S HE’S been dancing from one partner to another sa loob ng halos isang oras. Hinahanap niya si Nick subalit hindi niya makita ang kapatid. Gusto na niya itong yayaing umuwi na. At lalong hindi na rin niya nakita si Zandro o kahit si Alaina.
And she’s tired and bored to death. Totoong guwapo at mahusay magsayaw ang nakilala niyang si Kane Lopez, pero hindi niya type ang lalaking wala nang alam sabihin kundi ang mga sariling accomplishment. Kane is a banker’s son na ang mga magulang ay naroon din nang gabing iyon.
Kasalukuyan siyang muling isinasayaw ni Kane nang matanaw niya si Zandro na lumakad patungo sa bar at humingi ng maiinom sa bartender.
“Juancho, isang shot nga,” wika ng binata. He’s so tired and sleepy. Kung hindi lang dahil kay Marco at Emerald, he would have gone home and sleep.
Humugot ito ng malalim na paghinga. Inabot ang kopitang sinalinan ng alak ng bartender at pinangalahati nito ang laman and swiveled his bar stool paharap sa dancing floor. Hindi sinasadyang nagtama ang mga paningin nilang dalawa ni Jenny.
Bagaman nagulat ay hindi nagpahalata ang binata. Hindi nito inaasahang nasa party pa ang dalaga. Alam na napagalit nito ang prinsesang bunso ni Navarro and he was half-amused. At hindi nito maiwasang hindi mamangha nang ipakilala ni Nick si Jenny.
Hindi iilang beses nitong nakikita sa mga society column ang dalaga and photographers didn’t do her justice. She was beautiful. Almond-shaped eyes na kasing-itim ng gabi. Na kung tumitig ay tila nagbabadya ng maraming delightful mysteries. And those pouting and seductive lips na sadyang nanunukso.
Hell, but he hated her coquettish attitude. Isipin mong talagang idinikit ang katawan sa kanya habang nagsasayaw sila kanina. At hindi man nito gustong aminin, he was a little bit affected. He was dancing with Alaina, too, pero wala itong nararamdamang ganoon. At kung tutuusin, Alaina was more of his type.
Si Jenny ay bahagyang naningkit ang mga mata pagkakita sa binata. Sa inis niya’y wala sa loob na idinikit ang katawan kay Kane na para bang sekyuridad iyon mula kay Zandro. Kanina pa niya hinihintay na matapos ang tugtugin upang makabalik sa mesa at hanapin si Nick. Subalit nang matapos ang tugtog at humalili ang isang maharot na rock ay hindi siya nag-atubili nang hindi siya ibalik ni Kane sa upuan.
“Ituloy na natin,” nakangiting wika ni Kane na umindak.
“Sure,” sagot niya sa pilit na pinasiglang tinig.
At kung gaano kaharot ang tugtog ay ganoon din ang paraan ng pagsayaw ni Jenny. Na ang pagiging provocative ng sayaw ay pinatingkad ng suot nitong tight black velvet jeans. Si Zandro na nanonood ay gustong manuyo ang lalamunan. Against his will, he could feel his manhood rising. Shit! Teenager siya sa pagkakatanda niyang nakadama ng ganito. Itinaas sa bibig ang kopita ng alak and downed it in one swallow.
The bitch is damned sexy. Hindi iilang kalalakihan sa dance floor ang nakatingin sa dalaga. And women are frowning. Some with envy in their eyes. Bata at puno ng buhay. And suddenly, he could feel the ache in his groins. Napahugot siya ng matalim na paghinga sa reaksyon ng katawan.
Hindi ang klase ni Jenny ang type niya. He prefers simple and old-fashioned woman. Hindi ang isang tulad ni Jennifer Navarro. The typical spoiled rich, flirt, and outspoken.
“Wow, Jenny, you really turn me on. You’re great, honey,” pasigaw na sinabi ni Kane dahil sa lakas ng musika. Humihingal sa pinagsamang pagod at pagnanasa.
“Really?” nakangiting sagot ng dalaga. Hindi maiwasang sulyapan si Zandro habang nagsasayaw.
Itinaas ni Zandro ang kopita ng alak sa kanya and smiled lazily. Nawala ang ngiti sa mga labi ng dalaga at umirap. Then moved her body to the tune of the music in a very provocative manner. Bagaman sinisikap ni Zandro na balewalain ay hindi nito maiwasang pagpawisan. Lalo na at sa pagkakataong iyon ay tumitingin ang dalaga sa kanya habang nagsasayaw. Nasa mga labi ng dalaga ang pinagsama-samang inis at panunukso sa kinaiinisang lalaki.
Bitch, bulong ni Zandro na naningkit ang mga mata.
She sighed in relief nang matapos ang tugtog. Niyakag si Kane na sa bar magtungo. Sinadyang maupo sa tabi ni Zandro. She tilted her head backward upang alisin sa mukha ang buhok at lumaylay sa likod.
“Ano ang gusto mo, Jenny?” Si Kane.
“Punch, Kane,” sagot niya na ang mga mata ay pinaglakbay sa kabuuan ni Zandro. “Hi. I thought you went home already. Usually ang mga may-edad ng lalaki ay hindi na gaanong nag-e-enjoy sa ganitong party...” she taunted.
“And have I disappointed you?” sagot ng binata sa tila lasing na tinig. Damned woman! He knows she’s barely twenty but it doesn’t mean he’s that old at thirty-one.
“Oh, not really.” n agkibit ng mga balikat ang dalaga at inabot ang punch na iniabot ni Kane. Sinusulyapan nang pailalim ang binata habang banayad na iniinom ang drinks. “Kaya lang ay sayang naman ang oras mo dito sa party kung nakaupo ka lang diyan. Why, you look so tired and sleepy,” and perhaps drunk, komento niya sa anyo ng binata. “Why don’t you dance the matrons around? I’m sure you’ll give them pleasure. You can request the tango.” Inilinga niya ang paningin sa paligid kunwa kasabay ng malakas na tawa.
Si Zandro ay nagtagis ang mga bagang. She was laughing and it sounded so sexy. Kahit ang paggalaw ng katawan ay sensual. He smiled at dinala sa bibig ang kristal at inubos ang natitirang alak. Kasabay noon ay ang pag-ilanlang ng awitin ni Bryan Adams.
“C’mon, Jennifer. Let’s dance that song,” anyaya ni Kane na inilapag ang sariling inumin sa bar at tumayo. Hindi sana gustong sumama ng dalaga pero lalong hindi niya gustong maiwan sa tabi ni Zandro.
Subalit bago pa makatayo si Jenny ay nakatayo na si Zandro at ibinaba ang kopita sa bar, sabay titig kay Kane.
“My turn,” mariing wika nito sa kabila ng ngiti. Nagkibit ng mga balikat si Kane bagaman may panghihinayang sa mga mata.
Mahigpit na hinawakan ng binata sa braso si Jenny at inakay upang magsayaw. Bahagya lang lumayo ang binata mula sa bar at doon na rin nagsayaw.
“I don’t want to dance with you,” galit na bulong ng dalaga. “Isa pa, paano mong isasayaw ang tugtog without appearing corny.”
Ngumisi lang si Zandro at hinapit siya and danced to the tune.
I love the way you look tonight
With your hair hangin’ down your shoulder
And I love the way you dance your
slow sweet tango....
“I’ll show you how to tango,” wika ni Zandro na lalo pang hinapit ang dalaga then grind his hips to the tune kasama siya. “...and how you stare at me with those undress me eyes...” marahang kanta ng binata na sinabayan ang awitin.
Let’s make out, let’s do something
amazing
Let’s do something that’s all the way
‘cuz I never touched somebody like the way
I touched your body now I never want to
let your body go....
“Bitiwan mo ako!” asik ng dalaga na bagaman nagpupuyos ang dibdib ay hindi maiwasang hindi pag-initan ang katawan sa ginagawa ng binata. “Hindi ko alam na may bastos na kapatid si Bernard!” she hissed. Pinipilit na bigyan ng distansiya ang mga katawan nila pero hindi bumigay si Zandro. Hindi niya maintindihan kung lasing ang binata o ano.
“Didn’t you tease me first with those undress me eyes?” ganting bulong ni Zandro, quoting from the song.
“I did not! I was dancing...”
“We are dancing...” nakangising sagot ni Zandro na nang-uuyam. “...the tango.”
“Hindi tayo nagsasayaw, damn you! We are— we are—” h indi niya maituloy-tuloy ang sasabihin sa galit.
“Almost making love?” supply ng binata na nakangisi pa rin. She gritted her teeth. How she wished to erase that stupid grin on his face. Pagkatapos ay napasinghap siya nang muli siyang hapitin nito. “Tinitiyak ko sa iyo, Jennifer Navarro. When I make love, there will be nothing between me and the woman,” he whispered in her ear softly.
Lumunok ang dalaga with difficulty. Perhaps because she was tilting her head backward—far from his face na nakayuko sa kanya. And she couldn’t believe na sa kabila ng galit niya’y gusto niya ang tinig ng binata. Soft yet tinged with masculine roughness.
“Nagtataka ako kung bakit ka pinahihintulutan ni Franco Navarro sa mga ginagawa mo,” patuloy ni Zandro. “Why, you’re only a child and if I were one of your brothers, pinadapa na kita.”
“Bastard!”
Ngumisi lang si Zandro. His body moving to the song erotically. His hardness on her stomach. “Let’s make honey, baby, soft and tender. Let’s make sugar, darling...” patuloy sa mahinang pagkanta si Zandro. His mouth on her ear and she shivered from the warmth of his breath.
Sinikap niyang ilayo ang mukha at humugot ng malalim na paghinga.
“I hate this dance.” s a pagkakataong iyon ay hindi siya nagpupumiglas pero naglalabas ng apoy ang mga mata niya. “I’m warning you to stop or you’ll be sorry.”
“In my own good time,” determinadong sagot ni Zandro and pressed his hips closer.
Despite her anger, she was amazed. Sadyang ipinadama ni Zandro ang arousal nito. And she couldn’t believe na nananayo ang balahibo niya sa katawan. Ang nakapagtataka ay nakapagpigil pa siya nang ganito katagal. Hindi dinanas ng ibang lalaki ang ganito katagal na pagpipigil niya sa sarili.
She had never been angrier in her whole life. At ang ironic ay naghintay siya nang ganito katagal para ipaalam sa lalaki na hindi niya gusto ang ginagawa nito.
O hindi nga ba niya gusto?
She moved fast and backward. Hindi rin akalain ni Zandro ang ginawa niya. Pinaghiwalay ang dalawang binti na tila nagsasayaw pa rin. Bahagyang yumuko at galit na hinawakan ang braso nito kasabay ng pag-atras at pagkuha ng buwelo. At dahil nabigla ay nawalan ng balanse si Zandro. Umikot at sa isang iglap ay bumalandra sa sahig ang binata sa gulat ng maraming mga tao na nasa malapit sa kanila.
Sa kabila ng kabiglaanan sa pangyayari ay sinikap ng binatang huwag mapasama ang pagbagsak. Subalit hindi naiwasan ng ulo nito ang bakal na paa ng stool bar. Kasabay ng pagsinghap ay umikot ang paningin ni Zandro. And then he stopped moving.
Nakapamaywang na niyuko ni Jenny ang binata. Iniisip na umaarte lang ito. Ni hindi niya napansin ang pagkislap ng mga flash bulbs. May ilang mga bisita na ang humahakbang patungo sa kanila.
Pero hindi kumikilos si Zandro at nang matiyak niyang talagang nawalan ito ng malay ay napasinghap siya at mabilis na lumuhod sa tabi nito.
Had she killed him? Oh, please no!
“Oh, my...” nahintakutan niyang sinabi sa nanginginig na mga tuhod. Pinulsuhan at bahagyang nakahinga nang maluwag nang madamang may pulso.
Tototoong nawalan ng malay ang binata. Bakit? He was such a big man para sa ganoon lang ay maging totally unconscious. Baka kaya inatake sa puso? Nagpa-panic na dinama niya ang dibdib nito sa tapat ng puso. Nararamdaman sa palad niya ang normal na tibok.
She craddled his face in her arms. Itinaas ang ulo nito at hinanap kung nasaan ang injury na nilikha niya. Isang hindi kalakihang bukol ang nakapa niya sa parte na tumama sa stool. Lalong natakot ang dalaga.
“What’s wrong, Jennifer?” Si Bernard na yumuko at pinaglipat-lipat ang tingin sa kapatid at sa dalaga.
“I–I—” n apailing siya at hindi malaman kung ano ang sasabihin. Tila siya iyong larawan ng Pieta na kalong ang anak. Ilang sandali pa’y nasa paligid na niya ang buong mag-anak na Fortalejo.
“He’s hurt, Bernard,” nag-aalalang wika niya. “I–I— hindi ko sinasadya. He was... he was...” she stammered. Gusto na niyang umiyak. Damn you, Nick! Nasaan ka ba?
For the first time in her whole life, she felt foolish and helpless and worried and embarrassed. Si Nathaniel ay nasa pagitan ng pag-aalala at amusement. Lumuhod sa tabi ng walang malay na si Zandro.
“Huwag kang mag-alala, Jenny. Kami na ang bahala dito.” t iningala nito si Marco. “Tulungan mo ako. He wouldn’t like this when he wakes up,” napapailing na wika ni Nathaniel.
“Ano ba ang nangyari?” Inulit lang ni Marco ang mga tanong ng mga naroroong bisita.
“D-don’t you think, he needs a doctor?” nag-aalala pa ring sinabi niya.
“Relax, Jenny.” s i Emerald na inalalayan ang dalaga sa pagtayo. “Hindi naman siguro masama ang pagkabagsak ni Zandro. At bahala na ang mga lalaki sa kanya. Come, I think you need a drink. Maputla ka pa kay Zandro.”
Sinundan niya ng tanaw si Zandro na binuhat ni Marco at Nathaniel palabas ng bulwagan. Bakit siya lang ang nagpa-panic? Dapat ay tumawag ng ambulance at dalhin sa ospital si Zandro. Gusto niyang sabihin sa mga ito ang nasa isip. Of course, hindi niya gustong makapatay ng tao.
Si Jasmin ay inabutan siya ng brandy.
“Here, take this...”
“T–Thank you.” h indi niya malaman kung ano ang sasabihin at gagawin. Bakit ba hindi siya nakapagpigil sa sarili? Nakapagpigil na rin lang siya nang ganoon katagal, bakit pinakawalan pa niya ang galit? Nilinga niya si Bernard na muling niyakag ang mga tao na magpatuloy sa kasiyahan. “I’m terribly sorry for ruining your party, Emerald, but—”
“You did not,” agap ni Emerald. “Tingnan mo at parang walang nangyari. Ano ba talaga ang nangyari?” dugtong ni Emerald na nagsasalubong ang mga kilay.
“Hey, Jennifer, what happened?” Si Kane na lumapit bago pa makaisip ng isasagot ang dalaga.
“Please take me home, Kane,” pakiusap niya. Her voice unsteady and her knees are weak. “I don’t think Nick is around to take me home.” Gusto niyang maiyak sa kahihiyan at galit sa kapatid na bigla na lang nawala.
It was Nick’s fault. Kung hindi siya nito inutusang ilayo si Zandro kay Alaina ay hindi mangyayari ito. Hindi siya magagalit dahil iniwan siya ng binata sa dancing floor at hindi sana niya pinag-isipang inisin si Zandro na bumaliktad naman sa kanya.
At kinakabahan siya sa maaaring sabihin ni Franco sa sandaling malaman ito. Perhaps she went too far. Hindi ordinaryong tao ang mga Fortalejo. Bukod doon, mahalagang business associates ng mga Navarro ang mga Fortalejo.
“Oh, sure. Magsasabi lang ako sa Papa at Mama.”
“Don’t bother, Kane.” s i Bernard na lumapit. “Ako na ang maghahatid kay Jennifer.” m agsasalita sana si Kane pero ang tinging ipinukol ni Bernard sa kanya ay sapat na para magkibit ito ng mga balikat. “Wait here, Jennifer. Kukunin ko lang ang susi ng kotse.”
“HINDI mo ihahatid ang babaeng iyon, Bernard!” n anlilisik ang mga matang sigaw ni Diana sa loob ng library.
“Diana, she’s Franco Navarro’s daughter at ipinagbilin siya sa akin ni Nick.”
“She could be the devil’s daughter at wala akong pakialam! Hindi ba siya marunong umuwing mag-isa? At anong iskandalo na naman ang ginawa ng babaeng iyan? Ano ang ginawa niya kay Zandro?”
Hindi malaman ni Bernard kung magagalit o matatawa sa pagkabanggit sa kapatid. Isang bisitang doktor ang pumanhik sa guest room at tiningnan ang binata. Nakita niya ang buong pangyayari dahil sadyang sinusundan niya ng tingin ang dalawa. He saw his brother’s irritation. Ang nakapagpataas ng kilay niya’y ang pagpatol na ginawa ni Zandro kay Jenny nang isayaw nito ang dalaga. Why, the girl isn’t his brother’s type.
He wanted to laugh then. Hindi niya mapaniwalaang napabagsak nang ganoon kadali si Zandro sa isang simpleng judo. At mula pa sa isang babaeng hindi naman malaki. Bagaman alam niya ang dahilan ng pagbagsak ng kapatid ay hindi niya mapigilan ang maaliw.
“You should be more concerned with your brother kaysa sa kung sinong pakawalang babaeng...”
“Diana!” putol ni Bernard sa sasabihin nito. “Hindi pakawalang babae si Jennifer Navarro!”
Tumaas ang kilay nito. “Hindi? At ano ang tawag mo sa ginawa niyang pagsasayaw doon sa anak ng tagabangko? At sila ni Zandro bago nawalan ng malay ang kapatid mo?”
Umungol si Bernard at itinaas ang mga mata sa kisame sa pagpipigil sa sarili. Pagkatapos ay muling tinitigan ang asawa.
“Please, Diana.” n akikiusap ang tinig niya. “Responsibilidad ko si Jenny. I just can’t allow anyone to take her home. I promised Nick na ako ang bahala kay Jenny.”
“That woman, although, she’s nothing but a child is beautiful, Bernard.” m ay banta sa tinig nito.
“And so?” Nagsasalubong ang mga kilay ng lalaki.
“And I don’t want you to come near her,” mariing wika nito.
“Will you stop this foolishness, Diana? Pati ba naman ang anak ni Navarro ay ipaghihinala mo sa akin? Madre de dios, wala na bang katapusan ang mga paghihinala at possessiveness mo?”
Pinuno ni Diana ng hangin ang dibdib at itinaas ang magandang mukha. “Hindi pa tapos ang annulment processing natin, Bernard. At habang mag-asawa tayo, I demand that you behave with propriety!”
Nagmura nang patalikod si Bernard. Nagtagis ang mga bagang na tinitigan ang asawa. “I have always behaved with propriety, Diana, since I married you. In fact, tila ako sirkerong lumalakad sa tulay na alambre para lang paluguran ka. And yet, wala pa rin akong tamang ginawa. At hindi ko maintindihan kung bakit pinagpatuloy mo ang annulment na iyan,” he said wearily.
“Huwag na tayong magtalo, Bernard. Ask someone to take her home. Hindi ikaw.” Mariin at nag-uutos ang tinig nito.
Naningkit ang mga mata ni Bernard. “Ihahatid ko si Jennifer,” sagot niya sa kalmante at di-mababaling tono. Pagkatapos ay binuksan ang pinto.
“I hate you, Bernard!” sigaw ni Diana na ibinato ang isang collector’s item na ashtray at tumama sa pasarang pinto. Tumili at muling dinampot ang anumang bagay na mahawakan ng kamay at pinaghahagis sa dingding.
Si Bernard ay umiling. Puwede namang ipahatid niya kay Nathaniel o Marco si Jenny. Pero hindi niya gagawin. Sa maraming pagkakataon ay pinagbigyan niya ang mga kalokohan ng asawa. Whims and caprices na lahat ay pawang mga unreasonable.
Endless nagging because of unfounded jealousy and insecurities. Marahil ay umabot na sa sukdulan ang pasensiya niya sa oras na iyon.