noveltoon logo noveltoon
Hasta La Proxima Vez (Kristine Series 16)

Chapter 28

Ch. 28 / 31 Feb 15, 2022

Chapter Twenty-eight

I NIHATID ng tanaw nina Dana at Lenny ang pribadong speedboat na maghahatid kina Charles at Cielo sa mainland nang hapong iyon. Hindi pumayag ang magkasintahan na ihatid ng chopper patungong Maynila. Gusto ng mga itong sa barko sumakay pabalik sa Maynila.

Nang malaman ni Bernard ang plano ng anak ay agad nitong tinawagan ng overseas call ang mga magulang ni Dana kinabukasan ng umaga. Subalit ayon sa katiwala’y inaasikaso ng mag-asawa ang mga papeles pabalik sa Pilipinas. Naging dahilan iyon upang mapabilis ang alis nina Charles at Cielo.

“Malayo na sila. Let’s go,” ani Lenny na inakbayan si Dana at inakay patungo sa baybayin.

“Hindi nag-aksaya ng panahon ang Daddy, Lenny,” wika ng dalaga. “Darating sila anumang oras mula ngayon.”

Hinigpitan ng binata ang pagkakaakbay sa kanya. “Good. Mapapabilis niyong lalo ang ating kasal.” He planted a soft kiss on her temple.

Marahang kumawala si Dana at umupo sa buhangin. Niyakap ang mga binti at tumanaw sa karagatan. Ilang sandali pa’y palubog na ang araw. Nagsasabog ito ng malamlam na pulang liwanag sa asul na dagat. Ang mumunting alon ay banayad na humahalik sa dalampasigan. Muling lalayo at muli ring magbabalik. Ang kapayapaang nakikita niya’y kabaliktaran ng naguguluhang puso’t isip niya.

Nagtungo siya sa Paso de Blas sa dalawang kadahilanan. Una’y upang tulungan si Cielo na huwag matuloy ang engagement nito kay Lenny alang-alang kay Charles. Pangalawa, ay ang kuryosidad niya kay Don Leon Fortalejo.

Now, she ended up being Lenny’s fiancée. Kung paanong doon nauwi ang lahat sa napakabilis na pangyayari’y hindi niya maisip nang lubusan. Though in her heart of hearts, wala siyang nararamdamang pagtutol.

“Hindi na biro ang ginawa mong pagsasabi sa mga magulang mong pakakasal tayo, Lenny...” wika niya sa mahinang tinig.

“Sa palagay mo ba’y nagbibiro ako nang sabihin ko sa iyong gusto kitang pakasalan?”

Hindi kumibo si Dana. She inhaled softly and filled her lungs with air. “I–I had a boyfriend once...” marahang wika niya makalipas ang ilang sandali. Ang mga mata’y nanatiling nakatuon sa dagat. “A couple of years back...”

“It doesn’t matter,” ani Lenny sa matigas na tinig. “I had my share of women, too...”

A soft sigh came out of her lips. “I’ve heard the traditions... that—that Fortalejos married virgins. Paano kung sabihin ko sa iyong hindi na ako—”

“Shut up!” he cut her angrily. “I said it doesn’t matter. Virgin or not, I’ll marry you!”

Tumingala siya rito. Nakatunghay ito sa kanya. The handsome face was etched with controlled anger.

“There’s no need to be angry,” wika ni Dana sa bahagyang naiiritang tinig.

“Ayokong pag-usapan ang bagay na iyan. Ang tungkol sa ibang lalaki! My parents assumed that you are a virgin. Tama na iyon.”

“Don’t you want to know if their assumption was right?” banayad niyang tanong sa naghahamong tinig. May gusto siyang malaman kung bakit pakakasalan siya ng lalaking ito. May gusto siyang marinig mula rito.

Huminga nang malalim si Lenny. Sinipa ang isang di-kalakihang bato sa paanan.

“I would know...” Bumaba ang mga mata nito sa kanya, meaningfully. “Kung hindi sa isa sa mga araw na ito ay sa gabi ng ating kasal.” Pagkuwa’y tumigas ang mukha nito. “But I wish to hell that this would be the last time that we talk about this!”

Again, she let out a sigh. “Pumayag ako sa alok mong magpakasal tayo, yet I don’t know why...” Perhaps because I do love you. Tumingala siya at tumitig sa mukha nito. “And I never had a man in my life.”

For a while, nanatiling nakatitig sa kanya si Lenny. His eyes glinted with pleasure. Pumuwesto ito sa tabi niya at pagkuwa’y inilatag ang katawan sa buhangin. Iniunan ang mga braso.

“I offered to marry you, yet I don’t know why ...” he countered softly. Ang mga mata’y nasa mukha ng dalagang nakayuko sa buhangin.

“Because you love her, nieto... you never proposed to anyone before. Never thought about any woman before...”

He groaned and closed his eyes tightly. He would have uttered an oath kung wala si Dana sa tabi niya.

“Something’s wrong?” nag-aalalang niyuko ni Dana ang binata.

Agad ang pagmulat ng mga mata ni Lenny. A smiled formed his lips. “ Nada... nada . Certain thoughts just wouldn’t go away.” Inalis nito ang isang braso mula sa pagkakaunan at pinaglaro ang mga daliri sa braso ng dalaga.

“Beautiful...” he murmured, ang mga mata’y nakatuon sa magandang mukha ni Dana. Ang mamula-mulang buhok ay nilalaro ng hanging amihan. His one hand reaching up and caressed her cheek. “So beautiful.”

Dana resisted the urge to close her eyes at damhin ang haplos ng likod ng palad ni Lenny sa pisngi niya. Kung nakakailang buntong-hininga na siya’y hindi mabilang ng dalaga.

“Hindi ko alam kung bakit napapayag mo akong magpakasal sa iyo,” marahang sabi niya. “Wala tayong alam sa isa’t isa. How could our marriage work?” Sa tagong bahagi ng puso niya’y naroon ang pangambang baka ang pagpapakasal nila’y matulad lamang sa nangyari sa mommy niya at sa papa ng binata.

Bago makapagsalita si Lenny, mabilis niyang idinagdag ang nasa isip. “Your father and my mother married in haste... married each other for all the wrong reasons...”

“We will make it work, querida ,” ani Lenny sa determinadong tinig, ginagap ang kamay niya at dinala sa mga labi. He kissed the insides of her palms that a shiver travelled up her spine. “Sa bahagi ko, I promise that it will work...”

“Napakadaling mangako subalit paano natin gagawin iyon? Ni wala tayong pundasyon. N-not even... love,” she said the last word hesitantly.

“You’re so lovely I could die, I like the sexy way you sway your hips when you walk, I could drown in your eyes I’m afraid I’d never find my way out,” he said flippantly. Sinisikap na idaan sa biro ang kaseryosuhang nasa mukha ng dalaga.

“Purely physical,” ani Dana na napailing. Tipid na ngumiti. Hinagod ng tingin ang kabuuan ng binata at gumanti ng biro. “I like your body, too. Actually, it was your butt in those tight old faded jeans...”

He chuckled. “You’d like me better with my jeans off...”

“Lenny!” She turned red.

Inabot ni Lenny ang buhok niya. Nilaro iyon ng mga daliri. “There’s chemistry between us, querida . There’s spark everytime you’re near... And I do not just feel sexual about you. Since I met you, you fill up my mind... my senses,” he admitted. He cupped her nape and pulled her gently towards him. “Let’s kiss. Don’t trouble your mind with nonsense...”

Dana helplessly submitted to him. Felt his mouth on hers. Felt the power of his arms and the heat from his body. Mahigpit niyang iniyakap ang mga braso sa binata. Meeting his kiss and giving herself to its magic. She felt wild and reckless.

Lenny brushed his thighs against her. Making her aware how he felt at the moment.

“Lenny!” she gasped in horror as she felt the indisputable evidence of his arousal against her. Bahagya niyang itinulak ang binata.

“Dana... Dana...” usal ni Lenny at sapilitang pinakawalan ang mga labi niya.

Itinukod ni Lenny ang braso sa buhangin at tinitigan siya. He couldn’t help smiling at the deep color filling her cheeks. Her skin flawless. To him, she was perfect. Like fantasy came to life. He had never felt anything like this. Never held any woman like this.

“Kasingkulay ng sunset ang buhok mo, alam mo ba iyon?” he said breathlessly. He ran his fingers through her copper hair. Contrast ang buhok niya sa maputing buhangin.

Marahan ang pagbaba-taas ng dibdib ng dalaga. She didn’t want to meet his eyes. Hindi niya gustong mabasa ng binata ang anumang damdaming nakapaloob doon. That she had never wanted any thing else in this world as much as she had wanted him now. Alam niyang sinisikap ni Lenny na pigilan ang sarili. She could still feel his arousal on her body.

“I wish I could make you mine now,” he murmured. His thumb finger touched her well-kissed lips.

“Oh, l ord. Me, too...”

She opened her mouth and boldly licked his finger with her tongue. He groaned. Something like an agony.

Pagkuwa’y mabilis na tumayo at inabot ang kamay sa kanya. “Tayo na. Baka hinahanap na tayo sa villa,” he said in a rough voice.

She frowned at the sudden rejection. Hurt in her eyes. Napaungol si Lenny at hinatak siya patayo at niyakap nang mahigpit.

“Huwag mo akong tingnan nang ganyan. I want you... so much that I feel like bursting like now. A man could just take so much...”

“Tell me you love me, please... tell me, Lenny...” she prayed silently.

SA SASAKYAN ay walang-kibuan ang dalawa. She could feel the sexual tension between them. Gusto niyang mapahiya sa ginawa subalit hindi naman kumikibo si Lenny kaya nanatiling panatag ang loob niya.

Inihatid siya ng binata sa puno ng hagdan.

“If it were possible that we marry today, I would have done so...” wika nito sa pabulong na paraan.

“Para magawa mo ang gusto mong gawin sa akin, ganoon ba?” she teased.

“I could easily do that without the sanctity of marriage,” he said arrogantly. “Tulad kanina, `di ba?”

Pinamulahan si Dana roon at agad na naningkit ang mga mata upang pagtakpan ang embarassment. “You concei—” Hindi niya nakuhang tapusin ang sinasabi dahil tinakpan ng daliri ni Lenny ang mga labi niya.

“Don’t be embarrased. Alam mong totoo ang sinasabi ko dahil pareho tayo ng nararamdaman. But I want to do the right thing, mi alma . I want to make slow and sweet love to you aboard Precious. On our honeymoon. We will set sail to the Carribean...” wika nito kasabay ng pagkibit ng mga balikat. “I don’t know why I suddenly feel so honorable when days ago I would have wanted to make you mine anywhere and anytime. Maybe you’re a witch. You cast your magic spell on me.” He grinned.

She smiled at him. Her heart swelled with love. “I–I’m taking a shower...” The words she wanted to hear left unspoken. Subalit ang sinasabi at ginagawa nito’y nakasisiya na sa kanya. Higit sa lahat he was marrying her.

“Hurry up. Hihintayin kita sa dining room.”

Patalikod na si Lenny sa hagdan upang magtungo sa kusina nang madaanan ng mga mata niya ang mga portrait na nakasabit sa dingding.

He thought of Dana’s portrait hanging on the wall next to him. The thought pleased him so and smiled.

GALING sila ni Lenny sa de Silva farm nang araw na iyon. Nakilala na siya ng mag-asawang de Silva noong anniversary party nina Bernard at Jewel. Naipakilala na siya bilang ang fiancée ni Lenny. Subalit hindi ang katotohanang anak siya ni Diana.

Maliban sa initial surprise ng mag-asawa ay malugod siyang tinanggap ng mga ito. Nauwi ang usapan sa pagkumusta sa mga magulang ng dalaga.

Pagkatapos nilang mananghalian ay ipinasyal siya ng binata sa ilang bahagi ng isla. It would take more days bago niya maikot at makitang lahat ang kabuuan ng Paso de Blas. She was sure hotel guests would pay a king’s ransom makita lamang ang makapigil-hiningang tanawing ipinakita sa kanya ni Lenny. Ang huling pinagdalhan sa kanya’y ang batis sa gitna ng gubat.

“This lake is private, too,” ani Lenny na inalalayan siyang bumaba mula sa kabayo. Pumitas ng isang ligaw na bulaklak at inilagay sa buhok niya. “This place is so special for my Uncle Zandro and Auntie Jenny. Some of their wedding anniversaries were spent in this place.”

“Why?” she asked curiously, pinagsawa ang mga mata sa kagandahan ng lugar. Maliban sa lagaslas ng munting waterfall at awitan ng mga ibon ay wala nang maririnig. There were wild flowers everywhere sa iba’t ibang naggagandahang kulay.

Nagkibit ng mga balikat ang binata. “They never told us why... but we could guess.” He grinned. A malicious boyish grin. “Want us to duplicate whatever it was that happened here many years ago? We could make it better...”

“Lenny!” Mabilis siyang tumalikod subalit nahagip ni Lenny ang braso niya.

“You’re blushing, querida ...” He chuckled. Yumuko at dinampian ng halik ang mga labi niya. But the kiss became long, and sweet. And when it ended, Lenny’s breathing was shallow and uneven. “You’re a temptation...”

Inihilig niya ang noo sa dibdib ng binata. Ang mga oras na kasama ito’y ang pinakamaliligayang sandali sa buhay ni Dana. Now she was positive that she loved him.

“I–I don’t know whether to hate you or thank you for being so... so honorable,” she half-teased. Her eyes glinted with love and desire.

Napahugot ng malalim na paghinga si Lenny. His eyes were like coal with passion. Pagkuwa’y unti-unti ang paglitaw ng ngiti sa mga labi.

“Beat it, querida . I won’t succumb to your teasing. You will have your fill with my body once we’re married,” nakangising wika nito sa kanya.

Dana rolled her eyes sa bahagyang iritasyon sa birong pinasimulan. At bago pa siya makaganti’y hinawakan siya ni Lenny sa baywang at itinaas sa ibabaw ng stallion.

“Let’s go home. Bago ko pa masira ang pangako ko...”

TINUTULUNGAN siya ni Lenny na ibaba mula sa kabayo nang mapansin ng binata ang service vehicle ng hotel sa harap ng villa.

Nang kuhanin ng stable boy ang mga kabayo nila’y magkahawak-kamay na pumasok sa villa ang dalawa. Ganoon na lang ang gulat ni Dana nang makita roon ang mga magulang kausap sina Bernard at Jewel.

“Mom... Dad!”

“Dana.” s i Diana na agad tumayo at sinalubong ang anak. Si Joshua ay nanatili sa kinauupuan at matiim ang pagkakatitig sa dalawang bagong dating.

“Mom. Kailan kayo dumating?” tanong niya sa ina matapos na hagkan ito sa pisngi. Hindi na niya hinintay ang sagot ng ina at nilapitan si Joshua at niyuko at hinagkan din. “Hi, Dad...” Pagkatapos ay nilinga si Lenny at ipinakilala sa mga magulang.

“How are you, s ir... m a’am,” wika ng binata kasabay ng pag-abot ng kamay. Subalit ni hindi nakuhang tanggapin iyon ni Joshua. Sa halip ay isang malamig na titig ang ibinigay sa binata.

Diana frowned in surprise. Her husband was the epitome of politeness. At hindi nito akalain ang ganoong pakikipagharap sa anak ni Bernard.

“I am so pleased to meet you, young man,” salo ni Diana sa ginawi ng asawa. Nilapitan ang binata at dinampian ng pinong halik sa pisngi. “It’s nice to be back, sabi ko nga sa papa at mama mo.”

“The pleasure is mine, m a’am,” ani Lenny.

“Pack you things, Dana, at sa hotel tayo tutuloy.” s i Joshua sa pormal at malamig na tinig na ikinabigla ni Dana at Lenny. “Bukas din ng umaga’y babalik tayo ng Maynila.”

“May mga guest room kami rito, Mr. Romulo.” s i Lenny. “There’s no need for you to rush back...”

“I preferred that we stay at the hotel, Mr. Fortalejo, as paying guests.” b inigyang-diin nito ang huling sinabi. “Nakausap ko na ang papa mo at nasabi ko na ang gusto kong sabihin. Now, Dana, go and pack.”

“D-Dad...” Hindi malaman ni Dana kung saan ibabaling ang tingin. Kung sa ama, sa ina, o kay Lenny.

Lenny tried to reason out. “Mr. Romulo, natitiyak kong alam na ninyo na magpapakasal kami ng—”

“Walang kasalang mangyayari!” wika nito, his voice raised a fraction. “Hindi ako papayag na magpakasal ang anak ko sa iyo. Napakabata pa niya at ni wala sa plano niya ang pag-aasawa. She must have succumbed to your charm, Mr. Fortalejo, like my—”

“Josh,” putol ni Diana sa sasabihin ng asawa. Nilingon nito si Lenny. “This is so sudden, hijo. Hindi mo maiaalis sa amin ang mabigla at magtaka. I hope you understand.” Ang anak naman ang binalingan ni Diana. “Sundin mo ang ama mo, Dana...”

Unti-unti nang namumuo ang mga luha sa mga mata ni Dana. Sinulyapan si Lenny na tila ba may magagawa ito para pigilan ang pag-alis niya kasama ng mga magulang.

“Mr. Romulo...” Hinarap ni Lenny si Joshua. “Hindi ho ba maaaring pag-usapan natin ang mga bagay na ito? I can explain. Dana and I—”

“There’s nothing to explain,” putol ni Joshua. Nilingon si Bernard na nanatiling tahimik, ganoon din si Jewel. “Napag-usapan na namin ng mga magulang mo ang dapat pag-usapan...”

“Pero ako ang concern dito. Hindi ang Papa,” giit ng binata sa tinig na sinisikap na huwag tumaas. “Kami ni Dana. Bakit hindi ang opinyon ko o ng anak ninyo ang inyong pakinggan?”

“Underage ang anak ko. Hindi niya kayang desisyunan ang kanyang sarili. And if you’ll excuse us, sa sasakyan na kami maghihintay.” Tinanguan nito ang mag-asawang Fortalejo. “I do not mean to be rude. Pero nagpasya ang anak ko nang wala man lang pasabi sa akin.” Pagkuwa’y tinitigan ang anak nang makahulugan bago nagtuloy-tuloy na lumabas.

Si Diana ay umusal ng paumanhin sa mag-asawang Bernard at Jewel. “Hindi ko inaasahan ang ganitong sitwasyon sa ating muling pagkikita, Bernard... Jewel. Pagpaumanhinan ninyo si Joshua...” Binalingan nito ang anak. “Sa labas na kami maghihintay, Dana.”

“Oh.” Patakbong tinungo ni Dana ang hagdan bago pa siya mapaiyak sa harap ng lahat.

“Dana!” Akmang hahabulin ni Lenny ang dalaga subalit hinawakan ni Jewel sa braso ang anak.

“Let it be for now, hijo...”

Binalingan ni Lenny ang ina at ama. Nagsasalubong ang mga kilay sa magkahalong galit, pag-aalala, at kalituhan.

“ Que paso , Papa... Mama? Bakit hindi ninyo kinausap ang mga magulang ni Dana?”

“Did you think we haven’t tried to talk to him? We even asked them to spend the night here, hijo.” Si Bernard. “Pero nakita mo naman ang ama ni Dana, `di ba? Narinig mo ang sinabi niya.”

“Damn!” usal ng binata at mabilis na tumalikod palabas ng bahay. Muling tinungo ang kuwadra at sinakyan ang kabayo kahit walang saddle at galit na pinatakbo.

Sa itaas ay natanaw ni Dana ang papalayong binata at lalo nang lumakas ang iyak niya.

“Don’t let her go, nieto... do something...”

“Go away gran, go away!” hiyaw ng binata sa hangin habang mabilis na pinatatakbo ang kabayo. “Hindi ko kayo kailangan sa sandaling ito para guluhing lalo ang pag-iisip ko!”

He was so angry and so afraid. Naroong maisip na bumalik at kuhanin si Dana at itakas. But it would be foolish to do so. Tama ang ama nito. Menor-de-edad ang dalaga. Besides, hindi siya papayagan ng mga magulang na gawin ang bagay na iyon.

Let it be for now, hijo... Iyon ang sabi ni Jewel.

And yes. He’d be damned kung papayagan niyang mawala sa kanya si Dana.