panyo nito. At nang tumingala siya upang ibalik ang panyo’y nanlaki ang mga mata niya nang makitang nabasa niya ang barong-Tagalog nito.

“I–I’m sorry... hindi ko sinasadyang mabasa ang barong mo...”

Subalit hindi pinansin ni James ang huling sinabi niya sa halip ay, “Ikaw ang kauna-unahang babaeng nakilala kong sa tuwing lalapitan ko’y tila ba gustong umatras patakbo!”

May tila kung ano sa tinig nito bukod sa iritasyon. Muli siyang tumingin dito, at marahil ay nak aringgan lang niya. Dahil ang mga matang tumingin pabalik sa kanya’y kasinlamig pa rin ng yelo.

“H-hindi ako natatakot sa iyo... kung iyon ang... gusto mong sabihin.” She wanted to kick herself for stammering.

Napatingala si James and uttered something na hindi niya naintindihan. Agad ang pagguhit ng guilt sa dibdib ni Chantal. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya magawang ipalagay ang loob dito tulad ng kung paano siya kay Quinn sa una nilang pagkikita. Kung tutuusin ay wala itong masamang ipinakita sa kanya.

Nang dalhin ng chopper si Quinn nang araw na iyon, with instructions to the pilot na dalhin agad ang kapatid sa ospital, ay sa Ford Explorer nito siya isinakay. At halos may pakiramdam siyang nasu-suffocate siya sa confinement ng sasakyan habang bumibiyahe sila.

“It isn’t as if I am going to kidnap you,” James snapped at her, dahil nakasiksik na siya halos sa may tabi ng pintuan ng marangyang sasakyan. “Relax!” he commanded, brusquely, as if she were a child.

She had felt so foolish at sinikap na ipalagay ang sarili. At bagaman nanatili na itong walang kibo sa maraming oras na biyahe, dalawang beses siya nitong tinanong kung nagugutom siya. At kahit na umiling siya at sinabi niyang mas gusto niyang makarating agad sa Maynila upang masamahan si Quinn sa ospital ay huminto ito sa isang food chain sa Cabanatuan.

And though she thought she couldn’t afford to swallow anything in front of the man, naubos niya ang pagkain niya. Marahil ay talagang gutom siya dahil wala pang tanghalian nang dumating sa Aurora si James at ni hindi siya nag-almusal nang araw na iyon dahil mas inuna niyang asikasuhin si Quinn.

At sa loob ng isang linggo ni Quinn sa Intensive Care Unit ay minsan lang niya itong nakita at nakausap, that was the day before he died. Begging her to marry James kung magbunga ang minsan at madaling pangyayaring iyon... na bigyan ang magiging anak nila ng isang kompletong pamilya... na ibigay sa magiging anak nila ang karapatang maging isang Navarro na hindi nito nakamit sa sarili.

Ni hindi na niya matandaan kung paano siya sumang-ayon. Hindi niya na halos nakikita si Quinn sa mga luhang nag-umapaw sa mga mata niya. But deep in her heart she knew she wouldn’t get pregnant. Minsan lang nangyari ang pagtatalik nila—kung pagtatalik man ngang matatawag iyon. And that happened four days after their marriage. Ni hindi nga niya matiyak kung paanong nangyari iyon.

Magkatabi silang natutulog ni Quinn bagaman mas nauuna siyang nakakatulog at nagigising na lang siya kinabukasang nakabangon na rin ito. Their marriage unconsummated. Gusto man niyang magtaka’y hindi naman niya magawang magtanong dito kung bakit.

Subalit sa ikaapat na gabi mula nang ikasal sila’y nagising siyang umuungol ito. Hindi iyon ang unang pangyayaring tila nananaginip siyang may umuungol at kapag nagigising naman siya’y nakikita niyang tulog ito. Idinuduyan pa ng antok ay ibinalik niya ang sarili sa pagtulog subalit hindi humihinto ang pag-ungol.

Nang magmulat siya ng mga mata’y nakita niya itong nakasandal sa ulunan ng papag na tila dumadaing sa matinding sakit. Napabangon siya nang wala sa oras.

“Q-Quinn?”

But Quinn kept groaning in pain. Puno ng pawis ang buong katawan nito. Subalit nang hawakan niya ang braso nito’y malamig iyon.

At hindi niya alam ang gagawin. Niyakap niya ito, trying to comfort him. Hinahagkan niya sa noo at pisngi, tulad ng isang inang gustong pawiin ang dinaramdam ng anak.

In return, he took her in his arms. Kissed her back. Sa mukha, sa mga labi, sa pagkamangha niya. But she didn’t say a word. She was his wife.

“Oh, Chantal... I’m sorry... I’m sorry...”

Iyon ang sinabi ni Quinn matapos ang sandaling pangyayaring iyon. Hindi niya alam kung ano ang inihihingi nito ng paumanhin. She was a virgin and yet she wasn’t even hurt tulad ng inaasahan niya. At napakaraming katanungan ang naglalaro sa isip niya nang gabing iyon tungkol sa nangyari sa kanila. Subalit hindi niya mahanap ng kasagutan.

Subalit isang bagay ang naunawaan niya pagkatapos ng una at huli nilang pagtatalik, kung pagtatalik man ngang matatawag iyon. Walang kakayahan si Quinn na gawin ang ganoong bagay... hindi kaya ng kalusugan nito iyon.

Nanatili siya sa Alta Tierra sa nakalipas na mga linggo. Twice a week tumatawag sa kanya si James at itinatanong kung dumating ba ang buwanang dalaw niya. She was so embarrassed to discuss her period with him, subalit mapilit ito. And when her period didn’t come that month, inihanda ni James ang lahat ng dapat asikasuhin tungkol sa kasal nila.

“Sa huling linggo ng buwan ay pakakasal tayo, Chantal,” he said over the phone, sa tonong wala siyang dapat kailangang sabihin kundi sumang-ayon.

“But I... I haven’t been to the doctor, James...” sagot niya. “W-we couldn’t be so sure...”

“When are you supposed to have your period?” he asked brusquely.

She couldn’t remember the exact date. Hindi siya partikular doon noong dalaga pa siya. There was no reason to concern herself about her period. Subalit sa pagkakatanda niya’y dapat dinatnan na siya mahigit isang linggo na ang nakaraan.

“I... I suppose I’m a week late, pero hindi ba normal naman—”

“Ang sabi ni Adora ay nahihilo at nagduduwal ka nitong mga huling araw, Chantal,” putol nito sa sinasabi niya.

“Yes... b-but—”

“No buts. Pakakasal tayo sa lalong madaling panahon. Aayusin ko ang mga kakailanganin. We will be married in Alta Tierra. I have talked to my father and he was so excited about it. Gusto niyang makita ang unang apo niya. Now, maliban sa pareho tayong nangako kay Quinn, make the man happy, Chantal. He’d lost his favorite son...”

She detected bitterness in his voice at napakunot ang noo ni Chantal. At bago pa siya makapagsalita’y naibaba na nito ang telepono.

That was a week ago. Ang huling pagkakita niya rito’y noong libing ni Quinn. Hindi na ito muling nagtungo sa Alta Tierra maliban ngayong araw ng kanilang kasal. Kanina’y narinig niya ang paglapag ng Cessna sa landing area sa may gilid ng villa. And she wasn’t even sure why she’d ran to the window at pinanood ang pagbaba nito mula sa helicopter.

He was wearing a pale yellow shirt and tight faded jeans and moccasin. She’d probably never recognized Quinn in a group of people, but never this man. Mangingibabaw ito sa karamihan. Not just because James was tall but he had a commanding personality.

She didn’t even know the meaning of the word “hunk” until he saw him. Kasabay niyon ay ang pagkadama ng guilt dahil muli’y kinompara niya si Quinn dito, and then found Quinn lacking.

At marahil ay naramdaman nitong naroroon siya sa bintana ay sandali itong huminto at tumingala. At kung hindi siya humawak nang mahigpit sa pasimano’y baka bigla siyang umalis doon.

Nagsasalubong ang mga kilay nito habang nakatingala sa kanya. At hindi niya malaman ang gagawin sa self-consciousness. Iyon ang pagkakataong mabilis niyang iniwan ang bintana. Only to be confused by the violent beating of her heart.

“Naghihintay na sila, Chantal,” untag ni James sa pag-iisip niya. Hinawakan siya nito sa siko at inakay patungo sa back garden kung saan idadaos ang kasal.

Wala sa loob na nagpaakay siya. Any moment now she would be James’ wife. Bibigyan nito ng pangalan ang magiging anak nila ni Quinn... the name Quinn had been so obsessed about.

Ang tangi niyang magagawa’y magpakita ng pasasalamat, hindi iyong lagi na lang siyang nangingilag dito.

Ilang hakbang mula sa back garden ay natanaw na ni Chantal ang ilang mga taong naghihintay sa kanila.

“Relax, Chantal,” utos nito. “At kung kaya mo rin lang ngumiti ay gawin mo.”

Sumunod siya para lamang magtaka nang huminto sa paghakbang si James at umungol. “You look like as if you will burst into tears any moment!” wika nito at nagbuntong-hininga.

Agad na napalis ang pilit na ngiti sa mga labi niya. And James was right, matinding pagpipigil sa sarili lamang ang nagpangyari upang hindi siya bumulalas ng iyak.

“I–I’m sorry...”

“Stop saying you’re sorry!” he snapped. “Relax... Iyon lang ang hinihingi ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong nerbiyosin. It isn’t as if this is your first time to be wed.”

“Hindi ako ninenerbiyos!” Bahagya siyang nagtaas ng tinig.

“So what is it? Hindi mo gustong makasal sa akin, ganoon ba? Hindi ba ako dapat ang makaramdam ng ganoon? I’m marrying my brother’s pregnant wife...”

“Oh, please...” she begged, gumagaralgal ang tinig sa pagpipigil na maiyak. “I’m sor—oh, g od!”

“Damn!” James muttered in exasperation.

She winced at that. Sinikap niyang pigilin ang pagnanais na mapabulalas ng iyak. She took a deep and calming breath. James was right. Ito ang higit na dapat makadama ng nadarama niya. He was a bachelor... rich and very handsome one for that matter. Makapamimili ito ng babaeng pakakasalan. Higit na karapat-dapat. Pero heto at matatali sa kanya. More than a month ago, ni hindi nito alam ang existence niya.

“James...”

Ang maitim na mga mata nito’y bumaba sa kanya. Cold and emotionless. “What?”

“G-gusto kong magpasalamat sa iyo sa gagawin mong pagpapakasal sa akin ngayon... At kung... sakaling sa darating na araw ay... ay makatagpo ka ng... ng babaeng gusto mong talaga, I’m willing to cooperate to have this wedding annulled.” She’d managed to say, bagaman hindi niya makontrol ang bahagyang panginginig ng tinig. At umaasa siyang makitang makadama ng kasiyahan si James sa sinabi niya. Sa halip, tingin niya’y nagyeyelo ang mga mata nito.

“Why, thank you,” sarkastikong sagot nito. “Ang mga taong may kinalaman sa pagpapakasal nating ito ay natitiyak kong hindi isinama sa planong maghihiwalay tayo,” malamig nitong sagot. “Pero kung gusto mong makipaghiwalay sa akin sa darating na araw dahil nakatagpo ka ng isang tulad ni Quinn—” nagkibit ito ng mga balikat sa isang bale-walang paraan “—okay with me.” He said the last three words as if only to indulge her. “However, bago mo pag-isipan ang paghihiwalay nating dalawa, unahin mo munang pakasal sa akin. Kinakabahan akong kung aalisin ko ang kamay ko sa braso mo’y tumakbo ka palabas...”

“Pumayag akong magpakasal tayo... hindi ko iniisip na tumalikod sa huling sandali...” she said in a defiant tone.

“Thank heaven for little mercy,” matabang nitong sabi.

“Pero hindi tayo maaaring manatiling magkasama sa habang-panahon, James,” giit niya. “I mean... this marriage is in name only... and you are... you are… what I mean is...” Hindi niya maituloy ang sinasabi, pinamulahan siya ng mukha.

“I know what you mean, Chantal, at hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong mamula at hindi masabi-sabi ang gusto mong sabihin. You’ve been married!”

“Hindi mo ako kailangang insultuhin!” s he raised her voice. “Ikaw lang ang iniisip ko.”

Patuyang ngumiti ito. “Huwag mong intindihin ang sex life ko. Ako ang bahala roon. Hindi pa nangyaring nagkaproblema ako sa bahaging iyan ng buhay ko bilang lalaki. Pero ikaw—” niyuko siya nito, then the sarcastic smile instantly gone, his eyes grew darker “—dahil taglay mo ang pangalan ko, wala kang karapatang gawin ang maaari kong gawin.”

Nanlalaki ang mga matang napatingala siya rito. Tama ba ang narinig niya? Iniisip ba nitong maghahanap siya ng... ng...

Muli’y nag-init ang mukha niya sa gustong ipahiwatig nito kasabay ng paniningkit ng mga mata.

“Hindi ko alam kung bakit naisip mong maaari akong maghanap ng ibang lalaki,” she said, anger in her voice. “For me, marriage is sacred and not to be defiled!”

“Well, I’m glad, Chantal.”

Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinalubong niya ng tingin ang mga mata nito. Kung hindi siya nagagalit ay hindi niya magagawa iyon. At sa isang gahiblang sandali’y may nasilip siyang nagdaan sa mga mata nito. Something dark and dangerous.

Una siyang nagbaba ng tingin. Mariing hinawakan ni James ang likod ng braso niya at iginiya na siya palabas sa hardin.

Nang una siyang dumating sa Alta Tierra ay iyon ang paborito niyang lugar. It was a manicured lawn. Alaga ng hardinero. Carabao grass ang nakatanim sa paligid. Panahon iyon ng pamumulaklak kaya naman tila isang munting paraiso ang bahaging iyon ng bahay.

Yellow, crimson, and the dual-pink-and-white bougainvilleas were in bloom. Nakikipagpaligsahan ang mga iyon sa mga rosas na iba’t iba ring kulay... sa daisies, carnations at chrysanthemums in variety of colors at sa iba pang mga bulaklak.

There were exotic little flowers in lilac and white. Ang sabi ni Adora ay galing iyon sa ibang bansa at hindi akalaing tumubo at lumago sa klima sa Pilipinas. Na iyon ay itinanim pa ni Donya Erlinda pero namatay itong hindi nakita ang pamumulaklak niyon.

Bukod sa mga bulaklak ay natatanaw rin sa bahaging iyon ang karagatan. Dahil ilang metro mula sa hardin ay ang talampas. At naririnig din doon ang lagaslas ng tubig mula sa waterfalls na kung ikaw ay mapapagod at mauupo roon ay ipaghehele ka niyon hanggang sa pagkatulog.

She had wanted to explore the place, subalit pinagbawalan siya ni Adora na lumakad nang nag-iisa dahil hindi niya kabisado ang buong rancho.

Nayumi came a week before today at gusto sana niyang yayaing samahan siya roon. But Nayumi got so busy with the wedding preparations. Ayon dito’y hindi maaaring hindi malaman ng mga taga-Rancho Navarro ang kasal nila ni James. Totoong hindi gusto ni James na magkaroon ng mga taong sasaksi sa kasal nila—kahit kamag-anak—subalit inutos nitong magkaroon ng handaan sa rancho dahil alam nitong iyon ang inaasahan ng mga tauhan.

“Kung saan-saan na naman naglakbay iyang isip mo,” bulong ni James sa tenga niya. Then he shepherded her into the makeshift altar. “Let’s start,” utos nito sa magkakasal.