noveltoon logo noveltoon
Wild Heart (Kristine Series 10)

Chapter 16

Ch. 16 / 20 Nov 28, 2025

N APABALIKWAS ng bangon si Zandro sa malakas na ingay na naririnig sa labas. Hindi siya nagising nang maaga dahil hindi naman siya nakatulog kagabi. Halos hatinggabi na nang umuwi siya mula sa batis. At inokupa ni Jenny ang pag-iisip niya sa buong magdamag.

It was only his pride that kept him from going to her room and shake her to listen to him.

Tumayo siya at sumilip sa bintana. Nagsalubong ang mga kilay nang makitang bumababa ang isang chopper sa landing ground ng villa. Lalong lumalim pa ang gatla sa noo nang mapuna ang logo ng chopper.

FNC International.

Mabilis na humugot ng briefs at maong ang binata sa closet at nagbihis. Lumabas ng silid habang isinusuot ang polo shirt. Sa bungad ng hagdan ay naroon si Jennifer. So classy despite the black denims at puting cotton shirt. Nasa sahig ang maleta.

“I’m glad you’re awake,” salubong ng dalaga sa pormal na tinig. Cleared her throat at iniwas ang tingin sa dibdib ng binata na ang polo ay sinisimulan pa lang ibutones mula sa dulo.

May pait na gumuhit sa dibdib sa nakikitang anyo nito. Pinangingitim ng tumutubong whiskers ang mukha. And she could still feel those on her flesh that it made her shiver.

He looked as if he didn’t sleep at all. Did he think about her? Kung paanong inisip din nito si Zandro sa buong magdamag? Of course! sagot din niya. Who wouldn’t think about you after the sex you both had yesterday? Kung binigyan lang niya uli ng pagkakataon ang lalaki, ten is to one na inulit nilang muli ang nangyari sa batis.

“Saan galing ang chopper na iyan?” galit nitong tanong. “Ang usapan namin ni Franco ay dalawang linggo ka rito.”

She smiled bitterly. “Pinakiusapan ko ang girlfriend mo na tawagan ang mama ko, Zandro...”

Nagsalubong ang mga kilay ng binata habang ipinapasok sa loob ng maong ang polo shirt. “Girlfriend who? Ano ang ibig mong sabihin?”

Nagkibit siya ng mga balikat. “Oh, she was here yesterday. She gave me the way to get out of this place.”

Nanalim ang mga mata ng binata. “Sino ang tinutukoy mo?” Nagtaas ito ng tinig. Subalit bago pa muling nakapagsalita si Jenny ay narinig na nila sa ibaba ang pagpapatuloy ni Agring sa dumating.

Umilap ang mga mata ni Jenny. Kilala niya ang tinig. Patakbo siyang sumungaw sa balustre ng sitting room.

“Lance!” Nag-echo sa kabahayan ang tinig niya at tumingala ang binata. Naningkit ang mga mata at nagdikit ang mga kilay nito pagkakita sa kanya.

Kinabahan si Jenny. Kabisado niya ang anyong iyon. Sa tatlong mga kapatid niyang lalaki, si Lance ang palabiro, laging nakangiti, happy-go-lucky. Subalit kahit si Franco Navarro ay hindi gugustuhing makita ang ganoong ekspresyon ng mukha ng bunsong anak na lalaki. She held her breath. Bakit kailangang si Lance ang sumundo sa kanya? Kailan pa ito umuwi sa Pilipinas?

“Come down here, brat, and fast!” sigaw ng binata.

Sandaling nagkatitigan sina Zandro at Jenny. Kitang-kita sa mukha niya ang kaba. Tumaas ang isang sulok ng bibig ni Zandro sa patuyang pagngiti.

“Scared with big brother, huh? I doubt what he would say if I’ll tell him that I took his dear little sister’s innocence…”

Namutla si Jenny. “Bastard,” bulong niya sa pag-aalalang marinig sila ni Lance. “He will kill you, iyan ang tinitiyak ko!”

Banayad na tumawa nang pauyam si Zandro. “Whew! And I am supposed to fear your brother, eh...”

“You should be!” she hissed pero hindi malakasan ang tinig. “And keep your bloody mouth shut!” Akmang dadamputin niya ang maleta subalit naunahan siya roon ni Zandro at nagpatiunang bumaba. Sumunod siya na may agam-agam sa dibdib.

Nasa ibaba na siya nang ngumiti sa kapatid. “Kailan ka pa nasa Maynila, Lance? i kaw ba ang inutusan ng Mama na sunduin ako?” aniya sa pinasiglang tinig. Si Lance ay pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang nasa ibaba ng hagdanan.

“Nasa bahay ako nang tumawag sa Mama ang isang babae at sinabing maysakit ka at nagpapasundo.” k ay Zandro ito nakatingin habang nagsasalita. “Hindi ko alam na wala ka sa Maynila, Jennifer, and I could have killed Nick kung nagkataong nagkita kami. Hindi ako makapaniwalang pumayag ang lalaking iyon sa kalokohan ng Papa.” l umunok si Jenny. Nakini-kinita na niya ang pagtatalong sumunod sa pagitan ni Franco at Lance.

“Welcome to Paso de Blas, Mr. Navarro.” s i Zandro sa pormal na tinig at sinasalubong ang mapanuri at matalim na titig ni Lance.

So, this is the third formidable brother, huh. Tinantiya ni Zandro ang bagong dating. A little bit taller than Nick. Perhaps the tallest among the Navarros. Over six feet in height. The wavy hair almost reach his broad shoulders. Jet setter and international playboy. Iisang tao lang ang laman ng chopper nang masilip nito kanina sa bintana. So he must be a pilot, too, maliban sa pagiging car racer.

“I should not want to take this out on you, Mr. Fortalejo, pero hindi mo dapat pinatulan ang mungkahi ng Papa. Hindi ka niya mapipilit.” s a ilalim ng magalang na tono ay naroon ang disgusto at galit sa kaharap. “Ano ang motibo mo at pumayag kang dalhin dito si Jennifer? I know you’re a busy man.”

“Lance, please...” h indi niya gustong nagagalit ang kapatid. Lance is unreasonable most of the time pagdating sa kanya. Or she guessed all her brothers are unreasonable pagdating sa kanya.

“At ikaw, Jennifer,” baling nito sa dalaga na napapitlag. “This is so unusual. Sinabi ng Mama na hindi mo gusto ang pagkaparito mo pero mahigit ka nang isang linggo rito and alone.”

Tumikhim ang dalaga. Paano niya sasabihin sa kapatid na walang paraan para makaalis ng Paso de Blas nang hindi ito magsisiklab sa galit? Na kung hindi dahil sa isang nagmamalasakit na babae ay hindi pa siya sana makakauwi ngayon.

“I love their beach, Lance. One of the bests. And you know how I love horses. They have the finest breed of stallions.”

“We have Shadow and Arab!” he snapped at pagkatapos ay binalingan si Zandro. “Hindi mo na ako sinagot, Mr. Fortalejo...”

Tumikhim si Zandro. Kung naiba-iba ang kaharap ay baka kanina pa ito nakatikim sa kanya. No one talked to him in that kind of tone and got away with it. Kahit pa anak ng multi-milyonaryong si Franco Navarro. Pero tama ito, ano nga ba ang motibo niya? He could have said ‘ no’ nang ipakiusap ni Franco iyon.

“Your father was very persuasive, Mr. Navarro.” h e felt stupid. Masyado silang pormal sa tawagan sa isa’t isa. “At hindi ko matanggihan. He is an important business associate. Anyway, your sister is a guest in this house at hindi ako nag-iisa rito sa Villa. Nariyan si Agring, ang sumalubong sa iyo kanina. And your sister was well taken cared of.” h e smiled secretly nang marinig ang marahang buntong-hininga ni Jenny. At alam ni Jenny na doble ang kahulugan ng huling sinabi nito.

“Tama siya, Lance,” agap ng dalaga. “Walang dapat na pagtalunan. Isa pa, ginusto ko ring magtagal nang ilang araw. I’ve been to so many parts of the world pero it’s ironic na hindi pa sa famous Kristine Resort.” p inasigla niya ang tinig at nilingon si Zandro bagaman sinikap na huwag salubungin ang tingin nito.

“Thank you for everything, Zandro,” patuloy ni Jenny. “Say my goodbyes to Nathaniel and Jas.” s he smiled too sweetly. Si Lance ay humakbang patungo sa maleta niya at dinampot ito.

“I am sorry for the inconvenience, Mr. Fortalejo.” b umaba ang tinig nito at iniabot ang kamay kay Zandro na tinanggap naman. “Let’s go, Jennifer.” m abilis na humakbang palabas si Lance at nagmamadaling umagapay ang dalaga na hindi lumilingon.

She was torn between a broken heart and fear for his brother at para na rin kay Zandro sa sandaling magkahinala si Lance na may hindi magandang nangyari sa kanila.

Nasa lawn na ang magkapatid nang magsalita nang malakas si Zandro. “Mr. Navarro...”

Nahinto sa paglakad si Lance at lumingon, ganoon din si Jenny sa pag-aakalang may nalimutan at inihabol ni Zandro. Maririnig kahit karayom na mahuhulog sa katahimikan sa pagitan nilang tatlo. Ang magkapatid ay naghihintay ng sasabihin ni Zandro. Marahang nagsalita si Zandro bagaman sa pandinig ng magkapatid ay tila ito kulog mula sa langit.

“Should your sister get pregnant, you know where to find me. I am willing to marry her.”

Napahugot ng matalim na paghinga si Jenny kasabay ng pagkawala ng kulay sa mukha. Sana’y bumuka ang lupa at lamunin siya. But it never happened. She wished again. Na sana’y hindi narinig ni Lance ang isinigaw ni Zandro at magpatuloy na sa paglakad patungo sa chopper.

But wishes do not happen anymore. Nakita niya si Lance na sandaling itinulos sa kinatatayuan bago ibinagsak sa damo ang maleta niya.

“You sonofabitch!” At sa malalaking hakbang ay binalikan ni Lance si Zandro na sinasalubong din ito. With equal grimness on both men’s faces.

Jenny closed her eyes in horror. Makalipas ang ilang sandali ay nagmulat siya ng mga mata upang makita ang paghahamok ng dalawang lalaki. Both men were of the same build and height bagaman mas bata si Lance nang limang taon. But both were muscular and martial arts expert.

Si Lance ay galit at si Zandro ay naghahamon. Gustuhin mang umawat ni Jenny, she didn’t want to be caught in between two colliding forces.

“You can fight to death, damn you both!” Sa malalaking hakbang ay bumalik sa villa.

Nasalubong sa portico ang mag-asawang katiwala. Inutusan niya ng kape ang natutulalang si Agring. Sa di-kalayuan ay nakatanga ang stable boy sa dalawang lalaking naghahamok. Sa nakikita niya’y hindi ang asawa ni Agring at ang stable boy ang magkakalakas-loob na awatin ang dalawang lalaki. How she wished na ang mga nagtatrabaho sa asyenda ay nasa malapit lang.

Pagalit siyang naupo sa isa sa mga silya sa portico at sinulyapan ang dalawang lalaki. Isang flying kick ang pinakawalan ni Lance na tumama sa sikmura ni Zandro at bumagsak ito sa lupa. Sumugod pa uli si Lance upang sundan ang ginawa subalit nakatayo na si Zandro upang magpakawala ng isang malakas na upper cut sa panga ni Lance.

Pareho niyang iniinda ang tama ng bawat isa. Sa nakikita niya’y walang mananalo, parehong babagsak ang dalawang lalaki na pulos pasa at dugo na ang mga mukha. Parehong magkakamatayan ang dalawa kung hindi siya gagawa ng paraan.

Tumayo siya at pumasok sa loob ng villa hanggang sa may bar. Binuksan ang isang glass shelf sa dingding kung saan may naka-display na iba’t ibang uri ng baril. Kinuha mula roon ang isang baril. Tiningnan kung may bala at nang matiyak na loaded ay ikinasa.

Muling bumalik sa labas at itinaas ang baril sa ere at nagpaputok. It worked. Mabilis na naghiwalay ang dalawa at parehong nilingon siya.

Naniningkit ang mga matang hawak sa dalawang kamay ang baril at itinuon sa dalawang lalaki.

“Of course, I could not kill you,” aniya na tumaas-baba ang dibdib. “Pero gusto rin lang ninyong masaktan, madali para sa aking sugatan kayo sa iba’t ibang bahagi ng katawan. You know that very well, Lance.” i tinuon niya ang mga mata sa kapatid. “I would not miss a strand of your hair.”

“Dammit, brat, put that gun down!” hiyaw ni Lance. Her sister is a marksman.

Si Zandro ay pinahid ng likod ng palad ang dugo sa ilong at galit na tumayo. Inabot ito ni Lance sa binti at natumba ang binata at muli na naman sanang magpapang-abot nang ipaputok ni Jenny ang baril nang dalawang beses ilang pulgada mula sa paanan ng dalawang lalaki.

“I have both your shoulders as my next target sa ikatlo at ikaapat na bala!”

“She’s not joking!” babala ni Lance kay Zandro.

“Hindi ako natatakot sa bala niya!” hiyaw ni Zandro.

“Hindi rin ako!” ganti ni Lance and cursed himself and his two brothers for having taught this brat to be a sharpshooter. “But my sister could shoot accurately and looking at her now...” u miling at muling itinuon ang mga mata sa nagpupuyos na si Jenny. “Wala akong balak na maging invalid for the next few days because of a gun wound. Ewan ko sa iyo...”

“Hell!” Tumayo si Zandro at humakbang patungo sa kuwadra.

Nakita ni Jenny na umika ang binata though he tried so hard na huwag ipahalata. She winced. Parang siya ang may mga sugat sa nakikitang anyo ni Zandro. Hindi siya nakatiis at ibinagsak ang baril sa damo sa matinding panlulumo. Mabilis na tumakbo at hinabol si Zandro at humarang sa daanan.

“Zandro... I–I...” h indi niya alam ang sasabihin. Tumingala at hinagod ng mga mata ang mukha ng binata and she felt like crying.

“Get out of my way, Jenny!” ani Zandro, gritting his teeth.

“B-but... why did you do it?” Gumagaralgal ang tinig niya. She wanted to reach his face and touch it.

“Why?” Lumiit pang lalo ang mga mata ng binata na halos hindi na maidilat ang isa dahil sa suntok na inabot mula kay Lance. “Dahil hindi kita masaktan though the devil knows you deserved to be hit for the kind of a woman you are!” Pagkasabi niyo’y nagmamadaling humakbang patungo sa kinaroroonan ni Firewind.

Nilingon ni Jenny si Lance and for a moment there had the thought of killing her own brother for hurting Zandro. But Lance is equally bruised. Pagkatapos ay muling nilingon si Zandro na pinatakbo nang mabilis si Firewind palayo sa lugar na iyon.

There goes the bastard that she loves so much.