noveltoon logo noveltoon
Wild Heart (Kristine Series 10)

Chapter 4

Ch. 4 / 20 Nov 28, 2025

M ALAYO pa sa landing pad ay nakatanaw na sa ibaba si Jenny. Tulad din ng Alta Tierra, Paso de Blas is one-half wilderness. And as beautiful as Alta Tierra sa magkaibang paraan. Bagaman sa opinion niya’y nag-iisa lang sa buong lupain ang cliff at waterfalls sa likod ng villa Navarro. At mas malaki ang Villa Navarro kaysa Villa Kristine na natatanaw niya.

Ang isa pang kaibahan, isang commercial establishment ang ikalimang bahagi ng lupain dahil sa Kristine Hotel and Resort. At ganoon din ang Kristine Meat Products. Huwag nang idagdag pa ang limestone spot na may mga tauhang nakatira sa paligid. Iyon ang napag-alaman niya mula sa guwapong piloto. Si Mitchell.

“How long have you been with the Fortalejos?” tanong niya sa binatang balbas-sarado.

“Three years...”

“And you like your job?” It’s a stupid question, alam niya.

Natawa si Mitchell. “They’re like family. Marco, Nathaniel, Bernard, and Zandro. Kung may mga pagkakataon din lang kami, nagsasama-sama kami minsan sa isang taon. For the boys, sabi nga.”

Nagkibit ng mga balikat si Jenny. Lihim na tinitigan si Mitchell. One of the few men na hindi nagsu-swoon sa kanya. May asawa na ba ito o girlfriend kaya?

Si Mitchell ay lihim na nagtaka. He liked all the Fortalejo women. Wala siyang masabi. Each and everyone is beautiful sa kanya-kanyang paraan. But this woman beside him is a little bit like Jewel. Bagaman natitiyak niyang mas daring si Jennifer Navarro. Marahil dahil ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig.

At kilala nito si Zandro. Ito ang uri ng babaeng hindi pagtutuunan ng binata ng pansin no matter how beautiful she is. Zandro hated rich and spoiled women. Kaya hindi nito maintindihan kung bakit narito sa Paso de Blas si Jennifer Navarro.

Ilang sandali pa’y huminto na sa landing pad sa may di-kalayuan sa Villa Kristine ang chopper.

“Hindi ka ba bababa?” Si Jenny.

“I’ll help you with your luggage.” Inalis nito ang headset. Bumaba at kinuha ang gamit ng dalaga sa likuran. Si Jenny ay bumaba na rin at nakayukong tumakbo patungo sa Villa.

Huminto ang dalaga nang malapit na sa may portico at nilingon si Mitchell. “Wala bang tao sa bahay na ito?”

“Mga katulong. Si Mang Tonio at si Aling Agring. Nasa loob marahil at may ginagawa.” i nilapag nito sa portico ang maleta ng dalaga. “Nice meeting you, Jennifer Navarro.” i nilahad ang kamay na tinanggap naman ni Jenny.

“See you around, Mitch...” s umaludo si Mitch at patakbong bumalik sa chopper. Naroon pa rin si Jenny at nakatingala sa higanteng tutubi kahit na nasa itaas na ito.

“Welcome to my parlour.”

Gulat na napalingon ang dalaga. “Zandro!”

“Surprised to see me, Miss Navarro?” Tumaas ang isang sulok ng bibig ni Zandro sa amusement sa kanya.

“Ang—ang akala ko’y...”

“Nabalda mo ako? Hardly.” m alakas na tumawa ang binata.

“Sinabi ng Papa na—na—”

“I’m sorry if I deceived your father. Pero sabi nga, `pag may utang ay pinagbabayaran.”

“You, bastard!” hiyaw niya.

Nagtiim ng mga bagang si Zandro. “That’s the second time you called me that and it really hurt. I’m Leon Fortalejo’s bastard, you know. And so was Bernard.”

Napahugot ng paghinga ang dalaga. Nahaluan ng pagkalito ang galit. “I—am sorry. I didn’t mean it literally”

“I know. It still hurt, anyway.” Pagkatapos ay nagkibit ng mga balikat. “Please come inside.”

Muling nanlisik ang mga mata ni Jenny. “Hindi ka nasaktan. Niloko mo kami. Ano ang dahilan at pinapunta mo ako dito?”

“To keep me company,” kaswal nitong sagot. Binuhat ang maleta niya at tumalikod upang pumasok sa loob.

Nagpupuyos na sumunod si Jenny. “Hindi mo magagawa ito, Zandro! Pumayag akong magpunta rito para alagaan ka dahil iyon ang sinabi mo. We all thought that...”

“Na nagawan mo ako ng damage.” s inenyasan ni Zandro ang katulong at inutusang dalhin sa itaas ang maleta. “Physically, bahagya lang, Miss Navarro. Nabigla mo ako roon. But my male ego took all the damage and you will have to pay for that.”

“The hell I will!” hiyaw niya na nagpupuyos ang dibdib. “If you think you can keep me here then think again!”

“Narito ka na at helicopter lang ang tanging transportation palabas ng Paso de Blas. Well, of course, there’s the horse na balita ko’y mahusay ka. You played equestrian and polo. Pero hanggang sa boundary ka lang ng isla, Jennifer. Nitong nakaraang bagyo ay nasira ang tulay na nag-uugnay sa mainland at Paso de Blas. Hindi pa napag-uukulan ng pansin ang tulay dahil hindi naman gaanong importante para sa amin. Nariyan din ang private port na ginagamit sa transportasyon ng mga semento pero minsan lang sa isang buwan kung dumating dito ang cargo ship at noong isang linggo iyon.”

Gustong maglabas ng apoy ang mga mata ng dalaga. Wala sa loob na natuon ang mga mata sa telepono na nasa estante. Malakas na natawa si Zandro.

“Bago ka dumating ay pinutol ko ang linya. Oh, well, may telepono sa hotel at sa kabayanan, iyon ay kung makalalabas ka ng asyenda nang hindi ko malalaman, which is impossible.”

She gritted her teeth. Naniningkit ang mga mata sa matinding galit. “I’ll kill you for this, Zandro Fortalejo!”

Mabilis siyang humakbang patungo sa binata using her tried and effective technique. Pero nang sa inaakala niyang nasa harap na siya nito ay nawala ito sa kinatatayuan at sa laking gulat niya ay nakahawak na sa braso niya si Zandro at sa isang iglap ay umikot siya sa ere.

But he was there bago bumagsak ang likod niya sa vigan tiles ng villa. His body cushioning her body. She was still gasping for breath at inisip kung ano ang nangyari nang itagilid siya ng binata at ihiga. He was pinning her arms over her head na hindi siya makakilos.

“Are you okay?” Mas nanunuya ang binata kaysa nag-aalala.

Nagpumiglas ang dalaga at akmang gagamitan ng binti niya subalit nakadagan ang binata sa kanya. At hawak siya nito sa braso at sa paraang nakapisil ito nang mahigpit na gusto niyang dumaing sa sakit.

Napatingala siya rito and inches above her a pair of deep brown eyes stared down at her. Kitang-kita niya ang kasiyahan sa likod ng mga matang iyon. Naroon din ang savage passion na unti-unting kumakawala.

May kung anong kaba ang sumibol sa dibdib niya. Sinikap niyang kumawala sa abot ng kanyang makakaya. But as he continued staring at her ay unti-unting na-realize ni Jenny kung gaano siya ka-helpless. He was defeating her slowly. At ang sakit na nararamdaman sa braso niya habang nagpupumiglas siya ay tumitindi. He was using a body lock.

“Stop resisting, Jennifer,” utos nito. “Masasaktan ka lang.”

“Damn you, pakawalan mo ako!”

“I want your apology, Jennifer Navarro.”

“Hell will freeze over pero hindi ko gagawin iyon! You deceived my father para lang papuntahin ako dito sa—sa—heaven knows where!”

Natawa si Zandro doon flashing a perfect set of white teeth. “Alta Tierra is even more remote than Paso de Blas, my dear,” wika nito na dinagdagan ang pressure sa pagkakapisil sa braso niya. Napangiwi sa sakit si Jenny. “Now, you owe me an apology,” he ordered savagely.

“Go to hell!”

“With pleasure,” nakangising sagot ni Zandro. His breath skimmed her face at hindi maintindihan ng dalaga kung bakit nananayo ang mga balahibo niya sa batok. “But you will have to come with me...”

“Let me up, damn you!”

“Unless you apologize. At walang problema sa akin kung narito tayo sa buong maghapon, Jenny Ruth,” wika nito sa malisyosong tono at ibinaba ang mga mata sa bumaba-tumaas niyang dibdib. “Mahirap bang gawin ang kapirasong pagpapakumbaba para sa isang tulad mo?”

“You beast!” Naglalabas ng apoy ang mga mata niya sa matinding galit.

“Apologize then. Una, I gave you the courtesy of making your first move. Pangalawa, sa kabila ng lahat, I never allowed you to get hurt by cushioning your body with my body. You should be thankful enough. Pangatlo, hindi ka kasingpagod ko noong madale mo ako sa party. I was dead tired at walang tulog sa loob ng dalawang araw dahil sa supervision ko sa pagkakarga ng semento.

“At kung hindi dahil sa pamilya ay wala ako roon dapat. You’re a brown belter, ha? Your father told me so. But so am I, Miss Navarro. And you lost and I want your apology.”

Lalong naningkit ang mga mata niya. Hindi siya nagkamali ng hinala. The instant he applied the lock, alam niyang mas mahusay kaysa sa kanya ang binata. Pero totoong nagulat siya nito kung paanong ginulat din niya ito noon. And well, hindi niya maitatangging sa magkalaban, walang gentle-gentleman. But he really did cushion her fall.

Pero nagagalit pa rin siya. Naisahan siya ng lalaking ito. At wala pang lalaking gumawa sa kanya ng ganoon! But then, they couldn’t lie there all day. At bagaman hindi kumikilos si Zandro ay alam niya kung gaano kahiya-hiya ang posisyon nilang dalawa. Ang dibdib niya ay naiipit sa dibdib nito bagaman hindi totoong nagpapabigat ang binata. His thighs on her stomach and somehow ay sinisikap niyang huwag isipin iyon.

“All right.” s he took a deep breath. “I’m sorry,” padabog niyang sinabi na ikinangisi ni Zandro.

“You can do better than that. Try again.”

She gritted her teeth at pumikit. “I’m sorry, I really am.”

“Tingnan mo ako habang sinasabi mo iyan,” he commanded huskily. Gustong sumabog ang dibdib niya sa matinding galit pero sumunod ang dalaga.

“I—I am sorry.”

Muling ngumisi si Zandro. Sa pagkakataong iyon with satisfaction in his brown eyes. “You know what, hindi ko type ang mga tulad mo. Rich and spoiled brat. Women who think na dahil ipinanganak silang mayaman ay tila reyna kung gumawi. But really, Jenny Ruth, I have never wanted to kiss a woman just as I want to kiss you now.”

Nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil unti-unting bumababa sa kanya ang mga labi nito.

“N-no!” She shook her head wildly.

“Yes, Jenny, yes...” i n an instant his mouth on hers at walang nagawa si Jenny. She couldn’t move her body a fraction. At habang iniiwas niya ang mga labi niya’y lalo lamang napapadiin ang halik ng binata.

Pinakawalan ni Zandro ang mga labi niya. “I want to kiss you properly, Jennifer Navarro. Ayokong may maipipintas ka sa akin pagdating sa bagay na iyon. Open your mouth.”

“No!” sigaw niya and gasped for breath.

“What’s the big deal?” tuya nito na nakataas ang mga kilay. Hindi pa rin binibitiwan ang braso niya. “You can’t be coy now. I know you’ve been kissed and made love to countless of times.”

At ang sunod niyang namalayan ay ang muling pag-angkin nito sa mga labi niya. He was seductively coaxing her mouth to part. Flicking her lips unhurriedly with his tongue.

Hindi niya gustong mag-panic. Halik lang iyon. And she’d been kissed before. By Ralph and of course sa mga naging flings niya sa America. And she could handle him. No big deal.

But the big deal was that Zandro was a good kisser. Wala siyang alam sa mga aktibidades ng mga kapatid niyang lalaki pagdating sa mga babae. Ang alam niya’y ang naririnig niya sa mga naging girlfriend ng mga ito on how her brothers’ kisses could be so lethal to a woman’s sanity.

Pero sa opinyon niya kung paghihile-hilerahin ang mga ito, Zandro would be the Chairman. And that Ralph would not even qualify para makasama sa hilera.

Another big deal ay iyong maramdaman niya ang halik na gumuhit sa buong katawan. She felt weak and helpless. And just below her belly ay may gumuhit na init na hindi niya mawari although she knows what it was.

And before she realized how Zandro accomplished it, she was parting her lips and he thrust his tongue brutally.

And she received his kisses. Yes, received, dahil hindi naman ipinilit ni Zandro ang ginagawang paghalik sa kanya. And she couldn’t complain the way he slanted his mouth on hers and the way his tongue entered and leisurely explored and tasted her sweetness thoroughly applying a gentle suction. So different from the way Ralph and some of her not-so-talented boyfriends had done.

She was amazed by his mastery and to stop him now was the last thing on her mind. Even if she could feel his hardness on her stomach. Nagdadagdag lang iyon sa init na nararamdaman niya sa ibabang bahagi ng katawan.

May pakiramdam siyang taon ang binilang bago binitiwan ng binata ang mga labi niya. He was smiling drily when he stared down at her.

“The Navarro Princess. Brown belter, a horsewoman, a dancer, and a pilot, too. Plus the fact that you kissed nice, Jenny Ruth. No wonder men are drooling.” Tumayo ang binata at walang kahirap-hirap na hinila rin patayo ang dalaga. “Ano pa ang mga katangian mo, Jenny?”

“I could murder a person, too!” she said between her teeth. Hindi niya maiwasang galit ang ipanlaban sa embarrassment. She couldn’t believed she kissed him back upang tuyain lang ng lalaking ito.

“Not to a Fortalejo,” aroganteng tugon nito. Pagkatapos ay tumingala sa maid na nasa bungad ng hagdan sa itaas. “Ituro mo kay Miss Navarro ang silid niya, Agring.”

Napasinghap ang dalaga. Gaano na ba katagal ang maid na iyon doon? Kaya ba huminto si Zandro dahil naramdaman nito ang presensiya ng katulong? At isiping nagpatangay na siyang tuluyan.

“I’ll meet you at lunch, Jenny.” Pagkasabi niyo’y lumakad palabas ang binata.