M ULA sa pagkakakapit sa tulay ay ubod-lakas na tinulungan ni Jenny na makasampa si Zandro. At parehong bumagsak sa ibabaw ng sirang tulay ang dalawa. Tumaas-baba ang dibdib sa matinding pagod, takot, at relief.
Sa sumunod na mga sandali ay walang maririnig kundi ang paghingal ng dalawa at ang hampas ng munting alon sa mga haligi ng tulay.
Si Jenny ang bumasag sa katahimikan.
“I–I’m—sorry.” b ulong na lang na lumabas sa bibig ng dalaga iyon.
“Sure,” sarkastikong sagot ni Zandro na umiling at galit na tumayo. “Ang bahaging ito ng isla ay shark infested. Natitiyak kong hindi ka makakarating sa kabilang pampang kahit na hawak mo pa ang world record sa Olympic bilang mahusay na manlalangoy. Kung hindi man dahil sa mga pating ay sa hypothermia!”
“H-hindi ko alam, Zandro,” aniya sa mahinang tinig kasabay ng pagbangon at naupo at isinandal ang sarili sa mga balustre ng sirang tulay.
“Of course,” angil ng binata. “Hindi ikaw iyong uri ng nag-iisip ng kahihinatnan ng ginagawa mo! You are nothing but a spoiled and selfish brat!”
“T-that’s... unfair...” h er teeth were chattering uncontrollably habang pinipilit niyang pigaan ng tubig ang manipis niyang t -shirt.
“Unfair?” Nagliliyab ang mga mata ng binatang niyuko siya. “Is it unfair when you almost get us killed? Grow up, Jennifer!”
“Why, you... you...” a ng pagnanais niyang humingi ng paumanhin ay nahalinhan ng galit. Padabog na tumayo. “Ano ang karapatan mong pagsalitaan ako nang ganyan? I never wanted to be your prisoner here. If we died there, then it was your fault! At isiping sinampal mo ako. Ikaw pa lang ang kauna-unahang taong nanakit sa akin, Zandro Fortalejo!”
“At ikaw ang kauna-unahang babaeng sinaktan ko!” ganti ng binata na lalong nagalit. “At sasaktan kita uli if it means saving my life... and yours, too! Sa palagay mo ba’y buhay pa tayo ngayon kung hindi ko ginawa iyon?”
“Why, thank you!” sarkastikong sagot niya sa nanggagalaiting tinig. “Mamatamisin ko pang magpakain sa pating kaysa bumalik sa villa na kasama ka!” Pagkasabi niyo’y mabilis na tumalikod ang dalaga at sa malalaking hakbang ay bumalik sa pampang.
“You ungrateful bitch!” habol ni Zandro na naabutan siya malapit na sa dulo ng tulay. Marahas nitong hinawakan sa braso si Jenny na galit na bumaling dito.
“Bitiwan mo ako!” Mabilis ang ginawang pagtaas ng kamay niya at bago pa napag-isip-isip ang ginawa ay dumapo na ang palad sa pisngi ni Zandro.
Naningkit ang mga mata ni Zandro na tinitigan siya. Bumaon sa mga braso niya ang tila-bakal nitong mga daliri. Gusto niyang pagsisihan ang kabiglaanan. Bigla siyang kinabahan sa naging anyo ng binata. Nakayuko ito sa kanya. The handsome face hardened in anger. Nadarama niya sa mukha ang marahas nitong paghinga.
“B-bitiwan mo a...” h indi niya natapos ang sasabihin. He pulled her roughly against him. Bago siya nakakilos, his lips were on hers in a brutal kiss that benumbed her lips.
Sinikap niyang manlaban pero hindi niya maigalaw ang katawang mahigpit nitong yakap. He was kissing her hard that the air that she breathed was from his lungs as though he wanted to suck her entire mouth to his. Mariin at marahas ang halik at sinikap niyang kumawala upang huminga. But he buried his fingers in her hair and held her head in place then masterfully thrust his tongue madly.
Makalipas ang mahabang sandali ay bahagyang niluwagan ni Zandro ang pagkakahawak sa kanya but only to catch his breath. Then kissed her again and again, coming back for more... and more.
She hurriedly grasp for air nang bumaba ang mga labi ng binata sa leeg niya, biting her flesh. Hindi iilang boyfriends niya sa Texas ang nagtangkang gawan siya ng kiss mark and she threatened them all with murder. Pero hindi sa oras na iyon. Never before had she been carnally kissed as this man is doing. And to think this man isn’t subtle at all. Zandro is like a starved man...
Ang sunod niyang naramdaman ay ang pagdantay ng likod niya sa tabla ng tulay. Kung paano siyang naihiga roon ni Zandro ay hindi niya alam. She was returning his kisses as hungrily as he was. Nang itaas ni Zandro ang basang t -shirt sa ulo niya ay hindi siya tumanggi. She knew she’ll regret this later pero nalulunod na siyang tuluyan sa sensasyon. Walang lalaking nakapagdala sa kanya sa ganitong pagkawala sa sarili...
Zandro was beyond reason. No woman had ever made him feel like this. He hated her but at the same time wanted her that he losts all control. She feels soft and tastes soft. And so perfect that he thought he’d die if he didn’t take her now...
Inihanda na ni Jennifer ang sarili sa mangyayari kaya ganoon na lang ang gulat niya nang biglang bitiwan siya ng binata.
“Damn!” malakas na usal ni Zandro na kumawala.
“W-what’s wrong?”
Umiling ang binata kasabay ng paghugot ng matalim na paghinga at mabilis na tumayo. “Everything,” wika nito sa gumagaralgal na tinig at inikot ang mga mata sa kalawakan ng dagat. Pagkatapos ay niyuko ang t -shirt ni Jenny sa tabi, kinuha at ibinigay sa kanya.
“W-why?” Pinaghalong galit, pagkalito, at kahihiyan ang sabay-sabay na naramdaman ni Jennifer sa rejection na iyon.
“Ipinagkatiwala ka sa akin ni Franco, Jennifer,” wika nito na bumaba-tumaas ang dibdib sa pagsisikap na pigilin ang rumaragasang damdamin. Hindi madaling sugpuin ang kumalat na apoy sa katawan nito.
Naningkit ang mga mata ng dalaga. “You were making love to me and you were thinking of my father? I can’t believe it!” Hinablot niya ang t -shirt at itinakip sa katawan. “Go away, Zandro!”
“Let’s go back home together,” mariing wika nito na inabot ang kamay sa kanya.
“Go to hell!”
“Don’t be such a child, Jenny,” he said impatiently, angrily. Nagagalit ito dahil muntik na itong makalimot gayong sa lahat ng pagkakataong magkasama sila ay abot-abot ang pagpipigil nito sa sarili. This woman is temptation to the hilt. “I don’t want to betray your father’s trust.”
“Trust? My father wouldn’t trust me with any man! Let alone you and in this shangrila...” singhal niya. Kung tutuusin ay dapat siyang magpasalamat na huminto ito, on time. Pero napahiya siya. Lumalabas na siya pa ang masigasig. At wala siyang alam na ipanlaban sa embarrassment kundi galit.
“Then you’re wrong.” b ahagyang bumaba ang tinig nito. Looking at her now like a temptress hellion ay hindi pa nito mapahupa ang damdamin. “Ipinagkatiwala ka ng ama mo sa akin.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Jenny. Sa pagitan ng galit ay may pilit na sumisingit na hinala sa sinabi ng binata.
“Ano ang kinalaman ng Papa rito, Zandro?”
“You’re acting like a real brat. Magbihis ka at halika nang umuwi,” hikayat nito sa nagpapahinuhod na tinig.
“Ano ang kinalaman ng Papa rito? Ikaw ang may gustong dalhin ako rito at dinaya mo kami ng Papa!” galit niyang giit. Naghihinalang tinitigan ang binata.
“C’mon, Jen... ” s inikap ng binatang umiwas.
“Sagutin mo ako, Zandro!”
Nagbuntong-hininga ang binata at sandaling tinitigan ang dalaga. Pinaghalong galit at pagdaramdam ang naroroon. Natitiyak nitong hindi titigil si Jenny hangga’t hindi nalalaman ang totoo. Nabigla lang ito nang sabihin iyon. Dahil parang piniga ang dibdib nito sa pagdaramdam na nakita sa mukha ni Jenny. And he knows she felt rejected, nasilip agad nito ang luhang nasa mga mata niya na agad tinakpan ng galit.
Hell! Nawawala ito sa sarili pagdating sa babaeng ito. He’s getting softer. Tumatanda na marahil ito.
“Can we forget all about this, please?” May bahid ng pakiusap ang tinig nito na muling iniabot ang kamay sa dalaga.
“What is it about my father’s trust, Zandro?” ulit ni Jennifer sa matatag na tinig.
i nihilamos ng binata sa mukha ang palad at pagkatapos ay tumingin sa kalawakan ng dagat. “It was your father’s plan that I brought you here...”
“W-what?” Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga at nahalinhan ng pagkalito ang galit niya.
“Alright.” i pinasok ng binata ang mga kamay sa tig-isang bulsa ng basang maong at muling itinuon ang mga mata sa kanya. “Napahiya sa mga Fortalejo si Franco Navarro dahil sa ginawa mo. At gusto niyang turuan kita ng leksiyon at sinadya niyang ipadala ka rito. Siguro ay mauunawaan mo na ngayon kung bakit hindi ko dapat ituloy ang balak kong gawin...”
Nanlaki ang mga matang nanatiling nakatingin kay Zandro si Jenny. Ipinadala siya rito ni Franco! Ang mama niya, alam ba ito? At si Nick? Pinagkaisahan ba siya ng sariling pamilya? Hindi siya makapaniwalang magagawa ng mga ito sa kanya ang ganito. Namuo ang mga luha niya sa mata sa sama-samang emosyon. Higit sa lahat, self-pity.
Si Zandro ay marahang nagmura sa sama ng loob na nakikita sa mukha niya. Niyuko siya at hinawakan sa mga balikat and gently pulled her to him.
“Oh, Jenny, please...”
Marahas na itinulak ng dalaga ang binata. “I don’t need your sympathy and stop treating me like a child!” aniya sa gumagaralgal at galit na tinig. “And leave me alone. Gusto kong mapag-isa...”
“Jenny, I’m sorry. I didn’t mean to hurt you at walang masamang intensiyon ang papa mo sa pagpapa...”
“Huwag mong ipagtanggol ang Papa, Zandro,” aniya na sinikap kalmantehen ang sarili. Hindi niya gustong umiyak sa harap ng lalaking ito sa ikalawang pagkakataon. “Mauna ka nang umuwi, susunod ako. Huwag kang mag-alala, hindi ako nagpapakamatay para tawiring muli ang dagat.”
“Hindi kita iiwan dito!”
Tumayo ang dalaga. Kipkip pa rin sa dibdib ang t -shirt. “Hindi mo ako mapipilit, Zandro. I can fight you, alam mo iyan.”
Tumiim ang mukha ng binata. “Hindi ka mananalo, Jen. Masasaktan ka lang.”
Paismid siyang ngumiti. “Dare,” aniya bago tumalikod at isinuot nito ang t- shirt na manuyo- nuyo na. Zandro swallowed hard at inilayo ang mga mata sa magandang likod ng dalaga na may bakas pa ng pamumula at dumi sa pagkakahiga sa tabla. His manhood is still achingly throbbing.
Hindi nito matiyak kung sino at sino ang natuturuan ng leksiyon. Marahil ay siya for self-control.
“Jenny, c’mon...” a kma nitong hahawakan ang dalaga nang humarap subalit mabilis na umatras si Jennifer at umikot. Pagharap muli kay Zandro ay isang flying kick ang pinakawalan niya na tumama sa sikmura ng binata. Sinapo nito ang sikmura at sa isang iglap ay patihayang bumagsak sa tulay na naglangitngitan at umuga. May isang kaputol na tabla ang nahulog sa tubig.
Mabilis na napahawak si Jenny sa sirang hawakan ng tulay. Kinabahang bumigay ang gapok na kahoy at sa dagat sila pulutin at pagpistahan ng mga pating. Mabilis siyang humakbang paatras pabalik sa pampang. Hindi pa siya nakakadalawang hakbang nang ang isang paa niya ay hilahin ni Zandro at bumagsak siya. In seconds, nasa ibabaw na niya ang binata, pinning her with his body and legs.
“You can never beat me, Jennifer,” he whispered huskily. “I knew you’re going to attack. I allowed you to hit me to test how deadly your martial arts can be.” n gumiti si Zandro. Hinaplos ng paningin ang mukha niya. “Your face is lethal enough. You can kill a man, love.”
“I promise to kill you!” isinigaw niya subalit halos bulong lang iyong lumabas sa bibig niya.
Nakadagan sa kanya si Zandro at nakahawak nang mahigpit sa mga braso niya. Alam niyang nasusuklam siya rito sa mga sandaling iyon. And hated him more dahil may pinupukaw na kakaibang init sa katawan niya ang binata. Something that made her feel weak.
“Every which way, I like fighting you, Jennifer Navarro.” h is eyes carressed her face. Binitiwan ang isang braso niya at ibinaon sa buhok niya ang mga daliri nito and tugged her hair a little bit roughly at napatingala siya. “Alam mo ba kung ano ang gusto kong gawin sa iyo ngayon? Alam mo ba?”
“W-what?” The masculine scent and clean breath filled her nostrils at hindi niya mapigilang manayo ang mumunting balahibo sa katawan.
“To kiss every secret parts of you, love, from head to foot... and to fill you with my flesh,” at matalim na humugot ng paghinga, as if moving heaven and earth for self control. “Now, don’t be so stubborn and let’s go home... ” t umayo ito kasabay ng paghila sa kanya.
Sa ikalawang pagkakataon ay nakadama ng rejection si Jenny. Pero sinikap niyang balewalain ang kahihiyan, galit at sama ng loob sa pamamagitan ng panunuya.
“You want me and yet you’re scared with Franco Navarro and my brothers, aren’t you, Zandro?” paismid niyang sinabi. “Of course, they will kill you once they learned how you enjoyed mauling me.”
“Jenny...”
“Your fear with my father and my brothers override your lust, Zandro Fortalejo,” agap niya sa anumang sasabihin nito at patuyang ngumiti. “That’s just fine, I don’t want to indulge myself with a coward, anyway. The men that I met all my life have feared my three brothers, not to mention my father.”
Si Zandro ay halos mag-isang linya ang mga mata at bibig at lalong naging prominente ang square jaw sa tinitimping galit. Subalit agad ay biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. His lips twisted in a mocking smile.
“So I am a coward, huh?” i kiniling nito ang ulo sa panunuya at ang mga mata ay hindi inaalis sa mga labi niya. “At ano ang dapat kong itawag sa isang tulad mo, Jennifer Navarro? o ne who likes to anger a man just to be kissed and touched? What was the term? t ease?”
“I didn’t ask to be kissed by you! Sinasamantala mo ako!”
“Oh, yeah,” amused nitong sagot na hinawakan siya sa baba at itinaas. “Kaya ba ganoon na lang katindi ang pagtugon mo sa mga halik ko? Why, you almost took my tongue as if it was candy...”
Pinamulahan ng mukha si Jenny sa matinding kahihiyan. At sa nanlilisik na mga mata ay marahas na binawi ang mukha. “Damn you, Zandro Fortalejo!” she hissed at pagkatapos ay lumayo rito at patakbong tinungo ang pinagtalian kay Thunder.
Kung kanina’y natatakot siya sa makamandag na ahas na maaaring nagkakanlong sa mahahabang mga damo ay nakalimutan niya sa pagkakataong iyon.
Sumampa siya sa kabayo at walang-lingong mabilis itong pinatakbo. Malayo-layo na siya’y naririnig pa niya ang pag-e-echo ng halakhak ni Zandro sa buong gubat.