noveltoon logo noveltoon
James Navarro (Kristine Series 19)

Chapter 12

Ch. 12 / 21 Apr 09, 2022

N ANG magising si Chantal kinabukasan ay mabilis siyang bumangon kasabay niyon ay ang pagsalakay ng hilo kaya ipinasya niyang maupo muna sa gilid ng kama. Ilang sandali niyang pinalipas ang hilo at saka pa lamang muli tumayo.

Bukas ang kanugnog na silid at sumilip siya. Wala roon si James subalit naroon pa ang attache case nito. Marahil ay nasa ibaba lang. Hatinggabi na’y naririnig pa niya ang keyboard ng computer. Gusto niya itong pasukin upang itanong kung ano ang maitutulong niya subalit hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob na gawin iyon. At hanggang sa makatulugan na niyang nagtatrabaho pa rin ito.

Lumakad siya patungo sa pinto ng veranda at binuksan iyon at lumabas. Malamig na pang- umagang hangin ang humaplos sa mukha niya.

Then she saw him.

Sakay ito ng malaking kabayong nakita niya minsan sa kuwadra at pinapaliguan ni Simon. Ayon kay Simon, isa iyong chestnut Arab breed. Maaga marahil itong bumangon at nakapangabayo na dahil nakikita niyang pabalik na uli ito. Kumaway ito nang matanaw siya sa veranda.

She was hesitant to wave back. Her pulse started to drum in her ear. She was mesmerized. Iyon ang unang pagkakataong nakita niya ito sa ibabaw ng kabayo. And she couldn’t come to terms with the man and the horse, with verdant rolling hills as backdrop. She could be watching a Marlboro commercial. James and horse were poetry in motion. At hindi niya mapaniwalaang ang isang lalaking tulad ni James ay umiiral.

He was exceptionally good-looking and as sexy as all get-out. Sana’y nanatili na lang na pantasya ang taong ikinukuwento ni Quinn sa kanya.

She filled her lungs with morning air. She admired him. Iyon ang natitiyak niya. Pero naroon pa rin ang bahagyang takot niya rito. Takot na hindi katulad ng nararamdaman niya kay Mariano. Kung ano mang uring takot iyon ay hindi niya maintindihan.

Muli itong kumaway nang ilang metro na lang malapit sa kuwadra. This time, she waved back. Muling lumanghap ng sariwang hangin at nagmamadaling bumalik na uli sa loob ng silid.

Alam niyang papasok ito sa banyo pagpanhik at minabuti niyang mauna na. Dinala niya pati bihisan sa loob ng banyo, na karaniwan na’y hindi niya ginagawa. Pero hindi niya nais na abutan siya ni James na nakatapis lang ng tuwalya.

Tinimpla niya ang tubig sa shower bago mabilis na naghubad. Ilalagay na lang niya ang underwear niya sa laundry basket nang matigilan siya.

Dugo!

May bahid ng dugo ang underwear niya! Napasinghap siya? Bakit may dugo siya? Tila napasong binitiwan niya ang underwear at hinablot ang tuwalya mula sa towel rack at itinapis iyon sa katawan habang nagmamadaling lumabas. Nasa gitna na siya ng en suite papasok sa silid niya nang siya namang pagpasok ni James. Kasalukuyang hinuhubad ang puting kamiseta na puno ng pawis.

“James!”

“Kung mamangha ka’y para akong tagaibang planeta.” He shook his head in exasperation at inihagis sa sofa ang T-shirt.

“James... I... I...”

“What?!” he snapped.

“I’m... bleed—No, I think I have my period!” nalilitong sabi niya. Hindi niya matiyak kung alin ang tama. But she relied on her instinct, at ganoon din sa nararamdaman niya.

“Your period,” wala sa loob nitong ulit, staring at her blankly.

“I... I don’t know. I’m not really sure. But., but there’s blood in my panties.”

May kung ilang sandaling nakatayo lang doon si James. At nang marehistro ang sinasabi niya’y mabilis itong lumapit sa kanya sa malalaking hakbang at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

“This isn’t a joke, Chantal, is it?” His voice quivered slightly.

She shook her head. “W-wala akong ginawang anuman, James. Hindi ako pumatong sa stool at hindi ako nahulog o natumba...” she said defensively dahil hindi niya maintindihan kung galit, takot, o ano ang nasa mga mata nito.

“Yes of course, I believe you didn’t do any of those things,” he said gently, na para bang nagising sa pagkabigla at gusto siyang ikalma. Then he scooped her in his arms.

“Put me down, James! I can walk,” sigaw niya dahil nalilis na sa katawan niya ang tuwalya na hindi niya malaman kung paano pagsalikupin.

“Now you’re being silly,” wika nito sa bahagyang nanginginig na tinig. She could swear his arms were also trembling. Inilapag siya nito sa sofa bed pahiga. “Mahiga ka sandali rito, tatawagin ko si Adora.” Dinalawang hakbang nito ang interphone na nasa dingding.

“James, I am not in pain. S-siguro’y... siguro’y...”

“Adora, pumanhik ka rito, madali!” She could sense panic in his voice. Halos hindi sumabit sa cradle ang telepono sa pagmamadali nitong ibalik.

He went back to her and squatted on the floor. Ginagap nito ang kamay niya. “Ano ang nararamdaman mo? Do you feel pain in your tummy? Malakas ba ang dugo?” natataranta nitong tanong.

She thought he was overreacting. Hindi niya mapigilan ang ngiti sa mga labi niya. Sa umagang ito, dalawang magkaibang James ang nakita niya. A Marlboro man and a nervous wreck. Huwag nang idagdag pa ang executive sa nakalipas na mga araw at ang lalaking bully na parati niyang kasama.

James muttered something unprintable. “Nakuha mo pang ngumiti!” Tumayo ito. Binuksan ang closet at naghahanap ng damit niya. “Pupunta tayo sa ospital ngayon din...”

Sumungaw sa main door ng en suite si Adora. “Bakit? Anong nangyari?”

Simultaneous ang sagot ng dalawa.

“May dugo ako, Adora.”

“She’s bleeding.”

Chantal expected a worry frown from the woman. Sa halip ay bahagyang tumaas ang kilay nito na para bang ordinaryo lamang ang narinig. Pagkuwa’y isang buntong-hininga ang pinakawalan.

“Gaano kalakas? Masakit ba ang puson mo?” tanong nito. Umiling siya. “Natitiyak mo? Nasaan ang panty mo, tingnan ko.”

Chantal frowned. Her tone was indulgent. “Nasa banyo,” sagot niya subalit bago pa makahakbang patungo roon si Adora’y nauna na si James. “James!” tili niya, tumayo at hinabol ito sa banyo.

“Chantal!” tawag ni Adora sa pagtakbo niya.

Hawak na ni James ang underwear niya nang abutin niya at hilahin. Sa isang sandali’y tila naglalaro silang dalawa ng tug-of-war sa lacy panties. At kung hindi lang sa sitwasyon ay gustong tumawa ni Chantal.

“This is private and personal, James Navarro!” she said indignantly.

“You’re... crazy!” manghang sabi nito. “At ano’ng ginagawa mo at basta ka na lang tumayo?” Muli siyang binuhat nito at ibinalik sa sofa.

Hindi malaman ni Chantal kung paano uli pagsasalikupin ang tuwalya sa katawan. Sa ilalim ng tuwalya’y wala siya kahit na anong suot. Si Adora ay nanatiling nakatayo at pinagmamasdan silang dalawa. At nang masulyapan niya ito’y may tila nakatagong ngiti pa siyang nakikita sa mga mata nito.

“Adora, ipahanda mo ang kotse habang binibihisan ko ito. Hindi... ako na ang bababa at bihisan mo ang asawa ko!”

“Huwag kang mataranta, James. Kung nagdudugo iya’y hindi makatatakbo at makapa palag nang ganyan na tila hito ang asawa mo...” wika ni Adora sa amused na tono.

James turned to the woman angrily. “Look, Adora—”

“She’s right. I don’t feel any pain. It isn’t as if I am hemorrhaging.”

“What are you talking about? You could lose the baby, Chantal,” naguguluhang sabi nito.

“W-what if I am not at all pregnant?” aniya, kinakabahan sa maaaring isagot nito.

“What the hell are you talking about? You are supposed to be pregnant!” giit nito, puzzlement on his handsome face. “Dadalhin kita ngayon din sa ospital.” Muli nitong nilingon si Adora. “Pakibihisan mo iyan, Adora.” At pagkatapos ay nagmadaling lumabas ng silid.

Nagkatinginan ang dalawang babae.

“Adora... may hinala akong period ko lang ang dumating. K-kung nagdudugo ako’y hindi ko ba mararamdaman sa katawan ko?”

“Hindi dumating ang buwanang dalaw mo. Chantal. Nasa iyo lahat ang sintomas ng nagdadalang-tao, nahihilo at nagsusuka ka nitong nakaraang mga araw, bago pa man kayo ikasal ni James.”

Sandali siyang nag-isip. “N-nararamdaman ko lang iyon kapag sumasakit ang ulo ko. At kapag nakaduwal na ako’y unti-unti nang nawawala. At—” may ilang sandali siyang muling nag-isip “—minsan na ring nangyari sa akin ang ganoon nang nasa Aurora pa ako.”

Muling humugot ng malalim na paghinga si Adora. “Malalaman natin pagkatapos mong magpatingin. Hindi mo mapapanatag ang asawa mo anuman ang sabihin mo.” Lumakad ito sa closet at kumuha ng damit niya.

“ IT’S HER normal period, Mr. Navarro. You’re wife had not been pregnant,” wika ng doktora. At nang parehong hindi nagsalita ang dalawa at nagkatinginan lang ay isang mahinang tawa ang pinakaw alan ng doktor. “But don’t you worry, Mr. Navarro. Your wife’s healthy. She’ll give you a dozen kids.”

Napasinghap si Chantal doon. Si James ay hindi pa rin kumikibo.

“At tungkol doon sa symptoms na sinasabi mo, Mrs. Navarro...” Siya naman ang hinarap ng doktora. “Irerekomenda kita sa isang eye specialist. Baka kailangan mong magpatingin sa mata. Halos pareho ang sintomas nito sa pagdadalang-tao. At nagkataong sunod-sunod ang paghihilo at pagsusuka mo sa delay ng period mo.” Pumilas ito mula sa reseta ng booklet na nasa harap at may isinulat.

“But... I’ve never been delayed, doktora...” she said though unsure about that herself.

Nag-angat ng mukha ang doktor. “Maraming dahilan kung bakit tayo nadi-delay, Mrs. Navarro. Hormones, stress and tensions ay ilan lang sa maaaring sanhi…” Nginitian siya nito at iniabot ang referral letter sa kanya subalit bago niya iyon natanggap ay nakuha na ni James.

Tumayo ito, nagpasalamat at kinamayan ang doktora at nagbayad ng professional fee nito. Pagkatapos ay inakay na siya nito palabas ng clinic.

Hanggang sa kotse’y nanatiling walang kibo ito.

Si Chantal ay hindi malaman kung ano ang sasabihin. She felt so guilty that she broke the silence.

“P-please say something…”

Sandali lang siyang nilingon ni James sa walang emosyong mukha. “So you were not pregnant. Ano ba ang dapat pang sabihin?”

“You’re trapped in this marriage for nothing. I’m not pregnant with Quinn’s child. Ang... ang sabi ko sa iyo noon, magpapatingin ako. Ikaw ang nag-assume na nagdadalang-tao ako...”

“What about you, Chantal? Do you feel trapped in this marriage?” he countered.

Did she feel trapped being married to him? Hindi niya kayang sagutin iyon. And she couldn’t even lie. Para ano at magsisinungaling siya?

“Mahirap bang sagutin ang tanong ko?” he rasped. “Karaniwan na’y ikaw ang nagsasabing mag-asawa tayo sa pangalan lang. Bakit bigla’y wala kang maisagot? Don’t worry about my feelings, sanay na akong nasasaktan.”

“W-what do... y-you want me to say?”

“Dammit! Kung ano ang nararamdaman mo ang sabihin mo, hindi iyong kung ano ang gusto kong sabihin mo!”

“Huwag mo akong sigawan!” she cried miserably. Ang tinig niya’y gumagaralgal. Gusto niyang maiyak pero pinipigilan niya.

She was swamped by depression, na hindi niya matukoy ang dahilan. Surely, hindi iyon dahil sa hindi naman pala siya nagdadalang-tao. Deep in her heart, alam niyang naroon ang kasiyahang hindi naman pala siya nagdadalang-tao.

“If you want our marriage annulled, then go ahead, hindi naman kita pipigilan. Ipinakipag-usap ko na sa iyo iyan, `di ba?”

Nagbago ang tono ni James nang mapunang maiiyak na siya, he sighed and said gently. “Wala akong balak ipa-annul ang kasal na ito nang walang matibay na dahilan, Chantal. And I promised Quinn on his deathbed that I’ll take care of you. And I will do exactly that...”

Marahil ay iyon ang gusto niyang marinig mula rito dahil may naramdaman siyang kasiyahang humaplos sa puso niya sa sinabi nito. Subalit kasiyahang kagyat ding naglaho nang dugtungan nito ang sinabi.

“At ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa akin? I had been jilted, pagkatapos ay nagpa-annul naman ng kasal... Na walang babaeng makatagal sa akin?”

Now she felt trapped. Hindi niya gusto ang dahilang binitiwan nito. He only wanted to save his male pride. Pero ano ba naman ang inaasahan niya? Itinuon niya ang paningin sa labas ng bintana ng sasakyan. She felt so miserable and alone.

Bahagya pa siyang napapitlag nang muli itong magsalita.

“But I’m glad, Chantal... so glad that you’re not pregnant with any man’s child! Kahit pa si Quinn iyon. Ang tanging inaalala ko’y ang p apa. Inaasam niya nang husto ang pagdadalang-tao mo kay Quinn.”

“W-what shall we tell him?” she asked in small voice.

“Nothing!” pagalit nitong sabi. “Wala tayong sasabihin sa kanya. Pero huwag kang mag-aalala, kung apo lang ang gusto niya ay bibigyan ko siya. And soon.”

Kumunot ang noo niyang lumingon dito subalit nasa daan na ang buong atensiyon ni James. Ano ang ibig sabihin nito? Naguluhan siyang lalo.