noveltoon logo noveltoon
Hasta La Proxima Vez (Kristine Series 16)

Chapter 6

Ch. 6 / 31 Feb 15, 2022

Chapter Six

A T BAGO pa siya maka-recover sa matinding pagkamangha ay may isa na namang babae ang lumitaw sa pinto ng silid niya. A plump woman in her mid-forties. Nakabaro’t saya at nakapamaywang sa kanya.

“Tama nga pala ang sinabi ni Consuelo. Hindi ka pa bihis, Isabel.” Nasa tinig nito ang banayad na galit. Kasabay ng pag-iling ay itinulak nitong pasara ang pinto ng silid. Humakbang patungo sa kanya at bago pa niya maisip ang gagawin nito ay yumuko ang babae at hinawakan ang magkabilang laylayan ng oversized T-shirt at itinaas sa ulo niya. “Ako ang makakagalitan ng papa mo sa ginagawa mong ito.”

Inihagis nito sa gitna ng katre ang nahubad na pantulog niya. Mabilis na itinakip ni Dana ang mga braso sa dibdib, nasa mukha ang matinding panggigilalas.

“Pati camiseta ng iyong ama ay isinuot mo.” Napapailing pa ring lumakad ito patungo sa malaking aparador.

“S-sino kayo?”

Ang akmang pagbubukas ng aparador na matandang babae ay napigil at nilingon siya sa nagsasalubong na mga kilay.

“Ano ba ang pinagsasasabi mong bata ka?” Pagkuwan ay muling hinarap ang aparador at binuksan iyon. Kumuha roon ng damit at inilapag sa ibabaw ng kama. “Tutulungan na kitang magbihis at kanina pa aligaga ang nobyo mo.”

Nobyo?

“A-ako na po ang magbibihis.” h alos walang tinig na lumabas sa bibig ni Dana habang nakatutok ang tingin sa damit na nakalatag.

Tinitigan siyang mainam ng matandang babae. “May dinaramdam ka ba, Isabel? Bakit ganyan ang anyo mo? Tila ka ba namamanghang kung paano at namumutla—”

Isabel!

“Hindi Isabel ang—” ang pangalan ko. Pinigil niya ang sasabihin. In one way or another, iyon ang pangalan niya. Naguguluhang tinitigan niya ang babae. Ano ang nangyayari? Saan galing ang mga taong ito? Bakit tila may nagkakasayahan siyang naririnig sa labas ng silid?

Mula sa matiim na pagkakatitig ay unti-unti ang paglitaw ng isang nakakaunawang ngiti sa mga labi ng matandang babae.

“Kinakabahan ka, Isabel. Oo nga naman. Iaanunsiyo ng iyong papa ang napipinto ninyong pag-iisang-dibdib ni Eman.” Hinaplos nito ang buhok niya. “Nauunawaan ko ang nararamdaman mo, hija,” banayad nitong sabi. Pagkuwan ay dinampot ang kamison at isinuot sa kanya.

Oh, god... oh, god!

Gusto niyang magprotesta pero walang tinig na lumabas sa bibig niya. At may palagay siyang ipinako siya sa pagkakatayo habang inaayusan at binibihisan siya ng matanda. Nang bigla ay mag-angat ito ng tingin.

“Ano itong suot mong panloob, Isabel? Bakit napakaliit yata sa iyo at wala nang tinakpan? At madulas. Saang bazaar mo ito nabili?”

She opened her mouth to say something, the old woman was referring to her silk bikini briefs. Pero walang lumabas na tinig sa bibig niya. Hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin.

“Kayong mga kabataan, oo,” bubulong-bulong ang matanda at ipinagpatuloy ang pagbibihis sa kanya. “Marahil ay ganito rin ang suot ng mga anak ng Amerikano sa unibersidad. Siguro ay isa sa kanila ang nagbigay sa iyo nito.”

Hindi niya matiyak kung may tinig na lumabas sa bibig niya nang umoo siya. Nang matapos ito sa paggagayak sa kanya ay hinagod siya ng tingin. She saw adoration in the old woman’s eyes.

“Kay bilis na lumipas ng panahon, Isabel. Hindi ko namalayan. Ang munting batang aking inalagaan noon ay isang magandang dalaga na ngayon. Kung sana’y buhay pa ang iyong mama...” Bahagyang nabasag ang tinig nito. At kung hindi nagkakamali si Dana ay tila kislap ng luha ang nasa mga mata ng matandang babae.

“Napakapalad ni Eman sa iyo,” patuloy ng matanda. Tinitigan nito ang repleksiyon ni Dana sa salamin. “At ikaw rin nama’y mapalad sa kanya. Magandang lalaki, edukado, at may sinasabi sa buhay. Higit sa lahat, kilala na ninyong mabuti ang isa’t isa...” Pagkuwan ay inakay siya nito sa harap ng malaking salamin sa tokador.

Dana groaned inwardly nang titigan niya ang sarili sa salamin. Para siyang Barbie doll na binihisan ng centennial dress. Lamang, mas mamahalin at maganda ang materyales ng damit niya kaysa kay Barbie.

“Bakit nagiging mamula-mula yata ang maitim mong buhok, Isabel?” Nakakunot ang noong hinawakan at sinipat ng matandang babae ang buhok niya.

“M-may i-n-nilagay po akong... p-pangkulay...” Sa wakas ay bumalik ang tinig niya.

“Hmm... bumagay sa iyo,” sang-ayon nito. “Teka at ipupusod ko ang buhok mo...” Pinaupo siya nito sa dresser stool. Tila robot na sunod-sunuran si Dana.

Kinuha ng matandang babae ang suklay sa tokador at inayos ang buhok niya. Pagkatapos ay inabot ang isang payneta sa lalo pang pagkamangha ni Dana. Noon lang napansin na may laman ang ibabaw ng tokador. May mga bote ng pabango na hindi niya kilala ang brand. At wala ang mga iyon nang pumasok siya kaninang magkasama sila ni Attorney Palomares.

“Ano pa ba ang kulang? Polvo? Teka—” Akma nitong dadamputin ang isang pulvera nang lumingon si Dana.

“A-ako na lang po.” Pahawak niyang pinigilan ang bisig ng matandang babae.

“O, siya, sige. At lalabas na ako. Madaliin mo, Isabel, at baka muli kang ipasundo ng iyong papa. Isa-isa nang nagsisidatingan ang mga bisita.”

Mula sa salamin ay sinundan niya ng tingin ang paglabas ng matanda sa pinto ng silid. Mabilis siyang tumayo at ikinandado iyon. Pagkatapos ay naguguluhang nagbalik sa katre at naupo roon.

Ano ang nangyayari? Saan galing ang mga taong ito? At saan galing ang mga taong tila nagkakasayahan na naririnig niya sa labas ng silid?

Nananaginip ba siya? Had she fallen asleep while reading her grandmother’s diary?

Diary? Nagpalinga-linga siya at hinanap sa kama ang diary subalit hindi niya makita iyon.

Nagugulumihanang tumayo ang dalaga. Kinakabahang binuksan ang pinto ng silid at lumabas. Maliwanag sa dulong-pasilyo sa may bahagi ng bulwagan. Naging malinaw ang mga boses ng nagkakasayahang mga tao. Muling natambad sa kanya ang mga bintana. Kinakabahan at nagmamadali siyang nanungaw. Madilim ang kalye maliban sa mga malamlam na ilaw sa poste.

Nang yumuko siya sa ibaba ay napunang sa gilid ng daan ay ilang vintage cars ang nakaparada. May isang sasakyang kapaparada lang. Hinintay niyang makababa ang sakay nito. Isang babae’t lalaki. Ang lalaki ay naka-coat and tie subalit kakaiba. Ang babae ay halos kapareho ng suot niya ngayon. At pumasok ang mga iyon sa nakabukas na gate ng bahay.

“Oh, god! What is going on? Who are these people?” nanlulumong usal niya. Sinuyod ng mga mata ang abot ng tanaw. Subalit madilim sa dako roon ng kalye maliban sa naaninag niyang nagdaang kalesa sa may di-kalayuan.

What was happening? Nananaginip ba siya? Hindi ba niya naituloy ang pagbabasa sa diary ni Donya Isabel? Nakatulog ba siya sa pagod and must be dreaming?

Nang may maramdaman siyang mga yabag na papalapit. Marahas siyang lumingon. Isang may edad nang lalaki. The old man was wearing a black tuxedo with a silk bow tie.

“Bakit naririto ka pa, Isabel?” bati nito at ngumiti matapos siyang hagurin ng tingin. “ Muy hermosa ! Mababawi ng mamanugangin ko ang pagkainip sa paghihitay sa iyo, hija...”

This must be her father—but only in this dream. At kung nananaginip siya ay dapat na kumilos siya nang ayon sa nararapat.

“T-tinitingnan ko ang pagdating ng mga bisita, P-Papa...” She forced a smile. Ikinawit ang kamay sa braso nito nang ialok iyon ng matandang lalaki. Humakbang na ito pabalik sa pinanggalingan.

“Pili ang mga bisitang inimbita ko, Isabel. Dalawa o tatlo sa iyong mga malalapit na ka-escuela at ang ilang mga malalapit kong kaibigan. At nasa bulwagan si Henry Stimson, hija. Itinatanong ka ng ating butihing Gobernador Heneral.”

Henry Stimson, gobernador heneral? Gusto niyang paganahin ang isip at alalahanin ang Philippine history, pero hindi magkapuwang iyon.

“Tiyak na pawang pulitika na naman ang inyong pag-uusapan, `di ba, Papa?” wika niya at masuyong tumingala sa matandang lalaki.

Isang tawa ang pinakawalan ni Don Jose. “Isang abogado ang iyong ama, Isabel. Hindi mo dapat pinagtatakhan iyon. Pero huwag kang mag-aalala, hija. Para sa iyo ang gabing ito... sa inyo ni Eman.”

“Bakit kailangang ipahayag pa ang tungkol sa aming kasal? Bakit hindi mo na lamang hayaang maging pribado sa amin ni Eman ang aming relasyon?” Namamangha siya sa lumalabas sa bibig niya. Hindi niya alam kung bakit tila alam na alam niya ang sinasabi ng matandang lalaki.

“Alam mong ang gabing ito lamang ang aking hinihintay, Isabel, upang matuloy na ang aking pagbibiyahe patungong Estados Unidos. The announcement will both please me and Eman’s parents.”

Huminto sa paglakad si Dana. “Kailangan bang umalis ka, Papa?”

Nagbuntong-hininga ang matandang lalaki. A thoughtful frown on his forehead.

“Isa ako sa hinirang ni Manuel Quezon na kasama sa misyong ipadadala ng pamahalaan upang hingin ang kasarinlan mula sa Estados Unidos, Isabel. Ito ang pampitong misyon at umaasa ang lahat na sana’y maging matagumpay ang lakad na ito. Nagpapasalamat na nga lang tayo at naging mabuti ang pakikitungo sa atin ng gobernador. Ibinalik niya ang Sanggunian ng Estado na tinanggal ng dating Gobernador Wood.”

Hindi na kumibo si Dana. Wala siyang nauunawaan sa sinasabi ng matandang lalaki. Subalit isa ang tiyak, ang panaginip niya ay nasa panahon siya kung saan ang mga Amerikano ang nagpapalakad sa Pilipinas.

Sandali siyang napahinto sa paglakad. Sa harap niya ay ang bulwagan na puno ng mga tao. Suot ang mga panggabing kasuotan na nababagay sa panahong iyon. A mixture of American-and-Spanish party dresses. Nagpapaligsahan sa ganda ang baro’t saya ng mga babae. May ilang kababaihang nakalitaw nang bahagya ang mga sakong. Ang uri ng damit na may impluwensiya ng mga Amerikano.

Ang mga kalalakihan ay pawang mga naka-coat and tie. At nang pumailanlang ang isang malamyos na awitin ay may ilang kabataang pumagitna sa bulwagan. Ilan sa mga iyon ay kinawayan siya na ginantihan naman niya ng alanganing ngiti.

“Isabel!”

Napatingin siya sa pinanggalingan ng tinig. Kung hindi siya nagkakamali ay ito si Eman. A handsome man in his early twenties. Sa kulay ng balat at anyo ay purong Pilipino.

“Bahala ka na sa aking unica hija, Eman,” ani Don Jose at humakbang patungo sa mga kaibigan.

Agad na ginagap ni Eman ang mga kamay niya. Ang mga mata nito ay kumikislap sa paghanga sa kanya.

“Ilang beses ko bang sasabihing kay palad ko at ikaw ang babaeng nakatakda kong iharap sa altar, Isabel?”

Gustong umikot ng mga mata ni Dana. Ganito ba ang sinasabi ng mga tao noong una? At ganito ba ka-graphic ang kanyang panaginip.

“Mapalad din ako sa iyo, Eman,” she said demurely.

“Halika at magsayaw tayo.” Hinila siya nito sa gitna ng bulawagan bago pa siya makatanggi.

Waltz ang musika at ni hindi niya alam kung paanong isayaw iyon. Subalit hindi niya magawang isatinig iyon sa binata. At tuwing iniikot siya nito’y hindi miminsang naapakan niya ang paa ng lalaki.

“S-sorry...”

Subalit tila hindi iyon napupuna ni Eman na hindi maalis sa mga labi ang masuyong ngiti para sa kanya. Kasalukuyan pa rin silang nagsasayaw nang sa isang pag-ikot ay isang lalaki ang nahagip ng kanyang mga mata sa may entrada ng azotea. Puti ang pantalon at puti rin ang polo shirt na mahaba ang manggas. May suot itong suspender. A young Spaniard with a thin moustache.

Nakatitig ang lalaki sa kanya. His lips twisted upward in what she thought a smile. Nakasandal ito sa may hamba ng pinto at sa kanang kamay ay may hawak na kopita ng alak na sa minsang pag-ikot niya ay itinaas sa kanya ang kopita along with that lopsided grin.

She gasped softly but she smiled back. Eman was handsome in a wholesome and adoring way. Pero kakaiba ang lalaking iyon. Something like rugged and daring and unconventional. He wasn’t wearing a formal attire, di tulad ng lahat ng lalaki sa paligid.

Huminto na ang tugtugin but she was still staring at him. Just as his eyes never left hers. Nang may magsalita sa may tagiliran niya.

“My turn now, young man...”

Mabilis na humarap sa nagsalita si Dana. Sa harap niya’y isang may gulang na lalaki. An American. He was smiling down at her.

“Mr. Stimson.” Kung paanong lumabas sa bibig niya iyon ay hindi alam ni Dana. Kung paano niyang natiyak na iyon ang Gobernador-Heneral ay hindi niya alam.

Alanganing ibinigay siya ni Eman sa matandang Amerikano. Ilang sandali pa ay nasa gitna na silang muli ng bulwagan sa saliw ng Blue Danube.

“Lucky young man,” bulong ng Amerikano na sandaling hinabol ng tingin si Eman bago bumalik ang mga mata sa kanya. “If I were ten or fifteen years younger—”

“And not married,” agap niya na sinabayan ng ngiti. Agad niyang nagustuhan ang gobernador. Nang ituon niya ang paningin sa kinatatayuan ng lalaki kanina ay wala na ito roon. Hindi niya pinansin ang bahagyang disappointment na naramdaman.

Isang tawa ang pinakawalan ng Amerikano. “Perhaps if I saw you first before I laid my eyes on—”

“Oh, I don’t think I could dream father than this particular time,” birong-totoo niya sa bahagyang pagsasalubong ng mga kilay ng lalaki.

“But maybe we could...” sagot nito at bahagya siyang hinapit, a twinkle in his eyes. Dana liked the man to be irritated by the slight flirtation.

She was about to say something nang huminto ang musika. Kasunod niyon ay ang tinig ni Don Jose na nasa tabi ng mikropono.

Natuon dito ang pansin ng mga panauhin.

“Ikinagagalak ko ang pagdalo ninyong lahat para sa kasayahang ito. At marami ang nagtatanong kung para saan? Bueno...” Sinulyapan nito si Dana. “Isa itong despedida para sa aking paglalakbay patungong Estados Unidos sa makalawa. At gusto kong samantalahin ang kasayahang ito upang ipahayag na rin ang nalalapit na pagpapakasal ng aking unica hija, si Isabel...” Itinuro ni Don Jose ang kinatatayuan niya. Nginitian ni Dana ang mga nakangiti at curious na mga matang nakatuon sa kanya. “...kay Emmanuel Ramirez.” Hinayon din ng mga mata ng matanda ang kinaroroonan ni Eman na kasalukuyang kausap si Consuelo. Sa tagiliran ng binata ay ang mga magulang.

Sumunod ang masigabong palakpakan. Naunang bumati si Henry Stimson. Sinundan iyon ng ibang mga bisita at namalayan na lamang niyang nasa tabi na niya si Eman. Possessively crowding her.

Bahagyang napapitlag si Dana sa huling umabot ng kamay niya. Ang lalaking nakatayo sa may entrada ng azotea.

“Binabati ko kayong dalawa,” wika nitong bahagya lang dinaanan ng tingin si Eman. Itinuloy ng lalaki sa mga labi ang kamay niya na nagpawala sandali sa ngiti ni Eman.

“T-thank you...” she whispered as brown eyes bored into hers. Up close, the man was breathtakingly handsome. And he looked familiar. The timbre of his voice even sounded familiar. Tila narinig na niya.

But of course! Had it not been for the Spanish features, she could easily identify him with Clark Gable in Gone With The Wind. They had similar moustache.

“Maaari ko bang isayaw ang iyong kasintahan, Mr. Ramirez?” b ahagyang ikinilig ng lalaki ang ulo pagawi kay Eman. Subalit bago pa makasagot si Eman ay sumang-ayon na si Dana.

“Thank you for asking....” She smiled. Sandali lang nilingon si Eman at nagpaakay na sa lalaki sa gitna ng bulwagan.

Si Eman na nakasunod ang mga mata sa dalawa ay napalingon nang kabigin ni Don Jose ang braso nito.

“Gusto kitang makausap, hijo,” wika ng matandang lalaki. “Bukas na ng hapon ang alis ko patungong Estados Unidos. Napaaga ang schedule, ayon sa ipinaabot sa aking balita ngayon lang.”

Alanganing sumama ang binata at sandali pang nilingon ang dalawa subalit natatakpan na ang mga ito ng mga tao.