noveltoon logo noveltoon
Wild Heart (Kristine Series 10)

Chapter 18

Ch. 18 / 20 Nov 28, 2025

S I JENNIFER ay inubos ang sumunod na mga araw sa pagdalo sa lahat ng mga party at kasiyahan. Halos laman ng society page ang mukha ng dalaga sa araw-araw. Sinusundan ng mga society reporter ang bawat galaw niya at kung sino ang ka-date niya.

Some of her dates are famous society personalities kung hindi man anak din ng kapwa mayayaman.

Si Zandro na nasa loob ng opisina ng Kristine Cement ay inihagis ang diyaryo sa mesa. Si Bernard ay amused na hindi pinapansin ang kapatid. Patuloy sa pagpirma ng mga tseke.

“Devil woman!”

“Si, hermano. Es verdad,” amused nitong sang-ayon bagaman hindi nag-aangat ng mukha. “They’re pain in the neck.”

Tumayo ang binata at sinulyapan ang relo sa braso. Alas-nueve y media ng umaga. Dinampot nito ang telepono sa mesa ni Bernard at dumayal.

“Hello... this is Zandro Fortalejo, gusto kong makausap si Jennifer...” utos nito sa aroganteng tono. Ilang beses na niyang tinangkang kausapin si Jenny. Subalit sa tuwing dinadayal niya ang linya nito ay ibinababa na agad bago pa man mag-ring.

At ngayon ay hindi niya mapapalampas ang balitang nasa society column ng peryodiko. Nakuhanan ng larawan ang dalaga na tila hinahagkan ng isang society playboy at nagngingitngit siya.

“It is Zandro Fortalejo,” he repeated his name impatiently. “Wake her up... no... no. Ibigay mo sa akin ang numero ng telepono niya sa kuwarto.” a lin na lang sa dalawa, pamilyar sa maid ang apelyido o natakot sa tono niya kaya ibinigay ang telepono ni Jenny sa kuwarto nito. Inabot nito ang ball pen sa mesa at isinulat ang idinikta ng maid pagkatapos ay muling dumayal.

Bernard lazily smiled. His brother was caught, hook, line and sinker. Limang ring bago may sumagot.

“Hello...” sagot ni Jenny in a sleepy and husky voice.

Napapikit si Zandro. He could imagine her purring in bed like a cat and inside his jeans, he went stiff.

“Jennifer...”

Si Jenny ay biglang nagmulat ng mga mata. She will never forget his voice in a million years. Bumilis ang tibok ng dibdib. It’s been almost four weeks mula nang manggaling siya sa Paso de Blas.

“W-who’s this?”

“Dammit, Jennifer, alam kong kilala mo ako.”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. “What do you want?”

“It’s been over three weeks. Are you sure you aren’t...” he stopped and swallowed. “I mean, didn’t you skip your period?”

Napapikit si Jenny. She missed him. She cried so many nights over him. Gusto niyang marinig ang boses nito at sabihing nami-miss siya at gusto siyang makita pero hindi para itanong kung hindi dumating ang monthly period niya.

“Bastard!” she hissed. “Iyon ba ang dahilan kaya tumawag ka, Zandro?”

“Jen, I...”

“Rest assured, I’m not pregnant and I’m not likely to be. Goodbye.” a t ibinagsak nito ang telepono at bumunghalit ng iyak.

“Hell and damnation!” Si Zandro na ibinalik sa receiver ang telepono at namaywang. Tumingala sa kisame at ipinilig ang ulo.

“I wonder so many times why Lance didn’t kill you,” ani Bernard sa tinatamad na tono.

“He was more scared of that little brat kaysa sa akin,” galit niyang sagot at nagpalakad-lakad sa buong opisina.

“What are you bothering about, Zandro? She’s not pregnant and she’s got nothing to do with you. So stop worrying and marry Ester,” wika nito na gustong matiyak ang saloobin ng kapatid.

Hindi sumagot si Zandro na tila hindi narinig ang huling sinabi ni Bernard. Ibinagsak ang sarili sa sofa at inihilamos sa mukha ang dalawang palad.

“I couldn’t seem to say the right words to her,” wala sa loob niyang sinabi. “Pagdating sa babaeng iyon ay hindi ko malaman kung ano ang sasabihin ko. Kahit na pinraktis ko pa muna. That woman is a witch!”

“Si Ester?”

“Shit, Bernard, si Jenny ang tinutukoy ko!”

“Oh!” Nag-fake ng pagtataka si Bernard. “Akala ko ba’y hindi si Jennifer ang type mong babae?”

“She’s not! She’s wild and permissive, spoiled and rich and stubborn. But she kept on pestering my mind, dammit!” naiiritang sigaw nito.

Hindi mapigilan ni Bernard ang mapangiti. His brother is in love bagaman hindi gustong aminin. Hindi ito nagkamali ng sapantaha. Hindi si Zandro ang madaling magalit lalo na at babae. At ipinagtaka nitong iniwan ni Zandro sa gitna ng dancing floor si Jenny. His brother is the epitome ng pagiging gentleman.

“I thought you don’t believe in love?” pananalakab nito.

“Who says I’m in love!” he snapped. “I probably caught a deadly virus na hindi ko alam bigyan ng pangalan.”

Malakas na tumawa si Bernard. Nagpatuloy si Zandro.

“That bitch didn’t care whether my mother was a mental case or if my dead half-brother was a murderer,” patuloy ng binata na tumayo at muling ipinasok sa bulsa ng maong ang kamay. “And it didn’t bother her whether I was anybody’s bastard. And she was soft and perfect... and most of all she’s making me crazy!”

“What about Ester?”

“Ester be damned!” asik niya sa kapatid. “I’m glad na pakipot siya at hindi niya ako sinagot agad. I could have married the wrong woman and made my life a living hell.”

Sandaling umilap ang mga mata ni Bernard. Alam nitong hindi ang buhay niya ang gustong tukuyin ni Zandro.

“What’s wrong with her? She was your kind of a woman.”

“I thought she was. Sa tuwing nag-uusap kami noong araw tungkol sa Mama ay mataktika niyang iniiba ang usapan. Hindi ko pinapansin iyon. Iniisip kong hindi lang niya gustong pag-usapan namin ang masasamang bahagi ng buhay ko. Then lately, sinabi ko sa kanyang iuuwi ko ang Mama sa Paso de Blas. She almost went into hysterics.”

He took a deep breath at nagpatuloy. “Soft-spoken si Ester at wala itong sinabing hindi ko sinang-ayunan pero minsan man ay hindi ko nadama sa kanya ang challenge and the thrill and the excitement sa tuwing nag-uusap kami ni Jenny. Na kung tutuusin ay mas nauuwi sa away kaysa sa hindi.”

Sumandal sa executive chair si Bernard. “To tell you frankly, no one among us liked your Ester, except that she was an excellent employee. Pero tulad ng nakagawian, hindi tayo nakikialam sa suliranin ng puso ng bawat isa...”

“She’s not my Ester!” Matalim niyang tiningnan ang kapatid. “At hindi nakikialam sa suliranin ng puso ng bawat isa?” sarkastikong ulit niya. “My ass, Bernard! Natitiyak kong kasama ka ni Franco Navarro sa planong ipadala sa Paso de Blas si Jennifer. In fact, duda na ako sa motibo mo noong papuntahin mo sa villa ang doktor niyang ex-boyfriend.”

Nagkibit ng mga balikat si Bernard. “You ought to thank me, hermano. I saved you from Ester. You came to your senses pagkatapos ng matagal na panahong pagtitiyaga sa babaeng iyon. What now?”

Tumingala sa kisame ang binata na parang naroon ang sagot sa tanong ng kapatid. “I don’t know. She doesn’t want to talk to me. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin nang umuwi ako kinagabihan.”

“SAAN ka na naman pupunta, Jenny, hija?”

“I have a date tonight, Mama,” sagot niya na nag-spray ng Aliage sa wrist.

“What’s wrong with you, darling?” Naguguluhang tinitigan ni Bea ang anak. “Halos gabi-gabi kang lumalabas. Hindi ka naman dating ganyan.”

“Nothing, `Ma. Ayoko lang dito sa bahay. I’m just bored.” i niwas niya ang tingin.

“I knew it when you’re lying, baby,” she said softly. “Had my children all so grown up now that they don’t want me to share their problems anymore?” May bahid ng hinanakit ang tinig ni Beatriz.

Nahinto sa ere ang brush ni Jenny at tinitigan ang ina. Kapagkuwa’y biglang humarap at lumuhod sa carpet at ginagap ang mga kamay nito.

“I–I don’t know what to say, `Ma,” halos pahikbi niyang sinabi. Sa loob ng halos isang buwan ay sinarili niya ang sama ng loob. When she thought she’s alright, saka naman tumawag si Zandro para lang itanong kung nagdadalang-tao siya.

“Is it a heart problem, darling?” Hinaplos ni Beatriz ang buhok ng anak.

“I guess so.” s he sobbed a little. “And I hate him. He is such a bastard.”

“Si Zandro Fortalejo ba, hija?” banayad na tanong nito na sinabayan ng buntong-hininga.

Tumingala sa ina si Jenny. “P-paano mong nahulaan?”

Ngumiti si Beatriz. “You’re my only daughter, Jennifer. At babae rin ako. You’ve changed mula nang magbalik ka sa Paso de Blas. In fact, gusto kong kumilos ang papa mo at alamin kung ano ang nangyari sa iyo roon. Ipinasundo kita kay Lance pero hindi mo siya kasabay na umuwi which is strange dahil hindi aalis si Lance nang hindi nagpapaalam sa akin. Nang makausap ko si Alvaro sa radyo, tinanong sa akin kung bakit puro pasa si Lance at nasa Sto. Cristo at umiiwas na kausapin ako. May itinatago ba kayo ng kapatid mo sa akin, hija?”

Hindi na niya gustong sabihin sa ina ang away ng dalawang lalaki. Idineretso ang sagot. “I love him, `Ma...” anas niya na humilig muli sa kandungan ng ina.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Beatriz. “You’re very young, paano mong natiyak na pag-ibig ang nadarama mo para sa kanya, hija?”

“And you were more than a year younger than me,” she said ungrammatically. “...when you fell in love with my father...”

Kumislap ang mga mata ni Beatriz at sandaling tumitig sa kawalan. Pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa anak. “I haven’t met him yet. Pero kung ang pagbabatayan ay ang looks ni Bernard, he must be gorgeous.”

“He is and more,” sang-ayon niya na patuloy sa marahang paghikbi. “But he’s handsomer than Bernard and more gorgeous than my three brothers.” n angiti nang lihim si Beatriz sa sinabi ng bunsong anak. It was a matter of opinion.

“What’s wrong? Hindi ka ba niya gusto? Ipagtataka ko iyon, Jennifer.” i tinaas nito ang baba ng anak at pinahid ng kamay ang mga luha.

“He doesn’t like me,” padabog niyang sinabi. “Mas gusto niya ang Maria Clara type. Goodness, `Ma, I’ll never change for him.”

“You don’t have to,” sang-ayon nito. “Hindi ka na ang aking si Jennifer kung magiging iba ka. We must love someone for what they are and not for what we want them to be...”

“I believe so, too.” s uminghot siya at tumayo. Inabot ang Kleenex tissue at inayos ang makeup at itinaas ang mukha. “Anyway, hindi lang siya ang lalaki sa lupa, `Ma. And today, I’m dating the most handsome debonair in town. Si Warren Krantz.”

“The American rock star!” Napatayo si Bea. Narito nga pala sa Pilipinas ang kilalang grupo may isang linggo na ngayon. “But, darling, alam mong hindi ang lalaking iyon ang...”

“Tinawagan ako ni Warren, `Ma. Ito ang panghuling gabi niya sa tatlong araw niyang tour sa Asia,” agap niya sa sinasabi ng ina. Dinampot ang silver clutch bag, yumuko at hinagkan sa pisngi si Beatriz. “Ipasusundo niya ako sa chauffeur niya any minute now. `Bye, `Ma.”

“Jennifer...” tawag ni Beatriz subalit nakalabas na ng silid ang anak.

SA MANILA Pen ay nasa dalawang parehas lahat ang mga mata. Hindi ilang reporters ang nakapaligid at kumukuha ng larawan. Ang mga bodyguard ni Warren Krantz ay nasa mesang nakapalibot sa mga ito.

“You’re stunning,” wika ni Warren na hinagod siya ng humahangang tingin. Ngumiti si Jenny at dinampot ang glass ng champagne niya at dinala sa bibig. “You haven’t changed, Jenny baby. You’re still the prettiest woman I’ve laid my eyes on and I miss you.”

“I miss you, too, Warren,” kaswal niyang sagot. Wala sa loob na inikot ang mga mata sa paligid and sipped on her champagne. “What do you think of our country?” She almost rolled her eyes sa sariling tanong. Mabuti na lang at kumislap ang isang camera. She’s too blase.

“I don’t wanna talk about your country, baby,” may pagkabagot na sagot ng binata. “Let’s talk about us and stop being coy, that’s not like you,” the American whispered seductively and erotically moved his finger from her face down to her throat and then to her bare shoulders. “I loathe this formality and the people around us. Let’s go up to my suite, Jenny, and take up right where we left off.”

Marami na siguro siyang nainom na champagne o nahihilo na sa kislap ng mga camera at sa mga taong kanina pa sumusunod sa kanila dahil ni hindi niya kinontra ang sinabi nito. Ang dahilan kaya siya narito ngayon kasama ng ex-admirer na ito ay upang kalimutan si Zandro, and so, she must enjoy her evening. Tumayo siya at lumakad kasama ni Warren patungo sa elevator.

Kasama ng tatlong bodyguards ay pumasok sila sa elevator patungo sa 9th floor kung saan naroon ang suite ni Warren Kruntz. Isinandal niya ang ulo sa elevator wall at pumikit. Marami ba siya talagang nainom? Inakbayan siya ni Warren na ngumiti at hinagkan siya sa noo.

Nang bumukas ang elevator ay inakay siya ng American palabas. Nakadalawang hakbang pa lang siya sa carpeted na sahig palayo sa elevator nang mapuna ang mga nakasarang silid na may gintong numero sa bawat pinto. Para siyang nagising mula sa isang mahimbing na pagkatulog. Huminto sa paglakad at tumingala kay Warren.

“N-no, Warren...”

“Got cold feet, honey?” ani Warren at muli siyang inakay. Pagkatapos ng dalawang hakbang pa uli ay biglang huminto sa paglakad si Jennifer.

“W-what are we going to... I mean... it’s late, Warren.” f rantic niyang tiningnan ang manipis niyang wristwatch. “I–I have to be home before…”

“Scared, my Cinderella?” amused na wika nito na itinaas ang baba niya. “`Know what? This is one thing that made you so different from other women... you are so reserved. And I love you for that, Jenny. Don’t run away this time, honey.”

Akmang magsasalita ang dalaga nang muling bumukas ang elevator at lumabas doon si Zandro. Mabilis itong nakalapit at tinabig ang kamay ni Warren.

“Get your bloody hands off her!”

“What...!”

Ang mga bodyguard ay biglang parehong umalerto at inihanda ang mga sarili. Si Warren ay mabilis na bumitaw sa pagkabigla.

“Zandro!”

“Kanina ko pa kayo pinagmamasdan, Jennifer!” Nagliliyab ang mga mata nito sa galit. “Saan ka sa palagay mo pupunta kasama ang puting ito, ha?”

“W-wala kang pakialam,” pabulong niyang sagot. Hindi niya gustong sumigaw at magalit dahil nakikita na niyang nakahanda ang mga bodyguard. Tanging ang mga mata niya ang nagbabadya ng galit and at the same time, the need to throw her arms around him. “Ano ang ginagawa mo rito?”

“What the hell are you talking about?” naguguluhang tanong ni Warren na pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. “Do you know this man?”

“Oh, yes, she knows me,” agap ni Zandro sa nanggagalaiting tinig. “I am her fiancé!”

“Fiance!” Gulat na tinitigan ni Warren si Jenny na pumikit at inis na isinandal ang ulo sa wall malapit sa elevator. Siyang pagbukas ng isa pa uling elevator. Isang reporter ang lumabas at kumislap ang camera sa kanila.

“Let’s go, Jennifer.” m arahas nitong hinablot ang kamay ng dalaga.

“Oh, I don’t think so, bastard.” a ng Amerikano na akmang sesenyas sa mga kasama nang humarang si Jenny.

“No, Warren, please. He’s right. He’s my— fiancé...” l ord, she didn’t want another scandal. Who knows kung saang bahagi na naman ng lupa siya i-exile ni Franco Navarro?

Alanganing kumilos si Warren na nagsasalubong ang mga kilay. Nakahawak sa braso ni Jennifer. “Are you sure, baby?”

“You bet she is,” sagot ni Zandro bago pa makapagbuka ng bibig si Jennifer. “Now let her go because it doesn’t bother me a bit if you were the King of Timbuktu and you have an army of bodyguards.”

“You son of...”

“Warren, please.” s i Jennifer na hinawakan sa braso ang lalaki. “I’ll call you tonight and explain. Please.” n asa kanila na rin ang tingin ng ilan pang guest ng hotel na naglabasan mula sa kabilang elevator kasama ang dalawa pang reporters na sadyang mag-aabang sa muling paglabas ng rock star kasama ang Navarro Princess. Mabilis na nakatuon sa kanila ang mga video camera ng mga ito.

Bagaman nagsasalubong ang mga kilay ay napahinuhod si Warren at ilang sandali pa’y hila-hila na ni Zandro si Jenny sa loob ng elevator. Ni hindi niya magawang maghisterya at magalit dahil may ilang guests sa loob. Nang bumukas sa ground floor ay mahigpit na hinawakan ni Zandro ang kamay niya at inakay palabas.

“Bitiwan mo ako, ano ba!” angil niya at tinabig ang kamay nito nang nasa labas na sila ng hotel at walang pakialam kung may ilang guest na lumingon sa pagtataka ng valet. “Ano ang ginagawa mo rito? Alam mo bang kung hindi ko inawat si Warren ay nabugbog ka na ng mga bodyguard nito?”

Umismid si Zandro. “Fine. Naibuhos ko sana sa mga iyon ang inis ko habang pinaglalaruan ng Amerikanong iyon ang mukha at mga balikat mo!”

Saglit na natahimik si Jennifer. Nangangahulugan iyon na kanina pa si Zandro sa hotel at nakamatyag sa kanila. Muli niyang tiningala ito.

“Hindi ka lang imposible, hambog ka pa! You didn’t even beat my brother at `ayan pa sa mukha mo ang mga bakas.” s inurot niya ang mukha nito. “Iyon pa kayang tatlong bodyguards and trained martial arts experts!”

“Bakit mo inawat?” naghahamong tanong nito sa matinding inis ng dalaga.

“Because I didn’t want another scandal with you!” hiyaw niya. “Baka sa buwan na ako ipadala ng Papa...!”

“Whether you like it or not, nasa diyaryo at TV tayong dalawa bukas,” wika nito sa pagitan ng galit at amusement. “See that?” Itinuro nito ang ilang reporters na ang mga video camera ay nakatuon sa kanila. “Not to mention the scenes sa ninth floor with your American admirer, honey...” tuya nito.

“Oh, you’re... you’re...!” Nawawalan siya ng sasabihin sa galit. At bago pa nakakilos si Zandro at tinakbo niya ang pumaradang taxi na nagbaba ng sakay at mabilis na ini-lock ang mga pinto kasama ang pinto ng driver.

“Bilisan mo, mama,” utos niya.

“Buksan mo ito, Jennifer!” Subalit tumakbo na ang taxi palabas. “Hell and damnation!”