noveltoon logo noveltoon
James Navarro (Kristine Series 19)

Chapter 6

Ch. 6 / 21 Apr 09, 2022

T REMBLING a little, palihim na sinulyapan ni Chantal si James. He really had an arresting face. His eyebrows were darker, and he had sculpted cheekbones, his jaws hard, and his mouth appeared cruel and blatantly sensual.

Pagkuwa’y maingat niyang pinakawalan ang hiningang kanina pa niya pinipigil sa dibdib. Ilang sandali na lang at matatali na ito sa kanya. Matatali ito sa isang kasal na walang pag-ibig. And did he hate her because of that?

Sa sandaling iyon ay pumasok sa isip niya ang ex-fiancee nito. Naikuwento iyon ni Quinn sa kanya sa unang linggo ng pagsasama nila. At hindi niya pinagtakhang tuwina’y ang nakababatang kapatid nito ang topic nila. Una pa man niyang makilala si Quinn ay hindi miminsang binabanggit nito ang kapatid.

Na muntik nang magpakasal si James sa kasintahan nito. Katunayan ay nailathala na sa mga peryodiko ang tungkol sa kasal. Subalit nabalitaang sumama at nagpakasal sa ibang lalaki ang babae sa ibang bansa nang malamang hindi na aktibo ang Rancho Navarro. At ipinahiwatig ni Quinn na labis na nasaktan si James sa nangyari.

Hindi makuhang isipin ni Chantal na may babaeng magagawang ipagpalit si James sa iba. May pananaghili sa tinig ni Quinn sa tuwing nagkukuwento ito ng tungkol sa kapatid. Pero naroon din ang pagmamalaki. Lalo na sa bahaging itinayong muli ni James ang papaluging rancho. Na deretsahang hiningi nito kay Alvaro ang bahagi ng mana sa Alta Tierra right after his graduation. Ikinagalit ni Alvaro ang ginawang iyon ni James dahil buhay pa ito para mamahagi ng mana.

Subalit napilitang ibigay ni Alvaro ang hinihingi ng nakababatang anak dahil karapatan nito iyon bukod pa sa udyok na rin nina Franco at Beatriz. At ganoon na lamang ang gulat ng lahat nang malamang iyon ang ginawang collateral ni James upang makapangutang ng salapi sa bangko. Iyon at ang salaping mana nito mula kay Franco at Beatriz ay ginamit nito upang iahong muli ang Rancho Navarro.

Nang malaman at makita ni Franco ang ginawa ng apo ay pinagpilitan nitong pahiramin pa si James ng karagdagang salapi na ginamit naman nito upang makapagpatayo ng rum distillery sa Sto. Cristo.

Three years later, James Navarro earned his first millions at the age of twenty-six. The distillery business prospered.

“I am not a businessman, Chantal,” Quinn said with sadness and regret. “All my life, I have wanted to please my father but failed. Ni hindi ko nagawang pamahalaan ang rancho. I love to draw and create stories for children...”

“While I look like my father ; James was the spitting image of my grandfather in looks, business acumen and ambition. He was not even twenty-three yet when he took over at muling inangat ang pabagsak na negosyo at kasabay niyon ay ang pagtatayo ng panibago. My grandfather supported him every step of the way. I envy him... iyon ang naging advantage ng ginawa sa kanya ni Sylvia, ang patunayan ditong nagkakamali ito sa pagpapakasal sa ibang lalaki. Yet I do not like the man he became after Sylvia left him with another man. Sylvia contributed to the hurt he...”

Hindi tinapos ni Quinn ang salitang iyon. At sa pananatili ni Chantal sa Alta Tierra sa nakalipas na buwan ay natiyak niyang si Alvaro ang tinutukoy ni Quinn. Alvaro favored his eldest son.

Sa tuwing nag-uusap sila ni Alvaro ay walang bukambibig ito kundi si Quinn.

Looking at the man who would be her husband any moment, hindi matiyak ni Chantal kung ano ang dapat na maramdaman.

Isang banayad na siko sa tagiliran niya ang nagpapitlag sa kanya. James bent and hissed into her ear. “Pakinggan mo ang sinasabi ng nagkakasal!”

“Chantal Cheng, do you take James Navarro as your lawful husband?” tanong nito na marahil ay sa ikalawang pagkakataon.

“I... I do,” she said almost in a whisper. Gusto niyang matunaw sa kahihiyan dahil sandaling dumaan ang tingin ng nagkasal sa kanya sa nakakunot na noo. At sa sulok ng mga mata niya’y nakita niyang nakalingon sa kanya si Nayumi.

“I now pronounce you man and wife,” wika ng marriage celebrant. “You may now kiss the bride, James...”

Napatingala si Chantal dito upang iparating ditong huwag gawin iyon. Pero hindi niya natitiyak kung nakikita ni James ang mga mata niya dahil natatakpan ng veil ang kalahati ng mukha niya. Maliban sa nagkasal, lahat ng nakapaligid ay alam kung bakit sila nagpakasal nito.

“Perhaps we could dispense that part of the tradition, couldn’t we?” A slight sarcasm laced his voice. At bagaman nakita ni Chantal ang pagkamangha sa mukha ng nagkasal, she almost sighed loudly her relief nang mula sa likuran niya’y marinig ang tinig ni Alvaro.

“Kiss the bride, James,” utos nito. “Saang kasalan ka nakakita na hindi hinahagkan ng groom and bride niya?”

Napahugot siya ng hininga. Bigla’y gusto niyang pagpawisan. Sandali lang ang pagkatigil ni James at atubili siyang hinarap nito. “It’s blood my father wants, let’s indulge them, Chantal,” wika nito sa paraang siya lang ang nakakarinig. At saka idinagdag, “It is just a kiss...”

Pagkuwa’y itinaas nito ang veil sa mukha niya, bent his head. Sa nanginginig na mga tuhod ay inihanda ni Chantal ang sarili sa iglap at walang-buhay na halik na igagawad nito sa kanya. And when his mouth touched hers, it wasn’t cold as she had anticipated. Napasinghap siya sa nerbiyos. May pakiramdam siyang biglang may nagliparang paruparo sa sikmura niya. Something she’d never felt when Quinn first kissed her on the fourth night after their wedding.

For a moment James stilled, iniisip niyang mag-aangat na ito ng mukha. Then to her horror, hindi lang basta lumalim ang halik nito, his tongue thrust into her mouth in erotic strokes. Gusto niyang pakawalan ang sarili subalit mahigpit ang pagkakahawak nito sa mukha niya na hindi niya matandaan kung kailan iyon naroon.

Her eyes widened in shock. Wala siyang natatandaang nahagkan siya nang ganoon ni Quinn nang gabing iyon. At paanong may bahagi ng katawan niya ang nagnanais na tumugon? She dismissed the thought abruptly at hinalinhan iyon ng galit. Itinaas niya ang mga kamay sa dibdib nito upang itulak ito. Subalit tama lang na lumapat ang mga palad niya sa dibdib nito nang piliin ni James ang sandaling iyon upang pakawalan siya.

At ang pag-angat ng mga palad niya sa dibdib nito’y maipagkakamaling napatangay siya sa ginawa nito. Nagpupuyos ang damdaming hinarap niya si James. Subalit kaharap na nito ang nagkasal sa kanila at nakipagkamay dito.

Nararamdaman niya ang pag-iinit ng mukha. Kasabay din niyon ang galit dito. The kiss had been passionate! Sinadya nito ang paghalik sa kanya nang ganoon! At sinadya rin nitong pakawalan siya sa mismong sandaling binalak niyang itulak ito.

Nagpupuyos pa rin ang dibdib niya sa galit subalit napilitan siyang ngumiti nang lapitan siya ni Alvaro at hagkan sa pisngi. Pagkuwa’y sinundan iyon ni Adora. Ang dalawa’y parehong tumalikod at hinarap ang nagkasal sa kanila. Lumapit si Nayumi na hinagkan din siya. Ito ang tumayong witness kasama ng isa pang lalaki na hindi niya napagtuunan ng pansin.

“Best wishes,” wika nito. Ngumiti ito at saka idinagdag, “Hope you’ll enjoy my gift to both of you...”

“You didn’t have to. Alam mong ang kasal na ito’y—”

“Nonsense,” putol ni Nayumi. “Lahat ng ikinakasal ay tumatanggap ng regalo. Father and Adora have their gifts for you, too... At dala ni Renz ang mga regalo ng buong pamilya.”

“T-thank you...” usal niya. She felt wretch, sa halip na magpasalamat na lang ay ginagawa niyang malaking isyu pati pagbibigay ng regalo.

“Do I get to kiss the bride?” Isang tinig mula sa likuran ang nagpalingon sa kanya, ang lalaking kasama ni Nayumi na tumayong witness.

“Congratulations.” At bago pa makakilos si Chantal, he bent and gave her surprised lips a peck.

She should feel embarrassed but the smile he gave her was warm. Her eyes went up to the also tall man. At gusto niyang mamangha nang matitigan ang mga mata nito. At sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya’y nakakita siya ng lalaking asul ang mga mata. Not just that he had blue killer eyes... he was dashingly handsome, too!

“You have blue eyes!” she said stupidly, ang kamay niya’y nakakulong pa rin sa mga kamay nito.

“This blue-eyed devil, Chantal, happened to be my cousin. This is Lawrence... Renz to all. His dad’s my father’s youngest brother...” pagpapakilala ni Nayumi. “Renz was at the funeral and so the rest of the family, but you never had the chance to meet them. You were too distraught to be introduced to the whole family.”

Pagkabanggit sa funeral ay nagkaulap ang asul na mga mata. “Let’s not talk about funeral on James’ and Chantal’s wedding day, Naya,” he reprimanded his cousin gently, and then gave Chantal an endearing smile.

“It’s all right, Mr. Nav—Renz. Alam naman nating lahat kung para saan ang kasal na ito.” Doon muling lumapit si James. Marahil ay wala namang kahulugan ang tinging sandaling bumaba sa kamay niyang hawak pa rin ni Renz subalit sapat iyon upang maalala niyang hilahin ang kamay mula rito.

“Kailangan mong pirmahan ang marriage contract, Chantal,” wika nito sa pormal na tinig. “At tinitiyak ko sa iyong sa araw mismong ito’y madadala iyan sa munisipyo sa Sto. Cristo...” Muli itong tumalikod upang tunguhin ang isang mahabang mesang siyang ginamit nila kaninang ikinakasal sila. Naroroon ang mga dokumento.

Renz smiled at her. “James do not have blue eyes, but he’s the devil in the family, Chantal.” Then he winked at her in a conspiratorial way, at sa mahinang tinig, “Beware of the Navarro temper... James got it all. No mild bones in his body...” Well, family joke or not, hindi niya kailangang paalalahanan. She had firsthand experience. Gusto niyang isatinig iyon, sa halip ay isang ngiti ang ibinigay niya kay Renz.

“Also beware of the Navarro charm, Chantal. James got it, too,” patuloy ni Renz sa panunukso. “And I won’t be surprised if you fall in love with your husband...”

Napasinghap si Chantal. Nanlaki ang mga mata. “T-that... that won’t happen... This wedding’s in name only...”

Umangat ang mga kilay nito. “In name only?” Then he laughed huskily. The blue eyes turned bluer at nang yukuin siya’y idinagdag, “You married a Navarro, Chantal...”

Gusto niyang itanong kung ano ang ibig nitong sabihin. Subalit narinig na niya ang muling pagtawag ni James sa kanya. Confused, lumakad na siya patungo rito. Sa mesa ay inabutan siya nito ng ball pen at hinila ang silya upang paupuin siya. Naupo siya at sa nanginginig na mga daliri’y pinirmahan niya ang mga dapat pirmahan. Muli’y kinamayan sila ng marriage celebrant na matapos ang isang maliit na salusalo’y nagpaalam na rin.

PAGKATAPOS ng munting salusalo at makaalis ang marriage celebrant ay lumipat sa family room ang lahat.

“For the newlyweds...” Itinaas ni Renz ang wineglass bago dinala sa bibig at inubos ang laman.

“You’re beautiful, Chantal,” masuyong wika ni Alvaro sa kanya. “Iyan ay sa kabila ng...” Hinagod nito ng tingin ang damit-pangkasal niya, “ng suot mo.”

Hindi siya na-offend sa pagtukoy nito sa damit niya. Warmth spread through her and smiled at the old man and whispered, “Thank you.” He was sixty-one. Marami nang puti sa buhok. But he was still a handsome man. Parang si Quinn na tumanda maliban sa malaking pangangatawan nito at sa kulay ng balat.

“Kung narito lang si Quinn at kayo ang nakita kong ikinasal ay naging lubos sana ang kaligayahan ko. At di sana’y—”

“Di sana’y hindi ako ang tumayong groom sa kasalang ito, Papa,” agap ni James sa matabang na tinig. Natuon dito ang lahat ng mga mata. Biglang nagkaroon ng tensiyon sa paligid. “Di sana’y hindi ko kailangang saluhin at pagtakpan ang mga kapabayaan niya...”

“That’s unfair, James,” Alvaro said sharply. “Wala na rito ang kapatid mo para ipagtanggol ang sarili niya...”

“Hindi kailanman ipinagtanggol ni Quinn ang sarili niya, Papa,” patuloy ni James, in an angrier tone. “Tinatakasan niya ang anumang problema.”

Nanlaki ang mga mata ni Chantal.

Si Nayumi ay humakbang palapit dito at hinawakan sa braso ang kapatid. “James, please,” she said in a hushed tone. Almost begging her brother.

Subalit hindi nito pinansin ang kapatid. Patuloy ito sa pagsalakay kay Quinn. “Matanda siya sa akin ng anim na taon. Pero hanggang sa mamatay siya’y hindi nakilala ni Quinn ang kahulugan ng salitang responsibilidad. Bakit kailangang ako ang sumalo sa lahat ng mga pagkukulang niya?

“Hindi ko ininda ang ginawa niya sa Rancho, Papa, pero paano ang ginawa niya kay Chantal? Dammit, he knew he was dying pero nagpakasal siya sa isang babaeng mas bata pa kay Nayumi. At ni hindi niya nakuhang tiyaking maiiwan niyang hindi bastardo ang magiging anak niya!”

Chantal sucked her breath. Then she saw Alvaro winced. It was more of pain than anger. Sapat iyon upang mapatayo siya mula sa kinauupuang settee, hinarap si James, her face red in anger.

“Hindi ako nagpasalo sa iyo! I didn’t ask you to marry me! At kung may pagpipilian ako’y hindi ako pakakasal sa iyo kahit na ikaw na lang ang huling lalaki sa lupa! At hindi sinasadya ni Quinn na hindi marehistro ang kasal namin. He was very sick! At dapat kang makonsensiya na nagpapasasa ka sa kasaganaan dito habang naroon siya’t maysakit!

“And I love Quinn, alam niya iyon. Pero hindi niya ako pakakasalan kung hindi ko ibinigay sa kanya ang ideyang iyon. While I wanted to be married to him, he married me to save me from my step-uncle! At hindi niya intensiyong magdalang-tao ako! I... I...” Hindi niya makuhang tapusin ang sinasabi. Paano niyang masasabi na hindi binalak ni Quinn na i-consummate ang kasal... na kung may nangyari man sa kanila’y hindi nito iyon pinlano.

At bago pa bumagsak ang mga luha niya’y marahas siyang tumalikod at lumabas ng silid at tumakbo patungo sa hagdan papanhik sa silid niya sa itaas.

“Damn!” usal ni James. His nose flared in both anger and guilt as he watched his new wife dashed up the stairs.

“Puntahan mo ang asawa mo, James,” utos ni Alvaro. “She was upset, baka kung ano ang mangyari sa dinadala niya...”

James gritted his teeth. Halos mabasag ang wineglass nang marahas niya iyong ilapag sa ibabaw ng bureau at walang kibong lumabas ng silid at tinungo ang hagdanan.

HINAWAKAN ni Nayumi ang magkabilang sentido at banayad iyong minasahe.

“Hindi ko alam kung ano ang maaari kong sabihin sa ama mo, Nayumi,” halos pabulong na wika ni Adora nang makitang tumayo si Alvaro at nagtungo sa bar upang magsalin ng alak.

“He’s hurting, Adora,” malungkot niyang sabi, nasa tinig ang pang-unawa. “Mahirap para sa kanyang tanggaping wala na si Quinn.”

“`Andoon na ako. Pero anak niya rin si James,” patuloy nito at sinulyapan si Alvaro. “Mabait at maganda si Chantal, sana’y matutuhan niyang pakibagayan si James. Umaasa akong mapaghihilom niya ang lahat ng sakit sa damdamin nito...”

“Chantal’s afraid of my brother. Hindi mo ba nakikita kung paano siyang naiilang kapag nasa paligid si James? Kahit kaninang ikinakasal sila’y tila tuod siyang nakatayo at muntik nang hindi sumagot nang tanungin ng nagkakasal kung hindi pa siniko ni James...”

Si Alvaro ay nilingon si Renz. “Gusto kitang makausap sa study ko, Renz, pagkatapos nito...” wika nito, then downed his wine in one gulp.

Si Renz ay nagkibit ng mga balikat at tumayo rin. “I need a refill.”