S I ZANDRO ay tahimik na naupo sa mesa. Pagkatapos ay tumingala sa itaas. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya.
Damn the spoiled brat! Kung hindi lang sa pakiusap ni Franco Navarro na turuan niya ng leksiyon ang anak nito, nungkang pag-interesan niyang dalhin dito sa Paso de Blas si Jennifer.
Oh, well, his pride was damaged sa ginawa ng dalaga sa kanya sa party. But it was partly his fault. Bagaman nagngingitngit ay napagpasyahang kalimutan na lang ang nangyari. Hindi niya inaasahang tawagan at kausapin siya ni Franco tungkol sa anak. In fact, gusto niyang tumanggi dahil maaabala ang trabaho niya sa pagdating ng dalaga, pero ang kabilang isip niya’y sumang-ayon. It could give him the chance to show her na hindi lahat ng lalaki ay kaya ni Jennifer Ruth Navarro.
And since na hindi naman ang uri ni Jenny ang makakaapekto sa kanya kaya walang masama. But goddamn her, he was affected by the kiss he gave her this afternoon. Which is not part of the bargain. The Navarro men will kill him sa sandaling malaman ng mga ito ang ginawa niyang iyon kay Jenny.
He couldn’t resist the urge. She was warm, soft and inviting. The intention is to punish and humiliate her, pero siya ang naligalig. Right now, he would like to unbutton another button of his Levis, thinking about that kiss made his body uncomfortable. Ikinahihiya niyang makadama ng ganito. Ipinagkatiwala sa kanya ni Franco Navarro si Jenny.
“Ano ang sasabihin ninyo kay Nick?” tanong niya kay Franco noong tawagan siya nito.
“Ako ang bahala sa mga anak kong lalaki, Zandro,” mariing wika ni Franco Navarro. “Do your part. Pero tiyakin mong walang monkey business. I trusted and respected your father. I hope na ganoon din ang madama ko sa mga anak niya.”
No monkey business. Napailing ang binata, shame on him. At isiping sinabi pa niyang hindi niya type si Jennifer Navarro. And he couldn’t shake his thoughts sa nangyari kanina sa sala grande.
Her beauty is lethal enough, but her lips and body is equally deadly. A brown belter and yet with a body that is so soft. Parang walang buto sa katawan.
And those lips! In bed, that brat could be as untamed as a lioness. Perhaps a little wild and savage. And he hated her type. A permissive daughter of a rich man, walang morals. It wouldn’t be right for him to envision her na nakahiga sa kama in satin sheets as smooth as her skin. Ang buhok nito’y nakasabog sa unan, tangled and wild, just like her.
What the hell do you know about her being wild? tanong nito sa sarili. At kung hindi mo siya type ay bakit kailangang i-entertain mo siya sa isip mo?
A simple lust, that’s all. He’s probably horny. And that bitch is beautiful as a goddess.
Napapikit siya at mabilis na inabot ang baso ng tubig at uminom.
“Hindi ho ba kakain ang bisita ninyo, senyorito?” Si Agring.
“Hindi niya gustong kumain, Agring. Iligpit mo na iyan,” utos niya na sinabayan ng tayo. Nawalan na rin siya ng ganang kumain.
ALAS- sAis pa lang ng umaga ay gising na si Jenny. Kagabi’y pinangatawanan na niyang huwag lumabas ngayong umaga at talagang hindi kakain. Pero sa nakikita niya kay Zandro ay malamang na walang pakialam ang hudas kung kumain man siya o hindi. O kung lumabas man ng silid o hindi.
And she had to think of something else.
Mabilis siyang lumabas at pumasok sa banyo sa may dulo ng pasilyo. She hated it and this goddamn forsaken place called Paso de Blas. Sa mansiyon at kahit sa v illa Navarro ay may banyo ang bawat silid. How come na hindi pinalagyan ng mga amenities ng mga Fortalejo ang buong villa?
Nakahinga siya nang maluwag nang mapunang moderno at maganda ang banyo at may bathtub at kumpleto sa gamit pambabae down to the stock of sealed toothbrushes. Mabilis siyang naligo at pagkatapos ay muling bumalik sa sariling silid. Pumili ng maong at t -shirt at pagkatapos ay lumabas ng silid.
Sa pasilyo ay nasalubong niya si Agring na may dalang tray ng almusal.
“Narinig kong gising na kayo, senyorita. Hindi kayo naghapunan kaya inakyat ko na ang almusal ninyo,” wika ng katulong.
Matagal na tinitigan ng dalaga ang umuusok na kape. Pinag-iisipan kung pagmamatigasang huwag kumain. Sa bandang huli’y bumigay at dinampot ang tasa ng kape at tinimplahan habang hawak ng katulong ang tray.
“Nasaan si Zandro?”
“Tulog pa po.”
Tumaas ang mga kilay niya. “Nasaan ang silid niya sa mga silid dito?”
“Iyon pong nasa kabilang dulo ng pasilyo.” i nginuso ng katulong ang kabilang dulo.
“Sige na, ibaba mo na iyan at gigisingin ko ang amo mo.”
“Ho?” nanlaki ang mga matang wika ng katulong na tila gusto siyang awatin.
“Ibaba mo na iyan,” muli niyang utos dito sa tonong ginagamit niya sa mga katulong sa mansiyon. Alanganing sumunod si Agring at nilingon pa siya habang lumalakad siya patungo sa silid ni Zandro.
Pagkatapat niya sa silid ni Zandro ay sinubukang ikutin ang seradura. Hindi naka-lock. Walang sabi-sabing mabilis niya iyong itinulak pabukas at sa lakas ay bumalandra sa may dingding. At sandali siyang napasinghap sa binatang nakadapa sa king size bed. But it’s too late to back out. Nagising niya na si Zandro.
Napabalikwas ng bangon si Zandro at pagkakita sa kanya ay mabilis na dinakma ang kumot at itinakip sa katawan at muli ring nahiga and cursed aloud.
And she has to maintain dignity and composure kahit na nanginginig ang mga tuhod niya. The devil sleeps in the raw!
“Don’t you ever knock before you come barging into a man’s room?” galit nitong tanong na hindi malaman kung babangon o manatiling nakahiga na lang.
Pagkatapos ay inabot ang unan at itinakip sa ibabang bahagi ng katawan. Hindi sapat ang kumot. Why, it’s morning. Morning erection is as normal as the sun rises. Pero hindi normal iyong bigla ka na lang pasukin ng isang babae sa silid mo hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw. At lalong hindi normal iyong makita kang nakahubad sa ibabaw ng kama dahil hindi ka naman natutulog nang may suot.
Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Jenny. Kahit paano ay nakaganti siya sa kaarogantehan ng lalaki.
“Look who’s talking,” aniya na ginaya ang pagsandal sa hamba kahapon ni Zandro sa silid niya.
Muling umungol ang binata at inihilamos ang palad sa mukha kasabay ng muling pagmumura.
“Watch out your language, Mr. Fortalejo.” s inadya niyang panlakihan ng mga mata at nagkunwang naiiskandalo and tried her best to control her laughter.
“Hell! Magmumura ako kung kailan ko gusto at huwag kang magkunwang naiiskandalo dahil natitiyak kong hindi mga santo ang mga kapatid mong lalaki. And I want you to get out of my room fast. Kung ano man ang gusto mong sabihin ay hintayin mo akong makapagbihis!”
“Oh, don’t worry,” patay malisya niyang sinabi. “As you said, I was raised with three brothers and you can add the ranchers. Sanay na akong makakita ng—” s inadya niyang ibitin ang sinasabi at nagkibit ng mga balikat. But then she couldn’t help grinning.
Sa totoo lang ay wala naman siyang nakita talaga. Nakadapa ito nang pasukan niya. Oh, well, his back and behind is something to be proud of. He was gorgeous, simply gorgeous. He almost fill the bed. Lean and firm body, all muscles, tall, bronzed, and hairy. Like a dangerous beast. And she thought she’s so proud of her brothers’ bodies being all handsome and hunks. But Zandro could take the cake.
“At sanay ka ring makita ang hubad na katawan ng mga lover mo, ganoon ba?” naiiritang sinabi nito. “Nasabi sa akin ng papa mo na may boyfriend ka, a certain veterinarian.”
Nanlaki ang mga mata ni Jenny. “Pediatrician hindi veterinarian!”
He wanted to provoke her for barging in like this. “Whatever. And his name is Scrap.”
“Damn you, it’s Ralph.” Sandaling natigilan ang dalaga. Mula kahapon hanggang ngayon at kung hindi pa nanggaling kay Zandro ay hindi niya maalala si Ralph na hindi man lang siya nakapagpaalam dito.
“And you’re used to seeing him naked in bed, too.” Hindi nito maintindihan ang sarili pero gusto nitong makatiyak kung anong klaseng sex life mayroon si Jennifer Navarro kapiling ng kung sino mang Pilatong boyfriend.
“Wala kang pakialam doon! Hindi siya tulad mo. Ralph is every inch a gentleman.”
Tumaas ang mga kilay ni Zandro. Iniunan ang ulo sa mga palad. Hindi napuna ang pagdausdos ng unan patungo sa kama nang itaas nito ang mga kamay at ilagay sa likod ng ulo.
“Really? Kaya pala sabi ni Franco ay kayang-kaya mong paikutin sa palad mo ang lalaking iyon. Iyon ang gentleman sa iyo?” tuya nito. And he hated her for standing there in all her loveliness. “Well, I’m dying to meet this Scrap the Veterinarian and give him a piece of my mind.”
“His name is Ralph at isa siyang pediatrician,” pag-ulit niya sa nagtatagis na mga ngipin. Nagkibit ng mga balikat si Zandro at ngumisi nang nakakaasar.
Sandaling napapikit ang dalaga. She hated her father at that moment. Alam niyang ayaw ni Franco kay Ralph pero ang ipagsabi ang disgusto nito sa ibang tao ay hindi niya maintindihan.
Nang muling magmulat ng mga mata si Jenny ay natuon ang pansin sa ibabang bahagi ng katawan ng binata, though covered by the sheets ay obvious ang erection nito. Muli, ngumiti siya. That was one hell of an erection, so huge that she shivered a little. Scandalously, she thought what if she—she—umiling ang dalaga sa malisyang nasa isip.
Napahugot ng paghinga si Zandro at inabot ang unan. Sa halip na itakip muli sa katawan ay ibinato sa kanya.
She ducked kasabay ng malakas na pagtawa. A musical and husky laugh. Tumalikod upang umalis na pero muling lumingon.
“I’m going to ride, Zandro, sa ayaw mo at sa gusto.”
“Shit!” wika ni Zandro nang makaalis na si Jenny. Marahas na inalis ang nakatakip na kumot sa katawan at wala sa loob na niyuko ang sarili.
Damn, damn! At ang babaeng iyon ay tila ordinaryo lang na pasukin at makita siya in his birth suit. Kung ibang babae iyon ay baka nagkurus na at hindi na malaman kung paano tatakbong palabas ng silid niya.
Oh, well, the kind of woman he had pictured in his mind ay mangingimi man lang na kumatok sa silid niya. That witch barged in unceremoniously. And how could she be so casual about it? How many men had she indulged herself with?
Hell! Mabilis siyang tumayo upang pumasok sa banyo. Ang silid na inookupa niya ay ang silid ni Leon Fortalejo, ang isa sa dalawang silid na mayroong sariling banyo. Bernard never used this room at napagkasunduang siya na ang gumamit.
Pagkatapos nitong maligo ay nagmamadaling nagbihis. Hurriedly tucking in his shirt tail sa denim pants at iniwang nakabukas ang tatlong butones sa harapan. Pagkatapos ay isinuot ang leather riding boots at ipinasok doon ang maong.
SA IBABA ay dinampot lang ng binata ang tasa ng mainit na kape at lumabas na sa kuwadra. Naroon na si Jenny at hinahaplos at banayad na kinakausap ang malaking kabayo.
Hindi niya maiwasang hagurin ng tingin ang dalaga. She was breathtakingly beautiful. Franco is big and tall. Ganoon din ang dalawang magkapatid na Navarro. Of course, Nick also inherited Franco’s height and built. Pero si Jennifer ay maliit, marahil ay five-three. Slender and yet she was filled out nicely. She got her built from her mother.
At sa pagkakaalam niya, Beatriz Navarro is the epitome of femininity and glamour. Malimit malagay sa society page si Beatriz as one of the prettiest faces in Philippine society. Hindi iilang beses naging cover ng mga pambabaeng magazine. At doon nagkaiba ang mag-ina.
Bagaman higit na maganda si Jennifer ay mga panlalaki ang nakahiligan ng dalaga. At walang pakialam if she created a scandal by being so outspoken and short-tempered. And the press loved her for being so candid. And she couldn’t fault her when it comes to being classy. She’s definitely got a touch of class.
Bagaman higit na masalapi ang mga Fortalejo ay tahimik ang mga ito. Marahil dahil sa maraming skeleton na itinago sa closet nito si Don Leon Fortalejo. At hindi ninais ng mga anak na mabunyag na sa mga anak na lalaki ni Don Leon ay iisa lang ang legal at matagal nang patay.
Subalit ang mga Navarro sa simula pa lamang ay lagi nang laman ng society page. Erlinda Gascon started it nang pakasalan ito ni Don Arsenio Gascon. Since then, lagi nang nasa likod ng mga Navarro ang press. Nakaantabay sa bawat kilos at galaw ng mga ito. Si Alvaro na sa pagkakaalam nito’y mas gustong nasa rancho ay hindi nakakaligtas sa mga camera ng press.
At si Lawrence Navarro na kahit nasa ibang bansa ay hindi nakaligtaang masabit ang pangalan, lalo na at jetsetter ang binata.
At hindi nito alam kung paanong nasabit sa pamilyang ito na isa sa mga tinitingala ng lipunan at sa bawat galaw ay may camera na kumikislap. And dammit, aminin man nito o hindi, naligalig ni Jennifer Navarro ang tahimik nitong buhay sa Paso de Blas. And hell if he liked it. Nang malaman ni Bernard ang balak ni Franco para kay Jenny ay malakas na nagtatawa ito sa inis ni Zandro.
“Huwag kang magtawa!” angil nito sa kapatid. “You know I hated this.”
Amused na kumislap ang mga mata ni Bernard at sa kabila ng lahat ay natuwa si Zandro. He seldom saw his brother laugh. And if Bernard would laugh at his expense, then why not. Hindi marahil sila nagsilaking magkakilala but they have learned to love each other very much. Blood is blood. And they have so many things in common. “That kid is beautiful enough to tease a saint.”
“Kid. That’s the operative word, Bernard. She’s nothing but a spoiled kid. At kung bakit ganito ang gustong mangyari ni Franco ay hindi ko maintindihan. Kung siya nga na ama ay hindi masuheto ang anak, ako pa,” galit pa rin nitong sinabi.
“Don’t you feel the challenge?” nakangising tanong ni Bernard. “It’s like taming a lioness, big brother.”
“I’d rather tame a real lioness, Bernard, kaysa sa Jennifer na ito. Hindi ako child minder and I don’t even like her!”
“You don’t have to like her to tame her. At basta mo na lang ba kalilimutan ang ginawa niya sa iyo?” Naghahamon ang tinig ni Bernard na lihim na nangingiti. “Why, Zandro, she had you knocked out in one simple judo at sa harap ng mga bisita.”
“Iyan lang ang tanging dahilan kaya ko tinanggap ang mungkahi ni Navarro!”
Hindi na sumagot si Bernard. May ngiting nakarehistro sa mga labi.
Iyon ang huling pag-uusap nila ni Bernard bago ito umuwi sa Paso de Blas. At sa loob lamang ng beinte kuwatro oras na magkasama sila ni Jennifer ay nagtumbalik na ang mundo nito. Tumikhim ang binata at napalingon si Jenny.
“I like this horse. Ano ang pangalan niya?” baling niya sa binata kasabay ng paghagod niya ng tingin dito and admiring him silently.
Kung hindi lang suplado at mayabang ang taong ito, why, he’s really so handsome. Kamukha niyong matandang nasa malaking painting na nakasabit sa may hagdan. Well, of course, the younger version.
“Thunder,” sagot ni Zandro bago dinala sa bibig ang tasa and sipped. “Alam kong mahusay kang mangabayo but I don’t think you can handle him.”
“Who rode him?”
“Si Marco at ako pa lang.”
“You owned this horse?” patuloy ng dalaga na hinaplos-haplos ang kabayo. Kumikintab ang balahibo nitong hindi niya matukoy kung pula o brown.
“Yes. I bought it from Marco.” Hindi na nito idinagdag na si Thunder ay anak ng prized horses ni Marco na si Firewind at Snowhite. At kung nagkataong naglalagi sa farm si Marco at Bernard ay baka hindi ipinagbili sa kanya ang limang taong gulang na kabayo.
“Ito ang gusto kong sakyan,” mariing wika niya.
Sandali munang tinitigan ng binata ang dalaga. “Are you sure?”
“Kung kaya mong sakyan ay kaya ko. Sa rancho ako lumaki, Zandro. I rode horses since I was four years old. My brothers’ horses, Arab and Shadow are one of the finests. And I rode them since I was sixteen.” i tinaas niya ang mukha for emphasis. “Huwag nang isali pa ang mga kabayong nagamit ko na sa ibang bansa.”
Hindi pinagdududahan ni Zandro ang sinabi ni Jenny. Alam niya kung gaano kahusay mangabayo ang socialite na ito. While other rich daughters ng mga kilalang tao ay nasa ballet club at piano lesson, si Jennifer Navarro ay naglalaro ng equestrian o hindi kaya ay nagpapalipad ng helicopter and of course her judo lessons.
And she hated women who indulged in this kind of activities na tila mga lalaki. He wanted the simple and the feminine ones, the ones who play the piano and dance the ballet.
Doesn’t she look feminine to you? kontra ng sarili nito. Look at the way she tilted her head, the way she moved her body. Kung hindi feminine iyon, then hindi mo na alam kung ano ang ibig sabihih ng salita.
Iyon bang babaeng kailangan siya to protect them, patuloy nito sa pakikipagtalo sa sarili. Jennifer Navarro does not need a man to protect her. And he hated everything about her.
Bakit kung ganoon, nakadarama ito ng admiration para sa dalaga ay hindi nito maintindihan.