Epilogue
Epilogue
S
IMPLENG-SIMPLE lang ang kasal, pero makulay. Ang mga anak ang pinapili ni Maristel ng color motif. Tapos na ang seremonya at nasa reception na ang lahat ng bisita. Wala pang dalawampu ang bisita dahil hindi inimbitahan ni Mark ang lahat ng kapatid, kundi ang ilan lang.
Kausap ni Maristel ang biyenang lalaki. Nirarayuma raw ito kaya nasa wheelchair.
“Don’t be fooled, child, I can walk like any normal person. Minsan lang sinusumpong ako ng rayuma,” sabi nito, nakangiti. “I’m very happy that this day finally arrived.”
“Sir—”
“Papa.”
“Papa, salamat. Sa pagtanggap mo.”
“Don’t you worry about your mama. Nakausap ko rin naman at pinagsabihan. Don’t get me wrong, I can’t do that all the time. Only when she’s vulnerable.” Tumawa ito.
Natawa na rin siya. Nagpakumbaba naman ang mama ni Mark at inamin ang lahat ng pagkakamali. Mukhang binuksan nito ang puso, kahit pa nga kapiraso pa lang. Hindi naman siguro puwedeng asahan na agad-agad silang magiging close, pero natutuwa siyang tumulong ito nang husto sa pag-aayos ng kasal at hindi rin nakialam sa mga detalye, maliban sa nag-suggest noong una na isang malaking kasal daw sana ang maganap.
Pinili nila ni Mark ang isang simpleng kasal. Simple and intimate. Sa isang garden sa Tagaytay ginanap ang kasal. Nirentahan nila ang buong venue na may kasamang dalawang gusali kung saan tutuloy ang mga bisita.
“I also apologize, hija, na wala akong nagawa sa sitwasyon. I never knew it was like that. Kung nalaman ko lang, nagawan ko sana ng paraan.”
“Wala pong problema. Hindi naman po naging mahirap masyado ang buhay.”
“I can see why my son loves you very much. You’ve always been very humble, very kind. Sana masundan na si Kiko.”
Biglang nag-init ang mga pisngi ni Maristel. Ang totoo, buntis siya at hindi pa nasasabi kay Mark dahil kaninang umaga rin lang niya nalaman.
Nagkuwentuhan pa sila ni Dante Cardinal, saka siya sinundo ni Mark.
“May I dance with my bride, Papa?”
“Of course.”
Dinala siya ni Mark sa gitna ng garden, kung saan may inilagay na sahig na kahoy. Etta James’ “At Last” played. Nakatitig lang si Maristel sa mga mata ni Mark, habang nakatitig din lang ito sa kanya. He kissed her and they continued on.
“I have a gift for you.”
“Hindi pa ba gift ito?”
“Nope. I got us a nice place to spend weekends in. Iyong dating manggahan. Like we planned before.”
Nagsimulang tumulo ang mga luha ni Maristel at niyakap nang mahigpit ang asawa. Laman na niyon ang lahat ng hindi niya masabi—lahat ng pagmamahal, lahat ng pasasalamat.
Isang Disney classic ang sumunod na kanta, “A Whole New World.” Nagtaka siya, pero naintindihan din kung bakit iyon ang tumugtog. Kinalabit siya ni Kiko, habang si Kate naman ay kinalabit ang ama.
Sumayaw sila ni Kiko. Binuhat niya ito kahit ang bigat-bigat na. Si Kate naman, kahit malaking bulas ay tumapak sa mga paa ni Mark.
“Mama, sana magkaroon na ako ng isa pang kapatid,” sabi ni Kiko.
“You heard that?” sabi ni Mark, kumindat kay Maristel. “You want a new sister or brother, too, Kate?”
“Of course!” sagot ng kanilang panganay.
“Your wish is our command,” sabi ni Mark, kumindat uli kay Maristel.
“Actually…” Ngumiti si Maristel kay Mark. “Meron na.”
Tumigil sa pagsayaw si Mark, halatang nabigla. “Are you serious?”
Ibinaba ni Maristel si Kiko. “Yes.”
Agad siyang binuhat ni Mark at inikot sa saya, saka hinalikan sa mga labi. May kumislap na mga camera at ang kuhang iyon ang magiging centerfold ng wedding album nila. Si Maristel na buhat ni Mark at hinahalikan, habang nakatingin ang mga anak nila—si Kate ay pumapalakpak, habang si Kiko ay nakataas ang mga kamay.
Inilibot ni Maristel ang mga mata sa garden. Nagtama ang mga mata nila ng biyenang babae. May ngiti sa maganda nitong mukha. Isang ngiting totoo, isang ngiti ng pagtanggap. One thing about the old woman was she didn’t give up the fight. But maybe now she realized there was never a fight. Pareho nilang mahal si Mark. At pareho silang mahal ni Mark.
Maristel knew, this was just going to get better.
Wakas