noveltoon logo noveltoon
Hasta La Proxima Vez (Kristine Series 16)

Chapter 27

Ch. 27 / 31 Feb 15, 2022

Chapter Twenty-seven

“N OT EVEN my parents knew this place!”

Sa gulat ay nabitiwan ni Dana ang diary at bumagsak iyon sa mesa. She turned guiltily to where the voice came from.

Nakatayo si Lenny sa may landing ng hagdanang pinanggalingan niya. His face grim.

“This is a very private place, Dana,” he said furiously habang hinakbang pababa ang tatlong natitirang baitang.

Dana opened her mouth to speak, then closed it again when nothing came out of her throat. Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin. She was invading. At huling-huli siya ng binata roon. At nakabalatay sa mukha ni Lenny ang galit.

Napasinghap siya nang marahas siyang hawakan ng binata sa braso. At sa naniningkit na mga mata’y: “So I announced to the public that you are now my fiancée. But it didn’t give you the right to find this place!”

Niyuko niya ang braso nito. Kumikintab iyon sa pinong pawis at lihim siyang napangiwi dahil sa tila bakal nitong mga daliri na halos bumaon sa braso niya. Mula sa pawisang sports shirt ni Lenny ay unti-unting tumaas ang paningin niya.

“Y-you’re h-hurting me...” Nahagilap niya ang tinig niya sa wakas.

“You deserve more than this,” galit nitong sabi subalit niluwagan ang pagkakahawak sa braso niya. “Paano mong natutuhan ang lugar na ito?”

Sinikap niyang pakawalan ang braso mula sa pagkakahawak nito at nagtagumpay naman siya dahil binitiwan siya ng binata. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Dana. At wala sa loob na umupo sa stool na nasa likod lang niya.

“I–I am sorry. H-hindi ko sinasadyang matagpuan ang...” Inikot niya ang paningin sa buong silid. “ang basement na ito.” Tumingala siya sa binata na hindi kumikibo subalit nanatiling nakatunghay sa kanya sa mga matang naniningkit.

She cleared her throat at nagpatuloy sa pagpapaliwanag. “H-hindi ko alam kung paanong pumakabila ako mula sa estanteng nasa itaas. Basta na lang umikot—”

“You entered my room!” singhal ni Lenny.

He was still angry. All his life, walang ibang tao ang nakarating sa silid na iyon sa basement. He even thought na sa lihim na lagusan sa may likod ng villa dumaan si Dana at hindi sinasadyang naitulak ang pintuang bato. Tulad ng kung paano niya natutuhan iyon noong munti pa siyang bata. He was so scared at umupo sa bahaging iyon ng bato nang bumigay iyon. Bagaman habang nagkakaisip siya’y hindi niya matiyak kung paanong bumukas iyon gayong kailangan ng lakas ng higit sa lakas ng isang bata bago iyon mabuksan.

At sa likod ng isip niya ngayon ay okay lang sana kung pumasok si Dana sa silid niya, if only she had not found this place. He would have welcomed her anytime in his room... more specifically in his bed. Pero hindi sa basement na ito.

“I–I was looking for you...”

“And you got curious because you learned it was Señor Leon’s room? And I could guess, inabot mo ang larawan niya sa itaas ng estante.” May sarcasm sa tinig nito kasabay ng pag-iling.

Hindi makuhang makapangatwiran ni Dana. Nasa tinig pa rin ni Lenny ang galit nang muling magsalita.

“Nagugulat ako sa mga bagay na ginagawa mo nang dahil lang sa curiosity mo sa grandfather ko, Dana. Mula sa panunuhol mo sa stable boy hanggang—”

“Babalik na naman ba tayo riyan?” putol niya sa sasabihin nito.

“Dahil hindi ko naiintindihan kung bakit ganito na lang ang interest mo sa Lolo!” muling singhal nito. “And I caught you reading his diary. At isiping ni hindi ko man lang nabasa iyan. That diary and this place has been kept secret to anyone for many years! At kahit ang mga magulang ko’y hindi ko matiyak kung alam ang lugar na ito!”

Pinamulahan ng mukha si Dana. Nasa mukha ang paghingi ng paumanhin. “I am sorry... I really am,” she said softly, sincerely. “Hindi ko intensiyong matutuhan ang lugar na ito.” t umingala siya. “At alam kong hindi ko dapat na binasa ang diary ng lolo mo. But I’m so glad I did, Lenny. Nagkaroon ng kasagutan ang mga katanungan sa isip ko...”

“What are you talking about?” he snarled.

“S-sinabi ko na sa iyong hindi si Doña Esmeralda ang unang pag-ibig ni Don Leon. Si Lola Isabelita.” Sa kabila ng galit sa mga mata ni Lenny ay hindi niya mapigilan ang excitement sa tinig niya. Then she added softly, “All I wanted to know was what happened to him after he left—the Binondo house...”

Yumuko siya at dinampot ang diary. Held it in her chest. “I am so happy your grandfather found a new love,” she said with a catch in her voice na nagpalalim sa kunot ng noo ni Lenny. “Hindi ko pa tapos basahin ang diary but I am sure Esmeralda made him happy... made him forget m—” s he would have said ‘me’ kung hindi niya napigil ang sarili. “ m y grandmother.”

Hindi sumagot si Lenny. Bahagya lang sa mga sinasabi ng dalaga ang naiintindihan nito. Nakagugulo sa isip nito ang napakalalim na interes ni Dana sa buhay at pag-ibig ni Don Leon.

And he was trying to get hold of his temper. Hindi ito handa na may ibang makaalam sa silid na iyon sa basement.

Maliban sa marahas na buntong-hiningang pinakakawalan ng binata’y tahimik ang buong paligid.

Makalipas ang ilang segundo’y tumayo si Dana at humakbang patungo sa hagdanan. “I–I’m going back...”

“Oh no, you don’t,” ani Lenny at mabilis siyang inabot at hinatak pabalik.

She was enfolded by muscular arms. A heady, musky smell filled her nostrils.

“L-let me go!”

“Damn you,” he said through clenched teeth. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa iyo,” he admitted angrily. Sa matagal na sandali’y nakatunghay ito sa dalaga. Glaring at her.

Umiwas ng tingin si Dana. Ang galit sa mga mata ng binata’y unti-unting naglalaho. Nahahalinhan iyon ng kakaibang damdamin na hindi niya gustong isipin. Subalit marahas na hinawakan ni Lenny ang baba niya, ang mga daliri nito’y halos bumaon sa magkabilang pisngi niya.

A muscle flexed in his jaw. “I don’t know whether to kill you or kiss you.” His eyes lingered on her lips.

Dana swallowed painfully, suddenly aware of the granite hardness of his body.

“P-please, I–I didn’t mean to... to intrude. Hindi ko sinasadya ang pagkakababa rito... at ipinaliwanag ko na sa iyo kung bakit natukso akong basahin ang diary ni Don Leon...”

“I refuse to understand your reason, Dana,” he said roughly. “Ang ginagawa mo’y labis pa sa simpleng curiosity...”

“M-my grandmother died l-loving your grandfather,” she said breathlessly. Nasa sentido na niya ang mga labi ni Lenny. His breathing fanned her face. And she felt a certain warmth that flowed her body. “Kahit noong bata pa ako’y nasa veranda lagi si Lola Isabel... umaasang babalik si Le—si Don Leon...”

Subalit tila siya nagsasalita sa hangin. Dahil bumaba ang mga labi ng binata sa pisngi niya. Lihim na napasinghap si Dana.

“Ang sabi mo’y hinahanap mo ako...” he murmured, his voice thick and sensual. All anger was gone from his voice. Ang mga labi’y naglakbay patungo sa sulok ng mga labi ng dalaga at hinahagkan-hagkan iyon. “Narito ako...”

“Lenny, stop this!” she said sternly, but her heart leaped to her throat.

“We’re alone here, querida ,” usal nito, his mouth traced the shape of her lips, then softly bit her lower lip.

“Just stop, please,” ani Dana sa nakikiusap na tinig. Iniiwas ang mukha at sinisikap na ignorahin ang init na lumulukob sa katawan niya. Hindi niya kayang pahintulutan ang sariling tangayin na namang muli tulad ng nangyari noong gabi ng party. She was waging war within herself.

“I need to talk to you!”

“I didn’t invite you here, sweetheart. Ngayon lang tayo nagkasarilinan nang husto and I know you feel what I feel. Don’t you dare deny it. Sa pagkakataong ito’y walang gagambala sa atin sa silid na ito. And nothing’s more important than having you in my arms right now.” Patuloy ang binata sa pagbibigay ng mumunting halik sa bawat bahagi ng mukha niya. Ang kamay nito’y gumagawa ng masarap ng landas sa kanyang likod, caressing her spine.

Like any girl next door, Dana had fantasies of being held by her p rince c harming, being kissed by her imaginary lover. But fantasies were nothing compared to what she was feeling right now.

Ni hindi niya naisip na ang makulong sa bisig ng isang lalaki—no, hindi basta lalaki—ang makulong sa mga bisig ni Lenny at mahagkan nito’y magpapawala ng lahat ng matitinong kaisipan niya.

Slowly, his hand settled over her breast and she felt her whole body reacted to his touch. Ang init mula sa mga palad nito’y tumatagos sa suot niyang T-shirt.

“Dana...” He groaned against her lips. “I’ve been waiting for this...” His desire went out raging out of control.

Dana was drowning. Subalit pinipilit pa ring pairalin ang katinuan ng isip. Sinisikap paglabanan ang dikta ng katawan. She couldn’t just submit herself to him, gustuhin man ng katawan niya. She used all her strength and determination to push him away.

“Stop and listen, Lenny! W-we can’t do this. Gusto ng Daddy na umalis na ako ngayon din at bumalik sa Amerika!”

That stopped him. Bahagyang inilayo ang dalaga at tinitigan. “What?”

She sighed. Kumawala at umupo sa naroong wooden bench. Tumingala sa binata. She could see in his eyes embers of his desire. At marahil ay iyon din ang nasa mga mata niya. Nagyuko siya ng ulo.

“I–I talked to him over the phone. Hindi niya gusto ang pag-aanunsiyo mong magkasintahan tayo. Kung paano niyang nalaman nang ganoon kabilis ay hindi ko maintindihan. At kailangan ko nang bumalik sa Maynila upang ayusin ang dapat ayusin at makabalik ng Amerika.”

“You can’t,” Lenny said in a little above whisper. Subalit naroon ang pagdiriin... ang matinding pagtutol.

“Por supuesto. You can’t let her go, nieto...”

May kung anong bahagi sa damdamin ng binata ang tila nakadama ng takot sa sinabing iyon ng dalaga. Hindi nito matiyak kung bakit. Subalit hindi nito mapapayagang umalis ng isla si Dana.

Muling tumayo ang dalaga. Humakbang patungo sa hagdanan. “Bukas ay aalis na sina Cielo at Charles. Sasabay ako sa kanila. Gusto kong makausap ang mga magulang mo upang makapagpaalam.” Tuloy-tuloy siya sa pagpanhik sa lihim na hagdanan. Nasa itaas na siya nang mahinto dahil nakasara iyon.

Si Lenny ay dinalawang hakbang ang pagpanhik. Itinulak ang estanteng nakaharang at dumaan si Dana papasok sa silid ng binata.

“You can’t leave this island, Dana,” mariing sabi ng binata, subalit sa ilalim ng tinig nito’y naroon ang tila pagsusumamo.

Napigil ang dalaga sa pagbubukas ng pinto. Nilingon ang binata. There was something in his eyes that reminded her of Leon when they said good-bye. And pain sliced through her heart. Nag-init ang sulok ng mga mata.

“I–I—” don’t want to leave, too. I want to stay here with you... but the words lodged in her throat.

“Dumating ka rito upang awatin ang takdang pagpapakasal ko sa pinsan mo.” s i Lenny nang hindi niya madugtungan ang sasabihin. “We... we have this arrangement that you will...” Ibinitin ng binata ang sinabi. It was such a small blackmail na wala namang epekto kung tutuusin sa dalaga. And he had never felt so stupid all his life up until that moment.

At sa kawalan ng malamang sabihin, he added angrily: “You are my fiancée. I announced that to the world the other night. And you will marry me!”

Dana gasped. Just as Lenny was stunned at what he had just said. Saan nanggaling ang sinabi lang niyang iyon? He just asked her to marry him. And what amazed him, ay wala itong maramdamang pagsisisi sa sinabi. Na para bang iyon ang talagang nararapat sabihin. Na matagal nang dapat sabihin...

Si Dana man ay namangha. Sa ilang sandali’y nanatili silang nakatitig sa isa’t isa. Then a smile slowly broke Dana’s lips.

“Was that a proposal?” she asked teasingly.

Ang anunsiyong ginawa ni Lenny noong anniversary ng mga magulang tungkol sa kanila’y madaling kalagin. He didn’t want to marry Cielo, and she was his way out. Walang usapan ang mga magulang nito sa mga magulang niya.

“Mag-iingat ka sa mga sinasabi mo, Leonard Fortalejo. Baka nga tanggapin ko iyan,” patuloy niya sa pabirong tono.

Subalit hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha ng binata. He was staring at her seriously.

“It was a statement, Dana. You will marry me. You will be my wife,” he said arrogantly, determinedly. “Kakausapin ko ang Papa’t Mama...”

Biglang nawalan ng sasabihin si Dana. Sa nakikita niya sa mukha ng binata’y hindi ito nagbibiro. She opened her mouth to say something then closed it again. Nang bahagya siyang mapaurong mula sa pinto nang marinig ang isang warning knock. Nabitiwan niya ang doorknob nang maramdamang may umiikot niyon mula sa labas ng silid.

Si Jewel ang sumungaw sa pinto. Still in her jogging pants na bahagya pang basa. Napasinghap ito nang makita si Dana sa loob ng silid ng anak.

“What does this mean?” sita nito at pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa.

“ Nada , Mama.” s i Lenny sa matabang na tono. “Kung titigan mo kami’y para bang nahuli mo kami sa isang hindi magandang tagpo. As a matter of fact, we were discussing the details of our wedding when you came in...”

“Wedding!” magkapanabay na sabi ng dalawang babae.