noveltoon logo noveltoon
Mark Cardinal (Cardinal Bastards Series 7)

Chapter 23

Ch. 24 / 26 Apr 09, 2022

23

N APUNO ng tensiyon ang sasakyan. Parang nakakailang na isiping may ibang kahulugan kay Mark ang lahat, maliban sa simpleng pag-alala sa nakaraan. May mga taong sharp ang memory. Baka ganoon lang si Mark. Kung naalala ni Maristel ang lahat dahil mahal niya ang lalaki, baka naman iba ang dahilan nito. O siguro, tama rin na isiping may pagmamahal sa kanya si Mark dahil ang katotohanang siya ang ina ng mga anak nito at hindi na iyon magbabago. Ang tanong lang, tama ba ang ginagawa niyang parang gustong umasa na may higit pa roon?

Buwisit na feelings. Palagi na lang sa lalaking ito sumusumpong. May girlfriend na siya. Pareho kaming hindi na teenager na kung ano ang maisipin, iyon ang ginagawa. Iba na ang at stake ngayon. Isa pa, sanay na rin naman ang mga bata na hindi kami buo dahil nandoon naman siya para sa dalawa. Wala nang dahilan.

“Maristel, I…”

Napatingin siya rito. Mukhang may hindi masabi-sabi ang lalaki. “Ano `yon?”

“Nothing.” Binuhay na ni Mark ang makina ng sasakyan at pinasibad iyon.

Tahimik lang sila sa sasakyan hanggang sa makarating sa bahay. Ayaw pa ni Maristel na matapos ang gabi, sigurado siya roon. “Gusto mong magkape? Latte? May cake din sa ref.” Napangiti siya.

“I wouldn’t say no to that.”

Tumuloy na sila sa kusina. Tulog na ang mga kasambahay. Nagtimpla siya ng café latte. “Daming arte ng tawag, kapeng may gatas lang naman pala,” sabi niya habang hinihintay kumulo ang percolator.

Natawa si Mark. “I’m amazed though, that we’d get a perfect score.”

“Ang galing natin. O, di hindi nasayang ang ibinayad. Kailan tayo aalis?”

“I don’t know. This coming week maybe?”

Tumango si Maristel. Inilabas niya ang cake sa ref. Mahilig sa cake ang mga bata dahil noon, tuwing may birthday lang puwedeng kumain niyon. Inihain niya ang cake. “Hindi ko alam na German pala ang cake na `yon. Paano mo malalaman kung German?”

“I don’t know anything about cakes, but I can remember the tag,” sabi ni Mark.

“Naaalala mo pati suot ko.”

“You as well.”

“Naaalala ko kasi sabi mo naka-green ka, `di ba?”

“At muntik ka nang umalis.”

“Paano, `yong mamang naka-green doon sa coffee shop, nakakatakot ang hitsura. Na-disappoint talaga ako. Mukha siyang pamilyado na. Sa isip-isip ko, ito ba `yong Mark? Kaya pala `kako parang mature na magsalita kasi talagang mature na! Lagpas na yata sa kalendaryo!”

“Naalala mo din ang tricycle natin.” Nakangiti si Mark nang sabihin iyon.

“Paano ko malilimutan `yon? Isinakay mo ako doon at dinala sa manggahan.”

“Pangarap natin `yon noon.”

Tumango si Maristel. “Hindi ko alam kung nabili na `yon o hindi pa rin. Matagal na rin akong hindi nakakauwing Tarlac. Minsan nga sila na ang dumadalaw sa akin dito. Pero bihira din. Si Tiyang, ilang taon ko nang hindi nakikita. Tumatawag naman at may Facebook din.”

“Parang kailan lang.”

Napatango siya. Ang bilis ng panahon. Sino ang mag-aakala na doon sila mauuwi? Isang bahagi ng kanyang puso ang kumirot. Sino ba sa kanila ang nag-akala na sa ganoon mauuwi ang lahat? Wala siguro.

“Have you forgiven me, Maristel?”

“Saan?”

“Sa nangyari noon.”

Tumango siya. “Hindi rin kita masisi. Napagod ka.”

“I was weak.”

“Tulad ng lahat ng tao.”

“I was supposed to be a lot stronger. I disappointed you. I lost my family.”

“Hindi. Hindi nawala sa `yo ang mga bata.”

“But I lost you, Maristel.”

Magkakasunod ang naging paglunok ni Maristel. Nakatitig sa mga mata niya si Mark. Mabilis ang tibok ng kanyang puso, kasabay ng kung ano na namang kirot. Mukhang malaki ang pinagsisisihan ni Mark. Ayaw niyang bigyan iyon ng kahulugan. “Nandito pa rin naman ako. Pareho tayong magulang ng mga bata. Kahit kailan, hindi iyon mawawala. Kahit saan tayo magpunta, kahit ano pa ang takbuhin ng mga buhay natin—”

“But that’s just the thing, our lives were not meant to be lived separately.”

Matagal bago nakapagsalita si Maristel. “Minsan, may mga bagay talagang dumarating nang hindi natin inaasahan.”

“I made so many mistakes.”

“Tulad ng lahat ng tao.”

“Kung minsan lang, naiisip ko, masaya ang buhay noon kahit simple lang. I have never found such happiness again.”

Halos hindi makapaniwala si Maristel. “K-kahit nasa New York ka? Sabi nila, masaya daw ang New York.”

“No. It’s always full of everything and everything is expensive, too. You’d see all kinds of people there, and most of them don’t care. It’s great for business, big ones. Not a lot of people survive. I think what I’m trying to say here, Maristel, is… I have never found the kind of happiness you gave me anywhere. You deserve to know that.”

Bigla ang init na nadama niya sa puso na umakyat sa kanyang mga mata. “B-bakit mo sinasabi ngayon `yan?”

“Dahil kailangan kong sabihin. I swear I don’t intend on making your life miserable or asking for something in return. I just simply wanted to let you know.”

“Para saan?”

“Para malaman mo na hindi ko binale-wala ang lahat noon. I don’t want to live my life thinking you never found out how much you meant and still mean to me. You will always be the one who got away.”

MAHAL pa rin kita, gustong sabihin ni Maristel pero hindi niya magawa. Naubusan siya ng mga salita. Naubusan siya ng tamang reaksiyon. Hindi niya alam kung ano ang tamang salita sa ganoong pagkakataon. Kung alam lang ni Mark kung gaano kahalaga sa kanya ang lahat ng sinabi nito. Parang binura ang mga taon, ang lahat ng pagkakamali, ang lahat ng masasakit na salitang nabitiwan.

Hinawakan nito ang kanyang kamay at pinisil. “I’m sorry if I scared you.”

“No, hindi.”

“You seem terrified.”

“Hindi. Nalulunod ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.”

“You don’t have to say anything.” Tumayo ito. “I think it’s getting late—”

“No. Don’t you dare leave. Pagkatapos mong sabihin `yon, aalis ka? Hindi puwede.” Humakbang palapit si Maristel. Hindi na niya alam kung ano pa ang sasabihin.

Salamat at hindi na naghintay ng mga salita si Mark. Bumaba ang mga labi nito sa kanya. He kissed her. Naipikit niya agad ang mga mata at tumugon sa halik. It was the sweetest kiss she ever had. Parang mababaliw siya sa halik na iyon. His kiss was so passionate, and it told her how much he missed her.

Daig ng halik na iyon ang first kiss. Daig ang lahat ng halik na napagsaluhan nila. It was a kiss that was filled with so many emotions. It was a kiss that would have made it to the world records. It should be. Kung anong kategorya, hindi niya alam. All she knew was that it was that special, a kiss that could chase away the bad years and make one hope when hope was almost gone.

Patuloy ang kanilang halik at ayaw ni Maristel na tumigil pa. He must have kissed her for about a half hour and still they were both hungry for more.

“I missed you so much,” sabi ni Mark habang nakakulong sa mga kamay ang mukha ni Maristel.

“Sabihin mo sa akin na tama ito, Mark.”

“Of course.”

“M-may girlfriend ka.”

“It’s nothing. It means nothing. I will end it as soon as possible. And you?”

“Hindi ko boyfriend si Christopher. Hindi ko naging boyfriend kahit kailan.”

“Oh, Maristel.” Muli siyang hinalikan ni Mark. It was a different kiss this time. It was hotter. Agad na nag-init ang kanyang pakiramdam. So many nights she had woken up from a dream of them making love. She had needs; needs that seemed to never be fully fulfilled. There were nights when she would lay in her bed and remember the times they were making love like the young lovers that they were. Sometimes she allowed herself to imagine him making love to her the way they did before.

Bumaba ang mga labi nito sa kanyang leeg. He drew small circles on her skin with his tongue. Naipikit ni Maristel ang mga mata. Itinaas ni Mark ang mga braso ni Maristel para mahubad ang kanyang damit. Noon siya natigilan.

“Baka biglang magising ang mga bata,” sabi niya.

Umalog ang mga balikat nito. “God forbid that crazy son of ours color his penis again.”

Natawa siya. “Mana sa `yo.”

“Kailan nagkulay-blue ang akin?”

“Kapag meron ako noon.”

Ang lakas ng tawa nito, saka siya binuhat. Nakakapit lang siya sa mga balikat nito habang paakyat sila sa hagdan. Salamat at walang makulit na batang nangangailangan ng atensiyon na biglang sumulpot. Dinala siya nito sa kanyang silid. He locked the door and kissed her again. This time, he took off her clothes. And his, too.

“You are even more beautiful now.”

Bahagyang nailang si Maristel. Hindi niya alam kung totoo iyon. Ilang ulit na ba niyang naitanong sa sarili kung ano kaya ang hitsura ng mga babaeng na-involve kay Mark sa Amerika. Mga mas bata siguro dito at siguradong mga mukhang artista. Nakita niya sa Internet noong nakaraan si Tracy, ang unang girlfriend ni Mark. Jetsetter ang babae, may Instagram na maraming followers at parang maganda ang lahat sa buhay nito. Sigurado si Maristel na ito ang babaeng nakausap niya noon sa phone dahil hinanap din niya ang background nito. Pareho ng eskuwelahan ni Mark noong high school, ka-batch pa. Wala siyang panama sa ganda nito at naisip niyang malamang, wala rin siyang panama sa mga naging girlfriend ni Mark sa New York. Isa lang siyang aksidente.

Pero hayun ang lalaki at sinasabing maganda siya, tulad ng pagsasabi nito kanina sa harap ng lahat na siya ang pinakamagandang babaeng nakita nito sa unang pagkikita nila kahit pakiramdam niya ay mukha siyang yagit noong mga panahong iyon.

“Bolero,” sabi niya.

“Never.” Muli siya nitong hinalikan. She could feel his length on her skin. The feeling was luscious.

Lalong nag-init ang pakiramdam ni Maristel. Dinala siya ni Mark sa kama. He kissed her lips again, before lifting her arms up. His hands slid down from her arms to her breasts. Nagtayuan ang lahat ng balahibo niya sa katawan. His tongue touched the tip of her breast. Isang anas ang kumawala sa kanyang mga labi.

Soon, he was sucking on the taut peak of her breasts, flicking it with his tongue, drawing circles around it, gently nibbling. She looked at him give her pleasure. His tongue moved down her body. Walang pagmamadali ang pagkilos nito. It drove her wild to see his nakedness, how hard he was.

Soon, he was kissing her inner thighs. Itinaas nito ang kanyang mga binti. The soles of her feet were on the mattress as he placed his head between her legs. The first touch of his tongue was divine. He seemed eager to give her pleasure. His tongue dipped into the gap between her legs, before focusing his attention where she felt the most pleasure. Kusang napapapikit ang kanyang mga mata kahit ang atensiyon niya ay nasa lalaki. She loved looking at him driver her wild.

She gasped when she felt him thrust a finger into her while his tongue continued its motion around the sensitive bud. Before she knew it, she was reaching her climax. Seeing the pleasure on his face sent her to another wave of orgasm.

“Stop…” sabi ni Maristel, hinigit pataas sa kanya si Mark.

He allowed her to enjoy her orgasms, holding her to him, kissing her wildly. She started to feel him. He was very aroused indeed. She stroked his length, before giving him the pleasure he just gave her.

Mayamaya, hinigit siya nito nang banayad. They were side by side, her back on him. He lifted her leg up and spooned her. Him inside of her still felt familiar. Soon, she was close to reaching her climax again. They did together. Yumakap ang mga braso nito sa kanya. He never let her go. Unti-unting bumalik sa normal ang tibok ng puso ni Maristel. Pumihit siya paharap kay Mark, saka ito niyakap. Kung bakit parang naiiyak siya na hindi niya maintindihan.

“Everything all right?” tanong nito.

Nahihiya siyang tumango, hindi makatingin sa lalaki. Itinaas nito ang kanyang mukha. Naitakip niya ang kamay sa bibig.

“What?” nakangiting tanong nito, parang natatawa.

“Wala lang. Parang nakakahiya lang.”

“And why?”

“Hindi na ako sanay.”

“Madali namang masanay uli. Tutulungan kita.”

“Loko!” Tinampal niya ito sa braso.

Ang lakas ng halakhak ni Mark, saka hinalikan sa balikat si Maristel. Niyaya siya nito sa shower. Sa bathtub, matagal nilang dinama ang isa’t isa, nagtitigan, at naghalikan. Bago pa namalayan ni Maristel, may nangyari na naman sa kanila. Nang magbalik sila sa silid, pareho silang pagod. May mga iniwan itong damit sa bahay at iyon ang ginamit. Siya naman ay nagpalit ng simpleng pambahay. Mabilis siyang nakatulog at muntik nang mapasigaw nang magising dahil ang nabungaran ay ang bird ng anak na kulay-green.

Nakatulog si Kiko sa pagitan nila ni Mark at dahil malikot matulog, nakabaluktot at ang bird ay nasa bandang mukha ni Maristel. Balikwas siya ng bangon. Nagising din si Mark at nakita ang “view” at muntik nang mahulog sa kama, saka tumawa nang malakas.

“Akala ko ba hindi na ito magkukulay ng bird?” tanong ni Maristel, natatawa rin. Tulog na tulog pa rin si Kiko.

“Tatanungin ko mamaya,” sabi ni Mark.

“Paano nakapasok?”

“Uminom ako ng tubig kagabi. Hindi ko siguro nai-lock ang pinto. Lokong bata ito, sa gitna pa talaga pumuwesto.”

Umungol si Kiko mayamaya at nagising na rin. Agad itong ngumiti sa kanila.

“Good morning,” bati ni Maristel.

“Good morning, parents.”

“Anak, bakit may color na naman ang bird mo? May usapan tayo, `di ba?” tanong ni Mark.

“Nakalimutan ko po, eh. Naalala ko po, kalahati na ang nakulayan ko. Kaya binura ko po, pero masakit po.”

“So, bakit ka nandito at wala kang briefs?”

“Nakita ko po na may pumasok sa kuwarto mo, Mama, kaya tiningnan ko. Si Papa pala. Inaantok na ako kaya natulog na lang ako dito.”

Ang cute-cute ni Kiko. Kunsabagay, wala namang pagmamanahan na hindi cute. Pero sa magkapatid, talagang ito ang nakakuha ng hitsura ni Mark. Si Kate, hati ang feautures ng mukha—kay Maristel at sa ina ni Mark.

Lumabas na rin sila at bumaba. Nakahain na ang almusal at nasa hapag na si Kate, ismarteng-ismarte habang nagbabasa ng libro.

“So?” sabi nito na parang excited. “How did the evening go po?”

“It went very well, young miss,” sagot ni Mark.

Napatingin si Maristel kay Jing na sa pagkakangiti pa lang, parang alam na agad ang nangyari. Hindi na lang siya umimik. Masaya siya at mukhang masaya rin si Mark. Sa katunayan, parang masaya ang lahat. Magaan ang pakiramdam ni Maristel. Parang kahit ano pa ang mangyari sa araw na iyon, walang makakapag-alis ng ngiti sa kanyang mga labi.

“Tell us about it!” sabi ni Kate.

“Well, it was a lovely evening and the parents will be able to build a new locker room for the next school year. We won the contest and we will all go swimming this coming week. Sounds good?” sabi ni Mark.

“Yay!” halos sabay na sabi ng dalawang bata.

Habang pinagmamasdan ang mag-aama, walang ibang maramdaman si Maristel kundi kasiyahan at pasasalamat. It took a long time but finally, the storm had passed. Kahit hindi pa ganoon kapino ang paglalayag, parang payapa na ang alon at wala nang darating pang bagyo.