L UNES pa lang ng umaga’y pinauna nang paluwasin ni James sa Maynila sina Adora at Chantal dahil may importanteng meeting ito sa umaga. At para na rin magkaroon ito ng pagkakataong makatagpo muna ang buong pamilya.
Chantal met the whole family maliban kina Cameron at Monique na parehong nasa ibang bansa. At ikinagagalak niyang lahat ng mga Navarro ay mainit siyang tinanggap.
Nang dumating si James ay nagsisimula na ang party.
“You’re a workaholic, James,” masuyong sabi ni Beatriz. “Gusto kong magtampo dahil wala ka nang dumating kami ng lolo mo.”
Isang tawa ang pinakawalan ni James at hinagkan sa ibabaw ng ulo ang matandang babae. Pagkuwa’y sinulyapan si Chantal. “Gusto kong magkaroon kayo ng pagkakataong makilala at makausap ang asawa ko, Grandma, nang wala ang impluwensiya ko.”
“And I’m impressed, James,” ani Beatriz, ang papuri’y itinukoy kay Chantal na tipid na ngumiti.
“I wish you all the best in the world, mga apo,” ani Franco at pinisil sa balikat si James. “At dahil hindi ako nakadalo sa kasal ninyo, ngayon ko ibibigay ang regalo ko...”
James laughed habang ang isang kamay ay nakaakbay pa rin kay Beatriz. And Chantal had never seen him so happy. He obviously adored his grandparents.
“I’ll make an easy guess, Grandpa,” he said grinning. “A world trip? A house and lot or more money? I like the latter, kailangan ko ng panibagong finances para sa rancho,” biro nito.
“True, pero bagaman hindi pa stable ang mga negosyo mo’y alam kong kayang-kaya mo iyon, James,” may pagmamalaking sabi ni Franco. “You and Renz both inherited my shrewdness when it comes to business and dealing with people...”
“At kahit sa babae,” natatawang idinugtong ni Beatriz.
“But you’re my only one, Beatriz,” masuyong sagot ni Franco, laughing at the same time. “At natitiyak kong ganoon din si James sa asawa niya. At si Renz sa sandaling makatagpo ng babaeng magpapatibok sa puso niya.”
“And you tolerated the boys, Franco...” accused Beatriz softly. And Chantal listened to the exchange with mild amusement.
“Boys are boys, hija. They will sow their share of wild oats. Anyway...” Muli nitong ibinalik ang atensiyon kay James. “I decided to make one of your dreams come true, hijo. Right at this moment she is probably tied up in one of the concrete dock in Sto.Cristo marina.” He turned to smile at Chantal.
At kahit siya ay hindi makapaniwala sa sinasabi nito kung totoo nga ang nasa isip niya sa maaaring regalo ng mag-asawa sa kanila.
“Gran... Grandpa?” James stammered, his eyes wide. Hindi malaman kung tatawa o mamamangha. At sa paningin ni Chantal ay tila ito batang niregaluhan ng isang pinakamimithing laruan. Pagkuwa’y niyuko nito si Beatriz na masuyong nakangiti sa apo. “You’re both kidding me, aren’t you?”
“Pagkatapos ng regalo, apo,” ani Beatriz, “your grandfather and I will both settle in Alta Tierra, with no money.”
Ang tawa ni Franco ay tila kulog na dumadagundong sa buong study. “It’s called La Princepessa , James. Her former owner is a Roman royalty. Choose your own crew. You may change the name, if you want. The captain was well recommended and so are his mates. If you want to retain them, ikaw ang bahala.”
Gumagaralgal ang tinig ni James nang muling magsalita. And Chantal saw his eyes were brilliant. She suspected they were tears.
“I... I don’t know what to say. I don’t deserve this, Grandpa, Grandma.”
“Oh yes, you do. Now, go and dance with your lovely wife.” Kinindatan nito si Chantal and for one moment, nasilayan niya ang magiging anyo ni James sa sandaling sumapit ito sa edad ni Franco. “Don’t waste time talking to your old man. Magpapahinga kami ng lola mo. Jet lag’s catching up with us. And dammit, I wish men didn’t grow old.” Impatiently, nilingon nito ang nurse na lalaki na nasa isang sulok ng study at agad namang lumapit at pumuwesto sa likod ng wheelchair nito.
Si Beatriz ay masuyong tinapik sa pisngi si James at pagkatapos ay niyakap si Chantal. “My grandson is a fine man. Make him happy, Chantal,” she whispered in her ear.
She swallowed, unable to say something. Subalit may init na humaplos sa dibdib niya sa sinabi ng matandang babae. Kanina’y nag-usap na silang tatlo. At tiniyak sa kanya ni Franco Navarro sa matigas na tinig na anupaman ang sirkumstansiya ng kanilang pagpapakasal ay hindi niya pahihintulutan ang annulment, for as long as he was breathing.
Nasa labas na ng study ang dalawa at pareho pang nakasunod ang tingin sa pagpasok ng dalawang matanda sa silid ng mga ito sa dulo ng pasilyo sa ibaba nang lumapit si Renz.
“Hey,” bungad nito. His admiring eyes went directly to Chantal. “Let’s dance,” Nilingon nito si James. “You don’t mind, coz, do you?”
At bago pa may maisagot si James ay hawak na ni Renz sa siko si Chantal at hinila na patungo sa isang madilim na bahagi ng bulwagan at malayo sa ilang parehas na nagsasayaw.
“You’re gorgeous tonight,” Renz said huskily as he drew her into his arms. Ang kamay nito’y humaplos sa hubad na likod ni Chantal. She was wearing a thin-strapped deep red gown. Isa sa mga napili ni Nayumi para sa kanya.
Napasinghap siya. Hindi malaman kung ano ang gagawin. Mahigpit ang pagkakayakap ni Renz sa kanya na kung itutulak niya’y baka magmukha siyang kahiya-hiya. Subalit gusto niyang makadama ng malisya sa ginagawa ni Renz na paghaplos sa likod niya. Then his fingers strummed her back softly. Pumaloob nang unti-unti sa ugpungan ng gown niya sa likod.
Nanlaki ang mga mata niya. Nanayo ang mga balahibo. And she didn’t like it... didn’t like it at all. Pero wala siyang magawa upang sawayin ito.
Then as she raised her face, mukha ni James ang nakatunghay sa kanya sa may likod ni Renz. Dark and dangerous.
“Baka nakakalimutan mong asawa ko ang isinasayaw mo sa madilim na bahaging ito, Renz,” he said menacingly, inabot ang kamay ni Chantal at hinila pakawala mula kay Renz.
Humarap si Renz. “May sariling isip si Chantal, James,” he said silkily. “Alam nating lahat kung bakit kayo nagpakasal. So stop behaving like a protective and jealous husband. Magagawa niyang makipagsayaw sa kung kanino mang gusto niya.” Then he gave Chantal a devastating smile.
“Find another woman, Renz,” he said in amazing calm. Subalit ang paggalawan ng mga muscles sa mukha nito’y sapat upang malaman ni Chantal kung gaanong pagpipigil sa sarili ang ginagawa nito. “Leave my wife alone...” he said in a razor-sharp voice.
“I... I’d like to dance with my husband, Renz,” aniya, at umaasang makuha ni Renz ang mensaheng gusto niyang iparating. Hindi niya gustong gumawa ng iskandalo ang magpinsan nang dahil sa kanya.
Nagkibit ng mga balikat si Renz. I’ll dance with you later, Chantal...”
“I’ll be damned if I let you come near my wife again!” Patuyang ngumiti si Renz dito at saka tumalikod. Hinarap ni James si Chantal. Marahas na hinawakan sa kamay at palihim na inilabas sa bulwagang iyon patungo sa malaking hagdan.
“J-James, ano ba!” protesta niya nang ang tila bakal nitong mga daliri’y bumaon sa kamay niya. “Sinasaktan mo ako!” At nagpilit siyang kumawala sa mahigpit na pagkakahawak nito. Subalit yumuko ito at binuhat siya papanhik na tila sako ng bigas.
Nagpumiglas si Chantal at pinagsusuntok ang likod nito. “Put me down!”
“Go ahead, scream. Para maligalig mo ang Lolo’t Lola.”
Sapat iyon upang huminto siya sa pagpalag. “Saan mo ako dadalhin?” she hissed into his ear.
“Party’s over for you, my dear. Anyway, nag-retire na ang mga matatanda, so off to bed you go!”
“James, hindi ako bata at—”
“Para kang batang walang muwang sa isang tulad ni Renz, Chantal!” wika nito. Para siyang dahon sa mga bisig nito kahit na mataas-taas din ang hagdan.
Pagdating sa landing ay lumiko sa kaliwang bahagi si James at isang pinto roon ang binuksan. At kahit hindi sabihin, iyon ang silid nito sa bahay na iyon. Ibinaba siya nito sa may paanan ng kama.
“Hindi ko kasalanan kung ang pinsan mo’y—”
“Hindi lang si Renz!” agap nito. “Bago pa tayo kinausap ng dalawang matanda’y may mga lalaki nang hindi mapigil ang mga matang sulyapan at titigan ka. At kung hindi ka naunang isinayaw ni Renz ay malamang na isa sa mga iyon. At hindi kita mapapayagang bumabang muli sa damit na iyan!”
In self-conscious manner, niyuko niya ang sarili. “A-anong problema sa... damit ko?”
“And she asked me...” he said drily.
“But...” She was confused. Surely, hindi pinipintasan ni James ang signature dress na suot niya. Nang makita niya ang halaga niyon kasama ng ilan pang mga damit na binili niya’y kayamanan nang matatawag sa kanila sa Aurora. Subalit nang mag-angat siya ng paningin dito’y nakita niya ang pagnanasa sa mga mata nito habang hinahagod ng tingin ang suot niya.
“It curved your slender body lovingly, Chantal. It’s almost as if you’re not wearing anything. Your breasts move softly when you walk... the slit on your gown showed—”
She blushed. “Oh, stop it!”
“And my cousin saw how easily you would fall into his charm. Renz’s a wolf in designer’s clothing.” Muli ay ang pagtatagis ng mga bagang nito.
“I... I never thought Renz could be so... so...” She was lost for words. “I’m sorry, James. I... I hated it when he... when he was caressing my back. Perhaps you were right the other night. I’m so stupid as not to realize his intentions.”
Lumambot ang mukha ni James. “You aren’t stupid... just too trusting and too innocent. And only if you were not so...”
“Only if I were not so?” she urged softly.
“So beautiful,” he said huskily.
“Oh.” Hindi niya alam kung paano tatanggapin ang papuring iyon. She was both pleased and shy, itinuon niya ang mga mata sa sahig.
“I’ve kissed you before, Chantal, even touched you. Did you hate it, too?” he asked hoarsely.
Nag-angat siya ng tingin dito. Their eyes met and locked. She was unable to breathe. Hindi mahagilap ng isip niya ang tamang salitang sasabihin. And when he took a step towards her, Chantal panicked for a moment. Napaatras siya subalit kama na ang nasa likuran niya. At tanging pagpipigil sa sarili ang nagpangyari upang huwag siyang tumakbo palabas ng silid.
Huminto si James ilang pulgada mula sa kanya. Raised her chin with his forefinger and thumb. “Answer me, Chantal...”
Gusto niyang umiwas ng tingin. Subalit ang daliri ni James sa ilalim ng baba niya’y nagpaging-imposible para gawin niya iyon.
“You... are my husband.”
“That does not answer my question. Did you hate it when I touched you... when I kissed you?”
Subalit hindi niya makuhang sumagot. Of course she didn’t hate his touch and his kisses. In fact, she wanted them... longed for them. Pero paano ba dapat tumugon sa tanong nito na hindi siya mapapahiya or she wouldn’t sound too bold.
“Well, I guess I have to find out myself,” wika nito makalipas ang ilang sandali. And before she could do or say anything to stop him, he kissed her.
Her first instinct was to resist, itulak ito palayo, but his hand left her face and caught her wrist and raised it to his neck. At wala siyang pagpipilian maliban sa hawakan iyon. Pagkatapos ang isang kamay nito’y tumaas sa may likod niya... banayad na humahaplos, doon sa lugar kung saan humaplos ang palad ni Renz. Ang init na dulot niyon ay tila pumapaso sa katawan niya.
Then his fingers wound in her hair, grasping a bunch of the silky strands para mapaliyad siya nang bahagya at madikit ang dibdib niya sa dibdib nito.
Then his lips moved over hers, exploring their softness and then parting them so that his tongue could flicker briefly yet tantalizingly against the tip of hers.
She didn’t try to suppress the delicious moan that came out of her throat. Hindi siya nakahanda sa sensasyong lumukob sa katawan niya. His hand held her buttocks firmly and pressed it against his.
At nang sa palagay niya’y mauubusan na siya ng hangin ay pinakawalan ni James ang mga labi niya. She gasped for air. James gazed at her swollen lips.
“I’m glad you didn’t hate it, sweetheart...” he said huskily. And instantly claimed her mouth again.
The teasing touch of his tongue sent a scalding heat through her, tila dilang apoy na naglakbay pababa sa kanyang katawan. She could feel the strong beat of his heart striking through to her breasts.
Again, he lifted his mouth from hers. Gazed into her swollen lips.
“Mahirap ba para sa iyong gampanan ang tungkulin mo bilang asawa ko, Chantal?”
“J-James.. ”
“I’m going to consummate our marriage now, my dear.” Ang determinasyon sa tinig nito’y nagpasinghap kay Chantal. “And I’m going to make you my real wife. Make you pregnant with my own seed...”