noveltoon logo noveltoon
Hasta La Proxima Vez (Kristine Series 16)

Chapter 20

Ch. 20 / 31 Feb 15, 2022

Chapter Twenty

T UMATAWA si Dana sa biro ng dalawang kabinataang mga anak ng kaibigan ng pamilya nang tumikhim si Lenny mula sa likuran niya. She turned and had to look up to find his grim face.

“Shall we dance?”

“O-of course...” She held her hand out to him, smiling.

Without a word, Lenny put his arm around her and swept her onto the dance floor. Binale-wala ang nasusuyang mga mata ng mga kaibigang lalaking sinusundan sila ng tingin.

They danced wordlessly. But Dana didn’t mind. She enjoyed the sensation of being held in his strong arms and looking up into his handsome face. There was something very familiar about being held in his arms easily.

Lenny looked down at her. She had a dreamy look. At kontento na ang binatang magsayaw sila nang tahimik. At damhin siya sa kanyang mga bisig, and look down into those wonderful eyes.

Nang matapos ang sayaw ay nanatili silang nakatayo sa gitna ng dance floor. Still staring at each other. Dana unwilling to end the dream. Lenny was the first to speak.

“One more dance, dulzura ,” he whispered when the music began again. Once more she allowed him to take her in his arms.

We’re almost there where we will share

A warm caress, tenderness, a dream come true

For me, for you...

Love has waited such a long time...

Now we’ll kiss apart. Darling, this is

The right time to let the kisses start...

Lenny’s lips moved to the top of his head, then he whispered. “You have fiery hair, dulzura . Are your kisses just as fiery?”

Strange, pero iyon halos ang sinabi ni Leon nang isayaw siya nito. But she didn’t want to think that she was in another man’s arms but Lenny’s. And it was him talking, walang iba.

She wanted to indulge herself in a romantic fantasy. That she was being swept by this man and she rode in his arms easily... silently.

Unwilling to end the dream, inihilig niya ang ulo sa dibdib ni Lenny and was about to close her eyes nang mahagip ng mga mata si Cielo na sapilitang hinihila ni Charles na pumasok sa kabilang pasilyo patungo sa guest room na gamit ni Cielo.

She faltered her steps. She wasn’t expecting Charles to make a drastic move. Ang ilan sa mga bisita, lalo na ang mga kamag-anak ay alam na ipinagkakasundo si Lenny sa pinsan. At kung magiging mapusok si Charles at may makakita ay mapapa hiya si Lenny. Ganoon din ang mga magulang nito.

Bahagya siyang kumawala at muling tumingala sa binata.

“I–if you’ll excuse me. B-biglang sumakit ang ulo ko. Gusto kong kumuha ng gamot sa silid ko...”

Sandaling kumunot ang noo ng binata bago, “Of course.” Inakay nito ang dalaga paalis sa bulwagan. At bago pa muling makapagsalita si Lenny ay nagmamadaling kumawala mula rito si Dana.

TULOY-TULOY ang dalaga sa silid ng pinsan at binuksan iyon nang walang pasubali. Subalit wala roon ang mga hinahanap niya. Binuksan din niya ang isa pang guest room but it was empty. Binaybay niya ang pasilyo. Ang dulo niyon ay labasan patungo sa back garden.

Hindi gaanong maliwanag ang bahaging iyon ng hardin. And she was expecting to find Charles and Cielo outside. Subalit sinalubong siya ng malamig na simoy ng hangin at ang samyo ng mga bulaklak sa ere. Hinanap ng mga mata sa paligid ang pinsan at si Charles subalit wala rin doon ang dalawa.

She groaned. Then filled her lungs with air. She would have loved to stay a little while at damhin ang katahimikan ng paligid subalit kailangang makita niya ang dalawa.

She was about to go back inside nang mapatda siya sa kinatatayuan. Nasa entrada si Lenny. Nakahilig sa nakatuping French doors. Ang mga kamay ay nakapasok sa bulsa ng pantalon.

“Hinahanap mo ba ang pinsan mo at ang... lover mo?”

The soft light from afar silhouetted one side of his face. And it made him look like a phantom.

“He is not my—” she stopped in midsentence.

“He is not your what?” he mocked. “Not your lover?”

“Wala kang pakialam kung ano man ang relasyon ko kay Charles...” she hissed.

“I am making it my business,” wika nito sa superyor na tono. “Because I cannot allow people clandestining in my home.”

Nanlaki ang mga mata ng dalaga. “Did you think that Charles and I were—” Hindi niya mabigkas ang gustong sabihin.

“No. Hindi ko iniisip na may ginagawa kayong milagro ni Charles sa pamamahay ko. Dahil bukod sa hindi mangyayari iyon ay natitiyak kong wala kayong kaugnayang dalawa.” Knowing it to be true sent relief to his tortured mind.

Napahinga nang malalim si Dana. “Why, you’re very inconsistent, Mr. Fortalejo. Kahapon lang sa hotel ay inakusahan mo akong may ginagawa kami ni Charles sa loob ng silid. What made you change your opinion of me?” sarkastikong sabi niya.

“Relax, Dana. I am not picking a fight,” he said lazily. Lumakad patungo sa wicker chair na nasa malapit sa dalaga at umupo roon. Itinaas ang dalawang binti sa wicker table. “I am sorry if I misjudged you yesterday... and even this morning, nang makita ko kayong nag-uusap sa labas.”

Namangha ang dalaga, mula sa sinabi ng binata na lihim sila nitong pinagmasdan ni Charles at sa paghingi nito ng paumanhin. “Humihingi ka ng paumanhin? Tama ba ang narinig ko?”

Hindi pinansin ni Lenny ang panunuya niya. “Kahit wala pa marahil si Cielo na tila gustong umiyak sa tuwing nakikita ang malalagkit mong titig kay Charles ay hindi pa rin ako maniniwalang may relasyon ka sa lalaking iyon. Oh, well... not until I met him this morning at harapang makita kayong dalawa.”

Kumunot ang noo niya. “At ano ang ibig mong sabihin?”

“Charles is too mild for you, querida . You practically treated him as if he were your younger brother. I couldn’t be fooled by the intended flirtations,” he said in an amused tone.

She sighed. Hindi niya akalaing ang charade nila ni Charles ay agad na nahalata ng lalaking ito. Muli niyang itinuon ang mga mata sa dilim na para bang anumang sandali’y lilitaw sa likod ng mga halaman ang dalawa.

“I–I am trying to make my cousin jealous so she’d come to her senses. And I–I couldn’t find them...”

“You took the wrong turn.” Hindi itinago ni Lenny ang ngiti.

Lumakad si Dana patungo sa naroroong mga wicker chairs at umupo sa katabing sofa.

“Mahal nila ang isa’t isa. Hindi lang magawang sumuway ni Cielo sa mga magulang niya. Pero kung sa iyo manggagaling ang pag-ayaw ay—”

“Perhaps that can be remedied...”

“Oh, thank you!” marahang bulalas niya.

“Don’t thank me yet. Hindi mo pa naririnig ang kondisyon ko kung sakaling ako mismo ang tatanggi sa usapan ng Papa at ng mga magulang niya.”

“M-may kondisyon?”

“Why, you don’t get anything in this world out of nothing, querida.” Amused na umangat ang mga kilay nito habang nakatitig sa kanya.

“Will you stop calling me those. I am not your darling, your sweetheart, or whatever,” she said. Her tone was more on weariness than irritation. Ginagamit din ba nito ang mga ganoong endearment kay Cielo kapag kausap nito ang pinsan niya? O di kaya ay sa ibang mga babae? Paanong nagdadala ng panibugho ang ganoong kaisipan sa kanya?

“Does it bother you? Would you rather be my sweetheart first?” tuloy si Lenny sa panunukso. His eyes never left hers. Pinagmamasdan ang pagpapalit-palit ng emosyon sa mukha niya.

“Oh, please, don’t tease. It is just that you reminded me of—” Leon. She was glad she stopped on time.

“I reminded you of whom, Dana?” he asked sharply.

Now there was danger in his voice. Dana sighed wearily at mabilis na sinabi; “C-Clark Gable. W-well, you don’t have moustache.” She really didn’t mean it. He was far from a Clark Gable look-a-like.

“Clark—!” Pinutol nito ang sinasabi at matiim siyang tinitigan. Then slowly, a grin broke his lips. A pure Fortalejo grin. That for generations never failed to take many a woman’s breath away.

Then the grin turned to laughter. Ang kauna-unahang pagkakataong nakita niyang tumawa ang binata. His white teeth flashed in the dark. And Dana’s heart did a sommersault by the oh-so-familiar laughter. And she couldn’t believe that any man could be so startlingly good-looking.

“You really amaze me. No woman has ever compared me to another man,” wika ng binata, laughter in his voice. “I should get offended. But I am not, sweetheart, dahil hindi ako naniniwalang iyon ang gusto mong sabihin.” Pagkatapos ay pomormal ito. “But you intrigued me, dulzura ...” he added.

And I have heard that before.

Dumukwang si Lenny at inabot ang baba niya at itinaas. Then looked straight into her eyes.

“At sasabihin mo sa akin kung kanino mo ako inihahalintulad isa sa mga araw na ito,” he promised huskily.

Dana blinked because she almost wished for him to kiss her. At bago pa siya muling madala sa emosyon ay mabilis na ibinalik ang usapan sa pasimu la.

“A-ano ang kondisyon?”

Bumalik sa pagkakasandal si Lenny. Studied her face with that lazy smile on his lips.

Dana wanted to be coy. Wala siyang natatandaang naiilang siya sa titig ng isang lalaki. Nor had any man’s gaze made her knees feel like jelly. But she was now.

Ilang sandali ang pinalipas ni Lenny bago muling nagsalita.

“It was my father’s idea that I should pick a fiancée... eventually to become my wife, sa sandaling ipagkaloob niya sa akin ang pamamahala sa kompanya. At gusto mong pakawalan ko si Cielo para kay Charles? Well, fine. You’re right, I don’t love her. Point is, inalisan mo ako ng mapapangasawa kaya angkop lamang na palitan mo...”

“P-palitan ko?” manghang nanlaki ang mga mata ng dalaga. “S-sino ang ipapalit ko? Mas marami kang kilalang mga babae kaysa sa akin. You could easily pick one of them.”

“Don’t be so naive, Dana,” he said in a mocking amusement. “Really, if I want any of those women you were referring to then we wouldn’t have this conversation.”

“B-but... w-what do—” she stammered. At hindi niya gustong ipasok sa isip ang ibig sabihin ng lalaki. It was preposterous!

“You take Cielo’s place as my fiancée.”

“Oh, Lenny!” she breathed. “You’ve got to be kidding.”

He sat still. “Say that again,” he commanded.

“S-say again what? That you’re kidding me?”

“Not that.” Umalis sa pagkakasandal ang binata. “Iyong pagbigkas mo sa pangalan ko. I’ve heard it all my life but I swear it has never sounded so sweet coming from any other lips.”

May pakiramdam si Dana na huminto sa pagtibok ang puso niya. May ilang sandali siyang manghang nakatitig lang sa binata. Shock was an understatement. From a preposterous proposal—if you could call it a proposal—to flirtation. A little poetic at that.

“Say it again,” he whispered. He was inching closer.

May dalawang beses siyang lumunok bago, “Lenny...” Kung may tinig na lumabas sa bibig niya’y hindi niya matiyak.

“Dana,” he murmured, gazing down at the wonderment on her face. His eyes dropped to her lips then back to her eyes again.

She was sure he was going to kiss her. And her lips parted on a sigh as she waited for his lips to come down to hers. Nang mula sa loob ng kabahayan ay lumabas si Charles.

“Kanina pa kita hinahanap, nariyan ka lang pala,” wika nito na sandaling nagsalubong ang mga kilay sa dinatnang eksena. “Hello, Lenny...”

Mabilis na tumayo si Dana. Guilt written all over her face. Ipinagpasalamat na hindi gaanong maliwanag ang ilaw na tumatanglaw sa verandah, kung hindi’y makikita ni Charles ang pamumula ng mukha niya.

Isang tango ang ibinigay ni Lenny kay Charles kasabay ng pagtayo. Tinitigan si Dana. Then deliberately brushed his arms against hers.

“Hindi pa tayo tapos mag-usap...” Nilampasan nito si Charles at tuluyang pumasok sa loob.

“Ano ang inabutan ko rito ngayon lang?” dudang tanong ni Charles. Itinuon ang paningin sa palayong si Lenny at saka muling ibinalik sa dalaga.

“Nothing,” kaila niya. “Nag-uusap lang kami. Ano ang nangyari sa inyo ni Cielo? Napapayag mo ba siyang sumama sa iyo?”

Umaliwalas ang mukha ni Charles. “Yes, Dana. At gusto kong magpasalamat sa iyo. Babalik na ako sa hotel bukas ng umaga. At sa hapon ay isama mo siya sa hotel. We will spend the night there. Natitiyak kong hindi na gugustuhing ituloy ng mga Fortalejo ang usapan kapag nangyari iyon. At magalit na kung magalit ang mama niya. Hindi na kami babalik sa Amerika.”

Muli siyang huminga nang malalim at saka tumango. Hindi kailangang ilihim sa mga Fortalejo ang pag-alis ng dalawa kung totoo sa loob ni Lenny na pakawalan si Cielo kay Charles. Umaasang ang kondisyong sinabi nito ay biro lang.

Pero paanong hanggang sa sandaling iyon ay tuloy sa mabilis na pagpintig ang puso niya?

Tiningala niya si Charles. “Let’s go back to the party, Charles.” Ikinawit niya ang kamay sa braso nito at lumakad pabalik sa bulwagan.

And for the life of her, ang hinanap ng mga mata niya kaagad ay si Lenny nang bumungad siya sa bulwagan. Her eyes searched through the crowd. Naroon ito at kausap ang mga pinsan at mga kaibigang lalaki.

Marahil ay naramdaman ni Lenny ang presensiya niya, nag-angat ito ng ulo at tumingin sa direksiyon niya. She stopped on her tracks when their eyes met. Hindi na namalayan ang paglayo ni Charles sa tabi niya.

He was staring at her meaningfully. Natitiyak niyang may ibig sabihin ang mga titig nito subalit hindi niya matiyak o maisip man lang kung ano.

And she couldn’t even move even if her life depended on it. Para bang ipinako siya ng mga titig nito sa kinatatayuan. Then his eyes left hers slowly, hesitantly. And she saw him walked to where the music system was. Binulungan ang isang pinsan who acted the spinner. Pinatay nito ang musika. Lenny reached for the microphone.

“Ladies and gentlemen... may I have your attention, please. I have an important announcement to make...”

The deep and resonant voice echoed through the four corners of the room. Ang mga nagsasayaw ay huminto na sa gitna dahil sa pagkawala ng musika. Lahat ay nakatitig sa binata. Ang curiosity sa mga mukha’y nababanaag sa anumang sasabihin nito.

Si Dana man ay nahinto sa tangkang paglapit sa pinsan na nasa isang sulok at kausap ni Charles. What would Lenny announce?

“Traditionally,” muling wika ni Lenny. Nilingon ang mga magulang na nakatingala rito. “Ang anibersaryo ng mga magulang nami’y nakatuon lamang sa kanila. Maging iyon ma’y ginanap nang sarilinan o nang may kasayahang tulad nito. As everybody knows, this party is unexpected na siyang dahilan kung bakit wala rito ang mga kapatid ko. They wouldn’t have missed an important occasion such as my parents’ anniversary.

“Anyway, I’m breaking tradition, but of course, with my parents’ consent.” Muli nitong nilingon sina Bernard at Jewel na unti-unting nagsasalubong ang mga kilay.

“What is he going to announce?” s i Jewel sa asawa. “Kasasabi mo lang na pinakawalan mo na ang anak mo sa usapan ninyo ni—”

“I don’t know what your son is up to,” ani Bernard. “Let’s wait and listen.”

Si Lenny ay tumikhim bago muling nagsalita. “I’d like to formally announce my engagement. My engagement to—” n ahinto ito sa pagsasalita dahil sa biglang pag-ugong ng excitement at bulong-bulungan ng mga tao.

Pawang mga nakangiti at nasisiyahang lahat at nakatingala sa binata. Maliban sa tatlong nilalang: sina Dana, Charles, at Cielo, na halos hindi gustong huminga.

Nilingon ni Dana si Cielo na nakatitig din sa kanya. She saw horror in her cousin’s eyes. Ganoon din si Charles na humigpit ang hawak sa kamay ni Cielo. He was tensed.

Dana groaned silently. Hindi magagawa ni Lenny ito!

And she had this feeling na ang nagaganap ay tila replay ng nangyari sa mismong kasayahan sa 1928. Ang kaibahan lang ay ang mga taong nagsisiganap, maliban lang sa kanya.

“Who’s the fiancée, Lenny?” nakatawang sigaw ng isang kaibigan nito. “Paanong hindi mo ipinakilala sa amin mula pa kanina? Or should we guess among the two lovely ladies?”

Lenny grinned. “Don’t preempt my announcement, buddy. Shut up!” Then his eyes searched across the crowded room. Huminto ang mga mata nito kay Dana na ang matinding kaba’y tila gustong magpabiyak sa dibdib ng dalaga. “I am announcing my formal engagement to... to Dana Isabella Romulo!”

Kasabay ng panlalaki ng mga mata, isang malakas na pagsinghap ang kumawala kay Dana. And she didn’t know what happened next. Maliban sa naramdaman niya ay ang paghawak ng mga matitipunong bisig sa katawan niya.