noveltoon logo noveltoon
Hasta La Proxima Vez (Kristine Series 16)

Chapter 16

Ch. 16 / 31 Feb 15, 2022

Chapter Sixteen

K ATULONG ang nagdala ng pagkain kay Dana. She was hungry at nasa kalahati na sa pagkain nang pumasok si Cielo.

“Thank God you’re awake now,” bungad ni Cielo na naupo sa gilid ng kama. “Kumusta ang pakiramdam mo?”

Napangiti si Dana. “I am okay. At hindi ko akalaing mapapadali ang pagkikita natin dito sa isla...”

“But what happened to you? Bakit sa mausuleo ka nakita ni Lenny?”

“Lenny?” Nahinto siya sa pagsubo ng pagkain. Nagsalubong ang mga kilay bago muling ngumiti. “Oh, yes. Your soon-to-be fiancé. Ang lalaking namulatan ko kanina.”

“That’s him. Pero hindi mo sinasagot ang tanong ko. Bakit ka nasa family mausuleo? At nilalagnat ka nang iuwi ni Lenny.”

Nahulog sa malalim na pag-iisip si Dana. Wala na ang bahay na nasa painting. Ginawa na iyong isang family mausuleo. Ni hindi niya namalayan kung paano siya nakatulog o nawalan kaya ng malay kagabi. At sa mismong tapat ng nitso ni Leon.

Isang pagkalalim-lalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng dalaga. Kapagkuwa’y nag-angat ng ulo. “I wanted to surprise you by coming unannounced but I got lost. Anyway, narito na ako.”

“Yes.” Sinamahan iyon ni Cielo ng pinong ngiti. “I am so glad you’re here now,” sinserong sabi nito at kapagkuwa’y nag-angat ng mga mata sa pinsan. “What do you think of him?”

“Him who?”

“My soon-to-be fiancé, ano ka ba? Ano ang masasabi mo sa kanya?”

“ Muy simpatico ...” Nahinto siya sa bahaging iyon. She had heard it before. Kapagkuwa’y nagkibit ng mga balikat. “An inbred attitude of poise and arrogance. But of course, it usually emanates from someone born to wealth.” Nagpahid siya ng napkin sa bibig at inabot ang tubig at uminom. Kapagkuwa’y ibinalik ang tray sa night table.

Huminga nang malalim si Cielo. “He was reeking from it. And to top it all, he acts and talks as if he owns the world, Dana...”

“Naturally,” matabang niyang sagot kasabay ng pag-angat ng kilay. “Some guys are rich, some are almost perfectly handsome, some have so much sex appeals. But this Lenny has got them all rolled into one. So what do you expect?”

Hindi agad sumagot si Cielo at nagyuko ng ulo.

Tinitigan ni Dana ang pinsan. When together, they never fail to catch the eye of every man. Men who lingered their eyes on them with wistful longing.

Cielo had the more fashionable beauty. She was almost five feet and eight inches tall, yet voluptuous. Kung sa paglalakad nga nilang magkasabay at may mangailangan ng modelo sa araw na iyon, tiyak na si Cielo ang pipiliin. And Dana envied her cousin’s hair. Shimmery black and straight. It was cut short with bangs.

Si Dana sa kabilang banda, had a beauty that ignored the dictates of fashion. She was five feet and four inches tall. More or less, apat na pulgadang kababaan kaysa kay Cielo. She was slim and though with curves at the right places, she thought that Cielo’s breasts were perfect.

Higit sa lahat, her coppered curls defied the most artfully applied pins. Bagaman ang mga mata niya’y lagi nang tumatawag ng pansin. Doe-eyed. Framed by dark and thick lashes.

“And I am gonna marry him...” ani Cielo na bumasag sa katahimikan.

Doon marahas na nag-angat ng ulo si Dana. “No, you can’t! Paano si Charles?”

Sandali lang ang lambong sa mga mata ni Cielo. “Hindi ko masusuway ang Mama. She phoned me twice. Itatakwil niya ako sa sandaling sumuway ako. Nalaman niyang sumunod sa atin si Charles and she was upset and angry with me. At kahit ang Papa’y nakiusap na sundin ko ang Mama, Dana.”

Dana groaned.

Tumayo si Cielo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. “You must rest. Ngayon ka lang nawalan ng lagnat.” Yumuko ito sa tabing-mesa at dinampot ang isang tableta at ang baso ng tubig. “Here, take this...”

She obediently took the pill. Ang nasa isip ay si Lenny. Hindi ang uri nito ang papayag na sumunod na lang sa gusto ng mga magulang. He couldn’t marry Cielo. He could not...

“I’ll see you tomorrow, Dana,” ani Cielo nang makitang naghihikab ang dalaga. At tahimik na lumabas ng silid.

THE NEXT day ay nakilala ni Dana ang mag-asawang Bernard at Jewel. Kasabay siyang nag-almusal ng mga ito. Nalaman niyang maagang umalis ng bahay sina Lenny at Cielo. Ipinasyal ni Lenny ang pinsan niya.

She found Mrs. Fortalejo very pretty in an exotic way despite the age. She must be as old as her mother and couldn’t help to compare both women. At wala siyang itulak-kabigin kung ang pisikal na atraksiyon ang pag-uusapan. But she couldn’t take her eyes off Bernard Fortalejo.

Hindi lang dahil sa kabila ng edad ay naroon pa rin ang hindi maitatwang appeal. But because he was Leon’s son. Lenny definitely got his looks from both his father and grandfather. Maliban sa mga mata na kinuha mula kay Mrs. Fortalejo. She’d trade everything just to have those exotic eyes.

And she wondered what would these couple say kung sasabihin niyang nakita, nakasama, at nayakap at nahagkan siya ni Leon Fortalejo?

Then she had a sudden curiosity sa lalaking pinakasalan at hiniwalayan ng mommy niya. She wondered why. Not that he regretted that Joshua was her father. Far from it. Nothing and no one could replace his father in her heart. She loved him and he loved her.

Bernard cleared his throat sa obvious na pagtitig ng dalaga sa kanya. Jewel smiled silently.

“So, you and Cielo are cousins?” s i Bernard at inabot ang tasa ng kape at humigop.

“Yes, Sir. Her father’s my Dad’s distant cousin. And oh, I’m Diana’s daughter. Your ex-wife.”

Sukat sa sinabi niya’y naubo si Bernard habang hinihigop ang kape. Wala sa oras na naibagsak nito ang tasa pabalik sa platito. Mabilis na inabutan ng cloth napkin ni Jewel ang asawa dahil tumapon sa polo shirt nito ang kape.

“I’m sorry if it surprised you both,” hinging-paumanhin ng dalaga sa mababang tinig. She was sorry she blurted it out like that pero mas mabuti na iyong malaman ng mag-asawa mula sa kanya kung sino ang inaruga nila.

“Surprise is an understatement, young lady,” ani Bernard na babahagya pa lang naka-recover sa pagkabigla. Pinunasan ng napkin ang kapeng tumapon sa damit. Pagkatapos ay hinagod ng tingin ang dalagang nasa harap. She was like Diana in some ways. Very beautiful and straightforward. Yet different altogether. Kapagkuwa’y nilinga ang asawa. “No wonder she looked so familiar...”

Tumango si Jewel na ang pagkabigla’y hindi rin naitago. “Such a small world,” banayad nitong sinabi with a hint of irony in her voice. Pero natakpan iyon ng totoong ngiti. “Looking at you now, para kong nakita ang mommy mo many years ago.” Hindi kailanman lalabo sa alaala ni Jewel ang sandaling nagpaalam si Diana at sabihin sa kanyang malaya na silang dalawa ni Bernard. Para dito, that was the turning point of their lives.

“Magkahawig kayo ni Diana, hija. Hindi ko lang kaagad naiugnay nang una kitang makita kahapon ng umaga.” s i Bernard, still couldn’t believe na sa tinagal-tagal ng panahon ay magkakaroon uli ito ng ugnayan kay Diana.

Life really was full of surprises. He should know better.

Isang ngiti ang pinakawalan ni Dana at tinusok ng tinidor ang melon sa plato. “So they all tell me and unfair to my Dad. I’ve got some of his physical traits.”

“Well, I couldn’t agree to that,” nakangiti nang wika ni Bernard. Humingi ng panibagong tasa sa katulong at muling nagsalin ng kape. “Joshua and I never had the chance to meet properly. How are your parents?”

“They’re fine, Sir. Thank you for asking. They knew I would soon be meeting you because of Cielo.” Binalingan niya si Jewel. “Have you met my Mom?”

“Yes, of course,” sagot ni Jewel. Bahagyang nailang. May ibang pahiwatig sa ilalim ng tanong ng dalaga.

“And just as I thought that nothing in this life would surprise me anymore,” ani Bernard na bahagyang tumawa. And then wisely coursed the conversation to a safer topic. Cielo for one. Kung paano silang naging magpinsan.

Tapos na silang kumain nang magpaalam si Dana. “Gusto kong magpasalamat sa pagtanggap ninyo sa akin dito, Ma’am... Sir,” aniya na pinong ngumiti. “Pero kailangang makabalik na ako sa hotel. Baka nag-aalala na sa akin ang kasama ko.”

“There’s no need for you to go back to the hotel, hija.” s i Bernard na pinunasan ng napkin ang bibig. “Tatlo ang guest rooms sa bahay na ito. And we are inviting you to stay...” Nilingon nito si Jewel na tumango rin.

“My husband’s right, Dana.” Tumango si Jewel at tumayo na. Sumunod si Bernard at si Dana. “Malayo ang pagitan ng hotel at ang villa para sa inyo ni Cielo.”

Alanganing pinaglipat-lipat ni Dana ang mga mata sa mag-asawa. “If... if it’s all right with you—”

“You are very much welcome to stay.” s i Jewel at hinawakan ang dalaga sa balikat bilang kumpirmasyon ng sinseridad. “Besides, may party na gaganapin dito sa villa sa makalawa ng gabi. Anniversary naming mag-asawa. You are invited.”

“Oh!” marahang bulalas ni Dana.

“It is actually a small party, Dana. Two or three close friends and relatives. Yaong naririto lamang sa Pilipinas. Those who could actually come in an instant notice.” Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Bernard at sinulyapan ang asawa. Tinapos ang pagkain at tumayo.

“Magtatampo ang tatlong mga anak naming nasa Amerika. Kagabi lamang namin napagpasyahang mag-asawa na magdaos ng maliit na party sa makalawa. Hindi pa namin nasasabi ito kay Lenny. At ang balak naming mag-asawa ay samantalahin ang pagkakataon upang ianunsiyo ang engagement ni Lenny kay Cielo. Hinihintay lamang namin ang go-signal ng aming binata,” ani Jewel.

Sukat sa sinabing iyon ni Jewel ay bumangon ang pag-aalala sa dibdib ni Dana para kay Charles.

“Maiiwan ko na kayong dalawa.” Nilapitan ni Bernard ang asawa at hinagkan sa pisngi. “I have to change my shirt fast, darling. Kanina pa sa labas ang pilot at ang chopper. May meeting ako sa KC ng alas-onse. Can you handle the catering service or shall I ask my secretary to—”

“Ako na ang bahala roon,” assurance ni Jewel at humakbang kasabay ni Bernard patungo sa hagdan.

“In that case, sa mismong gabi ng anniversary natin na ako darating. Sunod-sunod ang mga meetings ko, darling.” Inakbayan nito ang asawa.

INIHATID ni Jewel ang asawa sa labas hanggang sa umangat sa lupa ang chopper. Kapagkuwa’y pumasok na uli ito sa villa. Sandali itong nahinto sa paghakbang nang makitang nakatingala sa larawan ni Don Leon si Dana.

She frowned at the loneliness that she saw on Dana’s face. Na lalo pang nagpadikit sa mga kilay nito nang itaas ng dalaga ang kamay at hinaplos ang larawan.

“My grandfather...” marahang sabi ni Jewel at humakbang palapit.

Bahagyang napapitlag si Dana. She was too engrossed watching the portrait and talking to him by herself.

“Y-yes.” She cleared the lump in her throat. “My mother said she never had the chance of meeting him...”

Tumango si Jewel. “Dalawa o tatlong taon nang namamatay si Lolo nang magkakilala sila ni Bernard.”

“What was he like?” tanong niya sabay tingala sa portrait.

Jewel smiled. A mixture of sad and happy memories filled her mind. “A tyrant.” Isang tawa ang pinakawalan nito. “But you should meet the men, they all are.” Pagkatapos ay sumeryoso ang mukha at tumingala sa portrait. “Yes. He was. And he manipulated people’s life. But only because he wanted what is best for them. He was a very good judge of character and he was seldom wrong. Most of all, he loved us all. Even in death, he wanted to protect those he loved...”

Jewel swallowed to clear her throat. Muling tumingin kay Dana. “Oh, I loved him. Many times I have wished na sana’y buhay si Señor Leon hanggang ngayon.”

“W-what do you mean when you said he wanted to protect those he loved... even in death?”

Sandaling natigilan si Jewel. Hindi niya namalayang nasabi niya iyon. Naalala niya ang araw na napahamak siya dahil kay King. She thought she heard Leon’s voice not to enter the villa. But of course, no one would believe her. Ni hindi niya sinabi iyon kay Bernard sa mga taong nagdaan. At siguro’y imahinasyon nga lang talaga.

She smiled at the younger girl. “Nothing. Just pure imagination. I sometimes thought I heard him speaking to me.” n agkibit ito ng mga balikat.

Tumango si Dana. “H-how did he meet y-your... grandmother?” She couldn’t contain her curiosity.

Nagsalubong ang mga kilay ni Jewel sa tanong niya.

“I’m sorry... Plain curiosity, that’s all. M-mahilig akong makinig ng mga kuwento kung paano nagkakakilala ang dalawang tao,” mabilis niyang sabi.

“Oh, well...” She looked up at her grandparents’ portrait thoughtfully. “As a matter of fact, I haven’t given it a thought. Malibang sa dinami-rami ng babaeng napaugnay sa Lolo, si Lola Esmeralda lamang ang minahal at pinakasalan niya.”

You’re wrong. He loved me first! kontra ng bahagi ng isip ni Dana. Kahit ang kabila rin niyon ay naghuhumiyaw sa pagtangging hindi siya kundi si Donya Isabelita ang unang babaing minahal ni Leon.

“Well, if you are really that curious about old stories and romance about my grandfather then perhaps you should talk to Tiya Margarita, his daughter. Tiyak na marami siyang ikukuwento sa iyo.”

“I’d like to meet her one of these days,” seryosong sabi ng dalaga. At muli’y nagsalubong ang mga kilay ni Jewel. She could sense that there was more to it than plain curiosity. Hindi nga lang nito malaman kung ano.

“PARTY?” Kunot ang noong nahinto sa pagbubukas ng aparador si Lenny at nilingon ang ina. “I thought you will celebrate your anniversary by yourselves. What happened to the plans that you will celebrate your anniversary aboard Precious? Then set sail to the Carribean?”

Umiwas ng tingin si Jewel. “Your father’s too busy these days, Lenny. There’s only a trimester left before Christmas and—”

“`Ma, there’s Uncle Zandro and Tito Marco and Papa’s top executives,” agap nito sa sinasabi ng ina. Nawala na sa isip ang balak na pagbibihis at humarap sa ina. “Kaya nga hindi kami tumutol nang sabihin ninyong sa yate kayo magse-celebrate ng anniversary. Julianne even thought it romantic.”

“I thought so, too.” s he smiled at her son shyly. “Pero naisip namin ng papa mo na napakaikli ng isang buwang bakasyon para sa amin. Kaya hihintayin na namin ang retirement niya. At inaasahan ng papa mo na handa ka nang hawakan ang pamamahala sa kompanya.”

Pinigil ni Lenny ang anumang sasabihin. Alam na niya ang kasunod na sasabihin ng ina. Isa sa mga addendum ng corporate by-laws na ginawa ni Don Leon Fortalejo ay dapat na may-asawa ang sinumang CEO ng Kristine Group of Companies.

Hindi agad hinawakan ni Bernard ang pamamahala sa KGC nang mamatay si Don Leon. OICs were appointed while he was trained as future KGC president and CEO. Ganoon pa man ay puno ito ng kumpiyansa na wala itong nilalabag sa by-laws ng kompanya dahil lihim itong kasal kay Jewel at naghihintay lamang ng panahon upang ipaalam iyon sa lahat. At iyon ay alam ni Judge Adriano bilang isa sa mga director at abogado ng kompanya. Until Jewel’s accident na nauwi sa pagpapakasal ni Bernard kay Diana.

“I could guess what you will say next, Madre.” He groaned in frustration. “`Ma, wala pa akong balak mag-asawa. Not in a few years to come. Please, don’t you both make me feel guilty na ang hindi ko pag-aasawa ang dahilan kung bakit hindi agad makapagretiro ang Papa. Nariyan si Uncle Zandro. He can act as OIC for a couple of years or so after Padre retired.”

“What have you against marriage, Lenny?” Nagtatakang tumingala si Jewel sa anak. “I don’t believe in perfection dahil wala niyon. Pero wala kang masasabi sa marriages ng pamilya natin. Maliban marahil sa ilang hindi pagkakaunawaan na normal lamang sa buhay-pampamilya.”

Nagkibit ng mga balikat si Lenny at isinandal ang ulo sa salamin ng antigong aparador. “A wife is rather difficult to dispose of when one finds oneself in the grips with boredom, Madre.” Humakbang ito patungo sa personal ref at kinuha roon ang isang bote ng champagne at dalawang goblets. Nagsalin at iniabot sa ina ang isa.

Wala sa loob na tinanggap ni Jewel ang kopita at manghang tumingala sa anak. “When is having a family a bore, Lenny? Hindi ako makapaniwalang nasasabi mo iyan. I have never been bored with my duty as wife and mother! And I don’t suppose your father was bored with... with me. With us. Do you?” A little uncertainty laced her voice.

He twisted the corner of his mouth. “No, Madre,” mariing sagot ni Lenny nang makita ang bahagyang alinlangan sa mukha ng ina. “Because you both love each other.”

Jewel sighed. Ilang sandali ang pinalipas nito bago muling nagsalita. “Nang unang sabihin ng ama mo ang tungkol kay Cielo ay ako ang unang nagprotesta, hijo. Bagaman mahirap, pinangako ko sa aking sarili na hindi ko gustong pakialaman ang suliranin sa puso ng mga anak ko. But I am beginning to like Cielo, hijo. I find her shyness very endearing. Polite, cultured, and of course, very pretty.”

He smiled without humor. “Is she all that? I hardly notice...”

Jewel grimaced at the sarcasm in her son’s voice. “Cielo is a nice and respectable lady, Lenny.”

“Nice and respectable women are too damned boring, Mother.” Inisang lagok nito ang champagne at muling nagsalin. Pagkatapos ay pabagsak na naupo sa katapat na settee ng ina.

“Sinasabi mo lang iyan dahil ang papa mo ang pumili kay Cielo. Pero kung hindi ganoon ang situwasyon ay malamang na madaling nahulog ang damdamin mo sa kanya,” ani Jewel na dinala sa bibig ang goblet and took one sip. “At kung papayag ka’y isasabay na namin sa anniversary party namin ng papa mo ang announcement para sa engagement ninyo—”

“Ang party sa makalawa’y pribado para sa inyo ng Papa. Huwag mong sirain ang tradisyon sa pamamagitan ng pag-anunsiyo ng engagement ko sa babaeng hindi ako ang pumili!”

“Hijo...”

“ Lo siento mucho , Madre. But I refuse to pretend to be enamoured of Padre’s choice. I can only promise civility.”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Jewel. Naiintindihan niya ang anak. Ang usapan ng mag-ama’y kilalanin muna ni Lenny ang dalaga. Subalit para kay Bernard ay wala itong makitang kapintasan kay Cielo. And she could only agree. Bibihira sa mga kabataan ngayon ang tulad ni Cielo na mabait, mahiyain, at mahinhin. Lalo na at sa Amerika ito ipinanganak at halos doon na rin nagkaisip.

“She wasn’t here very long, hijo. Hindi mo pa siya lubusang nakikilala,” giit ni Jewel sa magaang na tono. “Cielo could be an ideal wife.”

“Mama, pati ba naman ikaw ay nag-aapurang mag-asawa na ako?”

“Oh, well.” n agkibit ng mga balikat si Jewel. “I’m forty-eight, nami-miss ko na ang halakhakan ng mga munting bata at—”

“There’s Troy,” agap ng binata na sandaling nagbago ang ekspresyon ng mukha nang maalala ang pamangkin. Noong isang araw lang ay naparaan sina Marco at Troy sa villa bago umuwi ng farm. And he had to admit that he really had fun playing with Romano and Bobbie’s son.

Napangiti si Jewel sa pagkabanggit sa pamangkin. “Yes. But he wasn’t yours. At halos hindi na mawala sa paningin ng Uncle Marco at Aunt Emerald mo ang bata. He was an added joy to their lives.”

“Hindi dahilan ang pagkasabik mo sa apo upang pakasalan ko si Cielo, gaano man siya kabait, kamahiyain, kaganda, et cetera.” Muling bumalik ang sarkasmo sa tinig niya. “And if you want the truth, this woman will make my hair gray in a couple of years...”

“Lenny!” bulalas ni Jewel.

“`Ma, please,” he said impatiently. “I have no liking for respectable and dull women. Na huwag ka lang di-magtaas ng tinig ay iiyak na kaagad.”

Jewel sighed. “Oh, well... Kakausapin ko ang papa mo. And perhaps it is only fair for you to find a young woman you did not deem dull and marry her.”