noveltoon logo noveltoon
Wild Heart (Kristine Series 10)

Chapter 15

Ch. 15 / 20 Nov 28, 2025

M ADILIM na nang umuwi sa villa si Zandro. Nasa silid na nito si Jennifer. Sinabi ng katulong na nakakain na ito. Humingi lamang ng kape ang binata at nagtuloy sa sariling silid at naligo. Nang matapos ay nagsuot lang ng maong at lumabas sa veranda. Lumakad sa dulo kung saan karugtong ng silid ni Jenny.

Hindi nagpakita ng pagkagulat ang dalaga nang makita ang binatang nakasungaw sa nakabukas na f rench door. And cursed her for being so wanton. Seeing him now, hair still wet, the bronzed body with rippling muscles, ay gusto niya itong takbuhin at yakapin and taste him again. Sa maikling panahon ay napagtagumpayan ng lalaking ito ang matagal nang gustong mangyari ni Ralph at ng ibang mga naging boyfriends niya.

Totoong old-fashioned din si Ralph. Pero tulad ni Ester, may dobleng pamantayan ito sa paniniwala. Ang hindi lang nito gusto ay ang hinahagkan niya ito na may maaaring makakita. But the hypocrite tried to seduce her into having a premarital sex with him. Hindi iilang beses siya nitong niyaya sa sariling bachelor’s pad. Hindi nga lang niya maintindihan kung bakit patuloy niya itong tinatanggihan hanggang sa makipag-break ito.

Ang itinanggi niyang ibigay rito ay malaya niyang naipagkaloob kay Zandro. Alright, Zandro wanted her, desired her. Pero ginawa ng binata ang lahat ng pagpipigil sa sarili at hanggang sa kahuli-hulihang sandali ay sinikap ni Zandro na tanggihan siya. It was her own doing kaya nangyari ang hindi dapat mangyari. At tama si Zandro, kahit marahil sobra-sobra ang kontrol sa sarili ng isang lalaki, kung mapapaharap naman sa ginawa niya kahapon ay lubusang makakalimot.

She took a deep breath at pormal na tumingala rito. “What do you want?” Bumangon siya mula sa kama at naupo sa gilid.

Nagsalubong ang mga kilay ni Zandro sa tono niya. “Do you have to sound so formal? What happened to the sweet Jenny I just made love to this morning?” And gave her that sexy smile that she held her breath. At kung hindi niya iipunin ang lahat ng determinasyon ay baka manghina ang loob niya at yakapin ito.

“Bakit ka narito, Zandro?” ulit niya sa kaswal na tinig na muling ipinagdikit ng mga kilay ng binata. Matagal muna siyang tinitigan bago nagsalita uli.

“I want us to talk.”

“What about?”

“Ang nangyari kanina.”

“Forget it,” she said shaking her head wildly. “Hindi ko gustong pag-usapan.”

“Jennifer, hindi basta binabalewala ang nangyari sa atin kanina...” he said impatiently. “And you sound as if it was just one of those things.”

Patuya siyang ngumiti. “C’mon, Zandro, this is the permissive society. Things like that happened every minute, kung susuriin mo ang statistics ng premarital affairs...”

“To hell with the statistics!” sinabi nito sa mataas na tinig. Nawala ang hinahong inihanda. “I’m concerned about you, you were a virgin!” h umakbang ito palapit sa kanya.

“Right tense, were. Not anymore, so what’s the fuss?”

Natilihan ang binata. Bumalik sa isip ang dalawang unang babae sa buhay nito. Is Jennifer one of those kind? Tinitigan nito nang matiim ang dalaga.

“Though I tried to be gentle, alam kong nasaktan kita.” m uling bumaba ang tinig nito. Nagagalit marahil ang dalaga dahil nasaktan nito. “I want to see your body...”

“No!” Mabilis siyang umusog. Inilagay ang mga braso sa dibdib.

“I’ve seen it all, Jennifer. Your modesty is too late.” At bago pa makakilos si Jenny ay hinawi ng binata ang strap ng night gown at banayad na dinama ang mga namumula pa niyang balikat.

And she cursed herself for reacting sa isang simpleng haplos. She could instantly feel the white heat na dumaloy sa tiyan niya down to the center of her being. Itinalikod siya ng binata at napaungol si Zandro sa nakitang mga gasgas sa likod niya sanhi ng magaspang na bato.

“Does it hurt?” he asked softly and tenderly run his fingers on her back.

Mabilis niyang tinabig ang kamay ng binata. His touch is burning her. “Please, Zandro. It hurts alright, dahil natitiyak kong hindi ka maniniwala kung sasabihin kong hindi. But I can charge it to experience.”

Nagtagis ang mga bagang ng binata. “Charge it to experience!” Narinig na niyang sinabi sa kanya ang mga salitang iyon a long long time ago.

“This conversation bores me, Zandro.” s he faked a yawn. “Now, what is it that you really want aside from this topic about my virginity?”

Sandaling hindi nakasagot si Zandro. Matiim na tinitigan ang dalaga at sa matatag na tinig ay, “Marry me.”

Napahugot ng paghinga si Jenny. She was being proposed at hindi niya inaasahan iyon mula rito. Gusto niyang mangiti. Sa kasulok-sulukang bahagi ng puso niya’y ninais niyang marinig iyon mula sa binata pagkatapos ng nangyari. Somehow, gusto niyang umasam.

But there’s one basic rule in this world that she firmly believes in: A dreamer can be forgiven but not a fool. And it would be foolish to hope something from him. Ganoon pa man, gusto niyang makatiyak. Hindi siya aalis ng Paso de Blas o magdedesisyon nang hindi nakatitiyak sa damdamin ng binata.

She cleared her throat, raised her eyes to him, at sa maliwanag na tinig ay nagtanong:

“Do you love me, Zandro?”

Ilang sandali bago narehistro sa isip ni Zandro ang diretsong tanong. Hindi nito inaasahang itatanong iyon ni Jennifer. Maliban sa dalawang naunang babae during his younger days, women came and go but there was no talk of love. Give satisfaction and be satisfied and leave when it’s time to go. Iyon ang basic rule niya sa pakikipagrelasyon. Nililiwanag nito iyon sa lahat ng mga babaeng nakatagpo. At sa panliligaw nito kay Ester, love was never mentioned.

Matagal na nitong isinara ang puso sa partikular na damdaming iyon. Para dito, love are for fools. It will only bring heartaches and pains and sorrow. Hindi nga ba at iyon ang dinanas nito kay Mitzi at Ingrid?

And look what happened to his brother who fell in love twice? a nd funny, with different intensity. Besides, who would love him for himself? He was a poor bastard! Hindi nga ba at kaya pawang tinanggihan ng naunang dalawang babae ang alok niyang ibigay sa mga ito ang pangalan niya’y dahil doon. A bastard!

“ You’re a good for nothing handsome bastard, Zandro Fortalejo!” Iyon ang sinabi sa kanya ng ama ni Ingrid.

At kaya lang nagkapera ay dahil pinamanahan ng mayamang lalaking nagkataong siyang naging ama. Na napasakanya lamang nang tumuntong ito sa tamang edad. All his life, he was a poor bastard. Pinasok ang lahat ng uri ng trabaho upang mabuhay nang disente at may dignidad. Tiniis ang panlalait ng sariling ina at half-brother.

Si Clarita na ang tanging dahilan kaya tinatrato pa siyang tao ay dahil sa pera ni Leon Fortalejo na walang pakundangang ginagasta nito.

“Hindi mo na ako sinagot, Zandro,” naghahamong sinabi ni Jenny. Isinaksak sa kailalimang bahagi ng puso ang sakit na nadarama sa pagkalitong nakita sa mukha ni Zandro.

“I–I am not... No!” ang wala sa loob nitong naisagot. Damn this woman para lituhin siya! He never stammered all his life. He felt like a stupid fool.

Tumango-tango si Jenny. Nagsikip ang dibdib at nag-init ang sulok ng mga mata. Took a deep breath at muling tumingin kay Zandro at nagpilit ngumiti na tila balewala ang sagot nito.

“So, what are we talking about? No matter what you think of me, naniniwala akong pakakasal lang ako sa lalaking iniibig ko. Sounds corny pero iyon ang totoo, Zandro. You don’t love me and I don’t definitely love you.” s he hoped she could believe that.

“But...”

“No buts,” putol niya sa sasabihin nito. “We both know our feelings for each other. What happened this morning is a simple physical attraction. Lust, Zandro, if you know the meaning of the word and at least na-satisfy ang curiosity ko.”

“Curiosity?” Napataas ang tinig nito.

“Of course. At my age, I’m almost twenty, it is so unusual to be still a virgin. Now, I have something to share my friends with.” Ang galit na nakita niya kay Zandro sa tulay ay balewala kumpara sa anyo ng binata ngayon. Naggalawan ang muscles nito sa mukha.

“I could believe you!” Kung apoy na totoo ang inilalabas ng mga mata nito’y kanina pa siya naging abo. “Una pa lang ay pinag-interesan mo na ako sa party ni Marco at Emerald. Do I look like the appropriate specie para siyang magamit na experimento ng isang tulad mo?”

Bahagyang nagsalubong ang mga mata ng dalaga. Hindi niya maintindihan kung bakit sa kabila ng galit ay may nahihimigan siyang bitterness sa tinig nito. Pero naumpisahan na niya ito, tatapusin niya.

“You are a very good-looking man, Zandro. No doubts about that. It seemed that the Fortalejos came from a good stock. And I wasn’t disappointed, you were very good. And don’t worry about me, I am perfectly alright.”

“You’re a real bitch, don’t you know that?”

Napangiwi siya nang lihim pero nagkibit ng mga balikat. “Tapusin na natin ang usapang ito, Zandro. It is emotionally draining and embarrassing...”

“Damn you, Jennifer, but you could get pregnant!”

So, iyon ang dahilan kung bakit gusto siyang pakasalan nito. Balewala siyang ngumiti.

“This is the computer age, Zandro, love.” g inaya niya ang paraan ng pagbigkas nito ng endearment. “Maraming paraan diyan.”

Halos madurog ang mga ngipin ng binata sa galit. Sa iisang kamay ay marahas siya nitong itinaas. Sinikap niyang huwag dumaing.

“When I made you mine this morning...” he said in a dangerous voice. Ngayon higit na naiintindihan ni Jenny kung ano ang ibig sabihin ng “nagliliyab na mga mata.” At hindi niya maiwasang hindi panayuan ng balahibo. Anumang sandali ay nasa anyo ni Zandro na gusto siyang saktan. “...I had already changed my thoughts about you and even cursed myself for thinking the worst of you since I met you. Guess I was wrong. All along ay tama ang pagkakakilala ko sa iyo. The usual spoiled bitch. An accomplished flirt!”

Humihiwa na tila patalim ang sinasabi nito sa dibdib ni Jenny. Kung pisikal siyang sinaktan nito ay mas mamatamisin pa niya. Marahas siyang ibinalya ng binata pabalik sa kama na napahiga siya.

“Huwag na huwag kong malalaman, Jennifer! Gagawin ko ang lahat...” p inakadiin-diin nito ang sinabi, gritting his teeth. “...within my power to bring you back here hogtied. I cannot allow another bastard nor will I allow abortion. At kung iniisip mong natatakot ako sa mga lalaking Navarro, you can think again!”

Ipinikit ni Zandro ang mga mata sa pagpipigil ng matinding galit. Naglalabasan ang mga ugat sa braso at kamay sa pagkakakuyom. Pagkatapos ay mabilis na tumalikod at lumabas ng f rench door.

Si Jenny ay isinubsob ang mukha sa unan and tried so hard not to let her tears fall. Sa kauna-unahang pagkakataon, she fell in love with the wrong man.

The honorable Zandro Fortalejo!

Proposed to marry her dahil sa katayuan niya sa buhay at sa pagiging virgin niya at dahil baka magbunga ang ginawa nila. Hindi mahirap isipin na hindi gusto ni Zandro na isang bastardo ang muling isilang. Pero hindi niya gusto ang ganoong dahilan. She wants love and romance. Tulad ng pag-ibig ni Franco kay Beatriz.

Their love for each other withstood in the passing of time. Lumaki at nagkaisip silang magkakapatid na saksi sa pag-iibigan ng mga magulang. They even kissed passionately kahit na nasa paligid silang magkakapatid.

Franco Navarro was passionate na sa edad nito ay walang pakialam kung may nakakakita sa adoration nito sa asawa. At kung pakakasalan siya ni Zandro out of honorable motive, hanggang saan hahantong ang pagsasama nila? Hindi niya gustong mapasama sa listahan ng mga divorced marriage. Despite everything, she was very old-fashioned when it comes to marriage.

At musika na sa tainga nilang magkakapatid ang sinasabi ni Beatriz na masarap kapiling ang minamahal. Wake up each morning with him, wait up on him every night. Live with him and die for him. And didn’t her Tita Monica’s life with Jerome was a living hell dahil wala itong pag-ibig sa asawa? She only married Jerome because she was pregnant with Nick. And Jerome married her for another selfish and evil reason.

No. Hindi niya papayagang mangyari sa kanya iyon. Love must be a two-way traffic. Hindi iyong isa lang ang nagmamahal.

At naniniwala siyang sa panahong ito’y posible ang ganoon. There was his brother’s love for Alaina. Minahal ni Nick si Alaina mula pa noong kinse pa lang ito at inalagaan sa puso. And Alvaro’s love for Kristine is something also.

Somehow, her love for Zandro wasn’t meant to be. And it cuts like a knife. And she has doubts if she could forget this man in the next million years.

SI ZANDRO ay nagtuloy sa kuwadra at inilabas si Firewind. Marahas na sumampa sa stallion at mabilis na pinatakbo patungong batis. At wala itong pakialam kung anong oras na ng gabi. Naguumapaw ang dibdib niya sa galit.

Hindi pa humihinto nang husto si Firewind ay tumalon na ito mula sa likod ng kabayo at nag-dive sa tubig with everything on including his boots.

Mabilis na lumangoy, pabalik-balik, walang hinto. He could have won the Olympics sa ginawa nito. Ibinuhos doon ang lahat ng galit at poot sa dibdib.

Sa ikatlong pagkakataon sa buhay niya’y inalok niya ang pangalan niya sa isang babae. Ang walang kakuwenta-kuwenta niyang pangalan. Nasabing Fortalejo, pero balewala, nasabit lang siya rito sa isang hindi sinasadyang pangyayari.

At sa ikatlong pagkakataon din ay tinanggihan siya. Both women, more or less, ay may iisang dahilan. Only Jennifer was too polite and well-bred upang hindi hantarang ipamukha sa kanya ang tunay niyang katayuan. She sugarcoated it by telling him that she will only marry for love.

Love? Bullshit!

She only wanted him for his body. For the initiation. Now she could start counting men after men, like a common whore. Lalo niyang binilisan ang paglangoy sa kaisipang iyon! Ang isipin pa lang si Jennifer sa piling ng ibang lalaki ay sasabog na ang dibdib niya.

Bakit ka nagkakaganyan, Zandro? Nandiyan naman si Ester? Hindi ba at buo na sa isip mong siya ang uri ng babaeng gusto mong makasama sa habang-buhay? Hindi ka niya tinatanggihan. Alam ni Ester na bastardo ka but it didn’t matter to her, `di ba? kausap niya sa sarili.

“I couldn’t imagine you with her without get t ing bored to tears. Why, she couldn’t even look at you straight in the eyes. You kiss her at sa sahig siya nakatingin...”

Malakas siyang natawa sa sinabing iyon ni Jennifer nang nasa beach sila. She was so outspoken.

“Hindi mo nga siguro ako type but at least I can make you laugh... I’ll bet when you made love to her she’ll be as stiff as a twig!”

Lumangoy sa pampang ang binata sa puntong iyon ng pag-iisip. Ibinagsak ang sarili sa damuhan at itinitig ang mga mata sa kadiliman sa itaas na lalo pang pinadilim ng makakapal na puno sa paligid. Kahit ang sinag ng buwan ay hindi makapasok.

Then his thoughts wondered to Ester. Totoong alam nitong bastardo siya. But she didn’t meet him when he was still a struggling poor bastard. Malaking bagay na ang katayuang taglay niya ngayon bilang part-owner ng Hacienda Kristine. At hindi ilang beses ipinahiwatig ni Ester na sana’y pag-isipan niyang magkaroon ng malaking bahay tulad ng sa mga Cervantes.

At hindi rin ba at balewala sa kanya pumayag man o tumanggi si Ester sa iniluluhog niya rito? Nang ligawan niya ito’y walang emosyong kasama mula sa kanya. Sa isip niya’y si Ester ang tamang babae para sa kanya at magiging ina ng kanyang mga anak.

Pero bakit nasasaktan siya sa ginawa ni Jenny? Bakit kailangang mangibabaw ang emosyon niya sa dalaga? Bakit sinabi niyang wala siyang pag-ibig sa dalaga nang biglang magtanong ito kung may pag-ibig siya rito?

Why can’t he dismiss what happened to them as one of those things... a mere novelty? And so what if she was a virgin? Kung iyong may katawan ay hindi interesado, bakit siya?