N ANG humupa ang bugso ng damdamin ay nanatiling nakahiga sa kama si Chantal. Blankly staring at the shadowy patterns reflected on the veranda glass door by the trees habang ang mga sanga nito’y isinasayaw ng hangin. Kung gaano siya katagal nanatili sa ganoong ayos ay hindi niya alam. Subalit nang sa pakiramdam niya’y kalmante na ang damdamin niya’y tumayo siya at pumasok sa banyo at binasa ng tubig ang mukha upang kahit paano’y mapawi ang bakas ng pag-iyak niya.
Inayos niya ang sarili at isinuot ang salamin sa mata at lumabas ng silid at bumaba. Dahil kung hindi niya gagawin iyon ay natitiyak niyang papanhikan siya ng tanghalian ni Adora.
“Ipatatawag na sana kita kay Elsa,” wika nito nang bumungad siya sa dining room. “Nakahain na ako. Lechong manok at sinigang na hipon ang tanghalian. Tiyak na magugustuhan mo. Maupo ka na at humigop ng mainit na sabaw...” wika ni Adora at agad siyang nilagyan ng pagkain sa pinggan.
“You’re spoiling me, Adora,” banayad niyang sabi, clearing her throat.
Mas lalong bumigat ang dibdib niya sa pagsisilbi nito dahil may pakiramdam siyang gusto niyang umiyak dito at ibuhos ang sama ng loob. Pero hindi niya magagawa iyon. Adora would know for sure that she had fallen in love with her husband. At maaari nitong kausapin at sitahin si James.
“Ipagpaubaya mo na sa akin ang ginagawa ko, Chantal. Para na ring nadagdagan ang anak ko. Kayo nina James at Naya.” Naupo na rin ito at nagsimulang lagyan ng pagkain ang sariling pinggan.
Hindi niya gustong kumain subalit hindi niya kayang tanggihan ang kalam ng sikmura. Walang kibo siyang kumain. Mayamaya’y nag-angat ng mukha.
“Adora...” she paused, “si... si Sylvia ba ay tagasaan?”
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ng matandang babae sa tanong niya. “Sa pagkakaalam ko’y taga-Cebu ang mga magulang niya pero sa Maynila sila nagkakilala ni James. Isa siyang Binibining Pilipinas runner-up. Bakit bigla mong naitanong?”
Sa nanginginig na kamay ay inabot niya ang soup bowl at banayad na humigop ng sabaw bago sumagot.
“W-wala lang...” She felt like dying. At kung hindi ang matinding pagpipigil sa sarili’y baka bumulalas na naman siya ng iyak.
Kung mayroon man siyang gustong kasuklaman ay walang iba kundi ang sarili niya—for falling in love with James.
“May problema ba, Chantal?” nag-aalalang tanong ni Adora.
“Wala, Adora... gusto ko lang umiyak.” It was safer to tell the truth. But not the reason behind it. “Hindi ko maintindihan ang sarili ko.”
Nakakaunawang ngumiti si Adora. “Kabahagi ng pagdadalang-tao iyan, hija. Hormonal changes...”
SHE WAS at the veranda blindly watching the verdant rolling hills and the forests nang dumating si James. Nagulat pa siya nang yakapin siya nito mula sa likod at hagkan sa batok. Ang mga kamay nito’y agad na dinama ang dibdib niya, kneading them gently.
“Oh, I missed you, darling,” James murmured in her hair, then biting her earlobe gently. “Hmm...you always have this bewitching scent, Chantal.”
Sa kabila ng lahat ay iglap na may pinukaw na init sa kanya si James. Pride at self-preservation ang nagpigil sa kanya upang huwag gumanti ng yakap at halik dito. She missed him so much that it was killing her.
Pagkuwa’y huminto ito sa paghalik at pagdama sa kanya, iniharap siya nito, raised her face to his. Pagkuwa’y nagsalubong ang mga kilay.
“Are you all right?”
“What made you ask that?” Ipinagpasalamat niyang hindi siya nag-stammer.
He shrugged. “Somehow... you’re different. Your eyes look so sad and... Oh, I must really have missed you so much and started to imagine things. Ang sabi ni Adora’y may sorpresa ka sa akin. Ano iyon?”
Pinilit niyang ngumiti. “I’m... pregnant...”
His eyes grew wider a fraction. “Are... you sure? Have you seen a doctor?”
Tumango siya. “The OB confirmed it yesterday.”
Agad ang pagguhit ng kasiyahan sa mga mata nito. “I knew you would be! I knew you would...” Excitement laced his voice. Niyakap siya nito nang mahigpit. “At hindi ako nagkamali. Iyon ang dahilan kung bakit parang may kakaiba sa anyo mo, because you’re pregnant!”
Naramdaman ni Chantal ang pag-angat ng mga paa niya sa sahig kasunod ang pag-ikot sa kanya ni James. This was supposed to be the happiest moment of her life... of their life together. Pero bakit gusto niyang bumulalas ng iyak? Bakit may patalim na tila humihiwa sa dibdib niya?
“Alvaro couldn’t get so lucky! Damn the old man. Magkakaapo nang talaga! At ako ang ama ng magiging anak mo, hindi ibang lalaki, Chantal!”
Of course. Si Alvaro ang tanging dahilan kung bakit gusto nitong magkaanak sila kaagad. Because of his obsession to please his father. Paano niyang sasabihin sa asawa na alam ni Alvaro na hindi magkakaanak si Quinn? Na walang dahilan para papaniwalain si Alvaro na ang ipinagdadalang-tao niya’y si Quinn ang ama?
God, James accomplished two things at the same time. Ang pagdadalang-tao niya at mapapaluguran nito ang ama; at ang katotohanang ito ang ama ng dinadala niya at hindi ibang lalaki. And that salvaged his male ego.
“Let’s celebrate, darling,” patuloy ni James. “Magbihis ka at luluwas tayo ng Maynila ngayon din. Magpapa-reserve ako sa sekretarya ko sa Manila Hotel...” Tumalikod na ito at tinungo ang telepono.
“B-but you’re tired, James... galing ka lang sa biyahe,” aniya. Hindi niya gustong umalis sila. Not after what she’d found out.
Nilapitan siya nito, his eyes sparkled with happiness. “Not too tired to celebrate the good news, darling. I’ll take a quick shower at pupunta lang ako sa opisina, have a couple of hours briefing with my executives. Dadaanan kita ng five o’clock. Nasa Maynila na tayo bago mag-alas-siyete. Tamang-tama lang. Okay?”
Napilitan siyang tumango and he planted a chaste kiss on her forehead. Pagkatapos ay tinungo na ang kabilang silid habang hinuhubad ang suot. She felt like dying than celebrating.
ALAS- siYete y media nang makarating sila sa Manila Hotel. James took her to the ballroom, kung saan ay nagpa-reserve ito ng mesa. May yellow rose sa mismong tapat niya nang maupo siya. Kinuha iyon ni James at iniabot sa kanya.
“Yellow rose for you, Mrs. Navarro. Not white, not crimson. Yellow, the color of sunshine. Because you bring sunshine into my life, Chantal...” he said huskily.
She was speechless. Ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya’y puno ng pag-ibig. O ipinagkakamali lang niyang pag-ibig dahil iyon ang inaasahan niya mula rito?
“T-thank you, James. This is lovely...”
“Not as lovely as you, my wife.”
She forced a smile. She’d never thought him to be a romantic. But he was now. Kung sana’y hindi niya naisipang tawagan ito sa Cebu... disin sana’y nanatili siyang walang alam, sana’y nanatili siyang nadadaya. Then perhaps she could appreciate all of these and be happy.
She knew James wouldn’t leave her, wouldn’t break his marriage. Tiniyak sa kanya ni Franco at Beatriz iyon nang kausapin siya. Pinayuhan siya ng matatandang sikaping gawing matagumpay ang pag-aasawa nila; na sana’y matutuhan nilang mahalin ang isa’t isa.
At kung hindi niya natuklasan ang pagbabalik ni Sylvia sa buhay nito’y mananatili siyang maligaya.
The waiter served them wine. She sipped from her wineglass in silence.
“Kanina ko pa napapansing hindi ka masigla,” puna ni James. “But it’s okay, talagang ganyan marahil ang naglilihi. Sinabi ni Karl sa akin nang nasa Paso de Blas tayo kung gaano kasumpungin si Lora nang naglilihi.” Then he laughed. “I don’t really mind, darling. Kahit na ayawan mo pa ang lahat ng aftershaves at perfumes ko sa bahay. Itatapon kong lahat...”
“W-what if... what if ikaw ang hindi ko gustong makatabi...” aniya, looked at him from her glasswine’s rim. Marahil ay mas makabubuti kung iyon ang ipapaniwala niya rito.
Nanlaki ang mga mata ni James. “You aren’t serious, are you? My g od, Chantal, I reserved a room at this hotel for us tonight...”
Nag-angat siya ng mukha roon. “What?”
He grinned boyishly. And her heart ached. “I told you, I’ll make up for the past month na abala ako.” Tumayo ito. “Come, darling, let’s dance...” Subalit bago makalapit si James sa kanya’y may isang kamay na humawak dito.
“James!”
“Sylvia?”
“Ang pagkakataon nga naman,” wika ng bagong dating, smiling seductively. “Akalain mong magkita tayong muli rito.” Niyuko nito si Chantal. Sandaling sinuri ng tingin, “So, is she the little wife, James?”
“This is my wife, Chantal. Chantal, si Sylvia...” pagpapakilala nito.
Chantal managed to murmur a polite greeting. Pagkakataon nga bang naroon din ang babaeng ito? O kaya siya dinala ni James doon para magkaroon ito ng dahilang magtagpo ito at si Sylvia? And at the same time, he’d accomplished his husbandly duty—to celebrate her pregnancy.
Her eyes surveyed the other woman discreetly. Tulad ng sinabi ni Adora, she was stunningly beautiful. Her bottle-brown hair looking untidy at nakasabog sa mukha and had made her look sexy, na kung ikokompara sa buhok niyang naka-French knot, Chantal felt ancient.
She wore a multi-colored silk minidress and Chantal felt too made-up, too formal with her long dress. At nahiling niyang sana’y hindi mahabang damit ang suot niya.
The plunging line showed her cleavage extravagantly. At kung hindi ito mag-iingat sa pagkilos ay natitiyak ni Chantal na lilitaw ang dibdib nito anumang sandali. Pero may palagay din siyang bale-wala rito iyon. She was actually showing off her Penthouse boobs.
And suddenly, nakadama siya ng insekyuridad sa sariling dibdib. Feeling sick, tumayo siya. “Excuse me, James,” paalam niya sa asawa nang hindi man lang ito tinitingnan. “ p upunta lang ako sa powder room.” Dinampot niya ang purse sa mesa, and with enough dignity she could muster, taas ang noong lumakad siya patungo sa powder room.
Gusto niyang umiyak subalit hindi niya gagawin iyon. They could go to hell and walked back pero hindi niya bibigyang-kasiyahan ang dalawang makita ang resulta ng ginagawa ng mga ito sa kanya.
Pagdating sa loob ng ladies’ room ay ipinagpasalamat niyang walang ibang tao roon kundi siya. Nahahapo siyang sumandal sa tiled wall at pinigil ang sariling mapahikbi. If she’d cry now, masisira ang makeup niya, and she’d look more foolish. At pagtatawanan siya ng babaeng iyon!
Alam niyang hindi pagkakataon ang pagkikita ng dalawa ngayong gabi. Si Sylvia ba ang dahilan kung bakit ito kumuha ng silid sa hotel gayong maaari naman silang umuwi? Hihintayin ba ni James na makatulog siya at pagkatapos ay lalabas ng silid nila at pupuntahan si Sylvia na natitiyak niyang may sariling silid din sa hotel na iyon?
The dirty, rotten immorals... she thought angrily.
And then she tried to pacify her emotions. Oh, g od. Kung ano-ano na ang pumapasok sa imahinasyon niya. Sinisira ng dalawang iyon ang matinong kaisipan niya.
Bumukas ang pinto ng ladies’ room at napatuwid ng tayo si Chantal at humarap sa salamin at kunwa’y nagre-retouch ng makeup. At sa pagkagulat niya’y nakita niya sa salamin si Sylvia. Nakangiting humarap din ito sa salamin pero sa reflection niya nakatingin.
“You’re not exactly James’ type. I wonder why he married you in haste.”
“At katulad mo ang type niya, iyon ba ang ibig mong sabihin?” wika niya, trying to hold on to her temper.
A smiled formed Sylvia’s red lips. “Kilala ko si James. We were engaged for months—”
“Bago mo siya ipinagpalit sa ibang lalaki,” she supplied bitchily.
Sylvia gasped. Pagkuwa’y naningkit ang mga mata. “Wala kang alam doon! Ipinaliwanag ko kay James ang sirkumstansiya and he has forgiven me. At alam kong ikaw ang tumawag sa hotel room niya kahapon,” wika nito. A mocking smile on her face. “I checked with the reception.”
“For pete’s sake, you’re a married woman!” she said with disgust.
“I divorced my husband two months ago. Nahuli lang ako ng dating. Hindi ko kaagad naipaalam kay James or else he wouldn’t have married you.” She cocked her head, ang ngiting ibinibigay sa kanya’y nakakaloko, tinitigan siya sa nang-uuring mga mata. “Where did he meet you, anyway?”
“That’s none of your business! And I’m sorry to disappoint you. You don’t really know my husband afterall because no matter what you do and say, James will never break our marriage!”
“Hihiwalayan ka niya, titiyakin ko sa iyo!” she hissed.
She smiled sarcastically. “I doubt that. I’m pregnant... So mananatili kang kept woman... mistress. Pero ganoon naman ang uri mo, `di ba? A cheap, common, gold-digging mistress!”
Nanlilisik ang mga matang itinaas nito ang kamay subalit bago iyon makalapat sa pisngi ni Chantal ay mariin niyang napigil ang braso nito at ubos-lakas na pabalya itong itinulak. Dahil mataas ang heels nito at hindi inaasahan ang gagawin niya’y nawalan ito ng panimbang at napasadsad sa may pinto ng cubicle na bumukas at nagtuloy-tuloy sa loob at napaupo sa toilet bowl.
Sylvia shrieked in anger. Subalit bale-walang lumabas ng ladies’ room si Chantal. Muntik na niyang mabangga si James sa may paglabas.
“What took you so long?” wika nito. “Gusto ko na sana kitang pasukin.” Kumunot ang noo sa anyo niya. Ang mga mata niya’y nag-aapoy sa galit. At bago pa ito makapag-usisa’y nakita nito si Sylvia na kasunod niyang lumabas. Nanlilisik ang mga mata.
“Oh, James!” she cried. “Sinaktan at itinulak ako ng asawa mo! Look...” Ipinakita nito ang brasong namula na marahil ay tumama sa cubicle door. “Hindi ko alam kung anong uring babae ang pinakasalan mo!”
Tiningnan siya ni James. Gusto niyang isiping amusement ang nakikita niya sa mga mata nito. Pero imposible iyon. “Did you?” he asked.
“Did I what?” she said, the chinky eyes turned chinkier. “Hurt her? I was tempted,” wika niya, “Pero nag-aalala akong baka kung ano ang mangyari sa dinadala ko.” Isang nakamamatay na tingin ang ibinigay niya sa dalawa bago tumalikod. Tuloy-tuloy siya palabas ng restaurant hanggang sa parking area.
May ilang minuto na siyang nakasandal sa gilid ng sasakyan nang lumabas si James.
“I’m sorry, sweetheart, if she ruined our dinner...” Hinawakan siya nito sa braso. “Tara nang bumalik sa loob.”
“Cancel your room reservation, James,” wika niya sa mariing tinig. “Gusto ko nang umuwi.”
May kung ilang sandali siyang tinitigan nito bago nagkibit ng mga balikat at binuksan ang sasakyan sa bahagi niya at pinapasok siya.
Ilang sandali pa’y nasa daan na sila pauwi. She was seething with anger. Maliban sa maya’t mayang pagsulyap sa kanya’y nanatiling tahimik si James sa pagmamaneho hanggang sa makarating sila ng bahay.