noveltoon logo noveltoon
Hasta La Proxima Vez (Kristine Series 16)

Chapter 2

Ch. 2 / 31 Feb 15, 2022

Chapter Two

“`M ORNING,” bati ni Dana sa mga magulang pagpasok sa dining room. Humila ng upuan at naupo sa harap ng ama at inabot ang coffee percolator. Nilunod ng tanong niya ang magkapanabay na sagot ng mga magulang. “Kaninong sulat iyang binabasa mo, Dad?” Hawak ni Joshua ang isang sulat at pormal ang anyo nito.

“Sa Pilipinas, Dana. Sa abogado ng Tiya Isabel...”

She frowned thoughtfully. Ang tinutukoy ng ama ay ang nakatatandang tiyahin nitong si Donya Isabel. Pinsang-makalawa ng Lola Antonia niya, ang namayapang ina ng ama. Donya Isabel was more than ten years older kaysa ina ni Joshua. Sa buong buhay niya ay mabibilang sa daliri ang pagkikita nila ng matandang babae.

Donya Isabel was already very old, in her early eighties, nang huli niya itong makita. And that was eight years ago, nang mamatay nga ang Lola Antonia niya. Naroon ito kasama ang dalawang bayarang pribadong nurses. A very eccentric old woman. At isa sa mga dahilan kung bakit hindi ito madalas na dalawin ng daddy niya ay dahil nagagalit at hindi pa naman daw ito mamamatay.

Sa kanya lamang malambot ang pakikitungo ni Donya Isabel. At ayon pa sa daddy niya, naroon ito mismo sa ospital nang ipanganak siya at mariing isinuhestiyon na tawagin siyang ‘Isabel.’ Sunod sa pangalan nito.

Diana protested strongly. Subalit mapilit ang matandang babae at nakiusap ang ina ni Joshua na pagbigyan na.

Napahinuhod si Diana. Subalit hindi ang mismong isinuhestiyon ng matandang babae. She was christened Dana Isabella. At habang lumalaki siya, at sa bibihirang pagkakataong naroroon silang mag-anak sa bahay nito, ay hindi miminsang sinabi ni Donya Isabel na kahawig siya nito noong kabataan nito.

At upang patunayan sa kanya ang sinasabi nito ay pinakitaan siya ng matanda ng isang lumang photo album kung saan marami itong larawan.

The photographs were black-and-white. Creased and faded. At bagaman nakita ng batang Dana na maganda si Donya Isabel noong kadalagahan nito ay hindi niya makita ang pagkakahawig nilang sinasabi nito. At sa batang isip niya ay hindi niya makuhang tanggapin iyon dahil malaki ang pagkakahawig niya sa ina. Pero hindi niya minsan man sinalungat si Donya Isabel sa sinasabi nito.

Nag-angat siya ng mukha sa ama. “What about her, Dad?”

“She died a week ago,” tahimik na sagot ni Joshua. Then raised a guilty face to his wife. “I should have been there.”

“Huwag mong sisihin ang sarili mo,” ani Diana at naupo sa kanang bahagi ng mesa. “Sa pagkakakilala ko kay Tiya Isabel ay hindi niya gustong naroon tayo at pagmasdan ang anumang nararamdaman niya. She preferred to be with her nurses.”

Agad ang pagkalat ng lungkot sa puso ni Dana. Kahit paano ay alam niyang mahal siya ng matandang tiyahin ng ama.

“Kapag ako’y namatay, Isabella,” wika nito, refusing to use the name ‘Dana.’ Nasa azotea sila at ang matanda ay nakaupo sa isang lumang rocking chair. “...iiwan ko sa iyo ang bahay na ito.” Inikot ng tingin ni Donya Isabel ang buong istruktura ng bahay. Memories in her rheumy eyes.

Sinundan ni Dana ang mga mata ng matandang babae. Walang ipinagkaiba ang bahay na iyon sa lumang bahay ni Juan Luna sa Badoc, Ilocos Norte, na nakita niya minsang nagkaroon ng field trip ang buong klase nila. Maliban sa higit na mas malaki ang bahay ng matandang babae.

Muling ibinalik ni Donya Isabel ang tingin sa kanya. Ang kulubot nitong kamay ay ginagap ang palad niya.

“Maraming magaganda at malulungkot na mga kasaysayan mayroon ang bahay na ito, apo. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako napilit ng aking nasirang asawa na iwan at ipagbili ito.”

She was very young, only thirteen, at wala pa sa isip ang sinasabi ng matandang babae. Ano ang gagawin ng isang batang tulad niya sa isang lumang bahay?

“Iba na ang panahon ngayon, hija,” patuloy nito. “Masyadong maraming salapi ang kailangan upang mabuhay at magpagamot. Kaya wala marahil akong maiiwan sa iyong salapi maliban sa bahay na ito.”

“Huwag ninyo akong alalahanin, Lola Isabel. Gamitin ninyo ang pera sa pagpapagamot ninyo...”

“Kung ako lamang ang masusunod ay matagal ko nang gustong mamahinga, apo.” Nahahapong sandaling huminga ito nang malalim bago muling nagsalita. “Matagal na matagal na. Subalit marahil ay kaparusahan sa akin ang mabuhay nang ganito katagal gayong maraming taon nang pumanaw si Eman...” She paused for a while at tumingin sa kawalan.

Hindi matiyak ni Dana kung luha ang kumikislap sa mga mata nito.

The old woman sighed at muli siyang tinitigan. “Alam mo bang sa bawat araw ng aking buhay ay hindi ko siya nakalimutan? At nang mamatay si Eman ay lagi ko siyang hinihintay? Umaasang magbabalik dahil malaya na ako at may katuparan na ang aming pag-ibig...”

“Sino po ang hinihintay ninyo, Lola?” inosenteng tanong ng dalagita.

Huminga nang malalim ang matanda. Isang ngiti ang sumilay sa tuyot na mga labi. Subalit sandali lang iyon. Muling humalili ang matinding kalungkutan.

“Ni hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya matapos siyang umalis, Isabel,” wika ng matanda kay Dana. “Nawalan na ako ng balita. Hindi na rin siya nagpatuloy sa pagpasok sa San Juan de Letran.” Pagkatapos ay tumingala sa dalagita. Mahigpit na kumapit sa munting braso niya. At sa tila prantikong tinig ay, “Hindi ko alam kung nagkamali ako, apo.”

“S-saan po kayo nagkamali, Lola Isabel?”

Subalit hindi sumagot ang matandang niluwagan ang pagkakahawak sa braso niya. Muling tumingin sa kawalan. Pagkuwan ay inuga-uga ang silyang tumba-tumba. Matagal na hindi nagsalita. Kumikislap ang mga mata sa tila luhang namumuo sa bawat sulok.

“Kawawang Eman... minahal ako nang labis sa kabila ng alam niyang sa buong panahong pinagsamahan nami’y nanatiling nasa puso ko ang aking unang pag-ibig...” Lumatay ang matinding kalungkutan at pagkahapo sa mukha nito. “Kung sana’y maibabalik ko lamang ang panahon, hija. Sana’y naging maligaya ako sa aking pag-ibig. At si Consuelo... kawawa naman ang pinsan ko. Sapilitang nagpakasal sa lalaking nagsamantala sa kanya....”

“Huwag po kayong malungkot, Lola Isabel,” aniya sa pinasiglang tinig bagaman walang naiintindihan kahit na ano sa mga sinabi ng matandang babae. “Aalagaan ko ang bahay na ito. Aalisin ko ang lahat ng agiw at sisindihan kong lahat ang mga aranya,” wala sa loob niyang sabi.

Sumilay sa tuyot na mga labi ni Donya Isabel ang isang ngiti. “Tulad noong panahong naririto siya, Isabella?” Kumislap ang mga mata nitong halos hindi na maimulat dahil sa katandaan. “Tulad noong panahong sa palagay ko’y walang katapusan ang kaligayahan ko tuwing nasa mga bisig niya ako? Naroon siya sa silong parati at nag-aaral ng leksiyon. Nag-aaral siya sa Colegio de San Juan de Letran. At dito...” Inikot nito ng tingin ang buong azotea na nalililiman ng matandang punong-kaimito. “...dito sa azoteang ito niya ipininta ang aking larawan. Dito niya ako unang hinagkan...”

Inihilig ni Donya Isabel ang ulo sa sandalan ng silyang tumba-tumba. May ngiti sa mga labi na tila inaalala ang mga lumipas.

Nakita ni Dana na wala na sa kanya ang isip ng matandang babae. Tila tahimik na itong muling naglakbay sa nakaraan.

Nilapitan siya ng nurse at inakay palabas. Ang sabi nito ay sa azotea na tiyak palilipasin ng matanda ang maghapon.

Huminga nang malalim si Joshua at muling tiningala ang anak. “Iniwan sa iyo ni Tiya Isabel ang lahat ng kanyang ari-arian, Dana. Not that much dahil naubos na ang mga iyon sa nakalipas na mga taon dahil sa sakit niya. But she left you the house and lot in Binondo.”

“D-did she?” wala sa loob niyang tanong. Humakbang patungo sa sofa at naupo. Tinotoo ng matandang babae ang sinabi nito sa kanya.

“At gusto ng abogado na umuwi ka agad sa Pilipinas upang asikasuhin ang paglilipat sa pangalan mo ng propriedad, Dana.”

“Kailangan pa ba iyon, Josh?” ani Diana sa tonong hindi sumasang-ayon. “Magagawa ng abogado iyon kahit wala si Dana roon, `di ba?”

She didn’t like the old woman, bagaman wala itong ginawang masama sa kanya. She was kind of weird dahil sa bibihirang pagkakataong nagkakatagpo sila ay titig na titig lagi ang matandang babae sa kanya. And there was that mysterious smile on her cold lips. And she hated her house in Binondo. It gave her the creeps, tulad din ng Villa Kristine. Kaya naman tuwing dumadalaw ang asawa’t anak ay hindi siya sumasama.

Umiling si Joshua. “Ayon dito sa sulat, kailangang tanggapin ni Dana ang mana, darling. At kung sakaling hindi magawa iyon ng ating anak, mauuwi sa national government ang bahay. Iyon ang bilin ng Tiya Isabel.”

“Di ipamigay sa pamahalaan.”

“No, Mommy,” tanggi ni Dana sa sinabi ng ina.

Nilinga ni Diana ang anak. “Pero ano ang gagawin mo sa isang luma at gigiray-giray na bahay, hija? Ni hindi mo iyon mapatibag at gawing moderno. Baka hindi ipahintulot ng pamahalaan, lalo at nasa Binondo area. Sa isang lugar kung saan naka-preserve ang mga ganoong uri ng bahay.”

“Binondo isn’t a tourist spot, darling,” pagtatama ni Joshua.

“Ipinangako ko sa Lola Isabel noong araw, Mommy, na iingatan ko ang bahay. I will have it renovated sa paraang hindi masisira ang sinaunang pagkakayari. I will restore the house to its former grandeur,” determinadong wika ng dalaga sa pagsasalubong ng mga kilay ng mga magulang.

“How are you going to do that?” s i Joshua.

She smiled sheepishly. “With a little financial help from you, Daddy, at saka medyo marami na rin naman ang savings ko sa part-time job ko tuwing summer vacation.”

“Sa tono ng boses mo’y natitiyak kong hindi ako maaaring tumanggi, `di ba?” nakangiting sabi ni Joshua.

Lumapad ang ngiti niya. “Thank you, Dad.”

“Pero, Dana, darling. Ano ang gagawin mo sa bahay ng lola mo?” protesta ni Diana.

“It is mine, Mommy,” she said with conviction. “Iniwan niya sa akin. Baka mapagpasyahan kong sa Manila na lang tuluyang manirahan. Ano ang malay natin?”

“Pero hindi mo gugustuhin ang neighborhood mo sa Binondo,” tuloy pa rin sa pagpoprotesta si Diana. “Kung gusto mong sa Pilipinas manirahan, we can afford to buy you a house and lot in one of those modern subdivisions outside Metro Manila. Moderno, bago at—”

“Sweetheart,” putol ni Joshua sa sinasabi ng asawa kasabay ng buntong-hininga. Binalingan ni Joshua ang anak. “Kailan mo gustong umalis, hija, pabalik sa Pilipinas?”

“I wish you’d change your mind, Dana Isabella.” s i Diana uli, using her mother tone. Subalit sa anyo at tinig ng anak ay tila hindi nito iyon maaawat. Then she added drily, “Hindi ko alam kung kailan ka pa nagkainteres sa mga lumang bahay...”

Subalit wala sa ina ang pansin ni Dana. Kumislap ang mga mata. “Hindi ba at sa isang linggo na ang alis ni Cielo patungong Pilipinas, Daddy?” aniya. At nagpatuloy bago pa sumagot si Joshua. “Sasabay ako sa kanya. At least, hindi boring ang mahabang oras na biyahe sa plane, `di ba?”

“REALLY?” s i Cielo sa kabilang linya sa excited na tinig. “Oh, Dana, I am so glad. Kahit paano’y mababawasan ang mga worries ko. Sabi ni Mommy, sasalubungin daw ako ni Leonard Fortalejo sa NAIA. And I am so scared...”

“Oh, well, kasama mo ako kapag humarap ka sa kanya,” pampalakas-loob niya. “Pero ako ma’y sasalubungin ni Attorney Palomares sa airport, Cielo. Iyon ang sabi ni Daddy.”

“Basta,” tila batang sabi nito. “Ang mahalaga’y magkasama tayo sa maraming oras sa eroplano. At higit sa lahat ay iyong kaalamang nasa Pilipinas ka rin.”

BISPERAS ng pag-alis ng magpinsan pauwi sa Pilipinas nang magkaroon ng hindi inaasahang panauhin si Dana.

“Charles? Halika, tuloy ka.” Nagulat siya sa pagdating ng binata sa kanila. “Have a seat.” Itinuro niya ang wicker chair sa balkon.

“Thank you, Dana,” nakangiting wika ng binatang ang ama ay Filipino at ang ina ay American.

“What brought you here? May sadya ka ba sa akin?” deretsang tanong niya at naupo sa katapat na silya.

Tumikhim sandali si Charles bago nagsalita. “I–I don’t want to give her up that easy, Dana.” Ang tinutukoy nito ay ang kasintahang si Cielo. “I am going with you...”

“What!” Napatuwid sa pagkakaupo ang dalaga.

“She told me you are going, too. Though for some other reason. At gusto kong sumama sa inyo pagbalik sa Pilipinas.”

She groaned. “Oh, Charles. Gustuhin ko mang huwag matuloy ang pagpapakasal ni Cielo kay Leonard Fortalejo ay wala rin akong magagawa dahil hindi naman susundin ni Cielo ang payo ko. At hindi rin iyon makikinig sa iyo. Takot ang pinsan ko sa mama niya. At sa sandaling malaman ni Tita Elvie na kasama ka ni Cielo ay idineklara mo ang World War III. At kawawa naman ang pinsan ko...”

“They didn’t have to know, Dana. Mauuna lang kayo ng ilang oras sa Pilipinas. Kukunin ko ang next flight. At may bahay ang papa ko sa Quezon City na tinatauhan ng tiyahin ko. I’ll be staying there at pag-iisipan ko kung paano ko mapapahinuhod si Cielo na magtanan kami roon.”

“I doubt that.”

“Huwag mong alisin ang pag-asa ko.” Isang mabuway na determinasyon ang nasa tinig nito. “Ilang libong milya ang layo ng Pilipinas sa Amerika, baka sakaling hindi na iyon abot ng manipulasyon ng mother ni Cielo.”

“Oh, dear...”

“Please, Dana,” pakiusap ni Charles. “Alam kong mahal ako ni Cielo. At mahal na mahal ko rin siya. Ginawan mo na rin lang ng paraang kami ang magkatagpo at magmahalan, lubusin mo na ang tulong. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pagnanais niyang huwag sumuway...”

She took a deep breath. Gusto niyang sabihing hindi ilang beses na sinaktan ng Tita Elvira niya ang anak sa sandaling hindi nito nagustuhan ang ginagawa ni Cielo. Bukod pa sa emotional blackmail na ginagawa nito sa anak—na kung gagamitin lang ng papa nila ang utak ay giginhawa sila. At na sana ay hindi ito nagdo-double job sa Amerika bilang nurse sa isang ospital at nanny sa natitirang ilang oras sa araw hanggang gabi.

“Alam ba ito ni Cielo?”

“Una kong sinabi sa kanya. She was hysterical in saying no. Na papatayin siya ng mama niya `pag nalamang sumunod ako. But as I said, I just couldn’t give her up that easy. I love her so much, Dana. Kaya ko naman siyang buhayin. May stable job naman ako sa bangko...”

Tumango ang dalaga. Nagkakilala sila ni Charles nang minsang magbukas siya ng savings account sa bangkong pinagtatrabahuhan nito. Ang binata ang nasa new accounts. Nagulat na lang siya nang minsang tawagan siya sa telepono. Kasunod niyon ay ang pagdalaw ng binata sa kanila. At gusto niya si Charles. He had this endearing personality. Hanggang sa magsimula itong magpahayag ng damdamin sa kanya.

She didn’t want to lose a friend sa pamamagitan ng pagsasabing wala siyang gusto sa binata maliban sa pagiging kaibigan. So, tactfully, ipinakilala niya si Cielo rito. Gumawa ng mga dates kung saan sa bandang huli ay hindi siya nakakasama, for various reasons that she made up. At naging instrumento siya sa paglalapit ng dalawa.

At hindi siya nagkamali. Bagay ang pinsan at si Charles. She was too spirited for the gentle Charles. Mas bagay rito si Cielo, who was so submissive and soft-hearted. Everything had been perfect for the two, kung hindi lang muling nakatagpo ng Tito Rustico niya si Bernard Fortalejo. Then her social climber aunt manipulated everything.

Muli ay humugot siya ng malalim na paghinga. “All right, sumunod ka sa amin sa Pilipinas. Pero pag-isipan muna nating mabuti ang lahat, Charles. Ibigay mo sa akin ang address at phone number mo sa Quezon City at tatawagan kita kapag naayos ko na ang dapat kong ayusin sa Manila.”

Agad ang pagsilay ng ngiti at pag-asa sa mukha ni Charles.