Chapter Eighteen
“I WOULD have preferred the horses,” ani Dana nang nasa daan na sila sakay ng Ford Expedition.
“Matatagalan tayo dahil hindi ka naman makapagpapatakbo nang mabilis. Besides, ang sabi mo’y gusto mo akong makausap.”
“Yes, of course.” Huminga muna siya nang malalim bago inumpisahan ang sasabihin. “Ilang araw nang narito sa isla si Cielo. Siguro’y napagpasyahan mo na kung pakakasalan mo siya o hindi...”
“What has it got to do with you?” Sandali itong lumingon sa dalaga. But she was looking outside the window.
“Just answer me...”
“What if I say yes and might marry her?”
She sighed. “Do you love her?”
Umangat ang mga kilay ni Lenny. “Is this what is all about? You want to make sure if I love her?” he mocked.
“Huwag kang magtawa!” inis niyang sabi.
“But you are funny,” patuloy ni Lenny. “Iyan lang ba ang ipakikipag-usap mo sa akin?”
Muli siyang humugot ng pagkalalim-lalim na buntong-hininga. “Cielo’s a sweet girl, Mr. Fortalejo—”
“So your cousin’s a sweet girl. I can only agree to that. What now?”
“Wala siyang pag-ibig sa iyo. Sumusunod lamang siya sa mga magulang niya. At hindi ang katulad mo ang iibig sa isang tulad ni Cielo. So, please, sana’y mapagpasyahan mong huwag ituloy ang planong pagpapakasal...” she said passionately.
Umangat ang mga kilay ni Lenny. Inihinto ang sasakyan at humarap sa dalaga. “At ano ang katulad ko, Dana?”
Umiwas ng tingin ang dalaga. Tinawag siya nito sa pangalan niya sa unang pagkakataon. At sa sensuwal na paraan na tila gustong manayo ng mga pinong balahibo niya.
“You know what I mean.”
“Forgive me but I could be cork-witted at times,” he said in self-mockery. “ b ut I don’t know what you mean,” patuloy nito. Ang kamay ay inilagay sa sandalan at umabot hanggang sa may bahagi ng headrest niya. At bahagyang dumukwang ito patungo sa kanya. “Linawin mo sa akin...”
Napapikit ang dalaga sandali. He was too close she could hardly breath. She could even smell the scent of his woodsy aftershave. At ni hindi niya masabi nang deretso ang gustong sabihin kung ganito kalapit ang binata.
“H-hindi ka kayang pakitunguhan ni Cielo. Magkaiba ang mundong nilakihan at ginagalawan ninyo...”
“She’d make a very submissive wife,” patuloy ni Lenny. Nasa tinig ang panunuya.
“I–I’ll bet you... you have women by the dozen swooning at your feet so—”
“Hindi ganoon karami.” h e was almost grinning. “And don’t you think you could call me Lenny?”
“You don’t need Cielo?” patuloy ng dalaga na hindi pinansin ang huling sinabi nito. “You will make her life miserable.”
Umangat ang mga kilay ng binata. “How can you pass judgment?”
“Because I know! She was in—” love with someone else. Muntik na niyang masabi. Kapagkuwa’y bumaba ang tinig niya. “If only you love her and she loves you, then it is another story. But as it is—”
“Is love your standard of making two people happy, Dana?” muling putol ni Lenny sa sinasabi niya. At bago pa siya makasagot ay muling nagsalita ito. “That’s very romantic of you...”
“Don’t mock me!” she snapped. “Take the case of your father and my mother. They had their marriage annulled because they didn’t love each other so much...”
“And have you regretted that they had separated? You could have been born in this family as my father’s daughter. Being a Fortalejo isn’t a joke, dulzura,” he taunted softly.
Si Dana’y muntik nang mawala sa pagtitimpi kung hindi sa ginamit nitong endearment. Napaangat ang mukha niya at tumitig sa binata na tila ba muli siyang nagbalik sa panahon ni Leon.
Si Lenny man ay nasa magandang mukha ng dalaga ang mga mata. There was something in her eyes he couldn’t comprehend. And her lips slightly parted as if waiting to be kissed. Maybe that was what this woman wanted. Like anybody else.
He reached for her nape and caressed it softly. Dana sighed dreamily. Lenny bent his head and touched his lips to hers, half-expecting her to push him. But she remained passive and he could even hear the soft sigh that came out of her. He moaned softly as he tasted the corner of her lips.
Dana was stunned and exhilarated. She closed her eyes at umusal nang wala sa loob. “Leon...”
Natilihan ang binata. Marahas na bumitaw sa paraang bahagyang naitulak ang dalaga. His eyes were in slits as he gazed down at her ashen face.
“You’re sick!” Inabot nito ang susi sa ignition at muling pinaandar ang sasakyan.
Dana was shocked. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Paano siyang nakalimot nang ganoon lang? At bakit nagugulo ang isip niya sa pagitan ni Leon at ng apo nito?
And Lenny kissed her. She allowed him to kiss her! Not really kissed kiss. Still it was a kiss.
Gusto niyang pamulahan sa kahihiyan. And here she was, nakikiusap na huwag nitong pakasalan si Cielo. Baka isipin ng lalaking ito na ipinagsisiksikan niya ang sarili sa halip na ang pinsan.
Hanggang sa makarating sila sa hotel ay walang kibuan ang dalawa.
“T-thank you...” wika niya bago bumaba, ni hindi makuhang salubungin ang mga mata nito.
“Hanggang anong oras kayo mag-uusap ng boyfriend mo?” galit nitong tanong. “Tinatawag mo rin ba siyang Leon sa tuwing hinahagkan ka niya?”
This time she really blushed. Mabilis na lumabas siya ng sasakyan at nagmamadaling pumasok sa hotel lobby.
Si Lenny ay iniuntog ang ulo sa headrest. Damn woman for getting into his nerves!
“SHE couldn’t do that, Dana!” protesta ni Charles nang marinig ang sinabi ng dalaga.
Huminga nang malalim si Dana. “Alam kong mahal ka ni Cielo, Charles. Nararamdaman ko iyon. Takot siya sa mama niya at sinabi niyang pati si Tito Rustico ay nakiusap sa kanyang sundin na ang mama niya. And on top of all that, maybe she got infatuated with Leonard Fortalejo at sa karangyaang nakikita niya.”
“I don’t believe Cielo to be that shallow,” wika ng binata sa helpless na tono. “She loves me, Dana...”
Matagal bago kumibo si Dana bago, “I have a plan, Charles...”
“What plan?”
“Gusto kong paniwalain natin ang pinsan kong ibinaling mo sa akin ang pagtingin mo...” Inawat niya ang binata nang tangkain nitong tumutol. “Gusto kong magselos siya at baka sa pamamagitan niyon ay biglang mag-iba ang isip ni Cielo. I saw her face fell nang bigyan ko siya ng pahiwatig tungkol sa atin...”
Napaungol si Charles. “Baka lalo lamang makasama ang gagawin natin, Dana...”
“Got a better idea?”
MAHIGIT isang oras na nag-usap ang dalawa sa silid ni Charles bago tumayo si Dana.
“Sisikapin kong magawan ng paraan na imbitahan ka ng mag-asawang Fortalejo sa anniversary party nila bukas ng gabi, Charles. Then we can implement our plan...”
“Thank you, Dana. Kung wala ang tulong mo’y baka nawalan na ako ng pag-asa...”
“Huwag ka munang magpasalamat. Aalis na ako. Tatawagan kita sa sandaling napapayag ko ang mga Fortalejo na maimbita ka sa party.”
Tumango si Charles at humakbang na si Dana patungo sa pinto. Nakabig na niya pasarang muli ang pinto nang sa pagharap niya’y nagulat pa siya. Nakasandal sa may dingding sa pasilyo si Lenny at nag-aabang sa kanya.
“Sated?” wika nito. Ang mga matang humahagod sa kanya’y puno ng malisya.
“W-what do you mean?”
Umismid ang binata. “Your boyfriend must have missed you so much. Kulang dalawang oras kayong—” sadya nitong ibinitin ang salita. “And you’ve got me waiting for almost two hours. That’s wonderful!”
Tumalim ang mga mata ni Dana sa ipinahihiwatig nito. “Hindi ko sinabing hintayin mo ako!” she hissed. Mabilis na lumakad at nilampasan ang binata.
“Tama naman,” patuyang sang-ayon ni Lenny na sa malalaking hakbang ay umagapay sa kanya. “Pero paano sa palagay mo ikaw uuwi sa villa? Bribe another groom?”
Nahinto sa paghakbang si Dana. Hinarap ang binata. “Do you have to remind me that always? Humingi na ako ng paumanhin. Ano pa ba ang gusto mo?”
“Iyong kaunting konsiderasyon na naghihintay ako sa ibaba. Considering na ginawa mo akong driver. Ganoon lang naman,” tuloy ito sa panunuya.
“All right, I’m sorry!” she said half-sincerely. “Hindi ko alam na hihintayin mo ako...” Sinabayan niya iyon ng buntong-hininga at humakbang na uli. “Isa pa’y hindi naman kami ganoon katagal nag-usap...”
“Nag-usap?” ulit nito. “Nag-usap nga lang ba kayo?”
Muling huminto si Dana. Sinikap kontrolin ang namumuong bagyo sa dibdib. At sa naghahamong mga mata ay tumingala sa binata.
“Ano ba ang gusto mong sabihin ko? That we made love? And if we did, eh, ano ba sa iyo?”
Sandaling natilihan si Lenny. Eh, ano nga ba?
Without a word, he turned his back. Naunang bumaba sa hagdan. Ni hindi na ginamit ang elevator. He was a fool. If he hadn’t known better, gusto niyang isiping nagseselos siya sa Charles na iyon. And she was right. Eh, ano nga ba ang pakialam niya kung ano man ang ginagawa ng dalawa sa loob ng silid sa loob ng mahigit isang oras?
“Porque estas muy enfadado?”
“I am angry because she made me wait na para bang isa akong common driver!”
“La mujer es muy bella.”
“So?”
“You are attracted to her.”
“Get out of my mind, gran!”
“If you think I am only a figment of your imagination, you are very wrong, nieto...”
Pabalyang binuksan ng binata ang pinto ng Ford Expedition at pumasok sa driver’s seat. Sa naguguluhang isip at banayad na galit ay hinintay si Dana. Impatiently tapping his fingers on the steering wheel kasabay ng pagsulyap-sulyap sa hotel entrance.
At hindi ito nainip. Lumabas ang dalaga mula sa hotel.
And Lenny almost forgot how to breath. He had never seen a more beautiful woman. She was walking towards him casually yet with a grace of a goddess. Her hair was almost red mula sa repleksiyon ng araw, creating a halo over her head. Her skin like alabaster.
Sa isang sandali’y naisip ng binatang hindi totoo ang lumabas mula sa sliding glass panel ng hotel. No flesh-and-blood woman could be so lovely, could she? A mirage perhaps, a figment of his wild imagination.
And the thought that he might be attracted to her angered him more. And his thoughts kept on coming back to that fleeting kiss, hindi man nito gustuhin.
Bloody hell! he thought. Hindi niya mahiwalayan ng titig ang papalapit na dalaga. She had fascinated him from the moment he craddled her in his arms when he found her at the family mausuleo.
No, kontra ng isip niya. He realized that his fascination had begun the day they met at the airport. And he still did not understand the strange shock of awareness that had gone through him when his lips touched hers, gaano man kasandali ang halik na iyon.
At kanina habang naghihintay siya sa dalaga ay naglalaro sa imahinasyon ang maaaring ginagawa ng dalawa sa loob ng silid ng kasama nitong lalaki. At tila nagpawala iyon sa katinuan ng isip niya sandali. Gusto niyang pasukin ang mga ito. He had wanted to strangle the man.
The sensation that had washed through him in that moment had been deep and disturbing, almost savage in its intensity.
It made no sense. There was no logic to his feelings.
He wanted her.
BINUKSAN ng dalaga ang pinto sa may passenger side pero hindi pumasok. Nagbuntong-hininga at tinitigan ang binata.
“What are you waiting for?” ani Lenny sa bahagyang naiiritang tono. “Bakit hindi ka pa sumakay?”
“Why do you dislike me so?” she asked softly.
Nagsalubong ang mga kilay ni Lenny doon. Hindi inaasahan ang sinabi niya. “I–I don’t dislike you,” he almost stammered.
“So let’s call it then ‘clash of personalities,’” wika niya na sinamahan ng tipid na ngiti. “Let’s have a truce, okay?”
Nagkibit ng mga balikat ang binata. “Sinabi mo, eh.”
“It’s almost lunch time,” patuloy ng dalaga na tumingin sa wristwatch niya. “Inaasahan ba tayo ng Tita Jewel sa villa sa tanghalian?”
“Not really. Why?”
“I’ll buy you lunch.” n ilinga nito sandali ang restaurant sa itaas ng cliff bago muling ibinalik ang mga mata sa binata.
“You want to buy me lunch?” He was half-amused.
“Sure. I owe you that. Ipinag-drive mo ako rito.”
“Nakalimutan mo na bang pag-aari ng pamilya ang hotel at resort na ito?”
Umarko ang mga kilay ng dalaga. “As if I’ll ever forget.”
“So, food and services are free to us.”
“Tsk... tsk... tsk. That’s bad business. Owners and business are two different things.” Sinisikap ng dalagang huwag ngumiti, but her eyes were sparkling as she teased.
And Lenny’s heart plummeted to his stomach, then bounced back to his throat. She was getting lovelier every passing minute.
“Are you trying to lecture me on the subject of management?” he asked.
“I am trying to remind you how it is to be a gentleman,” she said lightly. Kapagkuwa’y idinagdag sa tila banayad na pag-aakusa. “You could have, at least, invited me to lunch first before I did.”
“It’s never too late para magbangong-puri.” He was still grinning at her. While Dana’s heart did a sommersault by the oh-so-familiar grin. “I’ll take you to the cliff restaurant on one condition...” dugtong ng binata.
Napakurap siya. “W-what condition?”
“Call me Lenny.”