noveltoon logo noveltoon
Wild Heart (Kristine Series 10)

Chapter 5

Ch. 5 / 20 Nov 28, 2025

N AGPUPUYOS ang dibdib na pinaghahagis ng dalaga sa loob ng lumang cabinet ang mga gamit na isa-isa at padaskol na dinampot mula sa maleta.

“Damn you, Zandro Fortalejo! You’ll pay for this, ipinangangako ko!”

Nang mapagod ay ibinagsak ang sarili sa kama at umiyak nang umiyak na parang bata. At ganoon na lamang ang pagnanais niyang nasa mansiyon siya at nasa tabi niya si Beatriz sa pagkakataong iyon at umiyak dito.

She has never been beaten by a man. Of course, hindi kasali roon ang mga kapatid na lalaki. And she hated Zandro for his arrogance. Huminto siya sandali sa bahaging iyon ng pag-iisip. She thinks Zandro is a little bit like her brothers. Except for the bitterness na isang beses niyang nasilip sa mga mata nito noong gabing nagsasayaw sila.

Whatever, hindi niya mapapatawad ito sa pandarayang ginawa. Wait till Franco hears about this. Pagkatapos ay biglang nag-angat ng mukha sa naisip na iyon.

Nadaya nga ba ni Zandro ang papa niya? No. Of course not. Franco Navarro was too shrewd to be deceived. Pero—umiling siya. Hindi niya gustong paniwalaang alam ng papa niyang walang na-damage kay Zandro at ginusto pa rin nitong sumama siya rito. Maybe Zandro really did de ceive her father na sa pagnanais na huwag masira ang relasyon sa mga Fortalejo ay hindi na nag-ukol ng pansin sa mga detalye.

Tumigil siya sa pag-iyak at lumabas sa may veranda. Iginala ang tingin sa buong paligid hanggang sa naabot ng tanaw ng mga mata. Tulad sa Alta Tierra ay puro mga berdeng damo, puno ng niyog at sarisaring mga matatanda at malalaking puno ang natatanaw niya. Ang kaibhan nga lang, napakalapit ng dagat sa v illa Navarro kaysa sa v illa Kristine. And suddenly, dahil sa tanawing nakita, she missed Alta Tierra.

Mula nang dumating siya galing Texas ay dalawang beses pa lang siyang umuwi roon. Noong ikasal sina Alvaro at Kristine, at noong sunduin ni Franco si Beatriz matapos patawarin ni Nick ang ama. At sa dalawang okasyong iyon ay hindi naman siya talaga nagtagal dahil sumama na rin siya sa mga magulang sa pag-uwi.

Natuon ang tingin niya sa ilang mga tao na nakasakay sa kabayo. Mga tauhan marahil ng asyenda. Makukulong ba siyang talaga rito nang isang linggo? Muling nabuhay ang galit sa dibdib niya kay Zandro. Kung wala siyang magagawa kundi samahan dito ang lalaking iyon, puwes, gagawin niya ang lahat upang pagsisihan nitong dinala siya rito.

Sa loob ng natitirang oras sa maghapon ay nagkulong ang dalaga sa silid at hindi ninais na ikutin ang buong villa. She’d die kaysa magpakita ng interest sa lumang bahay na ito. Hindi rin siya bumaba nang sabihin ng maid na kakain na. Nang ipadala ni Zandro sa silid ang tanghalian niya’y ipinabalik niya ito. Ganoon din ang minindal na inihatid ni Agring sa silid niya.

Alas-siyete y media nang katukin siyang muli ng katulong upang sabihing kakain na. Subalit tumanggi ang dalaga. Ano na nga ang tawag doon? Hunger strike. Yes, magha-hunger strike siya hangga’t hindi siya pauuwiin ng Zandro na iyon.

“Hindi ho ba kayo nagugutom, m a’am?” nag-aalalang tanong ni Agring. “Hindi naman kayo kumain ng tanghalian.”

“Sabihin mo sa amo mong hindi ako kakain!” angil niya rito. Nang tumalikod si Agring ay parang gusto niyang pagsisihang inangilan niya ang katulong. Wala namang kasalanan ito.

Nagulat pa siya nang makalipas ang ilang minuto ay biglang bumukas ang pinto at sumungaw si Zandro.

“Bakit hindi mo gustong kumain?” walang emosyong tanong nito. Ang mga mata ay humagod sa kabuuan niya na nakasuot na ng pantulog na bagaman hindi manipis ay pantulog pa rin.

“Bastos kang talaga!” asik niya. “Ni hindi ka marunong kumatok.”

Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Zandro. Sumandal ito sa may hamba na sa laki at taas ay halos okupahin na ang buong pinto.

“Ano ba naman ang ikinatatakot mong makita kong hindi mo pa naipakita sa ibang lalaki?” wika nito, sabay hagod nang may malisyang tingin sa kanya. He was baiting her to say something about her affairs. Pero hindi kinagat ni Jennifer iyon.

Tumaas ang dibdib ng dalaga kasabay ng panlilisik ng mga mata. “Why exactly, did you bring me here aside from having someone to insult?” tanong niya sa nagpipigil na tono.

Nagpipigil? Kailan pa niya natutuhan iyon?

“Tulad ng sinabi ng papa mo sa iyo, ten days tayong magkasama rito. Sampung araw na kabayaran ng kahihiyang ibinigay mo sa akin sa harap ng maraming tao. That’s fair enough lalo na at nadiyaryo pa tayo.”

“And you deserved it!”

“Huwag na nating balikan iyon, Jennifer,” bagot nitong sagot. “Tara na sa ibaba.”

“Hindi ako kakain,” tila bata niyang sagot.

“Magugutom ka dahil hindi ka naman nananghalian kanina.”

“Hindi ako kakain hangga’t hindi mo ako inaalis sa lugar na ito.”

Sukat doon ay humagalpak ng tawa si Zandro. Suyang-suyang napatingala rito ang dalaga.

“Threats, sulking, hunger strike o ano pa man. It won’t affect me a bit, Jenny. You should have known better than to threat a Fortalejo. Kung ayaw mong kumain, suit yourself,” pagkasabi niyo’y tumalikod si Zandro. Hindi nito gustong ipahalata sa dalagang nag-aalala. Paano kung pangatawanan nga ng dalaga ang hindi pagkain?

Galit na tumayo ang dalaga at pabagsak na isinarang muli ang pinto. Ang walanghiyang lalaki at hindi man lang nag-alalang baka magutom siya!

Ngayon niya gustong pagsisihang hindi rin siya kumain ng tanghalian. At sa buong maghapon ay almusal ang huling kain niya. At kumakalam ang sikmura niya.