S A MANSIYON ay galit na inihagis ng dalaga ang clutch bag sa ibabaw ng antique chest. Tinamaan ang isang figurine at bumagsak sa marmol at nagkapira-piraso. Pero tuloy-tuloy ang dalaga.
Si Franco na hawak-hawak ang kopita ng alak mula sa bar ay sinalubong ang anak. “That was a Ming Vase that you just broke, young lady.” s inikap nitong pigilin ang galit sa ginawa ng anak. “Just wait till your mother... ” n agsalubong ang mga kilay nito nang makitang umiiyak ang anak. “What’s wrong?”
“Everything!” sigaw niya na lumingon sa ama. “This is all your fault, Papa!”
Banayad na naningkit ang mga mata ni Franco. “Since when you have learned to shout at your father, Jennifer?” banayad subalit mapanganib nitong tanong. “Now, what is this scene all about? Did that American rock star make a pass on you? And if he did, how come it was all my fault? Ipade-deport ko ang walanghiyang iyon!”
“Oh!” Patakbong pinanhik niya ang carpeted na hagdan.
Akmang susundan ni Franco ang anak nang isa pa uling sasakyan ang pumasok sa gateless driveway ng mansiyon. Humakbang ito patungo sa malaking pintong hindi pa halos naisasara ng katulong. Bumukas ang isang panel at sumungaw si Zandro na nahinto sa paghakbang pagkakita kay Franco.
“Fortalejo...” usal ni Franco na tumaas ang mga kilay. Nakatiim ang mukha ng binata at tumaas-baba ang dibdib. “Napasugod ka sa ganitong oras ng gabi…”
“Good evening,” pormal niyang bati. “I am asking your permission to speak to your daughter.”
Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Franco. More or less ay nahuhulaan ang nangyayari. “Wala sa tono mo ang nanghihingi ng permiso, lalaki. Inuutusan mo ako.”
Humugot ng matalim na paghinga si Zandro. “Gusto kong makausap si Jennifer, s ir,” ulit nito pero sa hindi nagbabagong tono.
“At kung hindi ako pumayag?” naghahamong sagot ni Franco. “Isang linggong mahigit ang anak ko sa Paso de Blas at nakakaamoy ako ng hindi magandang pangyayari. May dapat ka bang ipaliwanag sa akin?”
“I have nothing to explain to you. With or without your permission, I will see your daughter—my way,” mariin at matatag niyang sinabi. At kung hindi siya nagagalit ay nakita sana niya ang pagkislap ng mga mata ni Franco.
“Si Jenny ba ang narinig kong sumigaw, darling?” Si Beatriz mula sa library at nagulat pa nang makitang may kausap ang asawa.
“Good evening, m a’am.” s i Zandro na nagbago ang ekspresyon ng mukha nang makita si Beatriz. His voice softened. “I came to see your daughter...”
“And who are you, young man?”
“Siya si Zandro Fortalejo, Beatriz,” agap ni Franco na hindi iniiwanan ng tingin ang mukha ng binata.
“Oh!” marahang bulalas ni Beatriz na umaliwalas ang mukha at hinagod ng tingin ang binata. “Why, Jenny’s right. You’re gorgeous and very attractive.” n asa tinig nito ang paghanga na ikinasalubong ng mga kilay ni Franco at nilingon ang asawa.
“Beatriz Navarro!”
Shit! minura ni Zandro ang sarili nang palihim. He’d swear he turned red to the roots of his hair sa papuri ni Beatriz Navarro sa kanya. He swallowed hard and tried to smile.
“Thank you, m a’am...”
“And you want to see my Jenny?” Hindi pinansin ni Beatriz ang matatalim na tingin ng asawa.
“Yes, m a’am. If you will allow me...” magalang na sagot ng binata na lalong nagpagalit kay Franco. Why, the bastard didn’t even half-as-polite nang ito ang kausap. Bagaman hindi naman bastos.
Hindi makapaniwalang napalambot ng asawa ang anyo at tinig ng lalaking ito.
“Nasa itaas na ang anak mo, Beatriz, and maaaring tulog na,” wika nito. Hindi dahil sa hindi gustong ipakausap si Jenny kay Zandro kundi nagagalit ito sa asawa sa ipinakikitang open admiration para sa hambog na Fortalejo.
“Narinig ko siyang dumating ngayon lang, Franco,” nakangiting kontra ni Beatriz. Tinawag ang katulong at ipinatawag si Jenny. Mabilis na umakyat sa hagdan ang inutusan. Ikinawit nito ang braso sa braso ng asawa. “Let’s leave them alone, Franco.” n ginitian nito si Zandro na umusal ng pasasalamat at muling lumunok.
Hinila ni Beatriz papasok sa library ang asawa. Naiwan si Zandro na inikot ng paningin ang marangyang kabahayan. Ang sala grande ng Villa Kristine ay kalahati lamang kumpara sa sala ng mga Navarro. Napailing ang binata. He never wanted to live in this kind of place. Kahit sa mansiyon ng mga de Silva ay naaasiwa siya. Hindi bale sa Villa Kristine at kahit paano ay rustic ang dating ng bahay at gusto nito ang iilan subalit antique na mga kasangkapan.
“H-hindi po niya gustong makipag-usap sa inyo, s ir,” ang katulong makalipas ang ilang sandali.
Bumalik ang galit sa mukha ng binata. “Tell her that I’ll tear this place down `pag hindi niya ako kinausap!”
Ninenerbiyos na patakbong pumanhik muli ang maid. He walked impatiently in circles at the foot of the stairs. Ilang sandali pa’y muli niyang natanaw ang maid na pababa.
“Nasaan siya?” hiyaw niya na nagpapitlag sa katulong.
“G–go... go t-to hell daw, s ir,” nanginginig at nauutal na sagot ng maid.
Lalong naningkit ang mga mata ng binata. “Sabihin mong papanhikin ko siya `pag hindi siya bumaba sa loob ng tatlong minuto!” Natarantang muling bumalik ang maid.
Si Zandro ay hindi inalis ang mga mata sa pabilog na balustre sa itaas. Nang sumungaw uli ang maid ay malakas siyang sumigaw na nag-echo sa buong mansiyon, “Jennifer Navarro! I am giving you a final minute to come down and I don’t give a damn what happens!”
Isang nakabibinging katahimikan ang sumunod. Nag-isang linya na ang mga mata niya. “One thousand one... one thousand two... one thousand three...!” sigaw niya uli.
Sa loob ng library at nag-alis ng bara ng lalamunan si Franco. “This certain Fortalejo is a bit savage.” n gumiti si Beatriz.
“Very romantic, darling. Let’s hear kung ano ang gagawin ng anak mo...”
Mula sa balustre sa itaas ay sumungaw si Jenny. “Ano pa ba ang gusto mo?! Hindi pa ba sapat ang mga ginawa mong pinsala at gulo sa buhay ko?”
“Don’t be such a brat,” tingala ng binata. “Come down and let’s talk civilly.”
“You talk of civility? Why, were you civil tonight?” sarkastikong sagot niya.
“He touched you, dammit! And devil knows what he did inside the elevator!”
“So?” Nagtaasan ang mga kilay ng dalaga at namaywang. “What is it to you? I am casual and permissive, `di ba? Your word, Zandro. Besides, you did your own fair share of touching, didn’t you? Not just touching, you...”
“Watch your mouth, young lady,” agap ng binata sa sasabihin niya. “Bumaba ka rito at mag-usap tayo nang hindi nagsisigawan.”
“Gusto kong sumigaw at wala kang pakialam dahil bahay ko ito!”
“Fine!” Naubos ang pagtitimpi ni Zandro at galit na inilahad ang dalawang kamay. “Gusto mong magsigawan tayo, fine!” Nilinga nito ang paligid at saka malakas na sumigaw. “I touched your body the way I never did any woman! I kissed every secret parts of you and I made love to you! Hey, everyone, did you hear that?” Umalingawngaw ang tinig nito sa buong mansiyon na nagpahugot ng matalim na paghinga kay Franco at Beatriz.
“Bloody bastard!” Si Jenny na patakbong bumaba at tuluyang nawala ang poise.
Si Franco ay pabalandrang binuksan ang pinto ng library at galit na sumugod habang pinipigil ni Beatriz.
“Walanghiya ka, Fortalejo! Ipinagkatiwala ko sa iyo ang anak ko, pagkatapos ay... ” h indi nito naituloy ang sasabihin dahil pumagitna si Beatriz at malakas na pumigil.
“There’s no need for another bloodletting, Mr. Navarro,” kalmanteng sagot ni Zandro. “Your son Lawrence nearly murdered me.”
“Alam ni Lance ito?” halos magkapanabay na wika ng mag-asawa. Nilingon ni Beatriz ang anak na nasa ibaba na ng hagdan.
“Jenny, hija, ano ang...?”
“I am asking your permission, m a’am, to marry your daughter,” wika ng binata sa awtorisadong tono pero nakatuon kay Jenny ang mga mata.
“Hindi ako pakakasal sa iyo!”
“Jen, you might be carrying my child... our child,” banayad na wika ng binata.
“Child!” hiyaw ni Franco. Si Beatriz ay nanlalaki ang mga mata habang pigil-pigil sa braso ang asawa.
“I am not!” gumagaralgal na sigaw ni Jenny. “Umalis ka na, Zandro. Hindi ko kailangan ang sense of responsibility mo. And give your honorable motive to someone else...”
Si Franco na muli sanang magsasalita ay napigil ng paghakbang ni Zandro patungo kay Jenny.
“I am offerring you my honorable motive, Jen,” he said gently, almost in a whisper. “At iyong sense of responsibility ay kasama sa pagmamahal iyon, hindi ba? `Pag mahal mo ang isang tao, it is but natural that you wanted to be responsible for her, to take care of her...” he said softly.
“`Pag mahal mo...” ganti niya. Namumuo na ang mga luha sa mga mata. She hated this confrontation. “We don’t love each other, Zandro. You don’t love me, sinabi mo sa akin iyan,” she said painfully.
Hinawakan siya ni Zandro sa magkabilang balikat. “I didn’t realize then what I was saying. And if you will only give me a chance, I can make you love me, Jen.” h is voice pleading. “Please... I’ll do anything to make you love me kahit iyon na lang ang kahuli-hulihang gagawin ko.”
“Why are you torturing me like this? I am not pregnant, honest. And I am not likely to be...”
“It doesn’t matter, love,” he said huskily. His eyes tenderly roamed her face. “I still want to marry you. And I’ll gamble on the physical attraction you had for me.”
Napapatitig ang dalaga rito. “B-bakit mo gagawin iyon? You don’t love me and I am not even your type.”
Kumislap ang mga mata ni Zandro, nakabanaag ng pag-asa sa mukha niya. “You are not listening, love. I said I didn’t realize what I was saying then. And yes, you are not my type but it didn’t stop me from hopelessly falling in love with you. Perhaps since I first saw you.”
Her eyes widened. “F-falling hopelessly in— in love with me?” ulit niya sa tinig na halos hindi lumabas.
“Hopelessly and madly in love with you,” paniniyak ni Zandro.
Parang bigla siyang inilutang sa hangin. Hindi makapaniwalang tumingala sa binata. “M-must I believe you? Hindi mo sinasabi iyan para lang...”
“Paniwalaan mo dahil iyon ang totoo.” b anayad nitong hinapit ang dalaga at ikinulong nang mahigpit sa mga bisig habang nanatiling nakayuko sa kanya. Walang pakialam sa mag-asawang manghang nakamasid.
“Wasn’t it the way Rhett Butler embraced Scarlett O’hara in Gone With The Wind , darling?” siko ni Beatriz kay Franco who rolled his eyes. “Oh, Franco, this certain Fortalejo is a bit like you!”
“I am permissive, outspoken, casual...”
“And the only woman I love so much,” agap ni Zandro sa sinasabi niya by touching his lips to hers softly. “I love you and adore you, Miss Navarro, even if you are the most exasperating woman I’ve ever met. And I’d die without you in my life.” t he deep brown eyes caressed her face. “And I miss you like hell...”
She swallowed hard. Hindi kayang pigilin ang nag-uumapaw na damdamin. “Y-you are not my type either but I miss you like crazy, Zandro...”
“You make me hot and hard, Miss Navarro,” agap ng binata na binalewala ang marahas na pagtikhim ni Franco at ang paghugot ng matalim na paghinga ni Beatriz.
“I do now?”
“Sure you do, brat...”
“What about Ester?”
“Do I know her?” amused nitong sagot at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya na halos hindi na siya makahinga. His heart pounding against her breasts. “Will you marry me, Miss Navarro?”
“Because I make you hot and hard like now?” she teased and pressed her body closer. Hindi pinansin ang pag-ubo ni Franco.
“That and more.” i dinikit nito ang bibig sa tainga niya and whispered something erotic for her ears only. Her eyes widened and heat spread all over her body down to her belly. “Now, will you marry me?” ulit nito.
Kahit nakakulong siya nang mahigpit sa mga bisig nito at kahit nangangawit na ang leeg niya sa katitingala sa binata ay sinikap niyang ikibit ang mga balikat.
“I must or else my father here and my brothers will kill you,” she said nonchalantly and demurely.
Tumaas ang sulok ng mga labi ni Zandro in a very sexy smile. “Really?”
“Really. And if they fail, you will still marry me if I have to kill you myself.” s he smiled and pressed her body even more feeling the awesome maleness that her own body reacted to it.
Bumaba ang mga labi ni Zandro sa kanya. “It doesn’t matter to you if I am a bastard? That my mother is a...” t inakpan ni Jenny ng daliri ang mga labi ng binata.
“I’ll marry you, Zandro Fortalejo, even if you are a bastard’s bastard!”
Nag-uumapaw sa pag-ibig ang dibdib ng binata. “Wala akong maiaalok sa iyo maliban sa aking pangalan...” bulong nito sa mga labi niya, flicking his tongue on her lips.
“I have plenty...”
Inilayo ni Zandro ang mukha. “Hindi ko kailangan ang salapi ng ama mo, Jennifer!”
“Hindi akin iyon kaya hindi iyon ang ibig kong sabihin. You said I made you hot and hard. You’d die without me, so here I am. I can make you laugh, too. I could kiss you till we ran out of breath and die of suffocation...”
“That is your lovely body. Offer me your love and tell me you love me,” he commanded in that sexy familiar drawl.
“Oh, I thought I already did,” she whispered seductively. “Hindi ka nakikinig, Fortalejo.” i kinawit ang mga braso sa leeg ng binata and pulled him and kissed him hard.
“DAMMIT, you two…” s i Franco na akmang muling lalapit sa dalawa na sa tingin nito’y iisang katawan na lang.
“Sshh!” Muling hinila ni Beatriz ang asawa palayo. “Nakita mo ang resulta ng manipulasyon mo, `tapos magagalit ka.”
“Beatriz Navarro, I made love to you on the night of our wedding day. And that young lady there is my only daughter...”
“Our only daughter,” pagtutuwid ni Beatriz. “And soon her name will not be yours...”
“Hell!” usal nito na nilingon ang dalawa na mukhang hindi na gustong huminga. Inakbayan ang asawa at tumingala sa kisame sabay ngiti.
Leon, I made your dream come true. Congratulate me, kumpadre, you taught me a lot. Ibibigay ko ang pinakamarangyang kasal para sa mga anak natin, that is if that proud bastard son of yours will not disagree!
Umiling si Franco na hinagkan sa ulo ang asawa. Kung buhay si Leon Fortalejo, kabisado niya ang sasabihin ng matandang espanyol.
Muchos gracias, kumpadre ...
WAKAS