noveltoon logo noveltoon
Mark Cardinal (Cardinal Bastards Series 7)

Chapter 19

Ch. 20 / 26 Apr 09, 2022

19

“S INUSUMBATAN mo ako? Here are your children’s passbooks! Look at them!”

Mabilis na kinuha ni Mark ang mga passbok na ibinigay ng ina. Updated ang mga iyon, nasa pangalan ng mga bata. Malinaw din ang uniform na pagkakahulog ng funds. It became clear that the sum he sent monthly was managed terribly by his mother. Inilaan nito ang mga iyon sa bank account ng kanyang mga anak, oo, at hayun ang ebidensiya, pero hindi iyon ang inasahan niya.

“How can you do this to them?” deretsang tanong niya. “How can you make them live in that dump for so long? How can you? They are your grandchildren! They are my children!”

“I did the right thing! Ano ang gusto mo, ipagkatiwala ko ang lahat ng pera kay Maristel nang hindi ko nasisigurong gagamitin niya sa mga apo ko? Ikaw na mismo ang nagsabi, umiiyak ka noon—sa mga problema ng pamilya niya. Ano, magpapakahirap ka sa ibang bansa para lang buhayin ang buong pamilya ng babaeng `yon? Hindi ako nagkulang sa mga bata. Lahat ng kailangan nila, binibili ko.”

“But they lived in a dump!”

“Maayos ang bahay nila noon. Lumipat si Maristel sa mas maliit, oo. Matagal kong pinag-isipan kung palilipatin ko sila ng bahay, pero nang minsan kong ipahatid ang allowance, ang sabi ng driver nandoon daw ang kapatid ni Maristel. Naisip kong baka sa susunod, buong pamilya na niya ang nakatira sa bahay na paglilipatan nila!”

“Even if it came to that, so what, if it meant my children will have a better life?”

“I don’t see it that way. People will always take advantage of you. Kailangan mong magsaripisyo.”

“Kailan ba nag-take advantage sa `yo si Maristel, Mama?”

“She took you from me and didn’t care about your future.”

“It wasn’t her who didn’t care. It was you.”

“That’s a lie! An out and out lie! I needed to teach you a lesson.”

“For loving someone who didn’t have money?”

“It was painful for me.”

“You allowed your bitterness to take control of you. And you made Papa feel guilty for it all my life. It has affected your judgement. It has affected our entire relationship. And now it has affected my children and the mother of my children. When will you realize that, Mama? When we have all stayed far away from you because we can’t stand to be manipulated anymore? I am done. This time I am really done. I’m sorry, I can’t even look at you right now.”

Tumayo si Mark at umalis ng bahay. Masama ang kanyang loob. Galit siya, napapahiya at nanliliit. Naalala niya ang mga nasabi kay Maristel at lalong nanghina. Nakuha pa niyang isumbat dito ang ipinagmamalaki niyang allowance na hindi pala ibinibigay ng kanyang ina. Bakit siya nagtiwala sa mama niya? Ah, because she made it seem as if she cared enough for his children and Maristel.

Ito lang ang maasahan niya dahil ang kanyang ama, matagal nang masasakitin. Pero dapat pala nagbilin siya isa sa mga kapatid sa ama na tingnan ang kanyang mag-iina. Hindi lang niya iyon ginawa dahil inakala niyang walang problema sa kanyang ina at maayos ang lahat.

Parang sinuntok sa dibdib si Mark nang maalala ang tanong ng kanyang mga anak tungkol sa pagkain. As he enjoyed fine food prepared by his maid in the States, his children were wondering if they could have one more piece of chicken. Lahat ng iyon, nakikita ni Maristel. He could only imagine her heart breaking.

Magkakasunod ang naging paglunok niya habang sakay ng kotseng minamaneho ng driver. Sa airport ang kanyang destinasyon. Pabalik na siya sa Amerika. Kung puwede lang na iwan ang trabaho, ginawa na sana niya. Pero alam ni Mark na hindi magiging madali ang lahat.

Matagal na siyang kinukumbinsi ng ina na bumalik sa Pilipinas para pamahalaan ang mga negosyo ng pamilya, pero mas pinili niyang asikasuhin ang negosyo sa Amerika. Ang kanyang pera na ibinigay na ng ina noon, ginamit niya sa pagtatayo ng distribution business. Kasama sa mga market ang produkto ng kanilang kompanya. Business was doing well.

Sa loob-loob ni Mark, aminado siyang tinapos na niya ang ugnayan kay Maristel. Iyon ang pangunahing dahilan kung bakit gumawa siya ng buhay sa Amerika. He imagined a life with his children in time. Hindi pa sa ngayon dahil maliliit pa ang mga anak. But soon, they would have to find the best schools.

Hindi niya kailanman naisip na kunin ang mga bata kay Maristel. He knew she was a good mother to them. Sa pagkausap pa lang sa mga anak, alam na niya iyon. The kids were always respectful and kind. Pero sa isip, naiplano niyang makasama ang mga ito sa paglipas ng panahon. Kasama si Maristel, kahit pa hindi na magkaugnay ang mga buhay nila na tulad ng dati.

Akala ni Mark, tanggap na niya na ganoon ang lahat. It took a long time to be where he was now, someone who did not hit himself in the head for being stupid. Magkakahalo rin ang naramdaman niya noon. Naroon ang matinding pagsisisi at may ngitngit din kung minsan na hindi siya napatawad ni Maristel. Napakatigas din pala ng puso nito. Mostly though, he blamed himself. It was his own damn fault. Sometimes he blamed Faith also. Human nature.

Hanggang sa napaglabanan niya ang mga iyon at nagdesisyong hindi na siya kailangang malungkot at patuloy na lumingon sa nakaraan para sa mga anak. He started to look forward to a life with them in the States. Iyon ang naging pinakamalaki niyang pangarap—ang bumuo ng mas magandang relasyon sa mga anak. How he missed them. Kulang na kulang ang mga oras nila sa Skype. Kung puwede lang, maya’t maya siyang uuwi sa Pilipinas. Pero kasabay ng paghahangad na makasama ang mga anak ay ang bumuo rin ng buhay na hindi konektado sa kanyang ina.

Ang mga nangyari noon ang nagturo sa kanya ng isang importanteng leksiyon. Hindi na siya mauuwi uli sa ganoon. He would never be dependent financially on his mother again. Or his father. Or any other person, for that matter. He realized that he needed to do something about that problem. Iyon ang dahilan sa pagsisikap niyang magsarili. Sa isang banda, naging mabait sa kanya ang tadhana at ang Diyos. The business was a success. Simula pa lang, nararamdaman na niya iyon. Kulang ang mga Asian products sa market at mahirap ang access doon. He made it easier for consumers. It was all a matter of logisctics.

Nabigyan ni Mark ng solusyon ang malaking international shipping cost sa paglalagay ng online selling system na may one week delivery policy. He was importing from the Philippines and the rest of Southeast Asia, India, Japan, and Korea. What started out as a simple business was now earning more than he could ever spend. Maliit lang ang staff, pero lahat ng trabaho, nakasentro sa kompanya. It was a business without a real product. It was work efficient and online based mostly. His office was small and looked more like a studio.

Nakatulong nang malaki ang kanyang pagtatrabaho sa call center para makita ang maganda at hindi sa sistema ng kompanya. He focused on work-efficient and result-centered strategies. Sa huli, isang malaking negosyong maliit ang overhead ang resulta at mga empleyadong kaunti man pero masaya, hindi pressured, at malaki ang benepisyo. He was featured in business magazines a couple of times and invited for talks in the growing online business community.

Higit sa inasahan ni Mark ang negosyo. He had everything money could buy. He even had a girlfriend who shared the same passion as his. But he never felt anything strong about any woman ever again. Dumating sa puntong naisip niya na siguro sa pagtanda ng tao naiiba rin ang point of view sa pagmamahal. Normal siguro ang ganoon.

But seeing Maristel again made him realize the reason why he did not feel anything as strong as he felt for her ever again. The answer was so simple, it was ridiculous. Imposible pala sa isang puso ang magmahal na katulad ng dati kung ang pagmamahal na iyon ay hindi pa rin nawawala. He still loved her. Still loved her with the same passion as before. Seeing her made him ache.

Mas masakit na hindi niya alam ang kahit na ano tungkol sa personal nitong buhay, sa buhay nang labas sa mga anak nila. Hindi siya nag-abalang magtanong at ni ayaw niyang malaman pa. Wala siyang ideya kung nagkatuluyan ba ito at ang lalaking ipinagpalit sa kanya.

“Ipinagpalit,” that’s rich, sa isip-isip ni Mark. Hindi siya ipinagpalit dahil wala na silang relasyon nang mga panahong iyon. Umasa lang siya kahit hindi siya pinaasa. Wala siyang karapatang magalit o sumama ang loob. Madalas lang, naitatanong niya sa sarili kung nakabuti ba o nakasama na sinabi niya rito noon ang tungkol kay Faith. Hindi alam ni Mark kung gagawin niya uli iyon kung sakaling maibabalik nga ang kanilang nakaraan. If it meant that he would have to go through all this loneliness, without her and their children by his side, then lying about Faith would be worth it. Pero kung sakaling maibabalik man ang nakaraan, hinding-hindi na niya lalapitan si Faith. In fact, he would not even be working in that company.

Bumaba na si Mark ng kotse. Nasa tapat na siya ng airport. Ang daming laman ng kanyang isip habang naghihintay sa labas ng boarding gate. Gustong-gusto niyang tawagan si Maristel, pero parang nahihiya siya. Tinawagan na lang niya ang bunsong anak.

“Papa!”

“Kumusta kayo ni Kate? Ang mama mo?”

“Si Ate po natutulog. Si Mama po nagtatahi.”

“Ng?”

“Ng basahan po.”

Parang may bumundol sa dibdib ni Mark. “Bakit daw?”

“Di para po ibenta,” sabi ni Kiko na parang nagtataka pa sa tanong niya.

“Noon pa ba siya nananahi?”

“Opo naman. Kailangan pong maging masipag para maging maunlad ang buhay,” sagot ni Kiko, halatang kino-quote ang ina.

“Puwede ko ba siyang makausap?”

“Okay po.”

Narinig ni Mark na tinawag ni Kiko si Maristel, parang tumatakbo papunta sa ina. Mayamaya, narinig na niya ang boses ni Maristel. “Hello?”

I’m sorry for failing you again. May nabuong hapdi sa kanyang lalamunan. Diniinan niya ang mga mata para pigilan ang pagbagsak ng mga luha. Mahirap awatin ang kanyang damdamin pagdating kay Maristel. “Kumusta?”

“Ayos lang. May kailangan ka?” Malamig ang tono nito at naiintindihan niya iyon.

“Ang sabi ni Kiko, nananahi ka raw? Why?”

“Wala naman akong ibang ginagawa.”

“You don’t have to sell anything anymore. I will provide for you and the children.”

Bumuntong-hininga si Maristel. “Salamat. Pero kailangan kong magtrabaho.”

“Hindi mo kailangang manahi ng basahan.”

“Wala akong nakikitang masama doon. Basahan, punda, kurtina. Ano’ng masama doon?”

“Nothing wrong with that. It’s just that you don’t need to anymore. I will provide,” giit ni Mark. “I will provide more than I have before. I’m sorry about that. There was a misunderstanding. But it’s settled now.”

“Salamat. Pero nasa akin ang karapatan kung gusto kong manahi.”

“Why?” giit niya.

“Dahil hindi ko alam kung kailan uli darating ang problema, Mark. Walang kasiguruhan sa buhay na `to. Mas mabuti nang nakahanda ako. May dalawa akong anak at hindi puwedeng patambay-tambay lang ako kung kaya ko namang manahi.”

Masakit iyong marinig mula rito. Walang tiwala sa mga salita niya si Maristel at hindi ito masisisi ni Mark. Ilang taon na pinasan ni Maristel ang mabigat na responsibilidad na akala niya, siya ang nagpapasan lahat. Naintindihan din ni Mark na hindi makukumbinsi si Maristel ng mga salita lang. He needed to prove it to her. And he would.

“Take care. I will be back soon.”

“Soon?”

“Yes. Very soon.”

“Akala ko sa Amerika ka nagtatrabaho?”

“Yes, but I want to be with my children.”

Ilang sandali bago nakasagot si Maristel. “Dito ka sa bahay titira?”

“Yes.”

Natahimik uli si Maristel. Sinabi nito mayamaya, “Pero dito rin ako nakatira.”

“Will it be a big problem? I can rent a house, if that’s what you prefer.” Masakit, pero kailangan ni Mark na igalang ang kagustuhan ni Maristel. Anong klase siyang tao kung nagbigay siya ng bahay at kasama siya sa package kahit ayaw nito?

“Rent? Bakit hindi ka umuwi sa mama mo? Malapit lang naman siya dito.”

“I’m afraid that’s not possible. We had a little disagreement.” Fuck. It was the same old story. Hindi na yata magbabago ang kanyang ina. May anak bang gustong mapalayo ang loob sa ina? Pero kung ganoon naman ang ina, bakit niya pahihirapan ang sarili? Bakit niya hahayaang magkaroon ng relasyon ang kanyang mga anak sa isang taong baka saktan lang ang mga ito pagdating ng panahon, tulad ng nangyari sa kanya? How could he allow his happy children to form a relationship with such a toxic person? Kailangan niyang aminin iyon, masakit man.

“H-hindi mo na kailangang mag-rent. Alam naman natin pareho kung saan ang lugar natin.”

Oh, do I know. “I’ll see you soon.”

Tinapos na ni Maristel ang tawag. He longed for her “I love yous” and “I miss yous” like before. Kung sana puwedeng ibalik ang panahon para hindi sila mauwi sa ganoon—isang bakanteng espasyo.