“F OR PETE’S sake, ano ang ginagawa mo?!” Pumuno sa tenga niya ang galit na tinig ni James.
Ang sindak ni Chantal ay nauwi sa galit. Naniningkit ang mga matang hinarap niya ito. “Wala kang karapatang takutin ako nang—” Hindi niya natapos ang sasabihin nang makita ang mga mata nito. Kung nagagalit siya’y higit ito.
“You’re such a silly girl, aren’t you? Ano ang ginagawa mo’t pumanhik ka sa stool na iyan?” Sandaling lumipad ang mga mata nito sa stool sa likod niya bago iyon ibinalik sa kanya.
“Gusto ko lang isara ang top door closet!” she hissed. “Hindi ko maintindihan kung ano ang dapat mong ikagalit at tinakot mo ako nang ganoon.”
“Hindi ko intensiyong takutin ka. Ako ang tinakot mo na baka ka mawalan ng panimbang at mahulog! Maaari mo namang iutos kay Elsa o sa mga lalaki ang bagay na iyan. Paano kung nahulog ka?”
Napailing siya. Ang galit ay nabawasan nang mahimigan ang pag-aalala sa likod ng galit nitong tinig.
“Nakakatawa kayong mayayaman...” she said in dry amusement. Tiningala niya ang itaas ng closet. “Kaunting trabaho ay iuutos sa katulong. Iyan ba namang distansiyang iyan ay ipag-aalala mo? Pinapanhik ko ang puno ng mangga sa amin, James.”
Hindi niya matiyak, subalit tila may ngiting gustong sumilay sa mga labi nito sa huling sinabi niya.
“Hindi ko maisip ang anyo mo sa itaas ng punong mangga, Chantal,” he said, anger gone. May ibang tonong humalili sa tinig nito. Something seductive...
At kung ano man iyong gusto niyang sabihin ay tuluyang naglaho sa isip niya nang mapunang hanggang sa mga sandaling iyon ay nasa baywang pa niya ang mga kamay nito. Bigla ang pag-ahon ng panic sa dibdib niya, mabilis na kumawala at tumalikod. In the process, tumama ang paa niya sa stool at nawalan siya ng panimbang.
Muli’y naroon ang kamay ni James sa baywang niya at pahapit siyang hinila.
“B-bitiwan mo ako, James...” Ang mga kamay niya’y nasa dibdib nito na automatic niyang isinangga.
Ang buntong-hiningang pinakawalan ni James at ang mukha nito’y nagbabadya na tila ito martyr at na labis-labis ang pagpapasensiyang ginagawa sa kanya.
“Lahat ng ginagawa ko ay para sa iyo, Chantal,” wika nito sa pinakabanayad na tinig na narinig niya mula rito. And that made her feel so guilty.
“T-thank you... pero mas marami akong kapahamakang aabutin sa ginagawa mo.” Ang pagsisikap na lagyan ng akusasyon ang tinig ay nawalan ng silbi. Napangiwi siya, nasaktan ang paa niyang tumama sa stool.
“I won’t let harm come to you, Chantal. You’re carrying Quinn’s child. I don’t want to let my father down where you were concerned and afterwards put the blame on me.”
Ang guilt ay iglap na nawala. Heto siya at agad inisip na kapakanan niya ang inaalala nito, iyon pala’y hindi lang gustong masisi ni Alvaro kung may mangyari sa kanya.
But then, bakit niya inasam na siya ang inaalala nito?
Ipinagbuntong-hininga niya ang kalituhan. Sa pagkakataong iyon ay maingat at matagumpay niyang napakawalan ang sarili nang walang disaster.
“Alam ba ni Adora na dumating ka na?” tanong niya, she tried avoiding his eyes.
“Kung hindi sa mga stammering mo, hindi mo ako gustong tingnan nang deretso kapag nakikipag- usap ka sa akin. Napakalaki ba talaga ng kaibahan namin ni Quinn? Was he too saintly while I look like a devil to you?”
Ikinabigla niya ang tanong nito. James was everything Quinn talked about. Arrogant, strong, handsome that he had women throwing themselves at his feet. At kailanma’y hindi niya naihanda ang sarili na makaharap ito, higit sa lahat, ang mapakasal dito.
Hindi niya alam pakitunguhan ang tulad ni James.
“H-hindi ganoon ang tingin ko sa iyo, James,” mahinang sagot niya.
“Yeah?” p uno ng sarcasm ang tinig nito na ikinairita niya.
“Quinn brought out the best in me...”
“And I bring out the worst in you,” he supplied in a tired voice. “Hindi ko alam kung paano ginagawa ni Quinn iyon. All my life I envied him, he had all my father’s attention. At lahat na lang yata ng mga tao’y nag-aalala sa kanya.”
Muli ay ang paglatay ng guilt sa dibdib niya. Her maternal instinct surfaced. “Oh, James—’’ Her intention to reach out to him was stopped when she saw the savage anger in his eyes.
“Go out, Chantal!” he said. “Hindi ko kailangan ang simpatya mo. Hindi ko alam kung anong mayroon ka at nalilimutan ko ang sarili ko sa pagsasabi ng mga bagay na walang kabuluhan!” Tumalikod ito at bale-walang naghubad ng polo shirt at inihagis sa sofa bed. “Pakisabi kay Adora na gusto kong maghapunan nang maaga. Marami akong gagawin ngayong gabi.” Binuhay nito ang laptop computer, hinila ang leatherette chair at naupo sa harap nito.
“A-anong gusto mong ipanhik ko rito?” she asked guiltily.
Umikot si James paharap sa kanya. “Sabihin mo kay Elsa na dalhan ako ng brandy,” sagot nito, at muli sanang iikot paharap sa computer nang may mapuna. His eyes rolled in exasperation.“For pity’s sake, palitan mo iyang suot mo! Tinalo mo pa si Elsa diyan, ah!”
Napasinghap siya sa sinabing iyon ni James. She felt silly. Sinuot niya ang duster na iyon nang pinlano niyang magtabas ng damo na hindi naman natuloy.
“Hindi mo kailangang sumigaw dahil lang naka-duster ako,” masama ang loob niyang sabi. “Nakakainis ka.. ”
“Kung mayroong dapat mainis sa bahay na ito’y ako iyon!”
“At ano ang dapat mong ikainis? Hindi ba’t nagpasarap ka sa loob ng dalawang araw?”
“Nagpasarap?” Umangat ang mga kilay nito. “I attended a live-in seminar!” diin nito.
“Seminar o babae?” Kung bakit niya sinabi iyo’y hindi niya alam. At huli na para bawiin. Nagkatitigan sila ni James.
At bago pa niya mahulaan ang gagawin nito’y gumulong na ang upuan nito palapit sa kanya. “Halika nga,” wika nito at inabot siya. Napaupo siya sa kandungan nito kasabay ng pagsinghap.
“Ano ba!”
“Nagseselos ka ba?”
“At... b-bakit ako magseselos? B-bitiwan mo nga ako...” Her palms were on his chest and trying to push him, kasabay niyon ay ang pagpipilit na tumayo mula sa kandungan nito. Subalit tila bakal ang kamay na nakapulupot sa kanya, ang dibdib naman nito’y tila ang Great Wall of China.
“Hindi kita maintindihan,” he bit out, his eyes moved up and down her face, pagkatapos ay huminto sa mga labi niya na hindi niya mapigilan ang mapalunok. “Pagkatapos ng ginawa mo sa akin noong nakaraang gabi’y ano ang inaasahan mong gagawin ko? You can hardly expect me to satisfy myself like a school boy?” Umiling ito. “Grow up, Chantal. Besides, napag-usapan na natin na ako ang bahala sa sex life ko, di ba? So why are you making me feel guilty?”
“I–I am not. N-nagpaalam ka man lang sana,” she said idiotically. Ang mga mata’y nakatuon sa hubad nitong dibdib. And why in heaven she couldn’t take her hands off his chest. At kung susundin niya ang idinidikta ng katawan, gusto niyang damhin ang katawang iyon. Haplusin ang pinong balahibo.
She had never actually seen a man with hair on his chest maliban dito. And the thought na magagawa niyang damhin iyon ay nagdudulot ng thrill sa kanya.
“Yeah?” he mocked. His breath warm on her face. “Anong sasabihin ko? Hey, wife, makikipag-date ako ngayon, dahil asawa lang naman kita sa pangalan, ganoon ba?”
Of course, he was right, atubiling pag-amin niya sa sarili. James was twenty-nine, in his prime. Handsome. Full of energy. And hormones. Pero ang isiping babae ang kasama nito sa nakalipas na dalawang araw sa Puerto Azul ay hindi kayang tanggapin ng isip niya. And for pity’s sake, she didn’t even know why!
“You don’t have to be sarcastic... What I expected from you is a simple courtesy.” Nag-angat siya ng mukha at gustong pagsisihan iyon dahil ilang pulgada lang ang layo ng mukha nito sa kanya. “B-b-bitiwan mo ako...”
“Then push me, wife,” wika nito. Ang tinig nito’y tila balahibong humahaplos sa kanya. “Nasa dibdib ko ang mga palad mo.”
Her eyes widened, she opened her mouth to say something. But whatever she was about to say was never uttered. James mouth descended on hers. And then there was nothing but his mouth, hard on hers, his hands tightening on her flesh.
No ... No! Iyon ang isinisigaw ng isip niya. Kasama na ang diktang itulak niya ito. But her body’s mad reaction to his kiss shocked her.
She couldn’t control the delicious moan that came out of her lips when James’ hand went up to her breast and cupped it. Then his mouth moved down to the hollow of her throat, kissing it wetly.
“Oh, you’re so sweet,” James said against her lips, groaning... something like despair. “Let’s forget the arrangement, Chantal, take me, sweetheart... take me...”
The sensation was mind-blowing. She’d never felt anything like this before. At tuluyan na siyang nagpatangay nang mula sa kung saan ay pumasok muli sa isip niya kung saan ito nanggaling at kung sino ang kasama.
Sa loob ng dalawang araw ay may kasamang ibang babae si James!
Marahas niya itong itinulak at mabilis na kumawala. Tumayo at manghang umatras patungo sa may pinto. May kung ilang sandali siyang nanatili sa ganoong ayos.
“Dammit, Chantal! Huwag mo akong tingnan nang ganyan, na para bang isang malaking kasalanan ang ginawa ko!” he snapped. His breathing harsh. And she could still see the passion burning in his eyes.
Wala siyang alam sabihin. Mas higit ang pagkamanghang nararamdaman niya para sa sarili. Saan galing ang mga damdaming pinupukaw sa kanya ni James? Bakit kahit minsan ay hindi niya iyon naramdaman kay Quinn?
“You kissed me back,” he rasped. “Gaano man kainosente ang halik mo’y tumugon ka pa rin! You want it, too, don’t deny it!”
Of course she couldn’t deny it. It would be foolish and hypocritical to do so. Because, he was right. She wanted it too. She wanted him. At natitiyak niyang nakikita iyon ni James sa mga mata niya.
She turned red at the thought. Embarrassed, she ran out of the room.
MALIBAN sa kalansing ng mga kutsara’t tinidor ay walang maririnig na usapan sa pagitan ng dalawa nang hapunan na. Si Chantal ay nakatuon ang buong pansin sa pagkain sa pinggan na hindi naman nagagalaw. Ni hindi niya gustong salubungin ang mga mata ni James.
Alam niyang sinusulyapan siya nito. And everytime he did, nag-iinit ang mukha niya. Paulit- ulit ang eksena sa itaas na naglalaro sa isip niya. At hindi niya maiwasang pamulahan ng mukha.
At alam niyang nahuhulaan nito ang naglalaro sa isip niya. At gusto niyang kasuklaman ang sarili roon.
“Nag-away ba kayong dalawa?” s i Adora nang mainip na wala man lang nagsasalita sa kanilang dalawa.
“Huwag mo kaming intindihin, Adora,” ani James sa matabang na tinig. “Nagkataong may natuklasan akong isang bagay sa asawa ko kanina at hindi niya gustong tanggapin iyon ”
“Natuklasang ano?” kunot ang noong susog ni Adora.
“You’re mistaken!” kontra niya kasabay ng pag- angat ng mukha rito. Alam niyang tinutukoy nito ang ginawa niyang mainit na pagtugon dito. “I–it was... Oh!” nanlulumong napaungol siya.
“Kumain ka, Chantal,” utos nito. “Huwag mong paglaruan `yang ulam. Walang kapantay ang sisig ni Adora.”
Gusto niya itong singhalan sa pagtatratong bata nito sa kanya. Subalit naroon si Adora at hindi niya gustong marinig nito ang palitan nila ng salita. Hindi siya nakatitiyak sa maaaring sabihin ng asawa, lalo at hindi naman ibang tao ang turing kay Adora kundi kapamilya.
Ang galit niya’y ibinunton niya sa pagkain. Kung masarap man nga ang mga niluto ni Adora’y hindi niya alam. Gusto niyang tapusin ang pagkain at nang makaalis na sa harap ng asawa.
She heard a gurgling sound and her head went up to him only to find him smiling at her. No, it wasn’t a smile. He was mocking at her.
“Childish tantrums again, Chantal?”
She gritted her teeth. At bago pa siya makaisip ng isasagot ay tumayo na si James.
“May tatapusin akong trabaho, Adora,” wika nito at ibinaba ang linen napkin sa mesa. “Bago ka matulog ay pakisabi kay Elsa na dalhan ako ng kape.”
Nawala na ito sa dining room pero nanatiling nakatitig si Chantal sa dinaanan nito.
“Natitiyak kong hindi mo sasabihin sa akin kung ano ang ibig sabihin ng asawa mong may natuklasan siya sa iyo,” ani Adora, may nakatagong ngiti sa mga mata.
“Halos inamin na rin niya sa aking babae ang kasama niya sa Puerto Azul, Adora!” padabog niyang sagot. Iyon ang unang pumasok sa isip niya.
Umangat ang mga kilay ni Adora at napangiti. “Sinita mo ang asawa mo? At inisip ni James na nagseselos ka, ganoon ba?”
Napasinghap siya. “Hindi!” she denied vehemently. Pagkuwa’y huminga nang malalim. “May binanggit si Elsa noong araw na inihanda namin ang gamit ni James...”
“Kukutusan ko ang babaeng iyon sa kadaldalan,” wika nito. Yumuko upang hindi niya makita ang ngiting hindi nito maitago. But she caught it and frowned. Tinutukso ba siya nito?
Nag-angat ng ulo si Adora. “Maliligayahan ako at si Nayumi kung matututuhan mong mahalin si James, Chantal...”
“Adora, `ayan ka na naman.. ”
“Bulag, bingi at walang pakiramdam lamang ang babaeng hindi magkakagusto kay James, hija. At hindi mahirap para sa inyo ang magkaroon ng atraksiyon sa isa’t isa. At natitiyak kong hindi ka pakakasalan ni James kung wala siya kahit na kaunting atraksiyon sa iyo—”
“Dahil sa binitiwan niyang pangako kay Quinn. Iyon ang dahilan...” pagdiriin niya. May kasiyahang gustong lumutang sa dibdib niya, kasiyahang agad na naglaho nang may maisip. “Sinabi ni Nayumi na na-pressure ng p-papa niya si James na pakasalan ako bukod pa sa pangako kay Quinn...”
“Totoong gustong paluguran ni James si Alvaro. Pero kilala ko ang alaga ko, walang maaaring pumilit sa kanyang gawin ang mga bagay na hindi niya gustong gawin, Chantal,” patuloy ni Adora.
She wished she could believe that. But James was intent on pleasing his father.
Nagpatuloy si Adora. “At nang ikasal kayo’y umaasa akong magiging matagumpay ang inyong pag-aasawa. Sa pamamagitan mo’y makakalimutan niya ang nangyari sa kanila ni Sylvia. Ibigay mo kay James ang pamilyang hinahangad niya, Chantal.”
She swallowed. “M-maganda ba siya?”
“Si Sylvia? Isa sa pinakamagandang babaeng nakita ko. Gandang Latina. At kung gusto mo iyong gandang nakikita mo sa panlalaking magazines. Subalit mababaw ang pagkatao ng babaeng iyon. Matanda ito ng dalawang taon kay James na noo’y wala pang beinte-kuwatro. Nang matiyak ng babaeng iyon na nalulugi ang Rancho Navarro at hindi tinatanggap ni Alvaro ang tulong ng pamilya upang itayo itong muli ay sumama at nagpakasal ito sa ibang lalaki. Nasaktan nang labis si James. Mula noon, ang tingin niya sa mga babae’y laruan... nabibili ng salapi.”
“Si Al—ang papa? Paanong hindi pantay ang pagtingin niya sa magkapatid?”
“Napansin mo na ba?” Isang nalulungkot na ngiti ang pinakawalan ni Adora. Sinabayan iyon ng iling. “Hindi ko alam... marahil ay sinisisi niya si James sa maagang kamatayan ni Kristine.” Nagkibit ito ng mga balikat. “Pinayuhan si Kristine ng mga doktor na tigilan na ang pagpipilit na magdalang-tao dahil nakailang miscarriage na ito. Na hindi na tamang magdalang-tao pa...
“Nang maipanganak si James ay labas-masok na si Kristine sa ospital. Paroo’t parito sa ibang bansa para magpagamot. Bagong kasal lamang ako nang maging pasyente ko siya sa ospital sa Amerika. Sa ospital ko nakilala ang mag-anak na Navarro. At dahil parehong Pilipino’y nagkalapit kami, lalo na si Donya Beatriz. Alam kong kinasusuklaman ni Kristine ang ina ni Quinn bagaman mabait ito sa bata. Marahil ay ipinaninibugho ni Kristine ang labis na pagtingin ni Alvaro dito.”
“Ilang taon si James nang mamatay ang mama niya?” Narinig na niya ang kuwentong iyon mula kay Elsa subalit pahapyaw lang at nalulungkot siya para sa batang James.
“Apat na taon.”
Kumunot ang noo ni Chantal. May gustong itanong subalit hindi maisatinig. Si Adora ang nagsatinig niyon.
“Wala pang isang taon at kalahating namamatay si Kristine nang ampunin ng mag-asawang Franco at Beatriz si Nayumi... she was five-months old. Ang ama niya’y isang Amerikano. He died of coronary tatlong buwan bago ipanganak si Nayumi.”
Hindi na dinugtungan ni Adora ang sinabi at tumayo na ito. Hindi malaman ni Chantal ang iisipin. Si Quinn ay anak ni Alvaro sa pagkabinata. Ayon kay Nayumi, ang isa pang kapatid ni Alvaro, at ama ng pinsan nitong si Monique ay anak naman ni Franco Navarro sa ibang babae.
Ano pa ba ang mga sekreto ng pamilya?