“N OW, JENNIFER, tell me what happened?” Si Lance nang nasa ere na sila. Nilingon ang kapatid na hindi agad sumagot at nag-concentrate sa pagpapalipad.
“Did he force himself on you?” dugtong nitong tanong sa nagtatagis na mga bagang. Pagkatapos ay napangiwi dahil sa sugat sa panga. “Bloody shit!” asik nito na kinapa ang mukha.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Jenny. “I seduced him, Lance,” flat niyang sagot habang niyuko ang malawak na karagatan. Isang maliit na isla na lamang ang tingin niya sa Paso de Blas. Parang buntot lang ng isla ng Palawan.
Funny, pero noong una niyang matanaw ang Paso de Blas mula sa ere ay nagagalit siya. Ngayo’y nakapagtatakang malaking bahagi ng pagkatao niya’y naiwan dito.
Muling nagmura si Lance sa isinagot niya pero hindi niya ito iniinda. Inayos ang headrest.
“I’ll come back for that bastard and kill him!”
“And get yourself killed, too,” matabang niyang sagot. “Aminin mo, Lance, hindi mo kayang itumba si Zandro.” s he smiled at the thought. Zandro is one of the few men his brother didn’t beat.
“I can try, brat,” naiiritang wika nito. “I lack practice, kaya ganoon. When did I last fight? Three years... four years ago? Sa Sto. Cristo pa... shit!” mura nito sa halip na dumaing dahil sumakit ang mukha sa pagsasalita.
“You’re hurt,” she whispered gently at banayad na dinama ang panga ng kapatid.
“Just as he was and I doubt if he could be as handsome after today. I probably broke his nose.”
Umiwas ng tingin si Jenny at muling nilingon ang ibaba. Siya ang nasasaktan sa kaisipang baka mas matindi ang tama ni Zandro.
“Ano ang sasabihin mo sa Mama?” nag-aalala niyang tanong.
“That again, I fought for my dear little sister’s honor because she seduced a man,” sarkastikong wika nito. “Really, brat, sa dinami-rami ba naman ng naghahabol sa iyong mga lalaki...” h indi sumagot si Jenny. Tinitigan siya ng kapatid. “He said he wants to marry you.”
“Ayokong pakasal sa kanya.” n aroon ang determinasyon sa tinig niya. “And don’t ask why. And please don’t tell anyone about this, Lance. There are enough trouble.”
“At ano sa palagay mo ang isasagot ko `pag nakita ako ng Papa at Mama sa anyo kong ito?”
Nanlumo siya. Nakikiusap ang mga matang nilingon ang kapatid. “Anything, Lance, please. Kahit na ano, huwag mo lamang sabihin ang totoo. Kinakabahan ako sa maaaring gawin ng Papa at ni Alvaro at Nick.”
“Damn, Nick!”
“Do you think alam niya ang ginawa ng Papa?”
Umiling si Lance. “I doubted him at first. But you know him. Kahit noong hindi niya alam na magkakapatid tayo’y mas protective pa siya sa iyo kaysa sa amin ni Alvaro. He spoiled you a lot.”
Muli siyang natahimik. Siya man ay hindi naniniwalang kasabwat ng papa niya si Nick. Pero hindi niya alam ang motibo ng ama sa pagpapadala sa Paso de Blas.
“Hindi ko alam ang motibo ng Papa sa ginawa niya, Jen,” isinatinig ni Lance ang iniisip niya. “I couldn’t believe for one moment na ipadadala ka niya sa isang unknown place with a stranger dahil lang sa kahihiyan sa mga Fortalejo. It was absolutely unheard of.”
Mahabang katahimikan ang namagitan sa dalawa. Si Lance ang unang nagsalita. “Bumaba ka sa FNC and I’ll fly to Alta Tierra. Magpapalipas ako ng ilang araw doon hanggang sa paggaling nitong mga pasang ito. Ayoko ring makita ng Mama ito, Jen. Nag-away na kami ng Papa kahapon at ang Mama ang naapektuhan. At `pag nalaman pa nila ang dahilan kung bakit ako nakipag-away, tiyak na malaking gulo.”
“Sa kondisyon mong iyan, you cannot fly this chopper by yourself. At paano kung tanungin ka ni Alvaro? Oh, Lance, susugod iyon.” n aiiyak na siya. She can sweet-talk Lance once in a while pero hindi si Alvaro. “Isa pa, kailangan mong magpadoktor. Hindi ako papayag na hindi magamot ang mga sugat at pasa mo.”
“There’s your solution, brat!” bulalas ng binata. “Take me to Makati Med at walang makakaalam sa nangyari. I’ll stay there for a few days at pagkatapos ay uuwi ako sa Sto. Cristo. Sa Hacienda Montaño ako tutuloy. Sabihin mo sa Mama na may nagyaya sa akin sa... sa... whereever! And you owe me this one, little sister.” n aningkit ang mga matang tinitigan si Jenny. “I’ll probably die of boredom sa hospital bed.”
She smiled. “I hope they will assign a beautiful nurse...”
“I’m worried about you, sis,” wika nito kasabay ng buntong-hininga. Hindi pinansin ang biro niya. His voice tender at hindi inaalis ang mga mata sa mukha niya. “Kung ako ang masusunod ay ipakakasal ko kayo ng lalaking iyon. I kind of respect him somehow...” m arahan na lang ang huling sinabi nito. Alam ni Jenny na hindi si Lance ang madaling paluguran pagdating sa mga lalaking napapaugnay sa kanya. And the mere fact na nasambit ng kapatid iyon, nakadama siya ng init ng damdamin kahit papaano.
“I love the three of you, Lance. And I’m proud having you all as my brothers. No sister could ask for more,” she said softly. Nag-init ang sulok ng mga mata. “But you are all overprotecting me. I am not a little girl anymore. I can take care of myself...”
“Yeah,” matabang nitong sagot na hinagod siya ng tingin. “Look what happened to you. Iyan ba ang ibig mong sabihing kaya mong pangalagaan ang sarili mo?! I want to think we’ve just lost our only sister,” he said bitterly.
Hindi niya mapigilan ang pagkawala ng marahang paghikbi. “I am still the same, Lance. Gusto ko lang na maintindihan ninyo ako. I cannot be your little girl forever. I have to grow up somehow. I also have my own life to live. And you cannot all keep on watching me as if I am not a human being. Sa tingin mo ba ay isa akong precious stone na lagi na lang ninyong iniingatan at gustong ilagay sa isang well-guarded safe? Let me be, Lance. Do you understand what I mean...?”
“I am trying my damnedest to,” he said huskily. “But look what happened to you. Is that the kind of freedom you want?”
“Ako ang may gusto nito. Alam mo... ninyong lahat na walang makapagpipilit sa akin ng mga bagay na hindi ko gustong mangyari.”
“He probably seduced you, Jenny.” m uling tumiim ang mukha nito. “You’re very young. And that man is a woman’s man, a lady killer.” h e gritted his teeth.
“And so were my handsome macho brothers!”
Marahas siyang nilingon ni Lance sa naniningkit na mga mata. “I don’t seduce young virgins, dammit!”
“Oh, please, Lance...”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng binata. And softly, he asked, “Do you love him, brat?” Ang tinig na malimit nitong gamitin sa kanya when she was small at nag-aalala kung nasasaktan siya. Gustong sumungaw ng mga luha ni Jenny. Tumingala upang ibalik ang mga iyon. “That is the only reason I could think of to justify what you did.”
“What about lust?” she answered hoarsely. Hindi niya aaminin sa kapatid na umiibig siya sa lalaking wala namang pag-ibig sa kanya.
“Don’t give me that bullshit, Jennifer. You’ve been counting handsome boyfriends since Navarro sent you to the States. And you never go beyond the borderline of decency.”
“I don’t wanna talk about it, please.” n akikiusap ang gumagaralgal niyang tinig. “And I know you, brother. Babalikan mo si Zandro. Promise me this very moment to leave him alone...”
“Jenny...” protesta nito.
“Please...” she pleaded softly.
Muling bumuntong-hininga ang binata. Labag man sa loob ay tumango at sumandal at ipinikit ang mga mata.
“I’LL BE damned!” bulalas ni Nathaniel nang makita si Zandro sa tabing-dagat at masuri ang anyo nito. “Tama ba ang nabalitaan ko sa mga katulong?”
“Palalayasin ko ang sinumang katulong na nagtsismis sa iyo!” galit nitong singhal.
“C’mon, Zandro, huwag mong ibunton sa mga taong iyon ang galit mo. I went there this morning dahil nakita ko sa ere ang pababang chopper. Inisip kong si Bernard ang dumating at may kailangan akong ipakita sa kanya. At sinabi sa akin ng mga katulong ang nangyari. They’re worried about you.”
“I’m all right.”
“No, you’re not. Ano ang nangyari?”
“Back off, Nat. It’s none of your business.” Itinuon niya ang mga mata sa dagat bagaman halos hindi niya maidilat ang kaliwang mata.
“I am making it mine. Hindi ko gustong makialam, but seeing you now, I need to know...”
“Dahil nasa Paso de Blas ako at lupain ninyo ito?” sarkastikong sagot nito.
Napatuwid ng tayo si Nathaniel. “Kailan ka pa nagkaganyan, Zandro? You owned part of this island...”
“Out of charity...” tiim-bagang nitong sinabi.
“Will you stop being foolish and childish?!” hiyaw ni Nathaniel. “At kahit sa sandaling ito ay kalimutan mo ang mga insekyuridad mo sa buhay. Hindi mo kasalanan na ipinanganak kang bastardo. Hindi mo rin kasalanan na si Clarita at si King ang naging ina at kapatid mo. Bernard is a bastard, too. Suffered what you’ve suffered. Lumaking hindi alam kung sino ang ama, kung si Alfon o si Leon Fortalejo, you could have imagined his torture...”
“Lumaking may pera si Bernard, Nat, kung nakakalimutan mo. He was a de Silva first...”
“Hindi iyon ang punto,” he said impatiently. “And you’re behaving ridiculously. At this point in time, kailangan pa ba nating pairalin ang ganitong damdamin, ha, Zandro? Our lives are made-up. We can’t let the past crawling on us like a deadly spider...”
Zandro sucked his breath sharply “Del dicho al hecho hay mucho trecho. Is that what you say in Spanish?” May banayad na panunuya sa tinig niya sa pagsasabing madaling sabihin kaysa gawin. “Hindi mo dinanas ang dinanas ko...”
Itinaas ni Nathaniel ang dalawang kamay. “Alright! Pare-pareho naman tayong may itinagong skeleton sa closet. Pare-parehong may mga insekyuridad. May tao bang wala?” Hindi kumibo si Zandro at nanatiling nakatitig sa mga munting alon na humahampas sa buhanginan like liquid silver. “Nasaan na ang resonableng taong kilala ko? Hindi ikaw ang uring nagpapadala sa problema, Zandro. Sa sandaling panahong nagkakilala kayo ni Bernard, you were his tower of strength next to Marco,” patuloy ni Nathaniel.
Paikang tumayo si Zandro. Gustong alalayan ni Nathaniel pero alam nito kung gaano ka-proud ang binata kaya hinayaan. At sa hirap na paglakad ay tinungo ang dagat at hinayaang basain ng mga alon ang leather boots.
“Isa kang Fortalejo,” patuloy ni Nathaniel. “Magkakatulong nating nilulusutan ang problema ng bawat isa.”
Lumingon si Zandro. “Have you ever thought of becoming a preacher?” And then slowly smiled. Ngumiti rin si Nathaniel at sabay na nagtawanan nang malakas ang dalawa.
Sa pahapyaw na paraan ay sinabi niya ang buong pangyayari. Nanlaki ang mga mata ni Nathaniel.
“Madre! Tu estas mas loco que un chivo para hamunin nang ganoon si Lawrence Navarro! Ako man itong nasa kalagayan niya ay ganoon din ang gagawin ko sa iyo.” h e shook his head in disbelief. Sinadya ni Zandro na hamunin si Lance to get back at Jenny. Hindi niya masaktan ang dalaga kaya ang galit ay ibinuhos kay Lance at sa sarili. “Look what happened to you...”
“Oh, don’t worry. I probably broke his handsome face and ribs. That bloody gigolo was stronger than I thought...”
“As far as I know, the Navarro brothers are martial arts expert, Zandro. At tulad namin nina Marco at Bernard ay lumaki sa piling ng mga toro at rancheros while you had your own share with the goons in the slums who taught you how to fight to live. And you were misled by the handsome face, coat and tie and designer’s sweatshirts.” g ustong matawa ni Nathaniel.
“I could beat him again...” mariing sinabi niya.
Napailing si Nathaniel. “You are both so foolish. At hindi ako makapaniwalang pinatulan mo si Jennifer Navarro. Kung hindi ikaw ang nagsabi ay hindi ako maniniwala.”
“Oh, I hated that bitch for being so casual and promiscuous! She’s despicable. Can you believe that she even thought of abortion kung sakaling magdalang-tao siya?” he said savagely. Marahas na sinipa ang shell na nasa paanan, wincing at the same time. Masakit pa ang mga binti niya sa away nila ni Lance.
“She’s not your type and now you hated her,” sang-ayon ni Nathaniel na itinago ang amusement.
“Damn right!”
“So forget her...”
“Like hell!”
Umiling si Nathaniel. Sa ganitong mood ni Zandro, natitiyak nitong walang empleyadong makalalapit.
“Umuwi ka sa bahay, pare, and let my mother take care of your wounds and bruises. Who knows, baka may internal damage ka. Magpapadala ako ng doktor doon. `Ayan at dumudugo pa ang noo mo.”
“Huwag mo akong intindihin, Nathaniel. Mag- aalala lang si Margarita `pag nakita ako.” b umaba ang tinig niya.
“Sa sandaling ito’y natitiyak kong nakarating na sa Mama ang balita. At lalo siyang mag-aalala `pag hindi nagamot ang mga sugat mo. Hahanapin ka rin niya, Zandro. Unahan mo na.” t inapik nito sa balikat ang binata at pagkatapos ay tumalikod at bumalik sa hotel.
Nasalubong nito ang asawa sa swimming pool. “Ano ang nangyari kay Zandro?”
Nagkibit ng mga balikat si Nathaniel at inakbayan ang asawa. “Love wounds and bruises, mi alma,” amused nitong sinabi. “Broken heart and aching groin and troubled mind. I can see many sleepless nights ahead,” at bumunghalit ng tawa na ikinailing ni Jasmin.
NASA villa si Zandro at nagpapagaling ng mga sugat pagkatapos matingnan ng doktor. Nag-angat siya ng mukha nang huminto sa driveway ang service pickup ng Kristine h otel. Mula sa passenger seat ay bumaba si Ester.
“Ano ang nangyari sa iyo? Ano ang dahilan at nakipag-away ka sa kapatid ng naging bisita mo?” bungad nito na naupo sa bakanteng rattan chair sa portico.
“Ang bilis ng balita,” matabang nitong sinabi. “Bakit ka narito, Ester?”
Lumatay ang sakit sa mukha ng babae. “Dinadalaw kita, Zandro. Nakapagtataka ba iyon?”
“Hindi mabuti para sa isang tulad mo na makitang dumadalaw sa isang binata, lalo at alam ng lahat na nanunuyo ako sa iyo…”
Tumikhim ang dalaga. “May kasama ako, Zandro, ang driver ng hotel. Isa pa, katungkulan kong dalawin ka…”
Tumango-tango ang binata. Hindi kumibo. Hinagod ng tingin ang babaeng nasa harap. Maganda. Tall and very proper. Nakapusod ang buhok, nakasara ang mga butones ng blusa hanggang sa leeg.
“Mas mukha kang maestra kaysa hotel employee, Ester. Bakit hindi ka naging guro?”
Nabigla si Ester sa tanong. “A-ayoko ng... maraming bata, Zandro. Sawang-sawa na ako. Pito kaming magkakapatid at inalagaan kong lahat...”
Muling tumango ang binata. “Kung sakaling mag-aasawa ka’y magkakaanak ka rin, `di ba?”
Umiwas ng tingin si Ester. Nilinga ang mga carabao grass sa harap ng villa. “Tama na siguro ang dalawa at kaya naman nating bumayad ng yaya, `di ba?” Hindi nakalampas sa pandinig ni Zandro ang ‘nating’ ginamit.
Isa pa uling tango ang ginawa niya. “Gusto ko nga palang samahan mo ako sa Manila bukas, Ester...”
Kumislap ang mga mata ng babae. “Of course. Saan tayo pupunta?”
“Gusto kong dalawin ang Mama sa National Center for Mental Health. Matagal-tagal na rin akong hindi nadadalaw…”
Pumormal ang mukha ng dalaga. Itinuwid ang sarili at humugot ng buntong-hininga. Tila isang guro na handang sermunan ang mga pupil.
“Ang bahaging iyon ng buhay mo’y ibaon mo na sa limot, Zandro,” banayad nitong sinabi pero mariin. “Natitiyak kong naaalagaang mabuti ang mama mo roon ng mga doktor. Hindi mo man sinabi ay napag-alaman kong hindi siya naging mabuting ina sa iyo. At sapat na marahil na nagbabayad ka ng mga doktor para asikasuhin siya.”
“She’s my mother, Ester,” kalmanteng sagot ng binata. “Anuman ang nangyari sa amin ay ina ko pa rin siya. In fact, I’m thinking of bringing her here in Paso de Blas. Baka gumaling siya `pag nakakakita ng mga bagay na pamilyar. I can hire a private nurse and doctor.”
Nanlaki ang mga mata ni Ester. “Hindi, Zandro! Sapat na ang kahihiyan at sama ng loob na sinapit ng mga Fortalejo dahil sa ina mo! Pag-uusapan na naman ng buong Paso de Blas ang nakaraan. Isang malaking kahihiyan iyon!”
“Bahagi siya ng buhay ko, Ester, at hindi ko puwedeng itanggi o ibaon sa limot,” matigas niyang sinabi. Napatayo ang dalaga.
“Bilang mapapangasawa mo’y may salita rin ako sa bagay na iyan, Zandro!”
“Ibig bang sabihin niyang sinasabi mo’y pumapayag ka na sa matagal ko nang inalok sa iyo?” Hindi niya matiyak kung napuna ni Ester ang paggamit niya ng past tense.
“Naipasya kong ganoon na nga. At dapat na pareho nating sang-ayunan ang pagdadala mo rito sa mama mo. Hindi ko gusto ang ideyang iyon, Zandro...”
Tumikhim si Zandro bago nagsalita. “Ako lamang ang maaaring magpasya kung ano ang dapat gawin sa Mama, Ester. At balak kong iuwi siya rito sa Paso de Blas.” n aroon ang finality sa tinig niya. Nanlaki ang mga mata ng babae na titig na titig sa kanya.
“Nagbibiro ka, Zandro!” alsa-boses nito. “Maaalala ng mga tao na isang kriminal ang stepbrother mo! Isa kang bastardo at may baliw na ina!”
Sa kauna-unahang pagkakataong may nanlait sa pagkatao niya ay walang nadamang pait si Zandro. Kahit na nga ba mula sa babaeng binalak niyang kasamahin sa habang-buhay.
“Goodbye, Ester...”