noveltoon logo noveltoon
Mark Cardinal (Cardinal Bastards Series 7)

Chapter 24

Ch. 25 / 26 Apr 09, 2022

24

U MITIM si Maristel pero walang kaso sa kanya. Sulit na sulit ang premyo ng eskuwelahan. Tatlong araw silang pamilya sa isang exclusive resort at wala silang ginawa kundi magkulitan. Puno ng init ang mga gabi niya, habang ang mga bata ay si Jing ang kasama sa hiwalay na silid.

Ang mahihiling na lang siguro ni Maristel ay maging maayos ang samahan ni Mark at ng ina nito. Siyempre, kahit anong mangyari, pareho ang dugong nananalaytay sa dalawa. Iyon lang, wala siyang gagawin para pilitin ang isang bagay na wala siyang karapatang pakialaman. Walang makakapagsabi kung darating pa ang araw na magkakaayos ang dalawa. Sa ngayon, masaya sila ni Mark.

“Ang saya ni Ate,” komento ni Jing. Nasa kusina sila, ang paborito niyang lugar sa bahay. Nasa opisina si Mark, sa inuupahan nitong bahay. Hindi pa ito nakakabalik sa bahay nila dahil hindi pa naikakabit ang mabilis na Internet connection. Napakasipag ni Mark. Kung minsan, madaling-araw na, nasa harap pa ng computer. Palibhasa iba ang oras sa New York—kung saan naroon ang main office nito—at sa Pilipinas. “Baka mamaya masundan pa si Kiko.”

Natawa na lang si Maristel. Kung masusundan man si Kiko, walang kaso sa kanya. Wala na silang problema ngayon ni Mark sa gastusin.

“Magre-resign ka ba sa school, Ate?” tanong ni Jing.

“Siguro. Hindi ko pa alam.” Kung si Maristel ang tatanungin, mas gusto niyang ilaan ang oras sa mga anak ngayong buo na uli ang kanilang pamilya. Marami rin siyang oras na kailangang bawiin sa mga bata mula sa mga panahong busy siya sa pagtatrabaho. Hindi pa nila napag-uusapan ni Mark ang lahat.

“Kung ako sa `yo, mag-resign ka na, Ate. Ano pa ba naman ang kailangan mong trabahuhin, kung si Sir na ang mismong tinatrabaho mo?” Kumindat sa kanya si Jing.

“Luka-luka ka talaga.” Napailing na lang si Maristel. “Marami din naman akong gustong gawin. Siyempre, una ang mga bata, pero gusto ko ring matutong mag-bake.”

“Walang problema. Mag-enroll ka, Ate.”

Sana nga. Hindi pa siya nakakabuwelo, pero maano ba at darating din ang oras na magagawa niya ang lahat ng iyon. Sa ngayon, ang mas mahalaga sa kanya ay ang asikasuhin ang pamilya. May mga babaeng mas gustong magtrabaho kaysa maiwan sa bahay. Siya naman, mas gusto sa bahay. Tulad ng mga plano nila noon ni Mark.

Nagluto na siya para sa hapunan. Nang tawagan niya si Mark, sinabi nitong may meeting daw na aabutin hanggang gabing-gabi. Baka raw hanggang three o’clock sa New York abutin ang meeting. Para siyang tanga na nami-miss agad ang lalaki na parang napakalayo ng opisina nito kahit wala pang beinte minutos ay mararating na niya.

Nang makatapos maghapunan ng mga bata, iniwan na niya ang mga ito kay Jing. Naisip ni Maristel na dalhan ng pagkain si Mark. Sabihin nang pabebe, wala siyang pakialam. Gusto niyang lambingin ang lalaki.

Dumeretso na siya sa unit nito sa isang condo tower. Kumatok siya at bumukas naman ang pinto. Pero ang mama ni Mark ang nagbukas.

“Good evening po,” bati niya, pormal. Nawala ang lahat ng saya ni Maristel. Parang iyong nababasa niyang dementor sa Harry Potter ang matanda, sinasaid ang kanyang energy at kasiyahan sa mundo. Hindi pa rin niya nalilimutan ang ginawa nito noon. Nagkaayos na sila noon at kung tutuusin, wala naman na itong ginawang matatawag na masama. Pero ang motibo nito sa mga ginawa sa ilang taon na nagdaan, simple ang ibig sabihin—ayaw talaga nito sa kanya at walang tiwala. Sa kabila ng ilang taon niyang pagsisikap na maging mabuting ina at maging mabuting asawa kay Mark noon. Minsang naniwala si Maristel na may dapat siyang patunayan dito, pero sa palagay niya, sa ngayon, napatunayan na niya ang lahat ng iyon at higit pa.

“Tuloy, Maristel. How are the kids?”

“Okay naman po. Si Mark po?” tanong niyang tumuloy na sa unit. Nabigla siya nang makitang may babae sa sala.

“He’s in his office upstairs. Maristel, have you met Elaine? Elaine, this is Maristel, the mother of Mark’s children. Maristel, this is Elaine, Mark’s fianc é e.”

“Oh, Mama, please,” sabi ng babae, parang nahihiya. Inilahad nito ang kamay na tinanggap naman ni Maristel, kahit pa nga nabigla siya nang husto. Fianc é e pala ang babae, hindi girlfriend. Hindi man lang naalalang sabihin sa kanya ni Mark.

Pero teka, ang sabi ng lalaki, makikipaghiwalay na ito. Araw-araw sa loob ng nakaraang dalawang linggo mula nang makabalik sila mula sa maiksing bakasyon, umaalis si Mark at ilang araw na umaga na halos umuuwi. Mukhang hindi naman kadarating lang ni Elaine. In fact, mukhang pambahay ang damit nito at nagmukha lang hindi dahil na rin sa kasosyalan mismo ng babae.

Kulang ang sabihing maganda si Elaine dahil napakaganda nito. Mukhang Chinese na nalahian ng puti. Ang kinis-kinis ng kutis, matangos ang maliit na ilong, manipis ang pulang-pulang mga labi na alam niyang walang bahid ng lipstick. Singkit ito. Nakataas lang ang buhok at may nakatusok na chopstick sa gitna, pero mukha pa ring sosyal.

“What’s that you brought, Maristel?” tanong ng ina ni Mark.

“Ah, kaunting pagkain po, Ma’am.” Naiintindihan niya na kahit kailan, hindi siya binigyan ng pahintulot na tawagin itong “Mama,” samantalang si Elaine, iyon ang tawag dito. Parang matagal nang magkakilala ang dalawa. Bakit niya naman iisiping hindi kung fianc é e na pala ni Mark si Elaine? Isa pa, ano ang ginagawa ng matanda sa unit ni Mark? Akala ba niya, hindi magkasundo ang dalawa?

Nalito bigla si Maristel, pero nagdesisyong saka na lang magtatanong. Kung ngayon niya aalamin ang lahat, magmumukha lang siyang tanga. Wala rin siyang balak na tumagal sa ganoong eksena. Gusto na niyang magpaalam at palabasing kaswal lang siyang napadaan, pero napukaw ang kanyang interes nang marinig ang matandang sabihin kay Elaine, “So, my dear, will you plan the wedding this time? I told you last time to let me take care of it. I can help you out. I know you’re very busy and important.” Humarap kay Maristel ang ina ni Mark. “She owns her own business in New York.”

Tumango lang si Maristel.

Sumagot si Elaine. “Mama, please, I’m very embarrassed now.”

“Oh, hush.” Ngiting-ngiti ang mama ni Mark. Noon lang ito nakita ni Maristel na ngumiti, sa totoo lang. “I have already talked to Mark’s father about this also. Naku, gusto ko nang magkaapo. I mean, madagdagan ng apo.”

Doon nasaktan si Maristel. Hindi niya alam kung sinasadya o hindi, pero ano’t anuman, malinaw ang mensahe ng mga salita ng matanda. Simple pero masakit. Hindi para sa kanya kundi para sa kanyang mga anak. Hindi na siya nagtataka kung bakit natiis ng matanda ang mga bata. Oo, hindi ito masasabing naging masama sa mga anak niya na palagi rin niyang tinatanong noon kung okay lang sa mga itong kasama ang lola, pero hindi naging mabuting lola ang matanda. Ngayon niya nasiguro kung bakit. Kahit kailan, hindi nito itinuring na totoong mga apo ang kanyang mga anak.

Nakaramdam siya ng galit. Bigla, gusto niya itong singhalan. Sinadya man o hindi ang sinabi nito, hindi dapat na marinig ng fianc é e ni Mark. Gustong magkaapo? Bakit? Dahil hindi apo ang turing sa mga batang sa kanya nagmula? Ano ba ang ginawa rito ng mga bata?

Tumayo na si Maristel. “Napadaan lang po ako dito.” Ipinatong niya sa coffee table ang dala. Gustong-gusto na niyang umalis doon. Magsama-sama ang mga ito. Mark lied again. Ano kaya ang sasabihin ng lalaki sa kanya this time? Na natukso na naman? Sa mga gabing wala ang lalaki sa bahay at nasa unit, malamang na natutukso ito. At mas madaling matukso sa isang pagkaganda-gandang babae na fianc é e pa pala nito.

Lumabas na siya sa unit, nagngingitngit. Parang ipinamukha pa sa kanya ng ina ni Mark na isang negosyante sa New York si Elaine. Siguro sa isip-isip nito, hindi tulad niyang isang pipitsugin. Para sa mga tulad niya, isang marangal na bagay ang pagiging teacher sa kabila ng kanyang naging sitwasyon. Pero para sa isang tulad ng mama ni Mark, walang halaga iyon. Dahil hindi siya isang businesswoman from New York.

Puwes, isaksak niya sa baga niya ang pera nila. Kung kailangan kong magdildil ng asin para sa mga anak ko, okay lang. At si Mark? Pakasalan niya ang lahat ng gusto niyang pakasalan, wala na akong pakialam. Anon’g excuse niya ngayon, na napagod siya? Na nalunod siya? Saan?

Mabilis siyang umuwi at nagkulong sa kuwarto. Maraming laman ang kanyang isip. Naitanong niya sa sarili kung ano kaya ang sasabihin ni Mark. Kung makapagsalita ito sa kanya, parang walang kahala-halaga rito si Elaine. Iyon pala, pakakasalan nito! Ang na-imagine ni Maristel, isang babaeng parang si Christopher. Iyong nandoon lang, pero walang timbang sa kanya. Obviously, may timbang si Elaine kung inalok ng kasal.

Nagsisisi siyang pinatira pa uli niya roon si Mark. Malamang, gumawa ito ng excuse. O kaya, baka aminin na lang sa kanya ang lahat, saka magpaalam. Baka babalik na ito sa Amerika. Hindi niya alam. Magulo ang kanyang isip. Hindi niya matantiya ang lahat.

Nakatulugan na ni Maristel ang pag-iisip at nang magising kinabukasan, wala pa rin si Mark. Ang galing talaga ng lalaki. Inaasikaso niya ang mga anak nang dumating ito at agad na humalik sa kanyang pisngi, pero umiwas siya.

Halatang nagtaka ito. “Anything wrong?”

“Nagpunta ako sa unit mo kahapon. Hindi mo ba alam?”

Kumunot ang noo nito. “No. Why are you mad?”

“Nakita ko ang mama mo at si Elaine.”

“Oh.” Mukhang nasorpresa ito. “Can we talk about it?”

Umiling siya. “Ano pa ang pag-uusapan?”

“Ano po’ng problema?” tanong ni Kiko, kunot na kunot ang noo.

Napatingin si Maristel kay Kate na nakatingin din sa kanila ni Mark. Kahit ang mga kasambahay, nakatutok ang atensiyon sa kanilang dalawa.

“Nothing. We’re just acting out a scene,” sagot ni Mark. “Let’s talk, Maristel.”

Gusto niyang bale-walain ang lalaki, pero nakatingin pa rin ang mga bata kaya mas minabuti niyang sumama rito. Nagpunta sila sa silid. Biglang tumaas ang kanyang kamay sa pisngi ni Mark. Hindi malakas ang pagkakasampal niya, kahit nabuhay ang lahat ng kanyang galit.

“What’s the matter?” nagtataka nitong tanong, halatang nabigla.

Parang gustong mag-sorry ni Maristel, pero malinaw sa kanya ang nangyari kahapon. “What’s the matter? Fianc é e mo pala si Elaine!”

“No. Wait up. That’s a lie.”

“Hindi. Ikaw ang sinungaling! Narinig ko ang usapan nila ng mama mo. Sa ilang gabi mong pagtuloy sa unit, alam kong nandoon si Elaine. Ano ang katwiran mo ngayon? Nalunod ka ba uli? Napagod?”

“She’s not staying there, but the hotel near the condo. Why in the world would I ask her to stay there when I have broken up with her last week? Dumating siya at may gusto lang itanong sa akin. Si Mama naman, nagpunta rin lang doon.”

“Mukhang close na close sila.”

“They talked. They had dinners before, a lot of times when Mama was in the States and I was busy and Elaine was not.”

“Hindi ko alam kung maniniwala ako.”

“That’s painful to hear, but I guess it’s my fault.”

“Ang sabi ng mama mo, ikakasal daw kayo, na siya na daw ang magpaplano ng kasal. Hindi naman tumanggi si Elaine.”

“Tell me exactly what you heard.”

Sinabi ni Maristel ang narinig na usapan, saka idinagdag sa huli, “Ang sabi mo sa akin, may problema kayo ng mama mo. `Yon pala wala. Nandoon siya sa unit mo, kausap si Elaine at gustong iplano ang kasal mo. Ano ang paniniwalaan ko?”

“Ako. Ako ang paniwalaan mo. I’m tired of living my life without you, Maristel, and I’m not that stupid to let you go again. It’s obvious to me that Mama wants me to marry Elaine. And maybe she knows I am trying to build a life with you in it again and she did that deliberately. Kahapon lang kami nagkausap uli. But it was a long conversation. I told her everything. That I intend to marry you and if she can’t respect you enough, she can’t be a part of the family. I didn’t want to be mean to her, but I had to. Mukhang nagtampo at umalis agad.”

“Hindi niya ako matatanggap kahit kailan.”

“If she wants to be a part of our family, she needs to make adjustments. Ang dami na niyang nasira sa atin. I won’t allow her to keep hurting you or my children.”

Hindi agad nakaimik si Maristel. “Mahal mo pa ba ako tulad ng noon?” tanong niya mayamaya.

“Yes. I love you like I did before. I never loved anyone else.”

“Ako rin.” Napaiyak siya. “Walang Francis, walang Christopher. Ni hindi ko pa nakita uli si Francis mula noong high school graduation.”

“Are you serious?”

Tumango siya. “Kinausap ako ng mama mo noon. Natanggap ka daw sa States. Hindi ka daw makaalis dahil iniisip mo ako, kami ng mga bata. Naisip kong hindi na ako hahandlang uli. Deserve mong mabuhay sa ganoong mundo.”

“You should’ve told me. I wouldn’t have chosen a life in the States for you. Understand something, Maristel, and please always, always remember, I made a mistake and it made me realize all the more that I will always choose you, because you are my happiness. Some people would choose a luxurious life, but I will never choose any life if that life will not have you in it.”

Hindi na yata mauubos ang mga luha niya.

Ikinulong nito sa mga palad ang kanyang mukha. “I will choose you over and over, in any life time. Again, you’re my happiness, it’s something you should never forget.”

Niyakap niya ito. “Puwede nating dugtungan ang noon.”

“This time we’ll do it right.”

“Alam ko kung bakit hindi mo ako malimutan.”

“Bakit?”

“Dahil sobrang ganda ko.” Umiiyak-tumatawa si Maristel na parang baliw. “Nakita ko si Elaine, Mark, at ang ganda-ganda niya. Na-insecure ako, aminado ako.”

“She isn’t bad looking, but she’s also not the most beautiful girl I ever laid eyes on.”

“Bolero!”

“Ah, if it takes a lifetime to prove that claim, I don’t care. I have it now with you.” He kissed her. She allowed herself to believe.