noveltoon logo noveltoon
Hasta La Proxima Vez (Kristine Series 16)

Chapter 10

Ch. 10 / 31 Feb 15, 2022

Chapter Ten

S A MISMONG sandaling iyon ay nagdesisyon si Dana.

“P-pakakasal ako sa iyo, Eman,” she said in a quivering voice.

No!

Itinaas ni Eman si Dana at niyakap nang mahigpit. Gustong pakawalan si Isabel kay Leon subalit hindi niya kayang mawala ang dalaga. Buong buhay niya ay minahal niya si Isabel. Walang naging ibang babae kundi ang dalaga.

Maramot marahil siya upang itali si Isabel sa kanya sa kabila ng alam niyang ibang lalaki ang iniibig ng dalaga. Subalit ang konsolasyon ay ang dalaga ang nagpasya at marahil ay matututuhan din siyang mahalin ni Isabel.

Makalipas ang mahabang sandali ay kumawala sa mga bisig ni Eman si Dana.

“M-may isasauli ako sa kanya, Eman... s-sandali lang ako..”

Tumango ang binata. Nasa dibdib ang matinding kaba na baka magbago siya ng pasya subalit hindi nito mapipigilan ang dalaga sa gustong gawin.

Halos takbuhin ni Dana ang hagdan. Napahinto siya ilang baitang mula sa ibaba nang makita sa puno ng hagdan si Consuelo.

“Hindi mo ako pinakinggan,” wika nito. “Ang sabi ko’y huwag kang maglaro sa pag-ibig dahil ikaw ang masasaktan... At hindi rin ako nagkamali nang sabihin kong hindi lang puso mo ang iyong sasaktan. Silang dalawa, Isabel...”

She smiled bitterly at nagpatuloy sa pagbaba. At halos takbuhin niya ang silong patungo sa silid ni Leon. Nasa mga maleta na nito ang lahat ng mga gamit at paalis na. At gusto niyang mamatay sa galit at hapdi na nasa mga mata nito.

“L-Leon...”

“Bumalik ka na sa itaas, Isabel,” wika nito sa walang-emosyong tinig.

Pinigil niya ang pagbagsak ng mga luha. “H-hindi ako para sa iyo, Leon...”

Mapait na tumango ang binata. “Nakita’t narinig ko mismo, `di ba?”

“Bukod kay Eman ay may iba pang dahilan,” she sobbed. Pinahid ng likod ng palad ang mga luha. “Tingnan mo akong mabuti, Leon...”

“Paraanin mo ako, Isabel. Walang dahilan upang mag-usap pa tayo...” galit nitong sabi.

“Ako ba ang Isabel na nakilala mo noong una kang dumating sa bahay na ito?”

“Bakit kailangang gusto mong dagdagan ang paghihirap ko? Hindi pa ba sapat ang sakit na idinulot mo sa akin?”

“Leon, h-hindi ako si Isa... ako si—Oh, g od!” she sobbed helplessly. “Paano ko bang ipaliliwanag sa iyo ito...”

“Bakit kailangan mong magpaliwanag? Nakapagpasya ka na, hindi ba?” wika nito sa gumagaralgal na tinig.

She sniffed. Muling pinahid ng palad ang mga luha. “Yes,” she whispered.

She felt drained and numbed yet she couldn’t stop the tears from falling. Ano nga bang paliwanag ang kailangan? May sapat bang paliwanag upang maibsan ang sakit na dulot niya sa kanilang lahat?

“Perhaps this was meant to be.” Hinubad niya ang singsing sa daliri. Inabot ang kamay ng binata at inilagay iyon sa palad. “May karapat-dapat pagbigyan ang singsing na iyan, Leon. H-hindi ako... h-hindi sa panahong ito.”

Mahigpit na ikinuyom ni Leon ang kamay. Nakulong doon ang singsing. Tumiim ang mga bagang nito. At nakita ni Dana ang namumuong luha sa mga mata ng binata sa kabila ng galit at matinding pagdaramdam.

“ Adios , Isabel...” Mabilis na itong tumalikod.

“Leon...”

He turned. Hope in his eyes. And she fought hard not to reach for him. Kung makukulong siya sa mga bisig nito ay baka magbago ang pasya niya.

“I–I don’t want to say g-good-bye... Not adios , Leon, please...” Her sobs almost choked her.

“Ano ang gusto mong sabihin ko upang maging magaan ang paghihiwalay na ito, Isabel?”

“A-anything but not good-bye, Leon. It hurts so much...”

Sa nanlalabong mga mata ay nakita niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito. Ang sandaling kalituhan. Pagkuwan ay mapait na ngumiti.

“ Hasta la proxima vez ...” Leon wondered why he said that. Gayong sa kaibuturan ng puso’y alam nitong iyon na ang huli nilang pagkikita ni Dana.

Tumango ang dalaga. Pinahid ng likod ng palad ang mga luha.

“No, Isabella, no! Don’t let him go. Please!”

Humihiyaw ang tinig na iyon mula sa kasulok-sulukang bahagi ng isip niya mula pa kanina. Subalit mabilis na tumalikod ang dalaga. Patakbong tinungo ang hagdan papanhik.

“I am sorry, Lola Isabel!” umiiyak niyang sabi. “If you meant to send me here to change history, then I am so sorry. I may have loved him so much but I cannot do it. This is your life... was your life. Ginawa mo ang pasyang ginawa ko ngayon.”

She stopped on the landing. At mula roon ay tinanaw niya ang likod ng papalayong si Leon. Isang kalesa ang huminto at sumakay ito. He didn’t even look back. She was dying inside as he watched him go.

“Would there be next time, my darling?” she was sobbing miserably. Sa nanlalabong mga mata’y nakatanaw siya sa kalesang sinakyan nito hanggang sa tuluyang mawala iyon sa paningin niya.

She dried her tears at ipinagpatuloy ang pagpanhik at pumasok sa kabahayan. Napatayo si Eman nang makita siya. Agad siyang nilapitan at ginagap ang mga kamay niya.

“Salamat, Isabel... salamat... Gusto kong makasal tayo sa huwes kahit wala ang papa mo. Hindi siya magagalit dahil bago siya umalis ay ipinagkatiwala ka niya sa akin. Sa sandaling dumating siya’y muli tayong magpapakasal sa simbahan.”

“Saka na natin pag-usapan iyan, Eman,” wika niya sa nahahapong tinig. Gusto niyang magkulong sa silid at umiyak nang umiyak. “Napapagod ako. Gusto ko na munang magpahi—” Natilihan siya nang mapasok sa isip ang sinabi ni Eman.

Pakakasal siya kay Eman! Sa malaon man o sa madali. At hindi siya si Isabel! What would happen if she married him?

Paano na siya bilang siya?

She would relive Donya Isabel’s life.

No!

Mabilis niyang hinarap ang binata. “Eman... m-makinig ka. H-hindi ko gustong magpakasal tayo—”

“Isabel—”

“Makinig ka sa akin, Eman. Nakikiusap ako,” she said frantically. Hinawakan niya ang kamay nito at inakay patungo sa sofa. “Mahalagang maniwala ka sa sasabihin ko sa iyo dahil hindi ako—hindi ako s-si Isabel...”

Mariin ang pagkakadikit ng mga kilay ni Eman sa sinasabi niya. “Ano ba ang pinagsasasabi mo?”

Napapikit siya. Paano ba niyang ipaliliwanag ang lahat? Kapagkuwa’y muling nagmulat at tinitigan niya ang lalaki.

“Hindi ako si Isabel, Eman. Ang pangalan ko’y... Dana. Dana Isabella at—” s he groaned. Natitiyak niyang ano man ang sasabihin niya’y hindi maniniwala ang binata.

“Ano ba ang nangyayari sa iyo?” naguguluhang tanong ni Eman. “Natitiyak kong masakit para sa iyo ang nangyari lang ngayon. Pero bakit kailangang sabihin mong hindi ikaw si Isabel?”

Mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay nito. “Eman, nakikiusap ako... maaaring isipin mong nasisiraan ako ng bait subalit mahalagang makinig at maniwala ka...”

“Ano ang pakikinggan at paniniwalaan ko?”

“Eman, you are my grandfather—” n akita niya ang tinging ibinigay nito sa kanya na tila siya wala na sa katinuan. Subalit nagpatuloy sa paglalahad si Dana while watching the disbelief in his eyes.

“Nasisiraan ka ng bait!” hindi makapaniwalang bulalas nito nang matapos ang kuwento niya. Kasabay niyon ay ang simpatya sa mga mata nito para sa kanya.

She took a deep breath. “Tingnan mo akong mabuti, Eman. Isabel’s hair was black. Mine’s copper-like. Ang suot ko’y galing sa aking panahon. At marami pa nito sa aking silid. Halika...” Inakay niya ito patungo sa silid niya.

“Huwag mong gawin ito, Isabel. Sa sandaling makita tayo ninuman ay mapupulaan ka... Hindi ko gustong isipin ng sinuman na hindi ka na malinis sa sandaling iniharap kita sa altar.”

She smiled at him tenderly. Pagkatapos ay binuksan ang aparador at ipinakita rito ang mga gamit niya.

“Ang ibang mga gamit ko’y makikita mo sixty to seventy years later, Eman,” aniya habang ang binata’y namamalikmata sa pagtitig sa mga pambabaing kagamitan. “Sa panahon ko’y nauna kang namatay kay Lola Isabel. At hindi ka niya natutuhang mahalin dahil si Leon ang mahal niya. Hindi niya nagawang kalimutan si Leon sa paglipas ng mga taon. Huwag mong parusahan ang sarili mo, Eman...”

Nanghihinang napaupo sa katre si Eman. “Na—nananaginip lamang ako, Isabel...”

“Dana ang pangalan ko, Eman. Si Isabel ay Lola ko sa tiyahin ng Daddy. At sana nga’y panaginip lang ang lahat ng ito. Iyan din ang inisip ko nang una kong makita si Consuelo.” She smiled at him softly. “Huwag mong guluhin ang isip mo. Kung hindi mo kayang paniwalaan ay huwag mong pilitin. Isa lang ang mariin kong ipinakikiusap sa iyo...” Paluhod siyang naupo sa sahig, sa harap nito. “Ipangako mong gagawin mo, please...” Ikinulong niya sa mga palad ang kamay nito.

Puno ng kalituhan ang mga mata ng binata. Bigla ay tila gusto nitong mahapo. “Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong sabihin, Isabel... pero sige, ano ang gusto mong ipangako ko sa iyo?”

“Don’t marry me. And when I’m gone... and who knows when... don’t marry Isabel.” Nang akmang magsasalita ang binata’y tinakpan niya ng mga daliri ang bibig nito. “Pakasalan mo si Consuelo, Eman. Iniibig ka niya noon pa man. Bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mong pag-aralang ibigin siya.”

Lalo pang nadagdagan ang pagkamangha ng lalaki. Umiiling na tumayo ito. “Uuwi na muna ako, Isabel... Sinasabi mo marahil ang lahat ng ito dahil wala kang pag-ibig sa akin...”

“Oh, Eman...” Gusto niyang manlumo sa kalungkutan ng tinig at kalituhan sa mukha nito.

Nasa pasilyo na si Eman nang tawagin niya. Nilapitan niya ito at kinuha ang kamay. Inilagay niya sa palad nito ang kanyang relo.

“Iyan ay original CK watch, Eman. Ingatan mo at dalhin mo iyan sa iyong pagtanda. And give it to my dad...” Hoping Calvin Klein didn’t go back as far as this time.

“Mahal kita, Isabel...”

“I know.” Isang masuyong ngiti ang ibinigay niya rito. “Kung nabuhay ka hanggang sa mga panahon ng kabataan ko’y natitiyak kong ikagagalak kong maging lolo ka, Eman.”

“ Adios... Isabel...”

Tumalikod na ito. Sa pasilyo’y naroon si Yaya Rosa at si Consuelo. Sandaling sinulyapan ni Eman si Consuelo bago nagpatuloy sa paglabas.

“Hija...” nag-aalalang sabi ni Yaya Rosa na akmang lalapitan siya.

“Ipagpaumanhin ninyo, Yaya Rosa, subalit gusto ko munang magpahinga. Hapong-hapo ako...”

Ang matandang babae’y nalilitong tumango.

Pagdating sa silid ay nahiga si Dana. She was staring at the ceiling blankly. Muling bumukal ang luha sa mga mata. Tama ba ang ginawa niya?

Ngayon ay alam na niya kung bakit narito siya sa panahong ito. Upang itama ang maling pasya ni Donya Isabel. Subalit hindi niya kayang baguhin iyon. Bakit niya babaguhin ang buhay ng ibang taong nagpasya para sa sarili nila?

Subalit bakit ginusto niyang baguhin ang buhay ni Eman at ni Consuelo?

Marahil dahil nanghihinayang siya sa pag-ibig ni Consuelo para kay Eman. Mapagsakripisyo. At pinanghihinayangan niya ang naging buhay ni Eman sa piling ni Donya Isabel. Eman at the young age of forty, died of a heart failure, ayon sa daddy niya. He must have lived miserably. Subalit naniniwala siyang tama ang pasyang ginawa ni Donya Isabel. She was honor-bound to marry Eman.

Only, hindi niya kailanman natutuhang mahalin ito. And Donya Isabel wanted to turn back the sands of time to reverse her decision, sa pamamagitan niya.

Pero paano ang bukas kung si Leon ang pinili niya?

Anong buhay ni Leon sa hinaharap ang maaaring mabago niya kung pinili niya ito? Hindi niya gustong malaman.

And yet she couldn’t stop the tears from falling. Paano tinanggap ni Leon ang nangyari? Did he get by? Did he meet another woman? Another love?

Sa kaibuturan ng puso niya’y umaasa siyang naging maligaya si Leon sa kabila ng kabiguan kay Isabel.

“Oh, Leon. We’re almost there... almost..” she sobbed as she whispered his name.