Chapter Seven
W HY IT felt heaven in his arms she couldn’t tell. Hindi waltz ang nakapailanlang na musika kundi tango. Mas higit na mahirap isayaw ang tango kaysa waltz. And never in her life had she danced the tango. Subalit nakapagtatakang ni minsan man ay hindi kumabisala ang kanyang mga paa. Mahusay siyang isinasayaw ng lalaki. At may pakiramdam pa nga siyang tila kay gaan niya sa mga bisig ng estranghero.
“Alam mo ba ang pamagat ng ating isinasayaw?” bulong ng lalaki sa kanya nang sa isang pag-ikot ay hapitin siya nito. Ang hininga nito sa tainga niya ay nagdulot ng kakaibang init sa kanyang buong katawan.
“S-so tell me...”
“Kiss of Fire,” he smiled as he twirled her around.
“Oh...” She almost gasped nang kumawala ang buhok niya sa pagkakaipit sa payneta. Inabot iyon ng lalaki bago mahulog at muling inilagay sa buhok niya sa papaanong paraan na lang.
“You have fiery hair, mi dulzura . May apoy din ba ang iyong mga halik?” Ang tinig nito ay nanunukso. At pilyo ang ngiting nasa mga labi nito.
“You are very forward...” she hissed softly. Inikot ang mga mata sa mga nakapaligid. Kinakabahang baka may mga nakarinig sa sinasabi ng lalaki. Her father had just announced her forthcoming marriage to Eman and here she was listening to another man’s flirtation.
“Umalis tayo sa mga mata ng karamihan, Isabel,” anyaya ng lalaki na tila nahuhulaan ang nasa isip niya. Dahan-dahan siyang isinayaw palayo sa gitna.
At hindi magawang tumanggi ng dalaga nang unti-unti silang humihiwalay sa karamihan. At sa ilang sandali pa ay nasa labas na sila sa may azotea, kung saan hindi gaanong abot ng liwanag mula sa bulwagan.
“H-hindi tayo dapat na lumabas dito,” mabuway niyang protesta. “Baka hanapin ako ni Eman...”
“Hindi ako naniniwalang nag-aalala kang baka hinahanap ka ng iyong novio, Isabel.” His handsome face was shadowed in the low light coming from the hall.
“Paano ka nakapagsasalita nang ganyan?” Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. “Inanunsiyo lang ni Papa ang aming nalalapit na kasal!”
“Hindi mo siya iniibig,” marahang sabi nito. Subalit naulinigan ni Dana ang diin sa ilalim ng tinig. Pagkuwan ay hinapit siya nito at napasinghap si Dana sa kapangahasan. At napilitan siyang itukod ang dalawang palad sa dibdib ng lalaki. “Tulad ko sa iyo’y alam kong may damdamin ka sa akin, Isabel...”
“B-bitiwan mo ako... ni hindi kita nakikilala!”
Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki nang may kung ilang sandali bago muling lumitaw ang ngiti nito.
“Hindi mo ako nakikilala?” ulit nito. “Paano kang nakapagkukunwari nang ganyan, mi amor? Iyan ba ang paraan mo para ako itaboy? Patutunayan ko sa iyong iba ang sinasabi ng iyong mga labi kaysa sa laman ng iyong puso...” Yumuko ito at alam ni Dana na hahagkan siya nito.
She would have waited for his lips to come down on hers with longing nang sa sulok ng mga mata niya ay mahagip ang isang anino sa may entrada ng azotea.
Mabilis niyang iniwas ang mukha, but his lips caught the corner of her lips. Ubod-lakas niyang itinulak ang lalaki at hawak ang saya ay nagmamadaling pumasok sa kabahayan. Nilampasan ang babaeng una niyang nabungaran sa silid niya. Si Consuelo.
Sa silid niya siya balak magtuloy subalit bago siya makarating doon ay nahawakan siya ni Consuelo sa braso.
“Hindi mabuti ang iyong ginagawa,” akusa nito. “Paano kung si Eman ang naroon at hindi ako?”
“W-wala akong ginagawang masama,” depensa niya. Hindi niya gusto ang nangyayari. In her damned dream, she was attracted to a handsome stranger.
Bakit kay tagal naman ng kanyang panaginip? Bakit hindi siya magising-gising?
“Hindi pa ba masama sa iyo ang aking dinatnan? Halos hagkan ka niya at marahil ay nagpaubaya ka kung hindi mo ako nakita sa may pinto!”
“Wala kang karapatang—!”
“Narito lang pala kayong dalawa.” s i Eman na nakangiti at palapit sa kanila. “Masyado pang maaga para pag-isipan ninyong magpahinga. Hindi pa tapos ang kasayahan. At ikaw, Consuelo, nagdaramdam ang ibang mga kabinataan dahil wala ka roon...”
“Isayaw mo ang nobya mo, Eman,” wika ni Consuelo na makahulugang tinitigan si Dana. “At huwag mong hihiwalayan ng tingin.” Pagkasabi niyon ay ang sariling silid ang mabilis na tinungo ni Consuelo.
“Nagkakagalit ba kayong dalawa, Isabel?”
Umiling siya habang sinusundan ng tanaw si Consuelo. “H- hindi...” Ibinalik niya ang tingin kay Eman. “Tayo na sa bulwagan...”
NAPABALIKWAS ng bangon si Dana. Tumatagos sa kuwadra-kuwadradong capiz ang nakasisilaw na liwanag ng araw. Napaupo siya sa kama.
It was all a dream.
Mabilis siyang bumangon. Maliligo siya at mag-aayos at hihintayin niya si Attorney Palomares. Nang bigla ay kumawala ang pagsinghap sa bibig niya nang matuon ang pansin sa sahig.
Ang suot niya kagabi! Ang magandang baro’t saya.
“No... no!” usal niya kasabay ng paglipad ng mga mata sa tokador. Naroon ang payneta... ang abaniko. At mula sa repleksiyon niya sa salamin ay nakita niyang suot pa rin niya ang pang-ilalim na kamison at ang bikini briefs niya.
Panggigilalas at panlulumo ang naramdaman ni Dana at napaupong muli sa gilid ng katre. Binalikan sa isip kung ano ang nangyari kagabi. Madaling-araw na halos nang matapos ang kasayahan. Hindi siya hiniwalayan ni Eman at hindi na rin niya muling nakita ang estrangherong lalaki.
Nang makapasok siya sa silid ay agad niyang inalis ang payneta sa buhok at inihagis sa aparador. At pagkatapos ay init na init na hinubad niya ang baro’t saya and left nothing on but the “camison” and her briefs, and hit her pillow. At marahil ay agad siyang nakatulog dahil sa matinding pagod.
Mabilis siyang tumayo at padaskol na binuksan ang aparador. Nakasabit doon ang mga damit na hindi niya kilala!
She pushed them aside angrily. Hinanap ang sariling gamit. Sa dulo ng aparador ay naroon ang mga damit niya at kasama sa mga nakatupi ay ang mga pantalong maong at iba pa niyang gamit.
She sighed in relief and pulled her silk robe.
Ni hindi siya nag-abalang suklayin ang buhok. Gusto niyang lumabas at kausapin ang mga taong tinawag siyang Isabel kagabi.
Tahimik ang kabahayan paglabas niya. Subalit naririnig niya ang abalang kalye. Ang tunog ng mga kalesa. Tulad kagabi ay nanungaw siya upang manlumong higit. Wala iyong ipinagkaiba kagabi maliban sa araw ngayon at nakikita niyang maliwanag.
May mga taong naglalakad sa kalye sa kakaibang mga kasuotan. They were all theatre-like. Parang nasa isang period movie. May mga kalesang nagpaparoo’t parito. May isa o dalawang vintage cars ang nagdaan.
Nang tanawin niya ang bahay sa kabilang kalye ay higit siyang namangha dahil wala ang groserya sa ibaba. At kakaiba ang mga lampposts.
What happened to the concrete Meralco posts?
Nananaginip pa rin ba siya?
Umalis siya sa pagkapanungaw at nagtuloy siya sa sala. Malinis na malinis iyon. At may mga tamang kasangkapan at gamit sa bawat lugar. Isang antigong telepono ang nasa ibabaw ng bilog na mesa sa sulok. Then she saw the grand piano na tila bagong-bago. Nilapitan niya iyon, binuksan at tinipa. Nasa tono.
Then the clock on the wall caught her attention. Umaandar ang pendulum. 10:30 ng umaga.
Angrily, tumakbo siya palabas sa azotea and hit the stairs. Kung nananaginip pa rin siya ay kailangan niyang magising! Magpatihulog kaya siya sa hagdan? That probably would wake her up. Subalit may isang bahagi ng isip niya ang tumatanggi.
Paano kung hindi siya nananaginip?
Now, that scared her.
Dahan-dahan siyang bumaba. Nasaan ang ama niya? Nasaan ang babaeng nalaman niyang si Yaya Rosa, at si Consuelo, na sa daloy ng usapan nila kagabi ni Eman ay pinsan niya?
Nasa ibaba na siya ng hagdan sa labas ng bahay at naisip na pasukin ang silong. Tagos-tagusan iyon hanggang sa kabilang dulo ng bahay sa may hagdanan sa delantera malapit sa gate.
Humakbang siya patungo sa munting silid na alam niyang laging gusto ng Lola Isabel niya na malinis. Bukas iyon nang bahagya. Itinulak niya ang pinto at pumasok. Maliban sa maliit ay walang ipinagkaiba iyon sa karaniwang silid. May mga gamit.
Humakbang siya sa mesa kung saan may mga nakalagay na mga libro. Akma niyang dadamputin ang isang kuwadernong nasa mesa nang mahagip ng tingin niya ang kalendaryong nakasabit sa dingding sa may mismong tapat niya. An odd calendar for that matter.
Mayo. Buwan ng Mayo ang nasa kalendaryo. Tama iyon. Ang hindi tama ay ang taon!
1928!
Gustong umikot ng tingin ni Dana. Halos daklutin niya ang kalendaryo habang inisa-isa ang pagbuklat doon. At pagkuwan ay nanggigipuspos na binitiwan iyon.
Surely dreams were not this vivid and accurate.
Ang nakikita niya sa labas ay Binondo sa taong 1928! She was in the same house. Only she was seventy years back from 1998!
“¡Que sorpresa! A pleasant one for that matter...”
Lumipad ang mga mata ni Dana sa pinto. Nakatayo roon ang estranghero kagabi, amusement in his eyes. Walang damit pang-itaas at kumikislap pa ang basang katawan... ganoon din ang buhok. May hawak itong tuwalya.
“Ikaw!”
“Who do you expect?” amused nitong tanong. “Si Eman? Sa akin mismong silid?” nakakalokong dugtong nito.
“Silid mo?” she parroted stupidly.
“Mag-iingat ka sa laro mo, dulzura,” he said with a thoughtful frown on his forehead. Dark brown eyes moved up and down her body. So dark they were almost black. At may pakiramdam si Dana na hubad siya sa paningin nito.
Isang dangkal lamang ang haba ng silk robe mula sa bikini briefs niya. Dahan-dahang humakbang ito palapit sa kanya kasabay ng pag-itsa ng tuwalya sa katre. Something in his eyes made her shiver. Humakbang siya paatras subalit mesa na ang nasa likuran niya. And he was so close she could feel his sweet breath fanning her face.
“Did you come here to play games with me, mi amor ?” Muling bumalik sa mukha niya ang mga mata nito at inalis ang anumang distansiya sa pagitan ng kanilang mga katawan. “And the name of the game is seduction?”
“H-hindi ko alam na... na sa silid na ito ka natutulog.” Nakatukod na ang mga kamay niya sa mesa and she was arching her body backward to avoid his face. And yet she had that strange longing to raise her face to feel that rough moustache on her skin.
Ngumisi ito. Nakakalokong ngisi. “So you really want to play games, eh?”
Napasinghap siya nang maramdaman ang kamay nito sa ilalim ng laylayan ng bathrobe niya sa likod. Nanlalaki ang mga mata ng dalaga. Never in her entire life had she allowed any man that intimacy.
“Anything’s possible in dreams, Dana.”
“But am I really dreaming? Couldn’t I possibly dream this year? This time?”
Ipinilig niya ang ulo. Mas lalong imposibleng panghawakan na nasa ganoong panahon siya. Dreaming was more reasonable.
“Hindi ko alam na may ganitong uri ng kasuotan ang mga babae, dulzura. Ano na lang ang sasabihin ni Yaya Rosa kapag nakita niyang ganito ang suot mo at nasa silid kita?” he said huskily. Ang palad nito ay tila apoy sa balat ni Dana. Mabilis niya itong itinulak at lumayo nang ilang hakbang.
“W-wala kang karapatang gawin ang kapangahasang iyon!” she said breathlessly.
A grin spread on his face. That maddening lopsided grin. “You just allowed me. May karapatan na ako.”
“N-nasaan sila?” she asked. She wanted to step out of dangerous ground. Though it seemed that everything about this man was dangerous. “Ang... ang P-papa—”
“He left ten minutes ago. Sa unibersidad o kung sa senado siya pupunta’y hindi ko alam.”
“Si... Yaya Rosa? Si Consuelo?” She had to know. Lumalawak na ang kalituhan sa isip niya na dinagdagan pa ng presensiya ng lalaking ito.
Nagkibit ng mga balikat ang lalaki. “ Ahora es Domingo . Nakalimutan mo na ba? Araw ng pagtungo ninyong tatlo ni Yaya Rosa at Consuelo sa simbahan. Tulog na tulog ka marahil at hindi ka na nila ginising. Ang dalawang muchacha ay nagsiuwi na matapos maglinis ng buong kabahayan.”
Kung ganoon ay silang dalawa lamang ng estranghero ang nasa bahay na ito. Sa nagmamadaling hakbang ay nilampasan niya ang binata upang lumabas ng silid subalit ni hindi siya nakadalawang hakbang at nahawakan siya nito sa braso.
“B-bitiwan mo ako...” Walang tinig na lumabas sa bibig niya nang halos makulong na siya sa mga bisig nito.
“Why did you exactly come down here, Isabel?” All of a sudden his voice sounded serious. “Isang buwan na ako rito pero pasilip-silip ka lang mula sa hagdanan sa azotea.”
“I–I don’t know...” She raised confused eyes at him. Brown eyes met hers and locked.
“I think I know why,” he whispered. Slowly he bent his head and she knew he was going to kiss her.
Fear and excitement was rushing through her veins. Gusto niyang hagkan siya nito at kasabay niyon ay naroon ang takot sa di-malamang kadahilanan. A fraction before his lips touched hers, umiwas si Dana. She moaned silently as his moustache brushed her cheek.
And, oh, how wrong she was. His moustache wasn’t rough. It brushed her cheek softly like a butterfly’s wing.
He was kissing her cheek... nipped her earlobe and she was moaning helplessly. She was already melting in his arms nang hindi sinasadya ay maraanan ng mga mata niya ang kuwadernong nasa mesa. She closed her eyes submissively nang mag-flash sa isip ang mga letra sa kuwaderno.
She snapped her eyes open and stared down at it.
Leon Fortalejo!
Cielo’s soon-to-be fiancé was Leonard Fortalejo.
Oh, god! She must really be dreaming. Ang nangyayari sa nakalipas na mga araw ay nagsama-sama sa panaginip niya.
And because she was so disappointed that she didn’t meet Cielo’s fiancé, napanaginipan niya ito. At ngayon ay katagpo niya ito sa kanyang panaginip. Akmang-akma ang lumang bahay-Kastila ni Donya Isabel bilang setting. The old house must have triggered her dream.
Hindi niya mapigilan ang marahang tawa. Nananaginip siya!
“ Que paso , Isabel?” nagtatakang tanong nito kasabay ng bahagyang pagtulak sa kanya palayo. “Pinagtatawanan mo ba ako?” A hint of anger laced his voice.
Umiling siya. Nasa mga labi pa rin ang ngiti. “I am dreaming... yes! I am dreaming, Leon.” Ikinawit niya ang mga braso sa leeg nito. “And I don’t want to wake up yet. Now, kiss me,” she commanded passionately.
A husky laugh vibrated around the four corners of the wall. “You really intrigue me, Isabel. Every passing minute.”
“Isabel!”
Napalingon ang dalawa sa pinto. Nakatayo roon si Consuelo. Sa mga balikat ay itim na belo at may hawak pang prayer book at rosaryo. Nanlalaki ang mga mata sa pagkakatitig sa kanila. Lalong higit sa kanya nang makita ang suot niya.
Mabilis na kumawala mula sa mga bisig ni Leon si Dana.