noveltoon logo noveltoon
James Navarro (Kristine Series 19)

Chapter 10

Ch. 10 / 21 Apr 09, 2022

“J AMES!”

To her horror, tinamaan niya ito ng pinto sa bigla niyang pagbukas nito.

James groaned and uttered an oath at the same time. Sapo nito ang noo. Guiltily, napalapit si Chantal dito. Wala sa loob na inalis niya ang kamay nitong nakahawak sa noo upang makita ang resulta ng pagkakatama nito sa pinto. Hinawi niya ang basang buhok nito at nang makita ang bahaging namula ay hinaplos.

“Oh, James, I’m so sor—” Hindi niya natapos ang sasabihin, hawak ni James ang kamay niyang humahaplos sa noo nito. Ang isa nitong braso’y nakapulupot sa baywang niya. At noon lang niya napagtantong hubad ito maliban sa tuwalyang nakatapi rito. And she was pressed close against his wet and naked body.

“N–n–nasaktan k-kita...”

“Stammering again, dear wife?” he said in half-mocked half-amused tone.

And to Chantal’s horror, sadyang idinikit ni James ang ibabang katawan nito sa katawan niya. Hindi tulad ng unang magdikit ang katawan nila kung saan pinagdududahan pa niya ang arousal nito, this time, dahil tuwalya lang ang nakapagitan, at duda pa siya kung nasaang bahagi ang dugtungan ng tuwalya, she could feel the rock-hard maleness that was deliberately pressed against her stomach.

Ang panunuya sa tono nito’y sapat na lakas ng loob upang magawa niyang pakawalan ang sarili.

“W-wala kang karapatang... wala kang karapatang...”

“Walang karapatang ano, Chantal?” he asked. Ang mga mata nito’y humahagod sa kabuuan niya. “Na pagnasaan ka? Tell that to my body.” Yumuko ito sandali sa ibabang bahagi ng katawan na wala naman sa loob niyang sinundan ng tingin.

She gasped at iglap din niyang iniangat sa mukha nito ang mga mata. His heat, his scent, his potent male sensuality enveloped her. At sapat iyon upang sandali siyang hindi makapag-isip nang matino.

James stared at her shocked face with amused expression, then his eyes caressed her body boldly that she felt naked in her oversized T-shirt.

“You happened to be a lovely woman na basta na lang dumikit sa akin and I happened to be a normal man with normal desires. Or shall I say, huge desire. At isipin pa lang na asawa kita’y hindi ko maintindihan kung ano ang kailangan nating pagtalunan.”

She tried to shake the cobwebs from her mind. “I am your wife in name only, James!”

He cocked his head at humakbang palapit sa kanya. “I could easily rectify that...”

Mabilis siyang umatras. “Don’t you dare touch me! Nalimutan mo na bang sinabi mo sa aking wala akong dapat ipag-alala sa sex life mo? At nalimutan mo na rin bang taglay ko sa sinapupunan ko ang dahilan kung bakit mag-asawa tayo ngayon?”

Sa sinabi niyang iyon ay nawala ang nakakalokong ngiti sa mga mata nito. Tumiim ang mga bagang at muling tumigas ang anyo.

“Go back to sleep, Chantal, bago ko malimutan ang ano pa mang matitinong pangangatwiran... kung matino mang matatawag iyang mga sinasabi mo,” he added the last sentence sarcastically.

Itinaas ni Chantal ang mukha niya, in what she hoped in dignified manner at lumabas ng en suite. Napaigtad siya nang marinig ang pabagsak na pagsara ng pinto sa likuran niya.

Halos hindi niya gustong gumawa ng ingay nang magbalik siya sa higaan. Kahit ang paghinga ay tila gusto niyang pigilin. She was trembling. At hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang maramdaman. Nagagalit siya. Napapahiya. Gusto niyang umiyak.

And above all that, nangingibabaw sa damdamin niya ang sensasyong naramdaman nang idikit ni James ang katawan sa kanya. Sensasyong hindi niya naramdaman sa kanila ni Quinn sa sandaling pangyayaring iyon ng buhay-mag-asawa nila.

Napatitig siya sa mga palad niya. They were still tingling from where they’d rested against the hard expanse of his chest. At ang isip niya’y abala sa pagsisikap na ibalik ang sandaling unti-unti niyang naramdaman ang pagkalalaki nito sa katawan niya. How her body felt the throbbing maleness. And never in her whole life had she wanted a man to touch her. And in one insane moment ay gusto niyang itaas ang mukha at siya na mismo ang humalik dito.

Mortified, napasubsob siya sa unan. Paano niya haharapin si James sa umaga? How would she survive the days to come?

Kung paano siya nakatulog ay hindi niya alam. At nang magising siya kaninang umaga bago siya katukin ni Nayumi’y napabalikwas siya ng bangon nang maisip kung nasaang silid siya at maalala ang nangyari sa nagdaang gabi. Maingat siyang humakbang patungo sa en suite at iniisip na baka tulog pa si James.

Bukas ang connecting door at nang silipin niya’y bakante na iyon. Nagulo ang kutson at throw pillows sa malaking sofa bed na ang iba’y nahulog na sa carpet. Na para bang ang natulog doon ay dumanas ng isang maligalig na gabi.

Kahit hindi sabihin ay alam din niyang wala na ito sa bahay. Bukas ang closet at nagulo ang mga naka-hanger nitong damit. Ganoon din ang ilang drawers at nakita niyang may ilang pares ng medyas ang nakalabas na marahil ay pinagpilian.

Pumasok siya at tinupi ang kumot na ginamit nito at inayos ang sofa bed at ang mga throw pillows. Pagkatapos ay inayos ang mga drawers at closet at pumasok sa banyo. Nakita niya ang hinubad na underwear nito na nagkalat sa sahig kasama ang basang tuwalya. A shiver ran down her spine nang muling pumasok sa isip ang nangyari kagabi.

But she dismissed the thoughts immediately. Nagtatalo ang isip niya kung dadamputin ang nasa tiles. Iba ang kumot sa underwear, it was too private. Then she changed her mind, no matter what the circumstances, she was his wife. At lalong hindi niya papayagang ang katulong ang magligpit ng mga iyon.

Dinampot niya ang briefs, hindi gustong pansinin ang pag-iinit ng mukha habang inilagay sa laundry basket kasama ang tuwalya. At sa pagyuko niya’y doon siya nakadama ng pagsakit ng ulo. Hindi naman ganoon katindi ang sakit subalit sinamahan iyon ng bahagyang hilo at ipinasya niyang bumalik sa higaan.

MULI’Y narinig ni Chantal ang mahinang katok sa pinto at pagkatapos ay sumungaw si Adora. May dalang tray ng umuusok na pagkain.

Napabangon siyang bigla. “Hindi ako sanay sa ganyan, Adora,” nahihiyang sabi niya. “Kaya ko namang bumaba.”

“O eh, ano naman ang masama kung dalhan kita ng almusal?” Inilapag nito sa side table ang tray. “Inumin mo ang gatas. Mainit iyan. Sabi ni Nayumi ay masakit ang ulo mo. Maaari kang uminom ng paracetamol, hindi makasasama iyon. Pero pagkakain mo na nang hindi mangasim ang sikmura mo.”

Sadness filled her. Suddenly she missed her mother... at ang papang niya. She blinked the tears away. Subalit nakita na ni Adora ang pagkislap ng mga mata niya. Bahagyang nangunot ang noo nito.

“May nasabi ba akong masama para malungkot ka nang ganyan, Chantal?” malumanay nitong tanong.

She forced a smile and shook her head. “Kung... wala kayo ni Nayumi, hindi ko alam ang gagawin ko, Adora. I feel so all alone. Kaibang-kaiba si James kay Quinn.”

Huminga nang malalim si Adora. “Parehong mabait ang magkapatid, Chantal. Lamang, parang araw at gabi ang kaibahan. Sa paglipas ng mga araw ay matututuhan mo ring pakibagayan si James. At ano ang malay mo, baka matutuhan mo siyang mahalin—”

“Adora!” Nailapag niya nang wala sa oras ang baso ng gatas pabalik sa tray. “Huwag kang magsasalita nang ganyan at baka malaman ni James ay nakakahiya.”

Napangiti si Adora sa pamumula ng pisngi niya. “Hindi mahirap mahalin ang alaga ko, Chantal. Maganda ka at mabait... kung hindi ka lang laging tila nag-aalangan sa kanya’y magkakasundo kayo...”

Muli niyang dinampot ang baso ng gatas at pinangalahati iyon. Inabot ang linen napkin sa tray at nagpahid ng bibig. “Kalimutan mo ang kaisipang iyan, Adora. Napag-usapan na namin ni James na kung sakaling dumating ang panahong may makita siyang babaeng mamahalin niya’y nakahanda akong palayain siya. We could file an annulment, you know.”

“Kung hindi rin lang kataksilan ang magiging dahilan sa panig mo, Chantal—na natitiyak kong hindi ikaw ang uring gagawa nang ganoon—ay hindi ipapawalang-bisa ni James ang kasal ninyo.” May katiyakan ang tinig nito nang sabihin iyon. At pagkatapos ay lumabas ng silid.

“FEELING better?” tanong ni Nayumi nang makita si Chantal na bumababa ng hagdan isang oras matapos siyang uminom ng paracetamol.

Tumango siya. “Headache’s gone, pero nahihilo pa rin ako.”

“Katatawag ko lang sa OB na inirekomenda ng kakilala ko rito. MWF ang schedule at hanggang eleven lang ang clinic niya. Meaning, malamang na nakaalis na ang doktor—” Tumingin ito sa relo “—it’s almost twelve now at fifteen minutes drive hanggang bayan. And since today’s Wednesday, sa Friday na ang next clinic niya.”

“Well, I can wait until Friday.”

“O kung gusto mo naman, we can do some doctor hopping here inTagaytay, makapamamasyal pa tayo. At ano ang malay mo, baka may makita akong Prince Charming dito saTagaytay,” she said grinning. Chantal rolled her eyes and smiled with her.

“O di kaya’y punta tayo ng Makati Med, sa OB ni Aunt Billie, she’s Renz’ mother. Actually, doon ang instructions ni James na dalhin kita, so we can go shopping right after. Kaya lang tanghali na. Two hours drive mula rito hanggang Makati, iyan ay kung hindi pa traffic sa coastal road.”

“It’s okay, Naya. Kung gusto ni James na sa Makati tayo magpunta, then doon tayo magpunta sa Monday.” She smiled drily. Ang mga mayayaman, konting bagay at nasa doktor. Ang dami niyang mga kakilala sa Aurora na manganganak na lang ay hindi pa nagpapa-checkup.

“Are you sure?” Nananantiya ang tinig nito at saka tinitigan siya. “Baka kailangan mong patingnan agad ang pagsama ng pakiramdam mo.”

“I’m pregnant, aren’t I? So it’s to be expected. At prenatal checkup lang naman ang gagawin sa akin at confirmation ng kondisyon ko.”

“If you say so.” Nagkibit ito ng mga balikat. “Di sa Lunes na lang ako babalik—”

“Sa Lunes?” kunot-noong putol niya sa sinasabi nito.

“I don’t live here in James’ house, Chantal. Sa bahay ng mga Lolo Franco at Lola Beatriz sa Neopolitan ako nakatira, remember?” paliwanag nito. “Sumama lang ako kahapong pauwi dahil nga sasamahan sana kita sa doktor ngayon.”

“Oh...” usal niya. “I hate to impose on you, Naya. Hindi ka na dapat inabala pa ni James. Kaya ko namang magpa-checkup mag-isa. Bukod sa nandiyan naman si Adora.”

“You’re not imposing,” wika nito, then she smiled sheepishly. “Kapag sinamahan kita, malilibre ako sa pang-shopping. James promised me that.”

“Shopping?” hindi makapaniwalang bulalas niya. “Surely you have—”

“Monthly allowance from my father,” she said with a pout. “Kulang. Well, I’m getting a job next month. Ayoko sa family corporations, walang thrill. They’ll indulge you. Anyway, ang gusto kong bilhing bag ay fifteen thou ang halaga, Carolina Herrera.” She was speechless for a moment. So Nayumi wasn’t the spoiled little rich girl she previously had thought.

Nayumi laughed prettily. Tila nahuhulaan ang nasa isip niya. “Don’t look so shocked. ‘Earn your keep,’ that’s the family rule. Even my cousins Cameron and Monique have to work someday. Anyway, sa Monday ay magpapasama tayo sa doktor kay Aunt Billie. Oh, she’d love to talk to you. Ganoon din ang iba pang miyembro ng pamilya.”

“Ang sabi mo’y naroon silang lahat noong libing ni Quinn?”

“Yep. Pero hindi pinahintulutan ni James na may makipag-usap at makalapit sa iyo.”

Hindi siya sumama sa funeral. Sinabi niya iyon kay Adora. Hindi niya kaya. Gusto niyang manatili sa alaala niya si Quinn na buhay. At natatandaan niyang nagbigay ng instructions si James kay Adora na samahan siya.

Kinainipan ni Chantal ang nagdaang mga oras. Matapos nilang mag-usap ni Nayumi ay nagpahatid na ito pauwi. Hindi siya sana’y na walang ginagawa. Maliban kay Adora ay tatlo pa ang kasama sa bahay na iyon, si Josue na hardinero-driver at siyang naghatid kay Nayumi, si Simon na katiwala naman sa kuwadra at ang asawa nitong si Elsa. Si Simon ay nasa mid-thirties, habang si Elsa ay bata rito ng limang taon.

Sa pagkakakuwento ni Elsa ay dalawang taon pa lamang mula nang matapos ang bahay na iyon. At matagal nang hardinero ng mga Navarro si Simon. Anak ito ng isa sa mga tauhan ng Rancho Navarro. At nang matapos ang bahay na iyon ay dinala ni James sa Tagaytay ang mag-asawa dahil wala pa namang anak.

At mula kahapong dumating siya at hanggang sa araw na iyon ay walang ginawa si Elsa kundi ang magkuwento ng mga kung ano-ano tungkol kay James. Lalo na sa unang girlfriend nitong si Sylvia. She would have wanted to hear more but she didn’t want to gossip with the house help, na ang topic ay ang asawa niya.

“Ano ang maitutulong ko, Adora?” bungad niya pagpasok sa kusina. Hinila niya ang isang stool sa may working table at naupo roon kasabay ng paggala ng mga mata. The kitchen was huge and a housewife’s delight. Another iron chandelier, mas maliit kaysa nasa sala, ang naka-hang sa gitna ng dining table.

“Marunong ka bang magluto, hija?” Kinuha nito mula sa freezer ang lulutuin.

“Kung lutong probinsiya lang naman, marunong ako. Prito, adobo, paksiw na isda, o di kaya’y ensaladang pako. Ganoon lang, Adora,” nakangiting sabi niya, at duda siya kung nakatikim na ang mga taong ito ng pako.

It was an edible fern na karaniwan nang tumutubo sa tabing-ilog o di kaya’y sa mga bundok. Kung ang isa’y hindi marunong ay halos wala itong kaibahan sa anyo ng ilang varieties ng fern sa tabing-daan.

“Hindi ko nga lang matiyak kung magugustuhan ng kakain.” Lalo na si James, gusto niyang idugtong.

“Masarap ang ensaladang pako,” ani Adora sa pagkamangha niya. “Bibihira akong makakita niyan sa palengke. At magluluto ako ng casserole ngayon. Kung gusto mong matutuhan, halika at panoorin mo ako.”

“Ano ang maaari kong hiwain?”

Bago ito makasagot ay tumunog ang extension phone na nakasabit sa dingding sa kusina.

“Ako na,” ani Adora nang akma siyang bababa ng stool.

“Hello... James...”

Napakislot si Chantal pagkarinig sa pangalan ng asawa. Itinuon ang buong pansin kay Adora at pinakinggan ang pakikipag-usap nito.

“Ganoon ba? Si Abner... Siya, sige... Hindi mo ba gustong kausapin—” Hindi natapos ni Adora ang sasabihin, inilayo ang telepono sa tainga at sandali iyong tinitigan.

Natitiyak ni Chantal na nagbaba na ang kabilang linya. She was dismayed. Ni hindi man lang siya kinausap ng asawa.

Nagkibit ng mga balikat si Adora at ibinalik sa cradle ang telepono. Pagkuwa’y nilingon si Chantal. “Nagpapahanda ng gamit ang asawa mo para sa dalawang araw na...” Tumikhim ito at saka umiling bago nagpatuloy, “na... seminar sa... Puerto Azul. Ku, eh, malapit lang iyon dito sa atin.” Puerto Azul. Sa pagkakaalam niya, nasa Batangas iyon. Hindi kalayuan sa Tagaytay. Bakit kailangang magpahanda ng gamit? Hindi ba ito uuwi?

“Teka’t tatawagin ko si Elsa nang makatulong ko sa paghahanda ng gamit ng asawa mo sa dalawang araw...”

“Ako na ang maghahanda ng gamit ni James, Adora,” aniya. “Ipagpatuloy mo na lang ang ginagawa mo. Marahil ay alam ni Elsa kung ano ang mga dadalhin ni James. Anong oras dadaanan ni James ang mga gamit niya?”

Muling tumikhim si Adora. Iniwas ang mga mata at kunwa’y nagpapahid ng mga kamay. “Dadaanan ni Abner ang traveling bag mamayang alas-singko. Si Abner nga pala’y isa sa mga driver ng opisina.” Mabigat ang dibdib na tumango siya at humakbang palabas ng kusina. “Ako na ang tatawag kay Elsa...”

Bakit hindi man lang magpaalam sa kanya ang asawa? Even if their marriage was in name only, hindi ba’t may karapatan naman siyang malaman kung saan ito pupunta? Ni hindi niya gustong maniwalang sa Puerto Azul nga ang tungo nito. Bakit kay tagal munang nag-isip ni Adora bago nito sabihing may seminar si James?

Masama ang loob niyang lumabas sa likod at hinanap si Elsa.

“WALA pa kayong tatlong araw na nakakasal, ah,” wika ni Elsa habang ibinaba mula sa itaas ng closet ang isang hindi kalakihang traveling bag. “Kung sa bagay, matagal na rin siguro kayong naging magkasintahan ni Sir bago kayo nagpakasal kaya para na ring hindi kayo bagong kasal?” May malisyang ngumisi ito at gusto niyang mainis.

“Ano ba ang ibig mong sabihin, Elsa?”

“Alam mo naman iyang mga lalaki. Noong araw kasi, kapag sinabi ni Sir James na aalis siya ng dalawang araw, karaniwan na’y may kasamang—” Muli’y huminto ito sa gitna ng sinasabi. Nanlaki ang mga mata. “Eh, j-joke lang ho, Ma’am Chantal...”

She fell silent. More or less ay nahuhulaan na niya ang karugtong na sasabihin sana ni Elsa ...kapag sinabi ni Sir James na aalis siya ng dalawang araw, karaniwan na’y may kasamang babae...

So wala talaga itong seminar. James was going away to rid himself of the sexual frustrations, sanhi ng nangyari sa kanila kagabi. Her thoughts went to what James had said before their wedding...

Huwag mong intindihin ang sex life ko... Ako ang bahala roon. Hindi pa nangyaring nagkaproblema ako sa bahaging iyan ng buhay ko bilang lalaki…

She smiled sarcastically. So her husband-in-name-only was taking out his sexual frustrations in a very discreet way. And there was no reason for her to be upset. James was being sensible.

Pero bakit may pakiramdam siyang masama pa rin ang loob niya?

Hindi masama ang loob ko! marahas niyang kontra sa sarili. Nagagalit siya. Iyon ang nararamdaman niya. Dahil hindi man lang ito nagkaroon ng common decency na magpaalam sa kanya nang personal.

The man was rude!

Iyon ang dahilan. At wala siyang pakialam kung sino pa man ang isasama nito sa loob ng dalawang araw.

“ANO BA ang gagawin mo?” tanong ni Adora nang makita siyang may hawak na pantabas ng damo.

“Naiinip ako, Adora. Gusto kong magdamo sa likurang-bahay,” aniya. Iyon ang ikalawang araw mula nang walang-paalam na umalis si James. At naubos na yata niyang lahat basahin ang mga paperbacks nito.

Napapailing na kinuha ng matandang babae ang pantabas sa kanya. “Walang damong tatabasin maliban pa sa trabaho ng dalawang lalaki iyon. Kung gusto mong may ginagawa’y maaari kang magpunas-punas ng alikabok sa kabahayan.”

She rolled her eyes. The whole house was immaculately clean. Dahil nga wala namang maraming gawain ay wala na rin yatang ginagawa ang ibang mga kasama niya roon kundi pakintabin ang kabahayan. Kahit ang malalaking beams at trusses sa kisame ay nangingintab.

“Alas-kuwatro pa lang pero igayak na natin ang lulutuin para sa hapunan nang hindi ka mainip. Baka mamayang gabi na ang uwi ng asawa mo. Naihanda ko nang lahat ang mga rekado. Halika’t panoorin mo akong lutuin iyon...”

“I wish I could go back to teaching, Adora...” mahinang sabi niya at sumunod dito patungo sa kusina.

“Maaari mo namang ipakipag-usap kay James iyan. May mga paaralan naman dito sa Tagaytay.”

“Sana nga’y makapagturo akong muli. Tutal hindi pa naman malaki ang tiyan ko. At nakakainip ang walang ginagawa rito sa bahay.”

Inilabas ni Adora ang lulutuin, ulo iyon ng baboy at inilagay nito sa lababo. “Ipagluluto ko ng sisig ang asawa mo. Isa sa mga paborito niya. At magsisigang ako ng kanduli sa miso...”

Tinulungan niya itong maghiwa ng mga rekado at pinanood ang pagluluto. Nang maisalang na ay minabuti niyang pumanhik na muli sa silid niya sa itaas. Pumasok sa kabilang silid. Inikot iyon ng tingin. Muli ay doon matutulog si James sa pag-uwi nito mamaya. Malaki ang sofa bed, subalit malaking tao rin ito. Mamaya’y isusuhestiyon niyang magpalit sila ng higaan.

Pabalik na siyang muli sa master bedroom nang mapunang nakaawang ang top closet, ang pinagkuhaan ni Elsa ng traveling bag noong nakaraang araw. Hindi marahil nito naisarang mabuti at hindi naman niya agad napuna. Ngayon lang dahil pinag-ukulan niya ng pansin ang buong silid. Kinuha niya ang stool sa dresser at dinala sa closet, tumuntong doon upang isara ang bahagyang nakabukas na pinto ng top closet.

Itinaas niya ang kamay upang itulak iyon pasara nang maramdaman niyang may dalawang malalaking kamay ang humawak sa baywang niya. Ang sunod niyang nalaman ay tila siya lumutang sa ere.

Napatili siya kasabay ng paglapat ng mga paa niya sa sahig.