noveltoon logo noveltoon
Hasta La Proxima Vez (Kristine Series 16)

Chapter 3

Ch. 3 / 31 Feb 15, 2022

Chapter Three

“P AANO mong makikilala ang sasalubong sa iyo?” tanong ni Dana sa pinsan habang lumalakad sila sa tarmac patungong arrival area ng NAIA.

“I think the man will be waving a placard with my name on it,” sagot ni Cielo na sa pavement nakatingin. Dreading every minute na makatagpo ang lalaking ipinagkasundo rito. “Iyon ang sinabi ni Mama. But I hope he’d never come.”

“Lucky you if he didn’t. Anyway, wala pa akong nakikitang—hey, iyon na ba ang sasalubong sa iyo?” Itinuro ni Dana ang isang lalaking may hawak na maliit na placard na may nakasulat na pangalan ng pinsan. Nasa loob ng tarmac.

“P-pangalan ko yata ang ipinapakita niya... pero bakit nasa loob siya ng tarmac?”

“Come and let’s meet your soon-to-be fiancé,” Hinila niya ang kamay ng pinsan patungo sa lalaking may hawak ng placard. “Your future fiancé must really be something para sa mismong loob ng tarmac ka salubungin.”

Isang tango lang ang isinagot ni Cielo. Nasa anyo nito ang resignation. Nagpaakay sa pinsan patungo sa lalaki, sa likuran nito ay ang nakaparadang Land Cruiser.

“Magandang umaga po,” ang bati ng lalaki na nang malapitan ay natiyak ni Dana na driver. “Ako ho ang driver ni Mr. Fortalejo. Sino ho sa inyo si Miss Cielo?”

“A–ako si Cielo,” mahinang pakilala ng dalaga sa accented na Tagalog. “Siya ang pinsang kong si Dana.”

“Ikaw lang ba ang sumalubong?” tanong ni Dana, nasa tinig ang disappointment na hindi makikilala ang lalaking ipinagkasundo sa pinsan. “Hindi mo kasama si Mr. Leonard Fortalejo?”

“Kasama po, Ma’am,” sagot ng driver. “Subalit nasa loob po siya ng building. May kausap ho kasi siya kanina at ako na lang ang pinaghintay niya...”

Nagkibit ng mga balikat si Dana at nilinga ang pinsan. “So, this is where we say our good-byes? Hindi ko pala makikita ang fiancé mo, eh. Sumakay ka na sa Land Cruiser...”

“W-what about my baggage?” kinakabahang tanong ni Cielo. Hindi gustong mahiwalay sa pinsan.

“Ako na po ang bahala roon, Ma’am,” sagot ng driver. “Sumakay na po kayo at iiikot ko ang sasakyan sa harapang parking. Hintayin na po ninyo ako sa loob ng Land Cruiser habang kinukuha ko ang bagahe ninyo. Doon din lalabas si Sir Lenny.” Binuksan nito ang pinto sa likod.

“`B-bye, Dana,” ani Cielo sa nanginginig na tinig. “How can I see you again?”

“Alam mo ang lumang bahay ni Lola Isabel sa Binondo, `di ba? Puntahan mo ako roon, magpahatid ka sa fiancé mo, okay?”

Tumango si Cielo na gusto nang maiyak. Mula sa oras na iyon ay bahala na itong makiharap sa lalaking mapapangasawa.

Isang kaway ang ginawa ni Dana nang makitang pumasok na sa sasakyan ang pinsan at pagkatapos ay nagtuloy na sa arrival area habang ang Land Cruiser naman ay umiikot. Napabuntong-hininga ang dalaga. Nagpapasalamat nang malaki na ang mga magulang ay hindi tulad nina Elvira at Rustico. Totoong mabait si Rustico. Subalit sumobra ang bait at wala nang magawa upang ipagtanggol ang anak sa manipulasyon ng asawa.

PALAYO na siya sa baggage area at palabas ng arrival building. Tuloy-tuloy na siya sa labas ng building at umaasang matanaw agad si Attorney Palomares. Habang itinutulak niya ang cart ay palinga-linga ang dalaga. Isang mabilis na pagliko ang ginawa niya at hindi sinasadyang nabunggo niya ng cart ang isang palabas na lalaki mula sa isang pribadong opisina ng PAL.

Kung hindi nakabalanse ay malamang na napabagsak niya ang lalaki na sa tantiya niya’y nagmamadali sa paglabas. At tiyak niyang nasaktan ito sa tama ng cart.

“I–I am s-so—” Hindi niya natapos ang sasabihin nang marahas na humarap ang lalaki sa kanya kasabay ng pagsinghal.

“Tumingin ka sa daan nang hindi ka makabunggo at makasakit!” Totoong nasaktan ito nang tumama sa may dulong binti nito ang unahan ng cart.

“Ikaw ang basta na lang sumulpot!” she snapped back. Ang binalak na paghingi ng paumanhin ay nabitin sa lalamunan sa ginawang bulyaw ng lalaki.

“Ako na ang nasaktan ay ako pa ang sinisi mo?” he snarled.

She opened her mouth to say something in retaliation. Subalit kung ano man ang sasabihin niya ay hindi na nagawang makalabas sa bibig. She was facing the most attractive man she’d met in her whole life. Ni hindi nakabawas sa atraksiyon nito ang galit na nakabalatay sa mukha.

“O, tumanga ka na riyan!” patuloy ng lalaki sa pagsinghal. Pagkuwan ay umiling at tinalikuran si Dana. “The world is full of morons...” bulong nito habang lumalakad.

“What!” bulalas niya nang maka-recover sa pagkamangha. Subalit paliko na ito sa may gilid ng building patungo sa parking lot. “Bastos!” pahabol niyang sigaw na ewan kung narinig nito.

Padaskol na itinulak ni Dana ang cart. Nagpupuyos ang loob sa inis sa lalaki. She had just met what she considered the most attractive man in the world... and the rudest, too!

Naniningkit ang mga mata niya sa inis. Kung bakit ba naman kasi napatanga siya nakakita lang ng guwapo? Ang dami namang guwapong nagkakandarapa sa kanya sa Amerika!

But he wasn’t just an ordinary handsome man, protesta naman ng kabilang isip niya. There was something about him that she couldn’t explain.

Pero inangilan siya ng lalaking iyon! At isiping sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya ay may nang-snub sa kanya. Bigla, sa pagkakaisip sa bagay na iyon ay unti-unting nagmaliw ang galit ng dalaga. Napangiti.

You can’t win ‘em all, Dana Isabella...

Inihinto niya ang cart sa dulo ng pavement at nagpalinga-linga. Hanggang sa makita niya ang isang middle-aged na lalaking may hawak na maliit na carton at itinataas sa mga nagdaraang tao. Ang naroon ay ang pangalan niya.

“Here, Attorney Palomares!” kaway niya sa lalaking tila init na init sa suot na long-sleeved barong.

SI LENNY nang mga sandaling iyon ay padabog na sumakay sa passenger seat sa unahan. Nilinga ang nabiglang si Cielo sa likuran ng Land Cruiser.

“So we’ve met, at last,” wika nito sa tonong hindi naman talaga interesadong makilala ang babaeng ipinagkasundo sa kanya ng ama. Naroon siya sa pang-oobliga ng ama. “Maligayang pagdating,” matabang nitong dagdag.

“H-hi...” mahinang sagot ng dalaga at hindi mapigilan ang bahagyang panlalaki ng mga mata nang matitigan ang binata.

Ito ba ang magiging kasintahan niya kung sakali? Oh, dear! Her future husband was jaw-dropping gorgeous! Ang maiitim na matang lalo pang pinaitim ng makakapal na pilikmata ay tila nanunuot sa buong pagkatao kung makatingin.

At nang maisip na matagal siyang nakatitig sa lalaki ay mabilis na nagyuko ng ulo ang dalaga. Pinamulahan ng mukha.

Lenny’s lips twisted in a facsimile of a smile. “Your name’s Cielo.” It was more of a confirmation.

Sinuyod ng tingin ang kabuuan ng dalaga. She looked sweet and pretty and shy. Napuna agad niya ang pamumula ng mukha nito sa matagal na pagkakatitig sa kanya.

“Yes.” Unti-unting tumingala ang dalaga at nahihiyang sinalubong ang tingin ng binata. “And you’re... Leonard?”

“Call me Lenny,” he said arrogantly. “Iyon ang tawag ng lahat sa akin. Where’s my driver?”

“Claiming my baggage...” mabilis na sagot ni Cielo. Nagsalubong ang mga kilay sa tono ng binata. Subalit bago pa nito ma-entertain sa isip ang unfiancélike na tono ni Lenny ay natanawan na nito ang driver.

Inilagay ng driver sa likod ng sasakyan ang dalawang bagahe ng dalaga. Pagkatapos ay sumakay na. “Ako na po ba ang magmamaneho, Sir?”

Tumango si Lenny. Wala siya sa mood na mag-drive. “Ideretso mo sa Kristine Cement sa Sucat, Arsenio. Sa penthouse muna kami tutuloy bago kami magtungo sa Paso de Blas bukas ng hapon.”

“Yes, Sir.”

Si Cielo ay pinigil ang pagnanais na itanong kung nasaan ang Paso de Blas. Pinili nitong manahimik na lang at sumandal.

Habang tumatakbo ang sasakyan ay inihilig ni Lenny ang ulo sa sandalan at pumikit. Wala siyang balak kausapin ang babae sa likod. If his father wanted him to get acquainted with this woman, so he would. Subalit tatanggapin ng babaeng ito ang paraan ng pakikitungo niya rito.

At sa nakikita niya ay hindi siya mahihirapang pakisamahan si Cielo. Shy and submissive to the bone. And a virginal beauty. Gusto niyang humalakhak sa bahaging iyon. She was a virgin—that at least was confirmed by her parents to his father. Isa iyon sa mga tradisyon ng pamilya. A virgin wife.

But he didn’t care about traditions. He had stopped counting kung ilang virgins na ang nagdaan sa kanyang mga palad. Virgin, but innocent no more, na wala nang hinangad kundi ang mapaugnay sa kanya for all the same reasons—he was good-looking and very rich. The heir to the Fortalejo empire.

Karamihan sa mga iyon ay sadyang itinutulak ng mga ina na mapalapit sa kanya. Ang karamihan ay galing din naman sa mayayamang pamilya na gustong tiyaking mananatili silang mayaman sa sandaling naidikit ang pangalan sa mga Fortalejo.

“You are very young to be so cynical, Lenny.” s i Romano, minsang magkasama silang tatlo ng asawa nito sa bar ng Monique Hotel.

“Can’t blame me, buddy. I haven’t met someone like Bobbie.” Sinulyapan at kinindatan niya si Bobbie.

A proud laugh came out of Romano at inakbayan ang asawa. “She’s one in a million, my dear cousin. Not to mention that she has given me a son.”

“Don’t believe him, Lenny,” ani Bobbie sa seryosong tono. “Maraming tulad ko sa mundong ito. Hanapin mo at kapag natagpuan mo’y huwag mong pakawalan subalit huwag mong ikulong. Don’t let money and power come between you and the woman you love...”

Love? He sneered at the thought.

Perhaps he preferred a woman like Cielo for a wife. Uncomplaining. She would bear him his children. Iyon ang magiging papel ng babaeng ito sa buhay niya. Habang abala siyang pamamahalaan ang kompanya. Side by side with his cousin Romano. Though his was a bigger responsibility.

Damned company.

Damned traditions.

Damned Leon.

“You are so disrespectful. Hindi ka dapat nag-iisip ng ganyan sa akin. Soy tu abuelo.”

“¡Damn you! Ya estas muerto.”

“I’m alive, young man. Hanggang buhay ka at ang magiging mga anak mo’y buhay rin ako. Hawak mo ang legacy ko sa iyo. Pag-ingatan mo tulad ng pag-iingat at pagmamahal na ginawa ni Bernard para sa iyo. Now, be responsible, alang-alang sa magiging mga anak mo...”

“I hate your legacy! Itinali mo kaming lahat dito. Lalo na ako. Your legacy is my prison bars!”

“Nasa isip mo lang ang lahat ng iyan, Leonard. Soon, you will come to terms with the company. Higit kaysa kay Bernard. Because you are more like me than your father is.”

“¡Callate... shut up!”

Bahagyang nagpreno ang sasakyan at nagmulat ng mga mata si Lenny. Pula ang ilaw sa intersection. Ipinilig sandali ang ulo bago muling pumikit. Sa sandaling iyon ay biglang pumasok sa isip ang mukha ng babaeng nakabangga niya kanina sa airport.

There’s beautiful and there’s beautiful. But that woman was damn good-looking. She had fiery eyes. And curly shoulder-length copper hair. Hindi lang niya matiyak kung natural o mula sa botelya.

And he was sorry he snarled at her. Nagiging temperamental siya nitong mga huling araw to the point of rudeness. Pati babae ay nasisinghalan niya. At mainit ang ulo niya kanina dahil kausap niya ang ama sa opisina ng general manager at tiniyak na naroon siya at susundo.

Idagdag pang medyo nasaktan siya. And she was gaping at him like any other star-crossed woman. Iyon ang isa pang ikinaiinis niya. Kung hindi ang kaalamang isa siyang Fortalejo heir ay ang pisikal niyang anyo ang ikinamamangha ng mga babae.

He didn’t want to sound ungrateful and conceited. And it was not that he didn’t appreciate what he had. Fact was, he enjoyed being the center of women’s attraction. He enjoyed being rich. Subalit may hangganan ang lahat. Hindi na niya matiyak kung sino ang totoo at tapat at kung sino ang nagkukunwari. Lahat na lang halos ay gusto siyang paluguran.

He envied Romano. Hindi ikinasindak ni Bobbie ang pagiging masalapi nila at gandang-lalaki ng pinsan. At ikinagalak niyang totoo na sa bandang huli ay nagkaunawaan ang mag-asawa. He knew his cousin’s devastation during the separation.

At ngayon nga ay kitang-kita niya sa mga mata ni Bobbie ang pag-ibig nito kay Romano. How he wished he’d meet someone like her. Na mahal siya hindi dahil sa pisikal niyang mga katangian at sa mamanahin niya. Kundi dahil siya ay siya.

Nang bigla ay maisip na nasa likod ang babaeng ipinagkasundo ng ama na maaaring maging asawa niya. Sino ang nakakaalam, baka ang babaeng ito na ang hinahanap niya? Subalit mariing tumatanggi ang isang bahagi ng isip niya. He couldn’t stand the shy and silent type. She’d bore him to death.

Naalala niya nang una siyang kausapin ni Bernard tungkol sa pagpili nito ng mapapangasawa niya.

“ Solo tengo beinte cinco años, Papa. Bakit inaapura mo akong mag-asawa?” galit niyang tanong.

“Tamang edad upang pamahalaan mo na ang kompanya, Lenny. I am planning of resigning. Gusto kong maglakbay kami ng mama mo sa buong daigdig. At least, sa pagkakataong ito’y magagawa ko na ang hindi ko nagawa para sa kanya sa nakalipas na mga taon. And you are old enough to take over the company and have a wife.”

“Aidan es mayor... porque no el?”

Huminga nang malalim si Bernard at tinitigang matiim ang anak. “I love your brother just as I love you, hijo. Pero dugo ang pinag-uusapan dito. Ang kompanya’y legacy ng aking ama sa akin, sa direktang mga anak na lalaki, for that matter. At ngayo’y sa iyo, lalong higit. Romano had taken his place on behalf of Emerald. Ganoon din ang pinsan mong si Anton Karl, sa takdang-panahon at gusto nang ipaubaya sa kanya ni Nathaniel ang food processing plant at ang hotel.”

“At ano ang kinalaman ng pag-aasawa ko sa obligasyon ko sa kompanya, Papa? At bakit kailangang kayo ang pumili ng mapapangasawa ko?” Gustong mamula ng mukha ng binata sa galit bagaman naroon pa rin ang pagpipigil. Worse comes to worse, hindi siya mapapapayag ni Bernard sa gusto nito.

“ Lo siento mucho , hijo,” ani Bernard na bumaba ang tinig. Huminga nang malalim. Ipinaliwanag ang biruan nila ni Rustico noong sila ay mga batang estudyante sa Texas. “Hindi ko akalaing tinotoo niya. At hindi ko mababawi ang salita ko. Ipinagpilitan sa akin ng mag-asawa na umaasam silang mangyayari iyon sa takdang-panahon.”

“At umaasa kang susunod ako? Na ikaw ang pipili ng babaeng kakasamahin ko sa buong buhay ko? ¡Que va, Papa!”

“ Por favor , Lenny. Alam mo kung gaano kahalaga ang palabra sa ating angkan—”

“Hindi dahilan upang isakripisyo ko ang buong buhay ko!”

“ Yo se ,” mahinahong sagot ni Bernard. “Gusto kong lumigaya ka tulad ng kaligayahan ko sa piling ng mama mo, hijo. But please, nakikiusap ako. Give it a try. Meet her. Get to know her. At ano ang malay natin, baka siya na ang babaeng para sa iyo?”

“Paano kung hindi?” hamon niya.

Muling humugot ng paghinga si Bernard. “Hindi kita pipiliting pakasalan siya kung sa isang buwang magkasama kayo ay wala kang madamang pag-ibig sa kanya. Ako ang makikipag-usap sa kanyang ama. But promise me that you will give yourself and this woman a chance.”

Hindi siya sumagot. What his father said was fair enough. Still, he hated the idea that he was being manipulated into something he didn’t like.

“Porque su es me nieto... ikaw ay ako, Lenny...”

“No! Ikaw at ang Papa ay iisa. Manipulador!”

“And aren’t you, young man?”

“Nunca!”

“Namumunga ba ng santol ang mangga, Leonard?”

“ Por favor , hijo?” untag ni Bernard.

He smiled drily. His father used the word “please.” Pero alam niyang sa likod niyon ay naroon ang pag-uutos. Kung hindi nga lang tiniyak ni Bernard sa kanya na maaari siyang tumalikod kung sakaling hindi niya magustuhan ang babae ay hindi siya papayag na sundin ito.

At ngayon ay nasa likod niya ang babae na kung magkamali siya ay mapapangasawa niya.