Chapter Twelve
“I S ANYTHING the matter?” s i Charles sa dalaga na nakatitig sa kawalan. Hawak pa rin sa kamay ang telepono na ilang sandali nang naibaba sa kabilang linya. “What is wrong? I hope it isn’t bad news?” Kinuha nito sa kamay niya ang telepono at ibinalik sa cradle.
Dana blinked the tears that threatened to fall. Sapilitang ngumiti at tumingala sa binata.
“N-no... it isn’t bad news.” h umakbang siya patungo sa kinaroroonan ng bag at inilagay sa balikat. “Tayo nang bumalik sa Binondo, Charles. Baka naroon na si Attorney Palomares.”
Nagtataka ma’y walang-kibong sumunod sa dalaga si Charles. Nanatiling tahimik si Dana sa loob ng sasakyan. Sa paningin ng binata ay tila kay layo ng iniisip. Napapailing si Charles na nag-concentrate sa pagmamaneho.
PAGDATING nila sa bahay sa Binondo ay naghihintay na roon si Attorney Palomares. Tulad ni Charles ay hindi miminsang nagbalik ang abogado sa bahay subalit sarado iyon. Ipinagpasalamat ni Dana na hindi na nagtanong ang abogado kung saan siya nagpunta.
“At siyanga pala, hija,” wika ng abogado pagkatapos pirmahan ni Dana ang pagsasalin sa kanya ng bahay at lupa ni Doña Isabelita. “Dala ko rito ang susi sa safety deposit ni Doña Isabelita sa bangko.” Iniabot nito sa kanya ang susi. “You know bank procedures. Identifications and all that...”
“Ano pa ba ang nasa safety deposit, Attorney?” she asked warily. “Kayo na rin mismo ang nagsabing walang pera ang Lola Isabelita...”
Nagkibit ng mga balikat ang abogado. “Para sa mga tulad ni Doña Isabelita, Dana, ang mga alaala’y kasinghalaga ng kayamanan. Maaaring iyon ang laman ng safety box. Memoir.”
She could only agree to that. “Dadaan kami sa bangko, Attorney. At siguro’y may ilang araw din akong mawawala.” s inulyapan niya si Charles na tahimik na nakamasid sa kanila. Bago sila umuwi’y natawagan na niya ang Kristine Cement at sinabing nasa Paso de Blas si Bernard Fortalejo at ang anak nito, kasama ang isang bisitang dalaga. “Saka na lang ho natin pag-usapan ang renovation...”
“Ikaw ang bahala, hija. Magpapaalam na ako.”
“THANK you,” nakangiting sabi niya sa manager ng bangko nang ilagay sa harap niya ang laman ng safety deposit box ni Doña Isabelita.
“You’re welcome, Miss Romulo,” magalang na sabi nito. “Puwede mong suriin ang laman dito, kung gusto mo.”
“It’s unnecessary, thank you.” Tumayo siya at inilahad ang kamay upang kamayan ang manager. Pagkatapos ay tumalikod na siya palabas ng bangko.
“That small box?” s i Charles nang nakasakay na siya sa kotse. “Nakita mo na ba ang laman niyan?”
“Ngayon ko pa lang bubuksan,” aniya. But the jewelry box was so familiar, gusto niyang idugtong, but held herself.
May kung ilang sandaling tinitigan niya ang jewelry box bago sinimulan niyang tanggalin ang buhol ng pink ribbon na nakapaikot dito. She was about to lift the lid nang...
“Dyan... dya... rann...!” nakatawang sabi ni Charles.
“Shut up!” nakangiti niyang siko sa binata. Ipinagpatuloy ang pagbubukas. She inhaled softly nang makita ang ilang pirasong mga alahas ni Doña Isabelita. The ones that she’d seen on her chest drawer.
“Your grandmother’s jewelries.” s i Charles nang malingunan ang laman ng kahon. “Wow! Look at those stones, Dana. Hindi biro ang halaga ng mga iyan. Malalaki at tiyak na genuine ang mga bato.”
Tumango siya. Muli’y lumukob ang lungkot sa buong pagkatao niya. Hindi ganoon karami ang mga alahas. Subalit ang halaga’y labis-labis upang matustusan ang mga pangangailangan ng matanda sa nakalipas na apat na taon. Doña Isabelita had not died a pauper. Hindi lang gustong galawin ng mata nda ang mga bagay na inaakala nitong para sa kanya.
Sinikap niyang huwag lumabas ang mga hikbi sa bibig niya. I don’t deserve this, grandma. Hindi ko nagawa ang gusto ninyong mangyari. I am so sorry...”
She closed her eyes at sumandal. Iginalang ni Charles ang pananahimik niya at may ilang sandali ring nasa ganoong ayos si Dana. Kapagkuwa’y nilinga ang binata.
“Can I ask a favor, Charles?”
“Anytime.”
“I THINK that must be the house, Charles!” Excited na itinuro ni Dana ang isang dalawang palapag na bahay na ang itsura’y halos replika ng bahay sa Binondo at ng iba pang mga sinaunang bahay sa bayang iyon sa Laguna. Maliban sa renovated na iyon at maganda ang pagkakamintina.
Ipinara ng binata ang sasakyan sa may tabing-bakod na yari sa isang steel matting. Tila iyon isang makapal na yero na may mga butas. Ang steel matting ay ginagamit noong panahon ng mga Amerikano na inilalagay sa putikang lupa kung saan doon nagla-landing ang mga eroplano ng mga sundalong Amerikano. Makakapal ang halamang nakatanim sa bakod at pawang namumulaklak.
Mabilis na bumaba ng sasakyan si Dana. Lumapit sa nakabukas na tarangkahan at sumilip. May natanaw siyang matandang babaeng nagdidilig ng halaman.
“Magandang hapon po...” tawag niya, sabay hakbang papasok. Inulit niya ang pagbibigay-galang sa matandang babaeng nakatalikod. Ang puti nang buhok ay nakapusod at may nakasuksok na payneta.
Lumingon ito. May kung ilang sandali siyang sinino. Bahagyang ibinaba sa ilong ang salamin sa mata. Halos magdikit ang mapuputi nang mga kilay nito.
Si Dana ay nahinto sa paghakbang. Muli’y bumangon ang matinding kaba.
“Isa—Isabel? Ikaw nga ba?” Nabitiwan nito ang hose ng tubig sa lupa. At kapagkuwa’y humakbang palapit kay Dana.
Ang dalaga’y sunod-sunod ang agos ng mga luha na hindi mapigil. Ni hindi niya makuhang tuminag sa kinatatayuan.
This can’t be true!
Ang matandang babae’y huminto sa paglakad nang halos isang hakbang na lamang ang pagitan nilang dalawa.
“Isabel, ikaw nga?” wika nito sa nanginginig na tinig dala ng katandaan.
“D-Dana ang... ang pangalan ko. H-hindi Isabel...” She sobbed.
Isang ngiti ang sumilay sa tuyot na mga labi ng matandang babae. The rheumy eyes sparkled. “Dana... Isabel... Mahalaga pa ba iyon?” Tumaas ang dalawang kamay nito at inabot siya at niyakap.
Napahagulhol ng iyak si Dana. “Consuelo...”
Pinakawalan siya ng matanda makalipas ang ilang sandali. Ang mga mata’y sinusuyod ng tingin ang kabuuan ng dalaga. “Just as I remember you. Walang nabago. Parang kahapon lang...” wika nito.
It was only yesterday, Consuelo... gusto niyang sabihin subalit tila may nakabara sa lalamunan niya.
Hinawakan siya sa braso ng matandang babae at inakay papasok sa loob ng kabahayan.
“Halika, Isabel, pumasok ka.”
Sandali muna niyang nilingon si Charles bago walang-kibong sumunod sa matandang babae. Halos maubos na ang pagkamangha at panggigilalas sa dibdib niya.
“Maupo ka, Isabel,” wika nito at itinuro ang solihiyang upuang narra. Naupo ang dalaga, ang mga mata’y hindi humihiwalay sa matandang babae kung paanong ganoon din ito sa kanya. “Ano ang gusto mong inumin? Kape... tsaa?”
Pinahid niya ng likod ng palad ang mga luha at hinawakan ang payat na braso ng matandang babae nang akma itong tatalikod upang magtungo sa kusina.
“H-huwag ka nang mag-abala, Consuelo. Hindi ako magtatagal. Sino ang... kasama mo rito?” Inikot niya ang mga mata sa malaking kabahayan. Ang mga kasangkapan na bagaman luma’y maayos ang pagkakamintina. Magkahalo ang mga bago at sinaunang kasangkapan. Mula sa sala’y natatanaw niya ang modernong kusina. Ang paligid ay may bahid ng karangyaan.
Eman was well-off in 1928.
Muling ngumiti ang matandang babae. Sa tantiya ng dalaga’y hindi lalampas sa otsenta y siyete ang edad ng babae. Subalit mukhang malakas pa ito sa kabila ng katandaan.
“Dalawang katulong ang kasama ko sa bahay na ito, Isabel,” wika nito. “Nasa kusina ang isa. At isa’y kasama ng aking dalagang apo sa pamangkin ni Eman. Mayamaya lang ay narito na ang mga iyon...”
“D-dinadalaw ka ba ni... ni Tiyo Rustico?”
She smiled sadly. “Iba na ang panahon ngayon, hija. Isa pa’y alam kong pinipigilan si Rustico ng napangasawa niya. Si Elvira ang humikayat sa aking apo na manirahan sa ibang bansa.”
“N-narito sa Pilipinas si Cielo...”
Sandaling hinagilap sa isip ng matandang babae kung sino ang tinutukoy niya. Kapagkuwa’y nagbuntong-hininga. “Ang aking apo sa tuhod. Muy probrecita niña . Huli ko siyang nakita nang mamatay si Eman at ang kaisa-isa kong anak...” Umiling-iling ito. “I never liked her mother...”
Walang malamang sabihin si Dana kundi ang tumango. Masuyo siyang hinagod ng tingin ni Consuelo. Kapagkuwa’y umangat ang kamay nito at hinaplos ang kanyang pisngi.
“Hindi ka nagbago mula sa huling pagkakita ko sa iyo napakaraming taon na ang nagdaan.”
Muling napahikbi ang dalaga. Ikinulong ang kamay ni Consuelo sa mga palad at idinikit sa pisngi niya.
“Ang Lola Isabel ay dalawang linggo nang namamatay...”
Gumuhit ang kalungkutan sa kulubot na mukha ng matandang babae. Huminga ito nang malalim.
“Alam ko, Isabel,” banayad nitong sabi. “Bumabalik ang mga sulat na ipinadadala ko sa kanya sa nakalipas na apat na taon. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanya. Subalit nitong nakalipas na tatlong linggo’y tumanggap ako ng sulat mula sa kanya.” Inangat nito ang salamin at pinahid ng alampay na nakasabit sa balikat ang mga mata. “Sulat ng pamamaalam. Walang address na nakalagay subalit nararamdaman kong hindi na talaga kami muli pang magkikita...”
Dana bit her lip.
Muling ginagap ng payat at kulubot na mga kamay ng matandang babae ang kamay niya. “Maraming salamat. Kung hindi dahil sa iyo’y hindi nagkaroon ng katuparan ang pag-ibig ko kay Eman. Iisa lang ang naging anak namin. Subalit naging maligaya kaming dalawa. Natutuhan niya akong mahalin, alam mo ba iyon?” Muli nitong pinahiran ang mga mata ng alampay.
“Minahal ako ni Eman hanggang sa huling sandali ng buhay niya, Isabel,” patuloy ng matanda. “Kung mayroon man akong ipinaghihinanakit ay ang pagsasawalang-bahala ng aking apong si Rustico. Subalit iyon ma’y tinakpan ng kaligayahan ko sa piling ng aking asawa sa buong panahong nagsama kami...”
“I–I’m so happy for you...”
Binitiwan ng matandang babae ang kamay niya at pumasok sa silid. Hindi gaanong nagtagal at muling lumabas. May iniabot sa kanya.
“Matagal nang gustong ibigay sa iyo ito ni Eman subalit hindi ipinahintulot ng pagkakataon....”
Ang Calvin Klein niyang wristwatch! Ang ibinigay niya kay Eman may pitumpong taon na ang nakalilipas.
“Ayokong mag-isip at ayokong magtanong, Isabel,” patuloy ng matanda. “Kung anumang kababalaghan ang nangyari’y hindi ko gustong guluhin ang aking kaisipan. Ang mahalaga’y naging maligaya ang buhay namin ni Eman. Taliwas sa naging buhay ni Isabelita na tumandang dalaga. Buong panahon niyang hinintay ang pagbabalik ni Leon. Hindi niya gustong ibaling sa iba ang pagtingin niya. But Leon never came back...”
“Pinili ng... ng Lola Isabel ang buhay niya, Consuelo...”
Tumango ang matanda. Kapagkuwa’y may isa pa itong iniabot sa kanya. “Ipinagkakaloob ko sa iyo ito. Gusto kong tanggapin mo.”
Mula sa sinag ng papalubog na araw sa labas ng bintana’y kumislap ang brilyanteng bato sa singsing na isinusuot ng matandang babae sa daliri ni Dana.
Iyon ang engagement ring ni Eman para kay Doña Isabelita.
“Isinauli ito ni Isabelita kay Eman. Tinanggap ni Eman subalit itinago. Ibinili niya ako ng bago. Tingnan mo.” Buong pagmamalaking ipinakita sa kanya ang singsing na may katamtamang laki ng bato. Sa tabi niyon, sa panggitnang daliri ay ang wedding ring ng dalawa.
Dana swallowed the lump in her throat. “Bagay sa iyo, Consuelo. Hindi gaanong malaki ang bato. Simple subalit kasingkahulugan ng isang hindi mapapantayang pag-ibig...”
Sandali siyang tinitigan ng matanda. “Hindi mapapantayang pag-ibig... Tama ka. At kakamtin mo iyon, hija. Tinitiyak ko sa iyo.” Muli nitong hinaplos ang pisngi niya. “Anuman ang mangyari, magbabalik sa iyo ang iyong pag-ibig.”
Sandaling nagsalubong ang mga kilay ng dalaga. Then she smiled sadly. “Leon died a long time ago, Consuelo. Besides, si Lola Isabelita ang minahal niya at hindi ako.”
“You will find a new love. Higit kaysa anumang damdaming inukol mo kay Leon. And when you do, don’t ever let him go, Isabel...” Wala sa loob ang pagtangong ginawa ni Dana. “Higit pa sa nararamdaman mo kay Leon ang ipagkakaloob mo sa isang bagong pag-ibig, hija. Higit at tunay at walang kapantay na pag-ibig. Ang kahapon ay karugtong ng ngayon...”
Hindi niya naiintindihan ang sinasabi ni Consuelo subalit hindi iyon pinasubalian ng dalaga. Tumayo siya at hinagkan ang pisngi ng matandang babae.
“Hindi na ako magtatagal, Consuelo...” paalam niya. “Sa aking pagbabalik ay muli kitang dadalawin.”
Tumango ang matandang babae. “Sana’y makita pa kitang muli, Isabel. Subalit hapong-hapo na ako. Ikaw lang ang hinihintay ko upang ibalik sa iyo ang iniwan mo sa asawa ko...”
“I–I’ll ask Cielo to come and visit you one of these days. She looks like you, Consuelo...” Gumagaralgal ang tinig niya. Halos hindi na niya maaninag ang mukha ng matandang babae sa luhang biglang pumuno sa kanyang mga mata.
A mixture of happy and sad smile crossed the old woman’s face. “ Vaya con dios, Isabel... ”
“ANG AKALA ko’y hindi ka na lalabas. Papasok na akong talaga dahil madilim na,” ani Charles nang nasa daan na sila pabalik sa Maynila. “Sino ang pinuntahan mo roon? Sino ang matandang babaeng niyakap mo?”
“Dinalaw ko ang kahapon, Charles,” pabulong niyang sagot. Ang mga mata’y nasa labas ng bintana at pinagmamasdan ang mga puno sa kapaligiran.
Nagtawa si Charles. “You confuse me every passing minute, Dana. You’re talking weird...”
She smiled sadly. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. She had changed history. Nabago niya ang kasaysayan ng buhay nina Eman at Consuelo. Sinunod ni Eman ang sinabi niyang huwag pakasalan si Doña Isabel. She wanted to think that it had a better result... a happy ending for Eman and Consuelo. Pero hindi para kay Donya Isabelita. She had a lonely life.
Si Isabelita ay pinili ang buhay na gusto. Nabago man iyon o hindi. Hindi niya kayang paniwalaang may ganoong uri ng pag-ibig. At gusto niyang umiyak nang umiyak para sa abuela.
Then her thoughts wandered to Leon. What could have happened if he went back? Why hadn’t he? Had he found a new love? The pain in her heart was almost unbearable at the thought.