noveltoon logo noveltoon
Mark Cardinal (Cardinal Bastards Series 7)

Chapter 21

Ch. 22 / 26 Apr 09, 2022

21

L YING in bed, Mark asked himself why he was such a bastard. Ang gusto niyang gawin kanina at maging sa ngayon ay ang komprontahin ang Christopher na iyon, itanong kung ano ang karapatan nitong pumasok sa buhay ng kanyang pamilya. Sa isang banda, pakiramdam niya, utang ng lalaking iyon na ibigay sa kanya ang pamilya. Na parang may obligasyon sa kanya ang mundo at kailangang ihain ang lahat nang ganoon na lang.

He felt embarrassed at how arrogant he was. Kung alam lang ni Maristel kung gaano katindi ang effort niya kaninang magkausap sila. Gusto niya itong pagsabihan, gustong itanong kung bakit isinuko na nito ang “sila.” Na parang nandoon siya sa tabi nito sa mga taong nakalipas at gumagawa ng paraan para ayusin ang kanilang relasyon.

Sa loob ng mga panahong iyon, nasa Amerika siya at nagdesisyong gagawa na ng sariling buhay. He managed to convince himself that he was indeed making a life for himself, away from Maristel. He made himself believe that the past was gone and one day he was going to look back at all that and say that it made him stronger, a better person.

Wala nang naging puwang sa isip ni Mark ang idea na magkakaroon sila ng reconciliation ni Maristel. He wanted it to be so. She was going to be a part of his past. May ibang buhay na naghihintay sa kanya at siguro, ang tanging dahilan kung bakit sila nagkaroon ng ugnayan ni Maristel ay para sa kanilang mga anak. It was how a greater power molded his life.

Sa mundong mabilis at maraming kailangang gawin, hindi mahirap sa kanyang isipin na ganoon nga. Kasama sa pagbuo ng bagong buhay, kasama sa mismong bagong buhay, ang isang babaeng katulad niya ang vision. It was mainly why he got involved with his girlfriend, Elaine Wong. She was a Vietnamese businesswoman. Magkasundo sila sa maraming bagay at pareho nilang naiintindihan na negosyo ang focus ng kanilang oras.

Elaine, like him, was a young businesswoman. Pareho silang nasa mundo kung saan nakabase online ang platform. Elaine was always traveling. While he focused mainly on food products and logistics, Elaine was focused on textiles. Convenient para sa kanilang dalawa ang setup. No guarantees, no promises. Malinaw kay Elaine na hindi pa ito handang mag-settle down. Malinaw kay Mark na hindi siya naghahanap ng isang relasyon na nangangailangan ng maraming oras.

May pagmamalaki pa siyang nararamdaman tuwing naiisip na ang relasyon nila ni Elaine ay isang klase ng relasyon na maipagmamalaki dahil kakaiba iyon. It required two mature individuals who were not in any way, shape or form, dependent on each other. Sa isang banda, tama naman na hindi dapat nakaasa sa iba ang personal na kaligayahan ng isang tao, pero hindi rin siguro normal isipin na kayang tumayo sa sarili ang emosyon ng isang indibidwal.

It was human nature to need to feel. His relationship proved he did not really want anything emotional from Elaine and that was what made their relationship work for so long. It was the kind of relationship both of them could do without, but for the same reason he was now asking himself why they even bother. There was no real passion there, the kind that made people want to soar. The kind that made people soar. Those kinds of emotions did make people soar. But they also blinded them sometimes.

Naisip ni Mark na mahirap din palang sala sa init, sala sa lamig. Maybe that was why humans were the cause of their own destruction also. And he was the cause of his own weaknesses as a young man. He was not strong enough. Pero sawa na siyang magsisi tungkol sa nangyari sa kanila noon ni Maristel. If he would never forgive himself, how could he grow as an individual? He tried his best. He made a mistake. He lost the love of his life that way. At kahit ayaw na niyang magsisi sa mga pangyayari noon, hayun na naman siya.

It seemed he could never get things right. Ang daming sana. Ang daming mga bagay na nagawa sana niya, pero piniling huwag gawin. Ngayon, gusto na niyang gawin kung kailan huli na ang lahat. Gaano siya ka-selfish para sumubok uli kay Maristel ngayong may matinong lalaki na nagpapasaya rito? No, he would not go down that path. Isa lang naman ang kahahantungan niyon—mapipilitan na lang si Maristel na harapin siya bilang ama ng mga anak nila, pero personally, maiirita na itong makita siya dahil wala siyang ginawa kundi hadlangan ang kaligayahan nito. She would resent him. Hindi niya ito masisisi dahil kung may tao ring pipigil sa kanyang sumaya, ano ang mararamdaman niya para sa taong iyon kundi inis, galit, iritasyon?

Sino ang nagbigay ng karapatan para sabihin na mas magiging masaya si Maristel sa kanya kundi ang ego lang niya? She did not love him anymore. Not romantically at least. Pero gusto ba talaga niyang dumating ang panahon na kahit ang kanyang pagiging ama sa mga anak, maapektuhan na rin?

Kahit nga ang pagtira sa bahay na bigay niya sa mag-iina ay isang patunay na gusto niyang samantalahin iyon para mapalapit kay Maristel, isang bagay na hindi tama. Kailangan niyang humanap ng ibang matitirahan.

Pagod man, naghanap si Mark sa Internet, pero nakatulugan na rin iyon. Nang magising, napakalamig na sa silid. In-off niya ang aircon at naligo. Alas-diyes ng gabi. Gutom na siya. Paglabas, nakita niyang patay na ang mga ilaw sa hallway. Sa ibaba, patay na rin ang ilaw sa sala. Gusto niyang matawa. Talagang hanggang ngayon, matipid si Maristel. Tumuloy na siya sa kusina at nakita sa counter ang nakatakip na pagkain. Napangiti siya nang makitang pinangat na isda ang naroon, kasama ng ensaladang kamias. Mayroon ding adobong manok, bicol express, at gisadong beans.

Maristel… May kirot sa puso ni Mark. Habang-buhay niya itong hahanap-hanapin, alam niya. It was the price he had to pay after making one mistake right after the other. He would take it as a decent human being should—with dignity.

He ate like he did before. Sinasaid niya ang laman ng rice cooker nang makarinig ng ingay. Paglingon, nakita niya si Maristel. She was even more beautiful now. Ilang babae ba sa mundo ang paganda nang paganda habang nagkakaedad?

“May kanin pa sa ref. Teka, kukunin ko.”

Hindi na nagpakipot si Mark. Inilabas ni Maristel ang kanin at isinalang sa microwave. Matapos ang dalawang minuto, inihain na nito iyon.

“Salamat.”

Tumawa ang babae. “Naubos mo ang laman ng rice cooker.”

Biglang napahiya si Mark. “Gutom ako, eh. Hindi masarap ang pagkain sa eroplano.”

“Nahiya ka naman daw. Sus. Kain nang kain.”

“Kain din.”

“Dessert na lang sa akin.” Kinuha nito sa ref ang isang garapon na may minatamis na saging na may langka.

“Naku naman,” ungol ni Mark. Iyon ang paborito niya. Para siyang buntis na naglilihi, naglalaway sa dessert, kahit naglalaway pa rin sa kinakaing mga ulam. “Ang sarap niyan, Maristel.”

Tumawa uli ito. “Wala nito sa Amerika, `no?”

“Wala. May cook ako doon na Pinay, masarap ding magluto. Pero iba talaga ang luto mo.” Totoo iyon. Taga-Maynila rin ang cook niya kaya simple lang ang mga alam na putaheng Pilipino. Mas magaling pang magluto ng pasta at tacos dahil lahing Italian ang asawa at ang anak naman ay nakapangasawa ng Mexican. Sinabi niya iyon kay Maristel.

“So, puro tacos ang kinakain mo?”

“Hindi naman. Nagpapaluto rin ako ng kanin. Hindi nga lang araw-araw kasi hindi rin ako araw-araw nakakapag-workout.”

“Maganda naman ang katawan mo.”

“I try to work out. Ayokong maging katawang-Tito.”

Ang lakas ng tawa ni Maristel. “Ang arte mo naman. Si Kuya nga, ang taba na ngayon.”

“How is he?”

“Okay naman. Gumanda ang buhay nila kasi nga nag-abroad ang asawa. Sina Bot-bot naman nasa Taiwan na rin, may dalawang taon na. Si Kuya apat na ang jeep, pinapa-boundary niya lahat. Ayaw na ng hipag kong bumiyahe si Kuya kasi nagka-chicks noong bagong alis siya. Muntik na ngang nagkahiwalay `yong dalawa.”

“But everything is okay now?”

“Oo. Naayos din. Ga-graduate na ng high school `yong isa kong pamangkin next year. Sabi ni Kuya, baka daw pauuwin na rin niya ang misis niya kapag nakabili ng dalawa pang jeep. Mukhang bibili na uli sa isang buwan, eh.”

“They never helped you out.” Ayaw man, iyon ang lumabas sa bibig ni Mark.

“Hindi naman kami nangailangan.”

“Guada?”

“Okay din naman sila. Nag-abroad din ang asawa, pero sa Canada. Inaayos na rin ang papeles nila, pero magtatagal daw. Nag-family planning ang dalawang `yon kaya isa lang ang anak at maayos din ang buhay. Si Tiyang naman, natahimik na sa wakas doon sa probinsiya. Sila pa rin ni Tiyong Fides at awa ng Diyos, hindi na namin problema. Kami naman ng mga bata, kahit hindi masasabing maalwan araw-araw, maayos din naman kami, Mark. `Wag mong isiping hindi. May nag-aalaga sa mga bata, maganda ang eskuwelahang pinapasukan nila, may magagandang gamit. Ano pa ba ang hihilingin ko? Kung noon siguro, ni hindi tayo makakapangarap na mag-aral sila sa school nila ngayon, `di ba?”

“It’s just that I thought they were having the kind of life I imagined them to have all those years, Maristel. Pero mangyayari na `yon ngayon.” Sumubo siya ng kanin at ulam. “Ano ba ang sekreto mo at iba talaga ang lasa kapag ikaw ang nagluto?”

“Ano pa, eh, di alindog.”

Nagkatawanan sila. Kuwela pa rin ang babae, hindi lang mahahalata agad. Si Maristel ang tipo ng taong hindi palangiti kapag hindi pa kilala ang isang tao, pero kapag nakilala na, lumalabas ang pagkakomedyante.

“You are one of a kind. You finished school.”

“Dasal lang at sipag.”

He knew she was being humble. Ang pagkasyahin ang lahat ng iyon at makapag-aral pa rin ay isang malaking accomplishment. Lalong para siyang dinidikdik. But if it was any consolation, he fell in love with a wonderful woman. His heart was never wrong about her.

Ipinaglagay siya nito ng saging sa isang bowl. Naghugas siya ng mga kamay at kumain ng dessert. Walang luxury macarons o kahit na anong dessert pa mula France hanggang Italy ang makakapantay sa simpleng minatamis na saba ni Maristel. Napapangiti siya habang kinakain iyon.

“Iba talaga kapag ikaw ang gumawa.”

“Kasi nilalagyan ko ng kaunting pandan at kaunting langka. Kung makapagsalita ka naman, parang milagro.”

Ang lakas ng tawa ni Mark. “You will never stop making me laugh.”

“Ikaw, ano ang naging buhay mo sa Amerika? Sabi mo, nagkaroon kayo ng problema ng mama mo. So, paano ang negosyo ninyo?”

Naintindihan ni Mark na wala rin palang alam si Maristel tungkol sa kanya. She never bothered to ask and he guessed she never bothered to find out. Kung inisip niya ang dahilang tapos na sila, malamang na ganoon din si Maristel. Bakit nga naman aalamin pa kung siya mismo, hindi na ito kinakausap sa loob ng mga nagdaang taon? It just seemed to him that they had nothing to talk about. Walang problema sa mga bata at sa minsang pagkakasakit ng kanilang anak, simpleng usapan lang ang namagitan sa kanila. Walang personal na kumustahan, walang personal na usapan. She was always straightforward and their conversations were always about the kids.

“I started my own business in the States.”

Mukhang nasorpresa si Maristel. “Akala ko may business ang mama mo doon.”

“One thing the past taught me was to have enough for myself, that way I’m never going to have to feel helpless being on my own again. I also wanted the kids to have something that came from me.”

“Ang galing mo talaga. Sabi ko naman sa `yo noon pa, kayang-kaya mo.”

“Sabi mo noon, kaya natin kapag magkasama,” sabi ni Mark. Naaalala pa niya iyon at hindi malilimutan. Kahit wala nang sila.

“O, kita mo na, sinolo mo, pero nakaya mo pa rin.” Ngiting-ngiti pa rin si Maristel. “Hindi mo naman talaga ako kailangan sa ganyang bagay, Mark. Alam nating pareho kung gaano ka kagaling. Nakakatuwa ang nangyari sa `yo… Unless hindi successful ang negosyo mo. Baka mamaya ang yabang mo, nagtitinda ka lang pala ng kamatis doon, ha?”

Ang lakas ng tawa niya. “Well, I do sell tomatoes, among many others.”

“Matanda ka na ngayon.”

“Ikaw din.”

Bumelat ito. “Mas bumabata nga daw ang hitsura ko. Hindi tulad mo. Yuck, may crow’s feet ka na, o.” Idinikit nito ang hintuturo sa gilid ng kanyang mata.

Hinawakan ni Mark ang kamay ni Maristel na agad nitong binawi, pero ayaw niyang pakawalan. Naghilahan sila. Impit itong tumili, saka idinutdot ang daliri sa sabaw ng saging na minatamis sa bowl at iginuhit sa kanyang pisngi.

“No, you didn’t!”

“Isa pa!” Inulit nito iyon.

“Oh, you…!” Hinigit niya ito palapit sa kanya. Nabura ang kanyang ngiti, ganoon din ang ngiti nito.

Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso. Ganoon sila noon, walang ipinag-iba. Meron, sa isip-isip niya . She is no longer available. She has someone else as you do.

Pero kahit anong paalala ni Mark sa sarili, nanaig ang damdamin na hindi nawala. It was now coming in its full intensity, having been forced to sleep for a very long time. He wanted to cup her face and he did.

Nanlalaki ang mga mata ni Maristel habang nakatingin sa kanya. He saw her swallowing hard. She seemed confused. But only for a while. She gradually relaxed. She looked at his lips as hers opened a little bit. Napakanipis ng pising hawak ni Mark kanina at napatid na iyon. He moved to kiss her.

“Mama!”

Biglang natauhan si Mark. Ganoon din si Maristel. Agad na lumayo sa kanya ang babae at eksakto ang pagdating ni Kiko sa kusina. Walang pang-ibaba ang bata at kitang-kita ni Mark na kulay-blue ang bird. Umiiyak ang bata.

“Ano’ng nangyari?” Agad na nilapitan ni Maristel ang bunso nila.

Mabilis na naghugas ng mga kamay si Mark habang nakikinig sa anak na patuloy ang pag-iyak. “Kino-color ko po ang bird ko, `tapos sabi po ni Ate Jing kanina, kapag daw po hindi ko naalis ang color, mahuhulog daw po ang bird ko saka lilipad paalis.”

Napangiwi si Mark.

Bumulong si Maristel. “Siguro napikon na rin si Jing. Siya ang naglalagay ng langis sa bird ng alaga niya. Ewan ko ba sa anak mo kung bakit naman gustong-gustong kulayan ang bird niya kahit ilang ulit ko nang sinabi na hindi naman `yan totoong bird. Minsan naiisip kong baka ganyan ka din noong bata ka at nagmana sa `yo.”

“No. Never.”

Nagpaliwanag si Kiko. “Nilagyan ko po ng oil. Pero ang sakit po.”

Agad na tiningnan ni Mark ang problema at napapalatak. Kakakiskis ng bata, nagkasugat ang balat. Maliit lang naman, pero mukha ring hindi oil ang nailagay roon kundi alcohol.

“Kiko, bakit? Bakit kailangan mong kulayan ang bird mo?” tanong niya.

“Para po maganda.”

“Paano naging maganda ang bird na blue?”

“Para pong `yong tattoo.”

“Anak, kailangan nating mag-usap. Do you mind, Maristel?” sabi ni Mark. Umiling lang si Maristel.

Binuhat ni Mark ang anak at dinala sa kuwarto nito. Hinanap niya agad ang label ng marker. Salamat at non-toxic iyon, water-based. Hinugasan niya ang kamay ng bata, pati ang bird nito, saka nilagyan ng kaunting ointment ang bird.

“`Wag mong hahawakan, Kiko. Kailangang gumaling. Kapag hindi agad gumaling, magkakasugat at masakit. Ayokong kukulayan mo ang bird mo, ha, anak? Usapang-lalaki, Kiko.”

“Ano po ang usapang-lalaki?”

“`Yong usapang hindi nasisira.”

“`Pag po usapang-babae, nasisira?”

“Hindi naman.” Muntik nang mapangiwi si Mark. Mali ang ginamit niyang term. “Usapang-tao na lang. Usapang-tao—”

“May usapang-hayop po ba? Ah, parang meow-meow kapag usapang-pusa. Moo-moo kapag usapang baka. Aww-awww, kapag usapang-aso.”

Gusto na niyang mapakamot sa ulo. “Sabihin na lang natin na may mga tao, anak, na kapag nag-usap sila, kinakalimutan lang nila ang pangako kaya hindi usapang-tao. Naiintindihan mo na?”

“Opo.”

“Usapang-tao, hindi mo na kukulayan ang bird mo?”

“Usapang-tao po, Papa.”

Nag-high-five sila. Pinahiga na niya sa kama si Kiko. Parang antok na antok na rin naman ito. Naisip ni Mark na hindi pa niya napapatulog ang anak mula noon. Tinabihan niya ito. Pareho silang nakatingin sa kisame. Naalala niya na kanina, nahalikan sana niya si Maristel kung hindi dumating si Kiko. Pero hindi rin niya sigurado. Baka sa huling sandali, lumayo rin si Maristel.

Biglang nagsalita si Kiko. “Papa, usapang-tao din, `wag ka nang aalis tulad noon.”

Parang sinakal si Mark sa narinig. Nagiging emosyunal siya nitong nakaraan. Gusto niyang mapaluha. Hinagod niya sa ulo ang anak. “Usapang-tao, Kiko.”

Nanatili siya sa tabi nito hanggang sa makatulog ang bata. Bumalik na siya sa kusina. Nandoon pa si Maristel.

“Ayos na?”

Tumango siya. “Sabi niya hindi na niya kukulayan ang bird niya.”

“Mabuti naman. Magpapahinga na rin ako.”

“Maristel…”

Tumingin ito sa kanya, nagtatanong ang mga mata. He silently sighed and said, “Good night.”

“Good night.” Tumalikod na ito.

Kumuha siya ng beer sa ref. Usapang-tao, hindi na ako aalis sa buhay ninyo. Usapang-tao, hindi na ako lalayo sa mga bata. Pero usapang-tao din, Maristel, hindi ako makikialam sa personal mong buhay. I’ve lost that chance.