Chapter Eleven
“D ANA, wake up!” yugyog ni Charles sa dalagang umiiyak habang natutulog. “Dana, wake up. You’re dreaming...”
Napabalikwas ng gising si Dana. Namangha pa ito nang mamulatan si Charles.
“C–Charles?”
“You are crying in your sleep,” wika ng binata at inabot ang tubig na ipinasok lang ni Aling Andeng.
“Charles, it’s you!”
“Of course, it’s me.” Bahagyang nangiti ang binata. Alam na hindi inaasahan ni Dana na matutunan nito ang bahay ng abuela. “Here, uminom ka muna.”
Subalit hindi pinansin ng dalaga ang baso ng tubig bagkus ay mabilis na tumayo at nagmamadaling lumabas ng silid. Tinakbo niya ang bintana at nanungaw. Abala ang buong paligid sa pang-araw-araw na takbo ng buhay. Ang groserya sa tapat ng bahay ay maraming mamimili. Maingay ang busina ng ilang pampasaherong jeep sa dako pa roon ng main road. May mga taxi siyang natanaw.
She was back!
Muling nagbalik sa silid ang dalaga. Nilampasan ang nagtatakang si Charles at si Aling Andeng. Binuksan niya ang lumang aparador. Naroon ang mga damit niya.
“N-nasaan ang mga damit ng Lola Isabel?”
“Hindi ba at nasabi ko sa iyo noong Martes na inilipat ko sa baul at nasa kabilang kuwarto,” ani Aling Andeng. “Aanhin mo ang damit ng matanda, ineng?”
Hindi siya sumagot. Muling lumabas ng silid at pinasok ang unang silid na nakita. May natanaw na malaki at lumang baul. Binuksan iyon. Ang tumambad sa kanya’y ang mga baro’t saya ng matanda at ang iba pang mga gamit ng isang may edad. Wala na roon ang mga gamit nito noong dalaga. Niluma na marahil ng panahon.
Humihingal na napaupo sa gilid ng katre si Dana.
“Hey, what’s wrong?” s i Charles na nakasandal sa hamba ng pinto. Takang-taka sa inaakto ng dalaga.
“N-nothing,” she said.
“It’s almost eleven in the morning, Dana,” patuloy ni Charles. “Pero inabutan kitang tulog pa rin. And you were crying. That must have been some dream...”
Nanaginip nga lang ba siya? Bakit kay bigat-bigat ng dibdib niya? Bakit parang gusto pa rin niyang umiyak? Bakit tila isang mahalagang bahagi ng buhay niya ang nawala?
“Care to tell me what the dream was all about?”
“I–I can’t remember anymore,” sagot niya. Litong-lito. Tumayo at humakbang palabas. Dinadaanan ng tingin ang bawat bahagi ng bahay. Bumalik siya sa sariling silid. Dinampot ang baso ng tubig sa lamesita at inubos iyon. Pagkatapos ay hapong naupo sa gilid ng kama.
“Have I arrived at the wrong time, Dana?”
Tumaas ang tingin niya sa binata. “N-no. I–I am glad you came, Charles. I really am. You couldn’t have arrived at a better time. P-papaano mong nalaman ang bahay na ito?”
“Isang araw lang ang pagitan ng biyahe natin. At nang dalawang araw na at hindi mo pa ako tinatawagan sa bahay namin sa Quezon City ay nag-overseas ako sa daddy mo at itinanong ko ang address dito sa Binondo.”
Tumango siya. “Mabuti naman at natutuhan mo kaagad...” wala sa loob niyang sabi. She was still dazed.
“I was here yesterday and the day before,” ani Charles. “Pero laging saradong lahat ang mga bintana. Kahapon ay gabi na akong pumarito pero madilim ang buong bahay. Naisip ko pa ngang baka sa hotel ka nagtuloy. Kung sa pagbabalik ko ngayon at wala ka pa rin ay tatawag na akong talaga sa Amerika upang itanong sa mommy mo kung saan kita makikita.” Bahagyang nangunot ang noo nito sa pagkamangha sa mukha ni Dana.
“Tama namang pagdating ko kanina’y nakita kong binubuksan ng matandang babae ang bahay,” patuloy nito. “Ang caretaker. Pareho pa kaming nagulat nang marinig naming may umiiyak sa silid. Mabilis niyang binuksan ang pinto at naroon ka’t tulog pa rin pero umiiyak at may tinatawag... Who’s— Leon?”
Maang na nakatitig kay Charles ang dalaga. Sabado ang araw ng balik ni Aling Andeng. At ngayon iyon! Ibig sabihin ay hindi siya umaalis ng bahay sa loob ng apat na araw na nakalipas.
Kung ganoon ay hindi panaginip ang lahat!
She really travelled back in time. Sa taong 1928! During the American occupation. And she even... even danced with...
“Henry Lewis Stimson,” she whispered in awe. Nanlalaki ang mga matang napatingala kay Charles na halos magdikit ang mga kilay sa pagkakatingin sa kanya.
“Where have you been in the last four days, Dana?” tanong ni Charles na naguguluhan sa emosyong nagpapalit-palit sa mukha ng dalaga.
“Hindi ka maniniwala kung sasabihin ko sa iyo, Charles,” malat niyang anas. Akmang tatayo nang makapa ang diary ni Donya Isabel sa tabi. Napaigkas siya at tila gustong mapaso sa diary. Mabilis niyang tinabig at bumagsak iyon sa sahig.
“What’s that?”
“A–a diary,” halos walang lumabas na tinig sa lalamunan niya.
Humakbang si Charles at dinampot ang diary mula sa sahig.
“Don’t!” awat niya.
Nagsasalubong ang mga kilay na inilapag ng binata sa ibabaw ng chest ang diary. “I know it’s private, Dana,” he said offended. “Dinampot ko lang pero hindi ko binalak na buksan at basahin.”
“H-hindi iyon ang gusto kong sabihin...” she said apprehensively. “B-buksan mo ang diary, Charles. And p-please read to me the first page...”
“Are you sure?” Nagtatakang tinitigan siya nito. Tumango siya. Muling dinampot ni Charles ang diary at binuksan. Binasa ang first page.
Iyon din ang unang binasa niya at alam na niya ang kasunod na mga nakatala.
“P-puno ba ang diary?”
“Sa mga ilang unang bahagi. Ang ilang pahina’y may maiikling nakatala. One fourth of the book is empty.” Binuklat nito ang diary sa huling pahinang may nakatala. “Ang huling entry ay 1994. Sa lola mo ito, `di ba?”
Muli siyang tumango. 1994. That must have been the time when she had moved to the home for the aged. She sighed tiredly.
“Take me out to lunch, Charles. And bring that diary along. I want to read it somewhere far from this house.” t umayo siya at nagbukas ng aparador at kumuha ng tuwalya. “Maliligo lang ako. But I want you to stay right behind me. Don’t leave me, please...”
“You want me to join you in that primitive bathroom?” Nagawa nitong manukso sa kabila ng nagtataka’t hindi pa rin nito maintindihan ang mga ikinikilos ni Dana.
“Hindi ako nagbibiro at hindi ko maipaliwanag. So please stop asking questions. And stay behind the bathroom door...”
NANG makapaligo’y nagbihis na si Dana at nagyayang umalis na. Sa may dingding ay muli niyang tiningala ang portrait ni Donya Isabel. Luma na iyon at marami nang gasgas sanhi ng panahong lumipas subalit natitiyak niyang iyon ang larawang ipininta ni Leon sa kanya.
“Oh!” Tinakpan niya ang bibig upang huwag kumawala ang malakas na pagsinghap.
Sa ibabang dulo ng kuwadro ay ang pirma ni Leon!
Wala iyon doon nang una siyang dumating sa bahay na iyon noong Martes. Iyon ay dahil sinabi niya kay Leon na ilagay ang pangalan nito sa dulo ng kuwadro.
No matter how little, she had changed something. But that something didn’t change anything and she was glad about it.
Sadness filled her. Itinaas niya ang kamay at hinaplos ang pangalan nitong nakasulat sa dulo ng kuwadro.
And she wanted to weep.
How she missed him... missed him so much.
“Let’s go, Dana,” naiiling na tawag ni Charles.
Nagpaalam sila kay Aling Andeng na kakain lang sa labas at babalik din. Maaaring dumating si Attorney Palomares.
“WHERE’S Cielo?” tanong ni Charles nang nasa kotse na sila.
“I have no idea. I was expecting her to see me.”
“Maybe she did. Tulad ko. Subalit hindi ka natagpuan sa bahay ng lola mo. Where have you been all along?”
“I’ve been to Binondo in 1928, Charles,” she smiled at the frown of his forehead.
Isang ngiti ang ibinigay ni Charles kasabay ng pag-iling. “You’re crazy, Dana. That old house have done that to you...”
“Could be,” sang-ayon ng dalaga na biglang sumeryoso. “Oh, Charles, if you only knew what I’ve been through...” She sighed. Muling lumamlam ang mga mata at nilingon ang lalaki. “Alamin natin kung nasaan si Cielo. And promise me, anuman ang mangyayari, ipaglalaban mo ang pag-ibig mo sa kanya. Promise me, Charles,” she almost begged.
“That is what I intend to do, Dana. I love her so much to let her go. And I don’t want to think that I might fail...” Magkasama ang tatag at lungkot sa tinig nito. Kapagkuwa’y nilingon ang dalaga nang pumasok sa isip ang paraan nito ng pagsasalita. “Why do you sound so frantic?” Mula nang gisingin nito ang dalaga kanina’y tila hindi na gustong maalis ng kunot sa noo nito. She was talking and acting strange.
Isang malalim na paghinga ang ginawa ng dalaga. “Ayokong habang-buhay ninyong pagsisihan ni Cielo na hindi ninyo ipinaglaban ang pag-ibig ninyo sa isa’t isa, Charles.”
At kahit hindi pa niya nababasang buo ang nakatala sa diary ay natitiyak niyang kasamang nagdusa si Consuelo nang ikasal si Eman kay Isabel. Pumasok sa isip ang minsan ay pag-uusap nila ni Cielo noong mga dalagita pa lang sila.
“Why do you have a Spanish sounding name gayong dito ka sa Amerika ipinanganak?” minsan ay wala sa loob niyang naitanong kay Cielo.
Nagkibit ng mga balikat ang dalagita. “A variation of my great grandmother’s name—Consuelo. Ang lola ni Papa. She died giving birth to my grandfather.”
“Oh, yes. Nabanggit mo nang minsan iyan. Kawawa naman ang great grandfather mo. Nagkaisip siyang walang ina.”
“Yes. My father said that maybe she didn’t want to live. My great grandmother Consuelo was raped by my great grandfather who was an ardent suitor. She had no choice but to marry him though she hated him so much. She was in love with someone else.”
“How did your father know all that?” she asked curiously.
Nagkibit ng mga balikat ang dalagita. “According to my father, my great grandmother kept a diary.”
“Nakapagtatakang hindi nakita ng great grandfather mo ang diary ng asawa niya?”
Muli itong nagkibit ng mga balikat. “I guess my great grandmother was able to hide the diary from my great grandfather. Until his death, hindi nito nalaman ang tungkol sa diary. But my grandfather kept it. At ayon sa Papa, hindi miminsang binasa ng Lolo ang diary na iyon ng great grandma Consuelo.”
“Perhaps because he never had the chance na makilala ang ina niya,” Dana assumed.
“Siguro. I was eight years old when he died. My grandmother died a few months later. Those were one of those few times na umuuwi kami sa Pilipinas. At sinunog na ni Papa ang diary na iyon ng great grandmother ko kasama ng ilang mga lumang gamit ng mga matatanda.”
SA Via Mare siya dinala ni Charles. Pagkatapos nilang umorder ay hiningi niya ang diary sa binata.
“Huwag mong sabihing babasahin mong lahat ang laman ng diary dito?” amused na komento ni Charles.
“Ang ibang bahagi lamang.”
She started to turn the pages and read the entry. Subalit nagsimula ring mamuo ang luha sa mga mata niya kaya isinara niyang muli at ipinasok sa shoulder bag. She didn’t think that the diary would bring her back again to Doña Isabel’s time. Alam niya at nararamdaman niya na hindi na mangyayari iyon.
Kung tama man o mali ang naging desisyon niya’y hindi niya alam. Ang alam niya’y hindi niya gustong baguhin ang kasaysayan. That was Donya Isabel’s life—not hers.
Si Joshua at si Diana ang mga magulang niya at wala siyang balak na maging iba iyon sa kanyang panahon kung sakaling pinagpasyahan niyang sumama kay Leon.
No matter how painful it had been.
Oh, Leon... Leon?
“Leon Fortalejo!” nanlalaki ang mga matang malakas niyang naiusal.
“Iyan ang pangalan ng ipinagkasundo kay Cielo, `di ba?” ani Charles na bahagyang nagulat sa pag-usal niya nang malakas.
Lumukob ang kalituhan sa mukha ng dalaga. “Yes. No. I–I don’t know.” Napatingala siya sa pagkaing kasalukuyang ibinababa ng waiter mula sa tray. “Let’s eat fast, Charles. Gusto kong sumama pauwi sa bahay ninyo. Gusto kong makausap si Mommy.”
Nagkibit ng mga balikat si Charles at nagsimulang damputin ang mga kubyertos.
“HOW ARE you, darling?” s i Joshua na sa palagay niya’y naghihikab pa.
“Fine, Dad. Puwede kong makausap si Mommy?” Sinulyapan niya si Charles na nakatingin lang at nakatayo sa may tabi ng bar counter.
“Dana...” s i Diana sa kabilang linya. Namamalat pa ang tinig mula sa pagtulog. “You’ve been there five days. How have you been doing?”
“Okay lang, Mommy...” aniya. Ilang beses na tumikhim bago muling nagsalita. “Mom, I know this isn’t the fine time to ask you this... pero importanteng malaman ko...”
“What are you talking about, darling?” Napasandal sa headboard si Diana, nilingon ang asawang tumayo at pumasok sa banyo.
“W-who—who is Leon Fortalejo, Mom?” she asked after a while. Sunod-sunod ang kaba sa dibdib.
Nagsalubong ang mga kilay ni Diana pero agad na sumagot. “Bernard’s father...”
I should have guessed.
“Bakit naitanong mo si Leon, Dana? Have you met Cielo’s fiancé? Magkasama ba kayo? Nakita mo ba ang tila buhay na larawan ng matanda sa reception ng Kristine Cement building?” sunod-sunod na tanong ni Diana.
Hindi niya sinagot ang mga tanong ng ina at nagpatuloy, “H-have you had the chance of... of meeting him while you were married to Bernard?”
“No. He’s been dead for a couple of years or so when I met Bernard. Did you call us in the wee hour just to ask who Leon Fortalejo is?”
“Mom, this is important.” Nasa tinig niya ang pakiusap. “Hindi lang minsan mong nasabing hindi mo gusto ang mga antigong bahay. Why, Mom?”
Nagsalubong ang mga kilay ni Diana kasabay ng paghikab. “Nothing except that they give me a creep...”
“Why should they? Have you seen that many old houses?”
“One is Tiya Isabel’s house, Dana. I don’t like that house you inherited. Though Villa Kristine is bigger and grander, it had the same effect on me. Those houses gave me a creep. I don’t know why,” sagot ni Diana. “Darling, what is this? Has this got something to do with Cielo’s forthcoming marriage to Bernard’s son? Inutusan ka ba niyang alamin ang tungkol sa pamilya Fortalejo? That is so unlike her...”
Huminga siya nang malalim. She was satisfied and disappointed at the same time. May mga sinabi si Diana na nasagot ang maraming tanong sa isip niya. She even wondered kung ang naranasan niya’y posible sanang naranasan ni Diana kung hindi lang nito tahasang tinatanggihan ang pagdalaw kay Doña Isabel? Lalo at ito naman talaga ang medyo hawig sa matandang babae.
Subalit tumatanggi ang kabilang isip niya. Mag-asawa na ang mga magulang niya nang makilala ni Diana si Donya Isabel.
“Just plain curiosity, Mommy,” sagot niya. May gusto siyang malaman subalit hindi niya alam kung ano. She was expecting Diana to supply her some answers to questions she didn’t even know what. “Hindi pa kami nagkikita ni Cielo mula nang maghiwalay kami sa airport. At hindi ko alam kung paano siya makakausap.”
“Try Kristine Cement, Dana. May penthouse si Bernard sa building.” Ibinigay niya ang address, ganoon din ang Corinthian mansion ng mag-asawang Marco at Emerald de Silva. “Emerald de Silva’s Bernard’s niece... Iyon lang ang maibibigay ko sa iyo. Malibang sa isla sa Paso de Blas inimbitahan ng anak ni Bernard ang pinsan mo.”
“Paso de Blas, Mom?”
“Yes. Heto ang daddy mo at may gustong sabihin sa iyo.” Iniabot ni Diana ang telepono sa asawa.
“Hi, Dad.”
“Hija, may dumating na telegrama rito kahapon lang galing sa isa pang pinsan ng Lola Antonia at Lola Isabel mo. She was a very distant cousin and equally very old though your Tiya Isabel was much older....”
Unti-unting bumangon ang matinding kaba sa dibdib ni Dana. Umaasang ang nasa likod ng isip niya’y hindi ang sasabihin ng ama.
“Hindi mo pa siya nakikita, Dana,” patuloy ni Joshua. “We weren’t that close either dahil nga hindi naman naglululuwas iyon sa Maynila. But I met her perhaps four times in my life. Sa Laguna siya nakatira dahil tagaroon ang kanyang asawa...”
“S-sino siya, Daddy?” Hinanap ng mga mata niya ang upuan. Hindi kakayanin ng mga binti niya ang maaaring sasabihin ng ama.
“Si Tiya Consuelo, hija,” sagot ni Joshua. Dana closed her eyes tightly at napahigpit ang pagkakahawak sa telepono. “Cielo’s great grandmother. Apo niya ang Tiyo Rustico mo sa kaisa-isang anak na lalaki. Strange, but she didn’t ask for Cielo. And I wonder why she wants to see you instead.”
Oh, God... oh, God!
“I–I t-thought Cielo’s great grandmother died a long time ago, Daddy? T-that she died giving birth to Tiyo Rustico’s father....”
“Dana Isabella!” bulalas ni Joshua sa kabilang linya. “Saan mo naman kinuha ang kaalamang iyan? Maybe she is very old, a couple or so younger than your Lola Isabel, but she’s still living, hija. Baka ang ibig mong sabihing namatay na ay ang asawa niyang si Eman. My very distant Uncle Eman died five years ago with Rustico’s father in a car accident. We never were able to attend his burial. Kararating lang natin noon dito sa Amerika...”
Hindi makaapuhap ng sasabihin si Dana. Nanunuyo ang lalamunan niya at namumuo ang luha sa mga mata.
“Sinasabi ng telegrama na gusto kang makita ni Tiya Consuelo, hija,” muling sabi ni Joshua. “I wonder why she never mentioned Cielo. Visit her, Dana. Kumuha ka ng papel at ibibigay ko sa iyo ang address ng matanda.”