noveltoon logo noveltoon
Wild Heart (Kristine Series 10)

Chapter 9

Ch. 9 / 20 Nov 28, 2025

N AGKIBIT siya ng mga balikat. “Nothing really. Ibinabalik ko lang sa iyo ang sinabi mo sa akin kaninang hindi dapat iyakan ang isang tulad ni Ralph.”

“I see,” amuse pa ring sagot ng binata. “At saan mo naman natutuhang i-analyze ang uri ng pagkababae ni Esther? Aren’t you being judgmental?”

“Of course not,” mariing sagot niya. “Nakita mong sinabi ko lang na magkasama tayo sa villa ay nanlaki na ang mga mata sa sindak. I bet when you made love to her she’ll be as stiff as a twig.”

“And you want me to prefer someone wild like you, ganoon ba?” From anger to laughter to sarcasm. Damn this woman talking like a sex connoisseur. But perhaps she really is. Tingnan mo nga lang kung paano niya salubungin ng yakap at halik iyong ex-boyfriend. And she even asked to be kissed by that stupid doctor. Hell!

“Oh, no,” mabilis na sagot ng dalaga shaking her head wildly for emphasis. “I don’t like you, Zandro. You’re too bossy and arrogant like my brothers. And I had enough of your kind to last me a lifetime.”

“Good. Because I don’t like you either,” galit nitong sagot. “You’re too casual and too permissive and you’re rich and spoiled. Kawawa naman ang lalaking makakasama mo habang-buhay.”

Napasinghap si Jennifer. Talagang ininsulto siya ng lalaking ito. At ang nakapagtataka, agad siyang nagpreno ng galit na biglang umahon sa dibdib. No one talked to Jennifer Navarro like that and got away with it.

Bastard!

Mabilis siyang tumayo. “So, there. We don’t like each other. I’ve been here with you for three days. Perhaps I’m forgiven now. So, why don’t you send me back home now, Zandro,” kalmanteng wika niya, holding her temper.

“No,” maiksing sagot nito.

“Pero bakit?” Kumawala ang galit niya. “Ano ang dahilan at pinipigil mo ako rito?”

“Simple. I haven’t forgiven you yet. Kaya mananatili ka dito sa panahong itinakda ko,” sagot nito. “Now, let’s swim.” Akma itong maghuhubad ng pang-itaas nang biglang hablutin ni Jenny ang beach towel at mabilis na lumakad pabalik sa hotel.

“I have changed my mind.”

Nakapamaywang na sinundan ng tingin ni Zandro ang dalaga at umiling. Damned if he knew why he’s still holding her here. Kung si Franco lang ay wala siyang obligasyon sa ama ni Jennifer. Maaari niyang ibalik ang dalaga sa Maynila anumang oras.

Hindi niya gustong aminin but he’s enjoying every minute with her. She proved to be very exciting to be with. There has never been a dull moment with her kahit alam niyang malaking paliwanag ang kakailanganin niya para kay Ester. Tamang hindi niya ito girlfriend pa, pero hindi ba at iyon ang intensiyon kaya niya niligawan ito sa loob ng isang taon na ngayon? At hindi ba at si Ester ang uri ng babaeng nais niyang iharap sa altar?

At mas bagay sila nito. She’s twenty-seven compared to Jennifer who’s barely twenty. Ester is five feet and seven inches to Jenny’s five-three na kailangan pa niyang yukuin. Ester is everything he dreamed para sa isang babaeng kakasamahin sa buhay.

She may not be rich and classy but she’s mature and responsible at may mataas na pamantayang moral. At ang pinakamahalaga sa lahat, kabisado na ni Ester ang pagkatao niya.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib at humakbang patungo sa hotel. He will make peace with Ester.

“NASAAN si Jenny?” tanong ni Zandro sa matandang katulong pagkagising nito kinabukasan.

“Maagang nangabayo, Zandro,” sagot ng katulong.

“Shit!” bulong ng binata na mabilis na lumabas ng villa at tinungo ang kuwadra. Hindi na pinagkaabalahang lagyan ng saddle si Firewind at mabilis na sumampa rito. “Saang dako patungo si Jennifer?” dugtong nito.

“Patungo po sa may hangganan ng Paso de Blas, senyorito. Sa may sirang tulay,” kinakabahang sagot ng stable boy.

Nagsalubong ang mga kilay ni Zandro na nilingon ang itinurong daan ng boy. Pagkatapos ay muling niyuko ang tauhan.

“Paano mong nalamang patungo siya sa sirang tulay?” May bahid na ng galit ang tinig niya.

“Itinanong po niya sa akin kung saan ang daan patungo sa kabisera. Sabi ko nga po ay sira naman ang tulay at hindi rin siya makapaparoon pero nag...” h indi nito naituloy ang sinasabi dahil mabilis nang pinatakbo ni Zandro si Firewind.

Si Jenny ay nakatanaw sa sirang tulay na kahoy na siyang nag-uugnay sa mainland at Paso de Blas. Walang bahagi ng tulay mula sa kabila ang natira. Ang natira sa tulay sa bahagi ng Paso de Blas ay umabot marahil sa mahigit sa sampung metro.

Marahil ay mga seseinta metros ang pagitan ng d alawang pampang. Kayang-kaya niyang languyin iyon. Sa tabing-dagat siya nagkaisip at lumaki. At kung sa putol na tulay siya magsisimulang tumalon ay hindi na gaanong malayo ang lalanguyin niya. Pero magubat at matataas na ang mga talahib sa may patungo sa puno ng tulay. Natatakot siyang pinani nirahanan na ng mga makamandag na ahas iyon.

Bumaba siya ng kabayo at itinali si Thunder sa isang puno.

“Sorry, kung iiwan kita dito,” aniya na hinaplos ang ulo ng stallion. “Pero natitiyak kong mamaya lang ay makikita ka na ni Zandro.”

Muli niyang nilingon ang pinanggalingan. Puro malalaking puno at gubat. Ang landas na dating dinadaanan ng mga tao ay tinutubuan na ng damo. Nangangahulugan lamang na hindi na ginagamit ang daan mula nang masira ng bagyo ang tulay. Kung inaakala ni Zandro na hindi niya ito matatakasan ay nagkakamali ito.

Kahapon ay ilang beses niyang tinangkang gumamit ng telepono sa hotel subalit laging nakasunod ng tingin ang binata. At minsang malingat naman ito ay hindi siya pinahintulutan ng receptionist at ang reception clerk na gumamit ng telepono. May bilin daw si Zandro.

Lalo lang nakadagdag sa ngitngit niya nang makitang kinausap nito si Ester sa isang bahagi ng hotel habang naroon siya at palakad-lakad sa lobby. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang mainis sa babae.

“Oh, well, bagay silang dalawa!” usal niya habang lumalakad patungo sa pampang. “An old-fashioned macho and a prude and hypocrite woman.”

Dinukot niya sa bulsa ng khaki walking shorts ang wallet. Pagkatapos ay muli ring ibinalik. Mabasa man ang pera niya’y matutuyo rin siguro. Isa pa, may mga bank cards naman siyang magagamit and then she can call her father in Palawan.

Paupo siyang bumaba ng pampang patungo sa tubig. Inihanda na niya kagabi pa ang sarili sa mangyayari ngayon kaya walking shorts at sleeveless body hugger ang isinuot niya. Lumusong sa tubig ang dalaga na bahagyang nangaligkig dahil sa lamig ng tubig at idagdag pa ang malamig na hanging pang-umaga. Pero hindi iyon nakapigil sa determinasyon niyang makaalis sa lugar na iyon.

Marahan siyang lumangoy. Natitiyak niyang malalim ang bahaging iyon ng karagatan. Dagat pero napakalamig ng tubig at kinakabahan siyang pulikatin subalit patuloy sa paglangoy si Jennifer. Malayo na ang nalalangoy niya mula sa pampang nang marinig niya ang sigaw ni Zandro.

Nilingon niya ito. He was riding that big stallion.

“Come back here, Jennifer!” hiyaw ng binata. “Don’t be a fool!”

Binilisang lalo ng dalaga ang paglangoy. Mahihirapan siyang abutan pa ng binata. Si Zandro ay mabilis na pinatakbo si Firewind patungo sa sirang tulay. Hindi niya aabutan si Jenny kung lalangoy siya mula sa pampang. Pagkatapos ay tinalon ng binata ang punong tulay at mabilis na tumakbo habang hinuhubad ang t -shirt at inihagis sa ere.

May mga ilang kahoy ang bumabagsak sa tubig sa mabilis nitong pagtakbo. Pagdating sa pinakadulo ng sirang tulay ay nag-dive at mabilis na nilangoy pahabol ang dalaga na ilang metro pa ang layo.

“Stop, Jenny!” sigaw ni Zandro na humihingal sa pagod, sa pag-aalala at galit. “It’s dangerous here!”

“Go away!” ganting hiyaw niya. She’s cold and tired. Nanunuot sa mga buto niya ang lamig ng tubig. Tinangka niyang makalayo pang higit subalit nasa likod na niya ito at hinapit siya sa katawan.

Marahas na nagpumiglas at nanlaban ang dalaga. “Bitiwan mo ako! Hindi mo ako maibabalik! You, bas... oh!” Isang sampal ang dumapo sa mukha niya at napasubsob siya sa dibdib ni Zandro.

“I really hate to do that but you’re not giving me any choice,” wika ng binata sa apologetic na tinig. His movements were strong as he swam easily through the freezing water habang hawak ang dalaga.

Si Jennifer ay tumigil sa panlalaban na na-shock sa ginawang sampal. Sa buong buhay niya’y noon lamang may taong nanakit sa kanya. At totoong malakas ang sampal na ginawa ni Zandro. Intensiyong patahimikin siya.

“Hurry up, Jenny,” marahas nitong utos at lumilingon sa dagat at pilit na ipinapanhik ang dalaga sa mga sala-salang kahoy, pushing her harder.

“Damn you, Zandro!” galit niyang sagot at kumapit sa mga braces ng tulay na kahoy at isinubsob ang mukha roon. Gusto niyang umiyak. She’s freezing at masakit ang pisngi niya. At higit na masakit ang pride.

“Don’t make me hurt you again, Jennifer,” banta ni Zandro in a savage voice. Muling lumingon sa dagat kasabay ng malakas na pagtapik sa likuran ng dalaga at pagtulak sa kanya papanhik.

“You’ll pay for this, I swear!” hiyaw ni Jenny kasabay ng pagtaas ng katawan sa mga kahoy sa ilalim ng tulay. Tinulungan siya ng binatang tumaas na kulang na lang ay iitsa siya.

Nang makapanhik na siya’y si Zandro naman ang mabilis na sumampa subalit dahil sa bigat at dahil na rin sa rupok ng kahoy ay nabali ang inapakan nito at muling bumagsak sa tubig ang binata.

Si Jenny na nasa itaas na’y wala sa loob na lumingon. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang may matanawan sa dagat ilang dipa ang layo mula sa kinaroroonan nila. Ang galit ay nahalinhan ng sindak.

“N-no!” usal niya sa nanlalaking mga mata. “Zandro, bilisan mo! Oh, G...!” Nang makitang lumitaw sa tubig ang binata at ikinapit ang mga kamay sa kahoy na tinutuntungan niya ay mabilis niyang inabot ang isang kamay nito. “Oh, please, hurry up!” nagpa-panic niyang tili. Ang mga mata’y pinaglipat-lipat sa binata at sa dalawang itim na bagay na nakikita niya sa tubig.

“Pumanhik ka na, Jennifer!” hiyaw nito. “I can make it pero hindi tayo kakayaning dalawa ng kahoy na ito...” m abilis ang ginawang pagpanhik ng dalaga hanggang sa makasampa siya sa ibabaw ng sirang tulay.

Sindak na niyuko niya ang binata at nilingon ang dagat. Halos isang dipa na lang ang layo nito sa kinalalagyan ni Zandro. “Hurry up! Oh, please, hurry up!”

Sa pagkakataong iyon ay nakatuntong na si Zandro sa kahoy na unang tinuntungan ni Jenny subalit bumigay ang isang pinagpakuan. Nagpakawala ng sigaw ang dalaga sa pag-aakalang muling mahuhulog ang binata subalit nakakapit na ito sa kahoy sa ibabaw at bumitin sa ere.