noveltoon logo noveltoon
Wild Heart (Kristine Series 10)

Chapter 8

Ch. 8 / 20 Nov 28, 2025

“D on’t sulk, Jennifer.” s i Zandro mula sa likuran niya. “Tara sa Kristine r esort.”

Marahas siyang napalingon. “How long have you been there?” naniningkit ang mga matang tanong niya.

“Since that veterinarian arrived,” amused nitong sagot. Sa pagkakataong iyon ay hindi itinama ng dalaga ang sinabi nito.

“Wala kang karapatang makinig sa usapan ng may usapan!” singhal niya na nais ibunton sa kaharap ang sama ng loob at galit.

“Why, this is my house and I happened to be here when your Scrap arrived. Hindi mo inaasahang aalis ako?” Tumaas ang isang kilay nito. Nasa mga labi pa rin ang ngiti at gustong damputin ni Jennifer ang ashtray at ibato sa binata so she could erase that silly grin on his face.

“Dapat ay umalis ka!” galit niyang sigaw rito. Nakita’t narinig ni Zandro ang rejection ni Ralph sa kanya. At ang sama ng loob at damaged pride ay nadagdagan ng kahihiyan. “It is impolite to eavesdrop .”

“I am never polite.” l umalim pang lalo ang ngiti nito.

Bago pa niya maiwala ang composure at ibaon ang sarili sa kahihiyan sa pamamagitan ng pag-iyak sa harap ng lalaking ito ay mabilis na humakbang ang dalaga upang pumanhik. Pero nasa harap na agad niya si Zandro at humarang sa daraanan niya.

Sa nanlilisik na mga mata ay tumingin siya rito and hated him more dahil tiningala niya ito.

“I hate you, Zandro Fortalejo!” she hissed.

“If it makes you feel better na sa akin ibunton ang galit at inis, be my guest, Jennifer,” he said softly pero naroon pa rin ang ngiti sa mga mata. “Kung ako ang niyakap mo at sa akin ka nagpahalik tulad ng ginawa mo sa veterinarian na iyon, I would have lapped you up tulad sa isang pusang umiinom ng gatas.” He stared at her lips with longing na tulad nga sa isang pusang nakaharap sa isang mangkok ng gatas.

Bahagyang umatras si Jenny na ang inis at galit ay nahaluan ng pagkailang and weariness.

“Paraanin mo ako, Zandro, please. I really hate to break down in front of anybody now...” gumagaralgal ang tinig niya at namumuo na ang luha niya sa mga mata.

Inabot siya ng binata at dinala sa dibdib. “Oh, Jenny, you’re still a baby really.”

“I hate you, Zandro, I hate you!” she sobbed. Her fingers curled on his chest.

At tuluyang kumawala ang mga luha niya. Galit at habag sa sarili at damaged pride ay sama-sama na. Idagdag pa ang mga pangyayari ng mga nagdaang araw kung bakit nasa Paso de Blas siya. And this hateful man had his arms around her and comforting her gayong kung tutuusin ay isa ito sa mga dahilan kung bakit nasa ganito siyang kalagayan ngayon.

May kung ilang sandaling pinabayaan siyang umiyak nang umiyak ng binata bago dumukot sa bulsa at inabutan siya ng panyo. She took it and blow her nose softly on it na bahagyang natawa si Zandro.

“I’m sorry for teasing you, Jen,” bulong nito sa ibabaw ng ulo niya. “Mas gusto kitang nagagalit kaysa umiiyak ka nang ganyan. I never thought you’d really cry.”

“You caused me this agony,” akusa niya na napasikdo pa.

Sandaling kumawala ang binata at hinawakan siya sa baba. “Kung inaakusahan mo akong siyang dahilan kung bakit nakipag-break sa iyo ang s crap na iyon, well, I’ll gladly accept it. That weakling is not worthy of you. Bakit ba, eh, tinalo pa niya si Emilio Aguinaldo sa suot niyang polo na sarado hanggang leeg, ah? At nakita mo ba iyong suot niyang sapatos? Duda ako kung may lisensiya iyon. Sa tulis ng dulo at ang boston na tumataguktok sa tiles ay maituturing na deadly weapon, ah.”

Sa kabila ng lahat ay hindi niya mapigil ang matawa. She giggled in between tears. Ngumiti si Zandro at pinahid ng mga kamay ang mga luha sa pisngi niya. Pagkatapos ay pumormal at tinitigan siya. Nahinto siya sa pagtawa at paghikbi. Biglang tila nagkaroon ng electric spark sa pagitan nilang dalawa.

Alam niyang hahagkan siya ni Zandro pero bago nangyari iyon ay nagbaba siya ng tingin. She couldn’t take pity right now o kahit na ano pa mang emosyon.

“I–I’m—going upstairs...”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Zandro at hinayaan siyang pumanhik. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan nang magsalita ito.

“I’m taking you to the resort. Magkikita kayo ni Jasmin doon and we can go swimming tonight.”

Muli na namang napukaw ang inis niya rito. He wasn’t inviting her, inuutusan siya nito. Patakbo siyang pumanhik at nagkulong sa silid.

“HINDI ako makapaniwalang narito ka.” s i Jasmin kay Jenny. “Bakit ngayon ka lang dinala ni Zandro dito?”

Sinulyapan ni Jenny si Zandro na kausap si Nathaniel sa may bar. “I do not even know that you live here. At kung bakit ako narito ay hindi ko rin masagot nang deretso.” She hated to sound sarcastic dahil mabait at warm ang pagtanggap sa kanya ni Jasmin pero naiinis siya kay Zandro, lalo na at ngayon nga lang siya dinala nito sa hotel at may makakausap naman pala maliban sa mga katulong.

“May kinalaman ba ang nangyari sa party kaya ka narito?”

Tumango siya. “He’s punishing me for doing that stunt on him. Napahiya siya sa publiko.”

“Punishing you?” gulat na tanong ni Jasmin. “Oh, well, totoong napahiya si Zandro sa nangyari pero duda akong pinarurusahan ka niya kaya ka narito sa Paso de Blas, Jenny.”

“Then believe it,” aniya at ikinuwento kay Jasmin kung paano siyang napunta sa Paso de Blas.

“But Zandro wouldn’t saddle himself with a— I’m sorry, wala akong masamang ibig sabihin. At hindi ako makapaniwalang ginawa niya ito para lang parusahan ka.” p agkatapos ay hinagod ng tingin ang dalaga. “You are so beautiful. Maliban na lang kung—kung...”

“Interesado siya sa akin?” dugtong niya sa matabang na tono. “Nagkakamali kang lalo.”

“I know. And no offense meant, pero alam ng lahat kung ano ang type ni Zandro.”

“At hindi ako iyon. Sinabi na niya sa akin iyon.” n ilingon niya ang binata at ewan kung saan galing ang regrets na nadama niya sa kumpirmasyong hindi siya type nito.

“That’s right but it’s nothing personal, Jen. May sariling dahilan si Zandro kaya iniiwasan niya ang mga tulad mong lagi nang nakasunod ang press. Kaya mahirap paniwalaang gusto ka niyang gantihan sa ginawa mo. Sa lahat ng mga lalaking Fortalejo, si Zandro ang kahuli-hulihan mong pag-iisipan ng ganyan, Jenny.”

Tumaas ang mga kilay niya. “Really? Then you’re wrong. Anyway just for the record, ano ang type niya?”

“Ang antithesis mo. Simple, old fashion, demure, iyong domisticated kind. Alam mo na.”

“How boring,” bagot niyang sagot and rolled her eyes. Natawa si Jasmin. “And there’s probably a lot of that kind here in this island.”

“Oh, yes,” sang-ayon ni Jasmin. “As a matter of fact ay mayroong partikular. See that?” Nilingon nito ang kinaroroonan ni Zandro at Nathaniel. May isang matangkad na babaeng lumapit sa dalawang lalaki. Sa anyo ay tila hiyang-hiyang hindi makatingin nang deretso kay Zandro.

“Sino ang babaeng iyan?” Nakakunot ang noong napatitig siya rito.

“Si Ester. Twenty-seven years old at supervisor sa kitchen staff. She’s pretty kung hindi lang marahil mag-aayos nang ganoon.”

Nakapusod ang mahabang buhok sa likod at nakasalamin. Electric pleated ang paldang lampas tuhod at blusang long sleeves na nakabutones hanggang leeg. She reminded her of Ralph.

Umiiling na ibinalik ni Jenny ang mga mata kay Jasmin. “I’d rather die kaysa mag-ayos nang ganoon!”

“Me, too,” natatawang sang-ayon uli ni Jasmin. “But you can never tell the tastes of these men, you know.”

“G-girlfriend ba ni Zandro ang babaeng iyan?” May tila matalim na gumuhit sa dibdib niya.

Nagkibit ng mga balikat si Jasmin. “Hindi ko alam pero matagal na siyang nililigawan ni Zandro.”

Tumayo sa pagkakaupo si Jenny at hinila si Jasmin. “Tara doon. Gusto ko lang gumanti ng pang-iinis.”

“Again? Hindi ba at nainis ka rin kaya nagamitan mo ng judo si Zandro noon?”

“I’ll use a different tactic this time,” nangingiti niyang sagot. Inalis ang mga butones ng sky blue polo shirt at dinampot ang beach towel.

“KAILAN ka pa bumalik mula Maynila, Zandro?” tanong ni Ester sa binata.

“Ikatlong araw na ngayon, Ester,” nakangiting sagot ni Zandro at tinitigan ang dalagang agad nagyuko ng ulo. Si Nathaniel ay inakbayan si Jasmin nang tumabi rito.

“Ganoon na ba katagal? Bakit ngayon ka lang naparito?” May bahid ng akusasyon ang malambing nitong tinig na gustong panayuan ng balahibo ni Jenny.

Bago pa makasagot ang binata ay naikapit na ni Jenny ang braso sa braso ni Zandro.

“Hi. I thought we’re going to swim.” Tumingala siya rito at sinikap na makita sa mga mata niya ang adoration sa binata. Si Zandro ay nagsalubong ang mga kilay. “Hindi mo ba ako ipakikilala sa kanya?” Bumaba ang tingin niya kay Ester na nakanganga sa pagkakatitig sa kanya. Sinadya niyang buksan na ang polo shirt na suot upang matanaw nito ang bikini sa ilalim.

“Maaga pa naman,” sagot ni Zandro na nag-alis ng bara ng lalamunan. “Siya si Ester, empleyado ng hotel. Ester, si Jenny Navarro...”

“H-how do you do?” Si Ester na hindi itinago ang pagsuyod ng tingin sa dalaga mula ulo hanggang paa. Hindi rin nito maiwasan ang panlakihan ng mga mata sa nasisilip na bikini top niya mula sa nakabukas na longsleeves polo shirt.

“Oh, fine, thank you,” nakangiting sagot ng dalaga na sinobrahan ang demure na arte at tinig and bat her eyelashes.

“Guest ka ba ng hotel?” tanong ni Ester.

“I am a guest, alright. Pero hindi rito sa hotel kundi sa villa. I arrived with him three days ago and I’m staying at the villa, with him,” she said smoothly at binigyang-diin ang huling sinabi. Kasabay noon ay nilaro ng daliri ang braso ni Zandro.

Napasinghap si Ester at dinala ang kamay sa bibig. Si Nathaniel ay tumaas ang kilay, si Jasmin ay umikot ang mga mata at sinikap itago ang ngiti.

“K-kayong dalawa lang sa—sa Villa?” nauutal na tanong ni Ester na hindi makapaniwala. Muling pinaglipat-lipat ang tingin kay Zandro at sa socialite na nakapulupot ang braso sa binata.

Bago pa makasagot si Jenny ay nasa mga balikat na niya ang braso ni Zandro. “Ganoon nga, Ester. Well, laki sa ibang bansa si Jenny at bale-wala sa kanya ang mga bagay na taboo para sa ibang babae. Hindi ba, sweetheart?” Nararamdaman niya ang panganib sa tono nito bagaman banayad ang pagkakabigkas. His hand moving up and down her spine na pinipigil niya ang paghinga.

“Of—course.” s he smiled too sweetly. Napalingon siya kay Jasmin na ang mga titig ay nagbabadya ng warning.

“P-pero hindi ba, Zandro, at...” t umingin ito sa binata na para bang naghahanap ng paliwanag mula rito.

“Huwag mong alalahanin ang mga bagay na hindi makapagdudulot ng mabubuting kaisipan sa iyo, Ester.” n ilingon nito si Jenny. “Alas-sais y media na naman pala ng gabi, tara na sa beach.” At bago pa makatanggi si Jenny ay inakbayan siya nito palabas ng lobby ng hotel.

“What was that all about?” Si Nathaniel nang bumalik sa kitchen si Ester.

“Hindi ko alam. I wish something good will come out. Because I couldn’t help but like that brat.”

Ngumisi si Nathaniel. “Hmnn... marahil ay tama ka, darling,” at hinagkan sa mga labi ang asawa. Pagkatapos ay may ibinulong. Tumawa si Jasmin.

“Uuwi na ba tayo?”

“Ano ang ginagawa ng maraming silid sa itaas, querida mia ?”

SAMANTALA ay malayo na ang nababaybay ng dalawa ay hindi pa rin humihinto sa paglakad si Zandro. At kahit pilit na pinakakawalan ni Jenny ang sarili mula sa braso nito ay hindi matinag ang binata.

“Bitiwan mo ako, ano ba?! At saan ba tayo maliligo?”

“Sa malayo sa karamihan,” makahulugang sagot ni Zandro. Sa liwanag ng buwan ay kumislap ang mga mata nito. “You’ll pay for that.”

“Ano ang ibig mong sabihin?” pagmamaang-maangan niya.

“Quit your games, Jennifer. Hindi ko alam kung bakit mo ginawa iyon.”

Huminto sa paglalakad ang dalaga. Inilatag sa buhangin ang beach towel at umupo. Ipinatong ang mga braso sa tuhod at tumingin sa nagkikislapang mga alon na humahampas sa dalampasigan. Tanging ang liwanag ng buwan ang tanglaw nila.

“Bakit mo ginawa iyon?” ulit ni Zandro na niyuko siya.

“Because I hated you for criticizing Ralph. Pagkatapos ay kamukha rin naman pala ni Ralph ang girlfriend mo.”

“Who gave you the idea na girlfriend ko si Ester?” His voice in dangerous calm. Hindi sumagot ang dalaga. Muling nagsalita ang binata. “Did Jasmin tell you, Jenny? There’s no need to lie. Alam ng lahat ang tungkol sa panliligaw ko kay Ester.”

Nagkibit siya ng mga balikat. “At nang makita kong kausap ka ng babaeng iyon, I thought I’d get even with you.”

“I like my woman simple and unaffected and homebody.”

“At si Ester iyon.”

“In a way, yes.”

“I wish you wouldn’t marry her, Zandro,” wika niya sa seryosong tono at tiningala ang binatang nagsalubong ang mga kilay.

“Bakit mo sinasabi iyan?”

“I couldn’t imagine you with her without getting bored to tears. Why, she couldn’t even look at you straight in the eyes. You kiss her at sa sahig siya nakatingin.”

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan bago umalingawngaw sa dilim ng gabi ang malakas na tawa ni Zandro.

“Hindi mo nga siguro ako type but at least I can make you laugh,” pahabol niya sa ironic tone. “That woman will make your life miserable because of boredom, Zandro. I bet she wouldn’t even blink an eye when you made love to her.”

Naupo sa tabi niya si Zandro. His shoulder still shaking. Hindi makapaniwalang kay daling mabago ni Jennifer ang mood nito. From anger to laughter.

“And how much do you know about making love, Jennifer?” he asked softly, dangerously.