S INAKYAN ni Zandro si Firewind habang gamit ni Jennifer si Thunder. At bago pa makakilos si Zandro, pinatakbo na nang mabilis ng dalaga ang batang kabayo.
“Watch out, he’s too fast!” nag-aalalang sigaw ni Zandro pero duda ito kung narinig ni Jenny. Pinatakbo nito si Firewind na bagaman mabilis pa rin kaysa sa mga ordinaryong kabayo ay hindi mahabol si Thunder. At kinakabahan itong baka ihulog ni Thunder ang dalaga.
Si Jenny ay tuwang-tuwa sa performance ng kabayo. At ang kabayo na matagal ding hindi napapraktis sa pagtakbo ay nagpakitang gilas knowing na ang nasa likod nito ay isang mahusay na mangangabayo.
Hindi alam ni Jenny kung saan sila patungo pero patuloy sa pagtakbo ang kabayo na tila alam ang patutunguhan. At wala siyang pakialam kung malayo na ang nararating nila. She enjoyed this ride na matagal ding hindi niya nagawa.
On instinct ay pinigil niya ang renda ng kabayo na marahil kahit hindi niya ginawa ay hihinto.
“Oh, my!” bulalas ng dalaga kasabay ng pagbaba-taas ng dibdib sa pinagsamang pagod at takot. Nasa ituktok sila ng talampas at mula sa kinalalagyan niya’y natatanaw niya ang buong kagubatan at kapatagan.
Kung ang talampas ng Alta Tierra ay nakatanaw sa Pacific Ocean, ang talampas na ito’y nakatanaw sa karingalan ng Paso de Blas. The river and the lush forest at ang rooftop ng Kristine Hotel na sa layo ay tila laruang building na lang sa tingin niya. Both are breathtakingly beautiful sa magkaibang paraan. At pareho ring may mga ibinabadyang panganib sa mga taong hindi sanay. Tulad ngayon, instinct ang nagturo sa kanyang rendahan ang kabayo at kung hindi ay baka nasa ibaba na siya.
Bigla siyang nakadama ng kilabot sa buong katawan. Napalingon siya sa pagdating ni Zandro. Malayo pa’y nakikita na niya ang galit sa mukha ng lalaki. She held herself erect.
“How could you be so foolish to have bolted the horse like that!” sigaw nito na tumaas-baba rin ang dibdib. Naniningkit ang mga mata sa pinaghalong galit at matinding pag-aalala. “You could have killed yourself!”
“I’m still in one piece, Zandro. Don’t fuss,” kalmanteng sagot niya. Pilit itinago ng ngiti ang panginginig.
Halos isang linya na lang ang mga mata ng binata. His face hardened in anger. Dinakma nito ang braso niya at halos bumaon ang mga daliri nito sa laman niya.
“Huwag mo nang uulitin iyon, Jennifer,” he said between his teeth. “Hindi ito Alta Tierra at hindi mo kabisado ang mga panganib sa lugar na ito. Sa wilderness na iyon ay naglipana ang mga mababangis na hayop.” i tinuro nito ang makapal na bahagi ng gubat. “At ang talampas na ito na hindi mo alam!”
Napangiwi siya sa sakit na nararamdaman sa braso. Natitiyak niyang lalatay doon ang kamay ng binata.
“Bitiwan mo ako at huwag mo akong sigawan!” naiiritang asik niya.
“Nasa pangangalaga kita, Miss Navarro, at sisigawan kita kung gusto kong sigawan ka dahil muntik ka nang mapahamak sa katigasan ng ulo mo.” i kinakaila ng banayad na salita ang galit sa mga mata nito. “Nasa labas ka na ng asyenda. Hindi ka dapat nagpunta rito,” dagdag ng binata na hindi namalayang bumaon na nang husto ang mga daliri sa braso ng dalaga.
“Basta na lang dito tumakbo ang kabayo, I only hold the reign and let him run...”
“Paanong huminto ang kabayo?”
“I—I made him stopped... and please, you’re hurting me.” Nakikiusap ang tinig niya. Kinakabahan siya sa galit sa mga mata ni Zandro. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng binata at binitiwan siya. Binitiwan ng dalaga ang pinipigil na paghinga. “W-where exactly are we?”
“Nasa labas na tayo ng Hacienda Kristine. This place is owned by the de Silvas. Oh, well, Bernard and Marco owned this place, though.” At kabisado ni Thunder ang lugar na ito kaya marahil dito tumakbo.
“I don’t understand. Pag-aari ng mga de Silva pero pag-aari din ni Bernard?” Inalis niya sa mukha ang mga hibla ng buhok na humihiwalay sa pony tail niya dahil sa lakas ng hangin.
Tinitigan ni Zandro ang dalaga. Young and very pretty and he was enchanted. The innocence of her eyes and the sensuality of her lips are intriguing. Bumaba ang mga mata nito sa dibdib niya. Sa lakas ng hangin ay humahapit sa dibdib ang suot, outlining her breasts since there’s nothing underneath the t -shirt.
Namumula ang pisngi sanhi ng araw at hangin. She parted her lips when she exhaled thru her mouth at nararamdaman pa niya ang mga labing iyon sa mga labi nito. She personified sensuality. Tila hinihigop niyon ang pagkatao nito and filled his nostrils. And he hated his body for reacting.
Hindi ang uri ni Jennifer Navarro ang pag-uukulan nito ng ganoong damdamin. Mabilis nitong ibinalik sa mukha ni Jenny ang paningin.
“Mahabang kuwento,” sagot ni Zandro na inalis ang tingin sa mukha ng dalaga at itinuon sa may bandang ilog. “Isang de Silva ang ina ni Bernard.”
“I see,” wala sa loob niyang sagot at tumitig sa mukha ng binata. A very arresting face. At sa totoo lang, si Zandro ang kauna-unahang lalaking nagpadama sa kanya ng nerbiyos. Kung bakit ay hindi niya rin maunawaan. His eyes, deep brown, and hard. Parang may itinatagong bitterness at gusto niyang malaman kung ano iyon at pawiin ito.
“You—don’t have the same mother?”
“Namatay ang ina ni Bernard giving birth to him. My mother is still alive.” The masculine voice was laced with razor sharpness at ang marahas na paglingon sa kanya.
“N-narito rin siya sa Paso de Blas? Will I get to meet her?” Nakita niya ang pagtalim ng mukha ni Zandro at nararamdaman niyang she’s treading on dangerous ground pero nilakasan niya ang loob.
“Oh, what the hell!” galit nitong usal. “She’s alive at wala siya rito sa Paso de Blas. Nasa National Center for Mental Health siya.”
“Oh.” Ano ba ang dapat sabihin sa mga ganoong pagtatapat?
Matagal na pinagmasdan ni Zandro ang mukha niya. Inaasahan na nito ang pang-uuyam at pandidiri doon kung hindi man panghahamak. A bastard at isang inang nasa mental hospital. Ano ang maaari nitong asahang marinig sa isang babae? Hindi iilang babae ang naghahabol sa kanya, but most of them ay mukha at katawan lang nito ang hangad.
He had nothing to offer. Ni hindi siya masalapi tulad ni Bernard. Oh, well, iniwanan siya ni Leon ng sapat na salapi at ang iba roon ay na-invest na niya sa meat products ni Nathaniel. Ipinagbili nito ang lupaing nabili di-kalayuan sa isla ng Paso de Blas. At ang napagbilhan ay siya nitong isinosyo kay Nathaniel. At ang iba ay nasa Kristine Group of Companies at kumikita nang sobra sa inaasahan niya.
And legally ay may bahagi ng Hacienda Kristine ang pag-aari na nito ngayon. Still, comparatively speaking, mahirap siya sa pamantayan ng isang Fortalejo.
Bagaman kung hindi dahil sa mga mahahalagang alaalang patuloy na inaalagaan ni Bernard, he would have given him the Villa Kristine. Ang sa kanilang magkapatid ay isang silent and mutual understanding pagdating sa ownership ng v illa Kristine. Iniisip nitong wala naman talaga sa kanila ni Bernard ang nagmamay-ari ng Villa Kristine. It belonged to the Fortalejos as a whole. Isang landmark. Isang alaala ng lumipas na mga henerasyon.
“Wala ka bang sasabihin?” angil nito sa dalaga. “What I owned is only a name. A bastard and a mentally deranged mother.”
She took a deep breath. Inikot ang paningin sa buong kaparangan sa ibaba nila.
“My father, sa kabila ng katayuan niya sa lipunan ay may itinagong lihim na kailan lang namin nalaman,” she answered softly. “Perhaps you knew it by now. But it didn’t make me love my father less. At si Nick, ang bunga ng pagkakamali ng Papa, ay mahal ko. I love him so dearly that I’d probably hurt anybody na gustong manakit sa kanya. Nick, for sometime was bitter and hated my father.”
“I was never rich, Jennifer.” k ung bakit kailangang magalit ito sa pakikipag-usap sa kanya ay hindi maintindihan ni Jenny. “I only met Leon Fortalejo twice in my whole life. I had an ambitious mother who never learned to care for me except for the money that I can offer her and a stepbrother who committed the most unforgivable sin that caused his death...”
Kung bakit sinasabi nito ang mga iyon kay Jennifer ay hindi maintindihan ni Zandro. Wala itong natatandaang naging emotional at magsabi ng ganito sa isang babae sa mga lihim ng pamilya. In fact, he couldn’t care less kung ano ang alam ng isang babae sa kanya. They can either take him or leave him. “Wait till you hear about Jerome,” banayad niyang sinabi. “Siya ang nakagisnang ama ni Nick.”
“Why are you so patronizing?” singhal nitong baling sa dalaga. “Si Nick ay isang hindi sinasadyang pagkakamali. I remembered her mother, she’s sweet. Nothing like my own mother. And Leon was a damned womanizer! Magkaiba kami ng katayuan ng kapatid mo. And you don’t have to say nice things. You won’t gain anything from it!” And he hated her for it. For endearing herself to him. Mabuti pang nanuya at nagtawa ang dalaga.
Kung sa ibang pagkakataon ay inangilan na rin niya si Zandro. Pero nakita na niya ang attitude na iyon kay Nick. And Zandro suffered more kaysa kay Nick.
“I’m sorry if I couldn’t say the right things, Zandro,” marahang sinabi niya. “And if you want to wallow on your bitterness, then go ahead. But I hate you for wanting me to say the things I will not even think of saying para lang ma-satisfy ka sa inaasahan mo mula sa akin. And I hate you even more for thinking the worst of me.” p agkasabi niyo’y tinapik niya ang kabayo at pinatakbo pababa ng talampas.
“Damn you, Jennifer Navarro, because I hate you too for turning my life upside down!” bulong ng binata sa sarili at sinundan si Jenny.
KINABUKASAN ay nagulat pa si Jennifer nang paglabas niya ng banyo ay sabihin ng katulong na may bisita siya. Mabilis siyang nagbihis habang sinisilip ang helicopter sa landing ground. Nasa loob siya ng shower kaya hindi niya narinig ang pagdating nito. At pagkabihis ay patakbong bumaba sa pag-aakalang ang papa niya.
“Ralph!” Nahinto siya sa pagbaba sa gitna ng malaki at paikot na hagdan nang makita ang boyfriend.
“Jenny, darling.” n akangiting tumayo si Ralph mula sa pagkakaupo sa malaki at antigong sofa.
Patakbong nagpatuloy sa pagbaba si Jenny. Hindi maikakaila ang galak pagkakita sa boyfriend. Niyakap niya ang kasintahan na gumanti naman ng yakap pero sandali lang at inilayo siya.
Tumikhim si Ralph at tinitigan siya. “How are you?”
“Mabuti. Ikaw? Paano kang nakarating rito? Paano mong nalamang nandito ako?”
Muling tumikhim ang binata at inikot ang paningin sa loob ng kabahayan. Kitang-kita ni Jenny ang disgusto sa mukha nito.
“Dito ka ba dinala ng lalaking iyon? Sa tila-mausuleong bahay na ito?” wika nito na inayos ang salamin sa mga mata.
“Ralph, please, baka marinig ka ni Zandro,” awat niya sa kasintahan at umupo. Sumunod si Ralph. “Bakit ka narito? Paano kang nakarating rito?” pag-ulit niya.
Huminga nang malalim si Ralph. “Remember that little scandal you caused sa party ng mga de Silva?” Tumango siya nang wala sa loob. “Well, hindi naman kilalang pamilya ang mga de Silva,” patuloy nito na tila asido sa dila ang pangalan ng pamilyang binanggit. “Nagkataon lang na naroon ka kaya nadamay sila sa report ng press.”
“What about it? Ano ang kaugnayan niyon sa pagkakatunton mo sa akin dito? Did my father told you my whereabouts?”
Mabilis na umiling si Ralph. “Oh, no. Alam mong hindi boto sa akin ang papa mo. Hindi niya sasabihin ang kinaroroonan mo. It’s Dad, thru inquiry ay nalaman ko kung sino-sino ang mga taong involve sa party na iyon. A certain Fortalejo, isang mayaman at maimpluwensiyang pamilya pero hindi credible ang family background. At napag-alaman ng Daddy na kapatid nito ang lalaking kaugnay sa iskandalo.
“I talked to the brother, this Bernard Fortalejo. I introduced myself as your fiancé. Why, I could swear na kumislap ang mga mata ng lalaking iyon. At nang itanong ko kung paano kita makakausap, he offered to transport me here sa private chopper nito. The man must be real rich, Jennifer...”
“They are,” matabang niyang sagot. “And I’m glad you’re here, Ralph. I miss you, really, and I’m coming home with you.” Niyakap niya ang kasintahan pero inalis nito ang mga braso niya sa katawan nito. “C’mon, Ralph, kiss me. Wala ang Papa para makita kung ano ang ginagawa ko sa iyo.”
“Well...” t umikhim ito. “I came here to talk to you, Jenny.”
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“I’m leaving for the States upang doon mag-practice...”
“What?”
Tinanggal ng binata ang salamin sa mata at pinunasan ng panyo. Hindi makatingin nang deretso sa dalaga.
“I—am sorry, Jenny, pero gusto ng Daddy na sa Amerika ako magpakadalubhasa...”
“That’s alright,” sagot niya na ngumiti nang mapasok sa isip ang sinabi ng kasintahan. “Natitiyak kong pababalikin ako ng Texas ng Papa upang tapusin ang studies ko. We can see each other there.”
Muling tumikhim si Ralph. Isang buntong-hininga ang pinakawalan at ginagap ang kamay niya. “I—I came to say—goodbye, Jenny. Really goodbye...”
“W-what?”
“Sinabi ng Daddy na magagawa ko lamang ang magpakadalubhasa kung mapuputol ang ugnayan ko sa iyo. I mean I cannot devote my time with my practice and at the same time with you around...”
“Don’t break it to me gently, Ralph,” angil niya. “What you really mean ay hindi ako gusto ng daddy mo para sa iyo, hindi ba?” Kilala niya ang pamilya ni Ralph bilang mga overconservative. The old conservative rich.
“H-hindi naman sa ganoon. Kaya lang sa sunod-sunod na pagkakalathala ng mga aktibidades mo sa peryodiko ay...”
“Damn you, Ralph! Wala ka bang sariling isip? Bakit lagi na lang ang daddy mo ang sinasabi mo sa akin? And I thought you love me?”
Nagsalubong ang mga kilay ni Ralph sa sinabi niya. “I do. I—still do. But you didn’t listen to me nang sabihin ko sa iyong huwag kang magdamit ng ganito at ganoon `pag pupunta tayo sa amin. Na huwag mong sabihin sa Mommy ang tungkol sa pagiging brown belter mo o ang kahusayan mo sa pagbaril. She was really so scandalized with this modern ways ng mga babae, Jenny. At nitong sunod-sunod na iskandalong nilikha mo...” i pinunas nito sa mukha ang panyo. Pagkatapos ay sa noo na ginigitian ng pawis.
Napatayo ang dalaga sa galit. “Ano ang kinalaman ng mommy at daddy mo rito, Ralph? Ikaw ang boyfriend ko at hindi sila. Tayo ang magsasama at hindi naman sila.”
“Please, Jenny, calm down,” wika nito na nailang sa outrage niya. Hinawakan siya sa braso pero tinabig ito ng dalaga.
“You expect me to calm down pagkatapos mong sabihing ayaw sa akin ng mga magulang mo dahil nagkataong isa akong modernong babae at hindi si Maria Clara?” Naniningkit ang mga mata niya sa galit. “Ano sa palagay mo ang sasabihin nila kung malamang ang makaluma nilang anak ay gusto ng pre-marital sex?!”
“That’s unfair, Jenny...” u miwas ng tingin si Ralph.
“Who’s being unfair? Iyon ang totoo and can you imagine their shock kung sabihin ko sa kanila iyon?” paghahamon niya.
Lumunok si Ralph at pinahiran ng panyo ang pawis sa noo. “Alam kong hindi mo gagawin iyon, Jen,” sinabi nito bagaman hindi nakatitiyak. Nagagalit si Jennifer at kilala nito ang temper ng dalaga.
“Rest assured, I won’t waste my breath.” n akita niya ang pag-aliwalas ng mukha ng kasintahan. Napailing ang dalaga. “Ang hirap kasi sa iyo, Ralph, at sa mga magulang mo, pinakikinabangan ninyo ang pagsulong ng mundo pero ang kaisipan ninyo sa ibang mga bagay ay nanatiling stagnant!”
“You have no right to say those things to my parents,” banayad nitong pagtatanggol sa mga magulang. Napaungol si Jenny. Bumalik sa sofa at niyakap muli ang kasintahan.
“Tell me you love me, Ralph. Na hindi totoo ang mga sinasabi mong iyan!”
“I–I love you, Jenny, but I cannot disobey my parents. Ang pagpunta mo rito kasama ng—ng lalaking iyon without any chaperon ay lalong nagpahumindig sa kanila. I hope you understand. I am leaving for the States the day after tomorrow. I only came here to say goodbye personally...”
She was shock. Hindi nagbibiro si Ralph. Marahan siyang kumawala sa binata. “How proper to the last minute,” she said ironically. May pakiramdam siyang gusto niyang maiyak. Sunod-sunod ang mga pangyayari sa buhay niya. At ito ang kauna-unahang pagkakataong may lalaking naunang nakipag-break sa kanya and she felt so bad about it.
Tumayo si Ralph. Ipinasok ang panyo sa bulsa ng pantalon. “Do you want to come back with me to Manila? Naghihintay ang chopper ni Mr. Fortalejo sa landing pad.”
“Go to hell, Ralph!”
“Please, Jenny...”
“You can leave now,” utos niya sa nanlilisik na mga mata. Pagkatapos ay hinugot mula sa daliri ang engagement ring nilang dalawa at ibinagsak sa palad ng binata. “Take that damned ring with you!”
“I’m sorry, Jenny.” a pologetic ang mukha ni Ralph. “I really am. I guess we are not meant for each other.”
Walang kibong tumalikod ang lalaki at lumabas ng pinto. Tanging matinding pagpipigil sa sarili lamang ang nagpangyari upang hindi habulin ni Jennifer ang binata. Pinanatili niya ang dignidad at nakataas ang noo.
Hindi siya makapaniwalang ipinagpalit siya nito sa mga magulang. Hindi siya makapaniwalang Ralph really rejected her. Hindi niya matanggap agad iyon.
Ang sunod niyang narinig ay ang ugong ng paalis na helicopter. Lord, she really wanted to cry.