Chapter Nine
“D EAR diary... naguguluhan ako habang nalalapit ang araw ng kasal namin ni Eman, iyon ay sa pagbabalik ni Papa mula sa Amerika. Iniibig ko si Leon subalit paano ko magagawang saktan si Eman na sa mula’t simula pa’y lubos na naging mabuti sa akin?”
Wala si Yaya Rosa at si Consuelo. Magkasama ang dalawa upang magsimba. Hindi siya sumama at nagdahilang masakit ang ulo. Ang totoo ay hindi niya magawang higit pang makihalubilo sa mga taong may kinalaman sa panahon ni Donya Isabel.
Sa unibersidad, bagaman nag-e-enjoy siya sa paraan ng pagtuturo sa panahong iyon ay nababaghan siya. May mga sandaling kinakabahan at natatakot siya. Iyon ay ang mga sandaling nararamdaman niyang hindi na siya mismo ang kumikilos at nagsasalita kundi si Isabel.
Gusto niyang hanapin ang daan... ang paraan upang makabalik sa sariling panahon. Subalit ano man ang gawin niya ay naroon pa rin siya. Matiyagang isinusulat sa diary ang nangyayari sa buhay niya sa araw-araw. Ang tanging dahilan upang hindi siya maghisterya ay dahil naroon si Leon. Habang tumatagal ay lumalalim ang damdamin niya para dito. At isa iyon sa mga bagay na nagdudulot ng matinding kaba at takot sa kanya.
She was afraid she might not want to leave his time.
“Isabel...”
Nahinto ang dalaga sa pag-aalis ng mga tuyong dahon sa halamanan sa azotea at napalingon. Si Leon. Sa isang kamay ay ang canvass. Pagkamangha ang nasa mga mata.
“I-ikaw pala, Leon.” She smiled nervously. Her heart was pounding violently at the sight of the man.
“Bakit... bakit ganyan ang suot mo?” Bumaba-tumaas ang mga mata nito sa kabuuan niya. At ang pagkamangha ay unti-unting nauwi sa pagnanasa.
Napasinghap ang dalaga. Nang umalis sina Yaya Rosa at Consuelo ay sinamantala niya ang pagkakataon upang hubarin ang mahaba at mainit na baro’t saya. Nakadama siya ng ginhawa nang isuot ang hapit na pedal pusher at midriff blouse.
Ibinaba ni Leon sa tabi ng halaman ang canvass subalit ang mga mata ay hindi inaalis sa kanya. Then he was walking slowly towards her. Ganoon din si Dana, wala sa loob na humakbang pasalubong.
“ Dio , Isabel!” bulong nito nang magtagpo sila sa gitna ng azotea at ikulong sa mga bisig ang dalaga. “ Te quierro... te quierro.... ” Then his hungry mouth claimed hers.
“Leon...” she murmured in his mouth. Kissing him back with equal hunger.
“You are mine, dulzura ,” humihingal na wika nito nang bitiwan ang mga labi niya. “You are mine...” Hinagkan siya sa noo... sa sentido... sa punong-tenga. “Hindi ako papayag na makasal ka sa iba...”
“Yes, Leon! Yes!” she cried passionately.
Hinawakan ni Leon ang mukha niya. Brown eyes bored into hers. “Sumama ka sa akin sa isla, Isabel. Magtanan tayo. Sumama ka sa akin...”
Tila nagising mula sa mahabang pagtulog ang dalaga. Mabilis na kumawala. Lumakad patungo sa barandilya ng azotea.
“I–I’m worried and scared, Leon...”
Humakbang si Leon patungo sa kanya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat mula sa likod. Ginawaran nito ng halik ang ibabaw ng ulo niya.
“You don’t have to feel that way. I’ll take care of you, Isabel. Always... sa anumang paraan...”
Oh, god! Napapikit si Dana at isinandig ang sarili sa dibdib ng binata. Ano ba ang dapat gawin? Ang dapat sabihin? Sino na ba siyang talaga? Sa kanya ba nakasalalay ang kasaysayan nilang lahat sa hinaharap?
It pained her na anumang sandali ay mawawalay siya mula sa binata. Na kung sa ano mang paraan ay hindi niya alam.
“Anuman ang mangyari, Leon... gusto kong malaman mong mahalagang-mahalaga ka sa akin...” And I wish I could go back to the future with you.
Ang sinasabi at ginagawa ba niya ngayon ay siyang sinabi at ginawa ni Isabel noon? Hindi niya alam. Ang mahalaga ay ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.
Naramdaman niyang inalis ng binata ang isang kamay sa balikat niya.
“May ibibigay ako sa iyo, Isabel,” wika nito at may dinukot sa bulsa. Humarap si Dana. Isang maliit na cajeta ang inilabas ng binata. “Para sa iyo. Tingnan mo.”
Kahit hindi sabihin ay alam ni Dana kung ano ang naroroon. “L-Leon...” bulong niya at inabot ang cajeta. Unti-unting binuksan at tumambad sa kanya ang isang engagement ring. Kumikinang ang panggitnang emerald-cut diamond. Contrast sa maliliit na ruby na nasa magkabilang dulo ng singsing. “Oh!”
“Nagustuhan mo ba?” seryosong tanong nito. Ang mga mata ay nag-aantabay sa magiging reaksiyon niya.
“Lovely!” she exclaimed softly.
“You are as twice as much lovelier...”
Tumingala siya rito. Through the mist in her eyes, she saw his eyes sparkle with happiness. And it was tearing her apart. She loved him. Subalit hindi siya para dito.
“B-binili mo ba ito para sa akin, Leon?” Sumasakit ang lalamunan niya sa pagpipigil na huwag maiyak.
“Si, mi cariño. At tingnan mo ang ilalim. I have your name engraved on it.
Isabel. Ang tahimik niyang basa sa nanlalabong mga mata. Isang mapait na ngiti ang gustong sumilay sa mga labi niya. Isabel. Hindi nga ba’t ang ikalawang pangalan niya ay Isabella? Dana Isabella.
The ring was almost... almost really hers.
“Isusuot ko sa daliri mo.” Kinuha nito ang singsing mula sa kamay niya at isinuot sa kanyang palasingsingan. “Wear that ring and show the world that you’re mine.” Pagkuwan ay humakbang ito pabalik sa pinaglagyan ng canvass. Inalis ang nakabalot na malaking manila paper. “Tingnan mo, Isabel. Ipinakuwadro ko na.”
“Oh, Leon!” bulalas niya.
Hindi pa man siya nakakabawi mula sa sorpresang singsing ay heto naman ang painting. Napatakbo siya patungo sa binata at paluhod na umupo upang matitigang mabuti ang larawan.
“K-kamukha ko ba ito?” she asked excitedly, sinusuring mabuti ang larawan.
“ Muy siempre ,” nagtawang sabi nito. “Kapag nakatapos ako sa pag-aaral ko sa pagnenegosyo ay mag-aaral naman ako ng pagpipinta sa Pamantasan ng Pilipinas sa ilalim ni Fernando Amorsolo o di kaya ay ni Fabian dela Rosa. Gusto kitang ipintang muli, iyong kamukhang-kamukha mong talaga.”
Tumingala siya. “Sapat na sa akin ang larawang ito, Leon. But I want you to sign your name here.” Itinuro niya ang ibaba ng dulong kanan ng kuwadro.
“Hindi ako ekspertong pintor, Isabel,” nakangiting tanggi ng binata.
“Oh, I insist. Please...”
Nagkibit ito ng mga balikat. “Maghintay ka rito at kukunin ko sa ibaba ang gamit ko.”
Halos takbuhin nito ang hagdanan sa azotea. Inilang-hakbang lamang ang mga baitang sa pagbaba. Si Dana ay tinitigan ang larawan. A little bit like her. Pero hindi ba at ganoon namang talaga ang mga painting? Hindi talaga kuhang-kuha ang anyo. That made them so different from photographs.
Wala pang tatlong minuto ay nasa azotea na uli si Leon, dala ang mga gamit.
“Here, hold this,” wika nito. Pinahawakan ang kuwadro at inilagay ang pangalan sa pamamagitan ng pointed brush na isinawsaw sa tila-pinturang itim. “There you are... my signature.”
Napahagikgik si Dana. “Perfect. Pero—” Sinipat niyang muli ang larawan. “Leon, bakit itim ang buhok ko rito?”
Nagsalubong ang mga kilay ng binata. His fingers were running through his moustache lazily.
“Nang simulan kong ipinta ito’y hindi ko napansin ang kakaibang kulay ng buhok mo, Isabel. Pero si, tienes razon . Hindi ikaw iyan kung hindi ko makukuha ang kulay ng buhok mo. I’ll do it tonight, mi cariño .” Yumuko ito, hinawakan siya sa baywang at itinaas at saka muling niyakap. “Tell me again you love me,” he commanded lovingly.
“I love you.” It slipped from her mouth so easily. She raised her hand and ran her fingers through his moustache.
“Hindi ko maintindihan kung bakit tuwing sinasabi mong mahal mo ako’y nasa mga mata mo ang matinding kalungkutan,” usal nito, hinagkan ang ibabaw ng ulo niya at kinabig siyang payakap. “Ang pag-ibig ay nagdadala ng ligaya, Isabel. Hindi ng lungkot. Dahil ba sa hindi ka tiyak sa damdamin mo sa akin? O dahil hindi mo gustong biguin ang iyong papa?”
“I love you,” she said softly. “Iyan ang tinitiyak ko sa iyo...” She swallowed a lump in her throat.
Now she knew what pain and ecstacy meant. It was both being in his arms. Kung sana ay kaya niyang hilinging huminto sa pag-ikot ang orasan... sa pag-inog ang mundo. Kung sana ay walang kahapon at wala ring bukas.
“Ang hindi ko natitiyak ay kung paano ko tatanggapin ang katotohanang mapapahiya si Papa. At paano ko dadalhin sa aking dibdib ang kabiguan ni Eman...”
“Thank you for the honesty. But you don’t love him,” ani Leon sa naghihirap na tinig. “ Por favor ... we love each other. Maiintindihan nila iyon. Come with me, Isabel, ahora... mañana . Bago pa dumating ang takdang-araw ng iyong kasal.”
Inihilig niya ang mukha sa dibdib ng binata. At banayad na umusal sa kabila ng bigat na tila nakadagan sa mga balikat niya. “Yes.”
“ Gracias , Isabel. Hindi mo pagsisisihan ang pasya mong ito...”
Pinag-usapan nilang aalis patungong Palawan dalawang araw makalipas. Sasamantalahing nasa mercado si Yaya Rosa at nasa escuela si Consuelo. May panahon upang maihanda nila ang kanilang mga gamit at upang may panahon si Leon na makakuha ng ticket ng barko patungong isla.
“KANINO galing ang singsing na iyan?”
Bahagyang napapitlag si Dana. Hindi niya namalayang nasa pinto niya si Consuelo.
“Galing kay Leon iyan, Isabel, hindi ba?” Puno ng akusasyon at hinanakit ang tinig ng dalaga. “At napansin kong hindi mo suot ang engagement ring ninyo ni Eman. Nasaan iyon?”
Was there an engagement ring?
“N-nasa jewelry box ko, Consuelo. Itinago ko.”
“At ang singsing ni Leon ang suot mo. Naglalaro ka ng apoy, Isabel. Sana’y hindi ka mapaso. Sana’y walang maraming taong masasaktan. Sana’y hindi mo pinaasa si Leon.”
Ilang sandali nang nakalabas ng silid si Consuelo ay nanatiling nakatitig sa may pinto si Dana. Pagkuwan ay tumayo at binuksan ang drawer. Naroon ang isang jewelry box. Inilabas niya iyon at binuksan. Mula sa mga naroong alahas ay isang singsing ang dinampot niya. Hindi niya alam kung bakit natitiyak niyang iyon ang engagement ring nila ni Eman. Tulad ng kay Leon ay brilyante ang bato nito, sa orihinal na round cut.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at muling ibinalik sa jewelry box ang singsing.
ARAW ng takdang pag-alis nina Leon at Dana. Hindi mapalagay ang dalaga at palakad-lakad sa kanyang silid. Nagulat pa siya nang isang marahang katok ang narinig kasabay ng pagbukas ng pinto ng silid.
“Hindi ka pa bihis?” s i Consuelo. Pagkuwan ay nanlaki ang mga mata sa suot niyang jeans at T-shirt. “Bakit may mga gamit kang kakaiba, Isabel? Saang bazaar mayroon niyan dito?”
“I-ipinagbili sa akin ng... ng classmate kong anak ng Amerikano...”
“I-iyan ba ang uso sa Estados Unidos? Bakit hindi ko kinakitaang nagsuot niyan ang ibang mga dalagang anak ng mga Amerikano?”
“Oh, Consuelo,” she said helplessly. “Huwag mong pansinin ang suot ko.”
Nag-angat ng naguguluhang mukha si Consuelo. “Hindi ka ba papasok?”
“M-masakit ang ulo ko. Hindi marahil ako papasok ngayon. Ikaw na ang bahalang humingi ng paumanhin sa ating mga maestro.”
Hindi nagsalita si Consuelo subalit matiim na nakatitig sa kanya. Umiwas siya ng tingin. Pagkuwan ay tahimik nitong isinara ang pintuan niya. Dala ang gamit ay tuloy-tuloy na ito sa ibaba.
Sa gate ay napahinto ang dalaga nang makita ang pagparada ng coche ni Eman. Napailing siya. Hindi maintindihan kung bakit nahuhulog ang loob ng pinsan kay Leon gayong wala silang alam sa buhay ng binata, maliban sa naging estudyante ito ni Don Jose sa Colegio de San Juan de Letran bago nagretiro sa pagtuturo ang matandang lalaki. At totoong magandang lalaki at simpatiko. Subalit hindi basehan ang panlabas na anyo ng isang tao upang matiyak na mapagkakatiwalaan.
Si Eman ay galing sa kilalang pamilya. Nakaaangat sa buhay. Higit na kilala ni Isabel kaysa sa estrangherong Espanyol.
“Papasok ka na ba, Consuelo? Bakit hindi kayo sabay ni Isabel?” nakatawang tanong ni Eman. “Nasa itaas pa ba siya?”
“Hindi siya papasok, Eman,” sagot ng dalaga. “Masama ang pakiramdam ng nobya mo.”
“Ganoon ba?”
“Bakit ka nga pala napakaagang naririto?”
“Gusto ko lang mag-abiso na dumating ang nakatatanda kong kapatid galing sa Laguna. Paparito kami mamayang gabi upang anyayahan siyang kumain sa labas. Sumama ka na rin, Consuelo.”
Isang malungkot na ngiti ang pinakawalan ng dalaga. “Salamat na lang, Eman. Tutuloy na ako, pumanhik ka na.”
Tuloy-tuloy sa hagdan si Eman. Si Consuelo ay nahinto sa may sidewalk. Kinakabahang di-mawari. Tumingin sa itaas ng bahay. Pagkuwan ay muli itong humakbang pabalik.
Nasalubong ni Eman sa may entrada si Dana. May hawak na malaking maleta na nabitiwan ng dalaga sa malaking gulat nang makita ang binata sa may pinto.
“Eman!”
Hindi ang pagbagsak ng maleta ang ikinagulat ni Eman kundi ang tight jeans at T-shirt na suot ng dalaga.
“A-ano ang suot mong iyan, Isabel?” manghang tanong nito. “C-calzones na kay sikip!”
Nanginginig ang mga kamay ng dalaga na humawak nang mahigpit sa pasimano ng bintana.
“B-bakit ka naparito nang ganito kaaga, Eman?” Kahit ang tinig niya ay nanginginig. She felt so guilty. Huling-huli siya ng binata sa akto bagaman hindi naman nito alam na magtatanan sila ni Leon sa oras na iyon.
“Upang—” Hindi nito naituloy ang sagot. Natuon ang mga mata sa malaking maletang bumagsak. At pagkuwan ay ibinalik ang tingin sa kasintahan. “Aalis ka ba, Isabel? Saan ka patungo?”
Hindi makuhang sumagot ni Dana. Subalit ipinagkanulo siya ng kanyang anyo sa binata.
“Aalis ka nga!” banayad nitong bulalas. “Pero bakit at saan ka pupunta?”
“Handa ka na ba, Isabel?” s i Leon na papasok sa loob ng kabahayan galing sa azotea. Bihis na bihis.
Napatingin sa binata si Eman. Nagsalubong ang paningin ng dalawang lalaki. Si Eman ang unang nagbawi at itinuon kay Dana.
“Oh...” usal ni Dana at nagpalipat-lipat ang mga mata sa lalaking nakatakdang pakasalan at sa lalaking iniibig.
“Ano ang ibig sabihin nito, Isabel?” tanong ni Eman bagaman humigit-kumulang ay alam na nito ang kasagutan.
Sinulyapan ni Dana si Leon. Nakikiusap ang mga mata niya. Umaasang manggagaling dito ang sagot subalit nanatiling hindi kumikibo ang binata at nakatitig din lang. Hindi nito inaasahan ang presensiya ni Eman. Subalit tulad ni Eman ay hinihintay nito ang magiging kasagutan niya.
Litong-lito si Dana. Nasa kanya ang pagpapasya sa mga sandaling iyon. And all she wanted to do was run to Leon’s arms and beg him to take her away.
Subalit nang ituon niya ang mga mata kay Eman ay tila pinipiga ang puso niya sa anyo ng binata. Nakalaylay ang mga balikat nito. Takot at pagdaramdam ang nasa mga mata. Nahuhulaan na nito ang gagawin niya... nila ni Leon.
Nang ibaling niya ang paningin kay Leon ay nakatitig ito sa kanya. Na tila ba sa kanya nakasalalay ang buong buhay at kaligayahan nito.
Iyon ang sandaling kaya niyang patunayang mahal niya ito. At iyon ang hinihintay ni Leon na gawin niya.
Napahagulhol siya sa mga palad. Wishing so hard that she’d be taken back to her time.
“Binulag ko ang sarili ko,” wika ni Eman sa basag na tinig. “Umaasa akong dahil magkasama na tayo mula pa noong mga bata pa tayo’y mahal mo ako tulad ng pagmamahal ko sa iyo...”
“M-mahal kita... Eman...” Gumagaralgal ang tinig niya at huli na upang bawiin ang sinabi. Nakita niya ang pagguhit ng poot sa mga mata ni Leon. Mabilis itong tumalikod pabalik sa azotea at bumaba ng hagdan.
“Leon!” Akma siyang tatakbo patungo sa azotea upang habulin ang binata. Ipaliwanag na pagmamahal bilang kaibigan lamang ang nararamdaman niya para kay Eman.
“Isabel,” pinigilan ni Eman ang braso niya.
Umiiyak na tumingala siya rito.
“I love him, Eman... I love him,” pahisteryang sabi niya. “Totoo ring mahal kita. Subalit pagmamahal bilang kaibigan iyon mula’t mula pa...”
“Magpasya ka sa harap ko, Isabel. Gusto kong marinig mula sa iyong mga labing hindi na matutuloy ang ating kasal. Handa akong tanggapin kung ano man ang ipasya mo sa sandaling ito,” buong kapaitang sabi nito. “At kung sakaling hindi ka magiging maligaya sa kanya’y magbalik ka at muli kitang tatanggapin.”
“Oh, g od!” Halos hindi siya makahinga sa paninikip ng dibdib at sa sunod-sunod na mga luhang naglalabasan sa mga mata niya.
“M-mapapahiya ka, Eman... pagtatawanan ka ng mga kaibigan natin... mapapahiya ang mga magulang mo...”
Mapait itong ngumiti. “Kaya ko ang kahihiyan subalit ang hindi ko kakayanin ay ang mawala ka...” Humakbang ito patungo sa isang silya at umupo roon dahil may pakiramdam itong gustong bumigay ang mga binti.
Humakbang patungo rito si Dana at napaluhod sa kandungan ng binata. “I–I don’t deserve you, Eman. Hindi ko kayang gantihan ang kadakilaan ng pag-ibig mo...”
Ginagap nito ang dalawang palad niya at dinala sa dibdib at saka banayad na humagulhol.
“Mahal kita, Isabel... mahal na mahal... Mamamatay akong ikaw lang ang iibigin...”