noveltoon logo noveltoon
Wild Heart (Kristine Series 10)

Chapter 11

Ch. 11 / 20 Nov 28, 2025

N AKITA ni Ester na lumabas mula sa opisina ni Nathaniel si Zandro at nagtuloy sa bar pagkatapos siyang tanguan. Mabilis nitong nilapitan ang binata.

“Kumusta na ang bisita mo, Zandro?” banayad nitong tanong mula sa likuran.

Hindi lumingon ang binata at nagkunwang hindi narinig ang tanong. Humingi ng alak sa bartender at pagkatapos ay lumakad palabas ng lobby patungo sa gilid ng pool. Sumunod ang dalaga bagaman nagtataka sa ikinilos ng binata na karaniwan na’y laging may ngiti kapag nakita siya.

“Hindi mo na ako sinagot,” ulit nito. “Ang sabi ko’y kumusta na ang guest mo sa villa?” Naupo ito sa isa sa mga lounge ng pool.

Nilinga ni Zandro ang babae at hinagod ng tingin. Ester is the epitome of modesty if not classy. Simple. Ganoon lang. Pagkatapos ay nagbuntong-hininga at dinala sa bibig ang kopita at tumingin sa mga guest na foreigner na nasa pool.

“What about her?” matabang niyang sagot.

“Bakit hindi mo siya i-book sa isa sa mga hotel rooms?” patuloy ni Ester. “Mas angkop iyon dahil ang hotel-resort na ito naman talaga ang dinadayo ng mga tao. At kung gusto niyang mangabayo ay mayroon din ang hotel niyan, `di ba?”

Bagot na muling nilingon ni Zandro ang dalaga. “I invited her at the villa, Ester, at hindi rito sa hotel,” pagkatapos ay nagsalubong ang mga kilay. “Why do you have to trouble yourself with her?”

“Hindi ka ba nag-aalala sa sasabihin ng mga tao, Zandro?”

“Sasabihing ano?”

“Binata ka at dalaga si Miss Navarro... at... at...” t umaas ang dibdib nito sa paghugot ng malalim na paghinga. “...hindi magandang tingnan na magkasama kayong dalawa sa villa...”

He twisted his lips in a humourless smile. “Ikinalulungkot ko kung hindi umaakma sa pamantayan ng ibang tao ang paniniwala ni Jennifer Navarro, Ester.”

“Doesn’t she care what people think about her?” wika nito sa preaching tone. “Bagaman pag-aari ng mga Fortalejo ang islang ito ay makaluma pa rin ang nakararami sa mga taga-Paso de Blas, Zandro. Noong dalhin ni Bernard si Diana rito ay sa hotel niya itinuloy, Zandro...”

“I don’t think it bothers her a bit. Kaya hindi mo siya dapat na alalahanin,” he answered in a bored tone. Hindi kailangang ipaliwanag na hindi dahil sa moral na dahilan kaya sa hotel itinuloy ni Bernard si Diana.

Huminga nang malalim si Ester. “Typical rich. Minsan ay hindi na pinahahalagahan ang moral...”

Bahagyang naningkit ang mga mata ni Zandro doon. “Bakit mo nasabi iyan? May napuna ka bang immoral sa mga ikinikilos ng bisita ko?” Banayad ang tinig ni Zandro kaya hindi napuna ni Ester ang talim sa likod ng tinig. At nakapagtatakang ipinagtatanggol niya ang dalaga when he accused her of the same thing.

Nagkibit ng mga balikat si Ester. “Nag-aalala lang ako, Zandro, lalo at alam ng mga tagarito ang layunin mo sa akin. Hindi ko gustong madagdagan pa ang masasamang bagay na nakakabit sa pangalan mo. Alalahanin mong sariwa pa sa mga tagarito ang ginawa ng mama mo at ni King.”

Hindi kumibo si Zandro bagaman duda siya kung mayroon sa mga tauhan sa Paso de Blas ang magkakalakas-loob na pag-usapan ang alin man sa mga Fortalejo.

“Ikaw, Ester? Malaking kabawasan ba sa pagkalalaki ko ang pagiging bastardo at pagkakaroon ng isang inang wala sa sariling katinuan at isang kapatid na bagaman patay na’y isang kriminal?” naghahamon niyang tanong. Minsan man ay hindi niya naungkat sa babaeng ito ang paksang iyon.

“Hindi mahalaga sa akin iyon, Zandro,” mabilis nitong sagot. “At gusto kong pag-usapan natin ang tungkol sa ating dalawa,” wika nito sa pormal at alanganing tinig.

“During office hours?” amused na tanong ng binata sa patuyang tono. Inubos ang laman ng kopita at pagkatapos ay tinitigan ang babae. “That is not like you, Ester. Katunayan nga niyan ay ipinagtataka ko ang pakikipag-usap mo sa akin ngayon. You never allowed me to speak to you when it comes to personal matters dito sa hotel...”

Umiwas ng tingin si Ester at tumikhim. “Sinisikap ko lang na maging isang mabuting empleyado, Zandro. Masama ba iyon?”

“And what is so special about today at kinakausap mo ako nang personal? Hindi kaya makaapekto sa pagiging mabuting empleyado mo?” he mocked softly.

Pumormal si Ester at tumuwid ng upo tulad sa isang militar. “Mula nang dumating ang bisita mo, Zandro, ay wala akong natatandaang dinalaw mo ako sa bahay kahit minsan at kailangan nating mag-usap...”

Tumango ang binata. “Oh, well, what do you want us to talk about?”

“Tungkol sa ating dalawa,” she answered excitedly. “May nabuo na akong desisyon tungkol sa atin, Zandro, at gusto kong makausap mo ang mga magulang ko…”

Hindi agad nakakibo ang binata. Kahit sinong manliligaw ay matutuwa sa gustong ipahiwatig ni Ester. At isang taon halos siyang nanliligaw rito, kung panliligaw mang maituturing ang mga pagpapalipad-hangin, at matagal na niyang hinihintay na marinig ang gayon sa dalaga. Subalit nakapagtatakang hindi nagpupumiglas ang puso niya. Nakapagtatakang hindi siya interesadong ipakipag-usap ang tungkol sa kanila. May bahagi ng isip niya ang tumatakbo sa kung saan at may isang malabong mukha ang pilit na lumilinaw sa isip.

A face with a mischievous smile. A face who couldn’t care less with the formalities and protocols only when it suited her.

At pagkatapos ay unti-unting lumilinaw sa isip niya ang mga labi, ang mapanuksong mga labi that could utter an oath without blinking an eye, na mapapahiya kahit ang mga barakong ranchero ng Paso de Blas. And yet maintained her femininity and touch of class. Kung paano nagagawa ni Jennifer Navarro iyon ay hindi malaman ni Zandro.

Mabilis na inalis ng binata sa isip ang anyong iyon at matiim na tinitigan si Ester.

“Let’s talk about us when my guest left my care, Ester,” wika niya makaraan ang mahabang sandali. “Hindi ko puwedeng ibigay ang atensiyon ko sa ibang bagay habang nasa villa si Jenny,” mababaw niyang sagot. Tumango si Ester at saka tumayo.

“Malapit na siyang mag-isang linggo rito. Natitiyak kong bukas o sa isang araw ay babalik na sa Maynila si Miss Navarro. Maghihintay kami ng mga magulang ko, Zandro.” t ipid itong ngumiti at lumakad na upang magbalik sa loob ng hotel. Hindi sumagot ang binata at sinundan lamang ng tanaw ang babae.

Pagkagaling sa hotel at nagtuloy siya ng limesite at inabot na ng gabi roon. Wala nang tao sa kuwadra nang ipasok niya si Firewind. Palakad na siya patungo sa villa nang sa pag-angat ng mukha ay nakitang lumabas si Jenny mula sa silid nito patungo sa veranda.

Napahinto siya sa paglakad and his heart kicked against his chest at the sight of her. Small and slender. Perfectly framed, nakasuot lamang ito ng manipis na pantulog na sa malamlam na liwanag mula sa buwan ay hindi niya matiyak ang kulay. Sa pagitan marahil ng aqua blue o maputlang berde, but it was an incredibly alluring nightgown.

Lumakad patungo sa balustre ng veranda ang dalaga at humawak dito. Tumingala sa mabituing langit at huminga nang malalim. Her full, high breast strained against the soft lace of her nightgown. Inililipad ng panggabing hangin ang manipis na pantulog na humuhubog sa katawan ng dalaga at sa paningin ni Zandro ay walang suot na pang-ilalim.

And when she tilted her head upang alisin sa mukha ang ilang hibla ng buhok ay bumagsak mula sa balikat nito ang isang strap ng nightgown, showing an ivory shoulders and the side of her breast. One nipple almost peeking through the satiny nightgown.

Zandro sucked his breath. Afraid to move and afraid to breathe, hinayaang itago siya ng dilim. Hindi siya makapaniwalang ginagawa niya ito but he couldn’t take his eyes off her. He was watching so eagerly, as Jenny unawarely put on a sensual performance for his eyes only.

Nakatayo ang dalaga roon, under the moonlight, in the wind, a fiery, almost-naked temptress so alluring that the sight of her made Zandro shudder involuntarily. Blood pounded in his temples... and in his groin.

Hindi hinihiwalayan ng tingin ng binata ang dalaga. The fly of his l evi’s seemed to tighten with his untimely arousal. His powerful erection throbbing with a need more powerful than any he had ever known.

At kinatatakutan ng binata iyon. His body ached for her. Wanted her. Only her. At dahil hindi niya alam pakibagayan ang ganoong emosyon ay nagagalit siya. Nagagalit sa dalaga at sa sarili. He couldn’t believe this weakness in him. At nagagalit siya kay Jennifer dahil sa damdaming dulot ng dalaga sa kanya.

Halos mag-apoy ang mga mata niya sa dalawang damdamin. Desire and anger.

Damn you, Jennifer Navarro!

NANG sumunod na dalawang araw ay tila isang bilanggo ang pakiramdam ni Jenny sa sarili. Totoong malaya siyang nakakaikot sa buong paligid ng villa at kahit ang mangabayong mag-isa, subalit nararamdaman niyang laging may mga matang nakamatyag sa kanya mula sa malayo at kubling dako.

“Gusto kong magpunta sa hotel, Zandro,” aniya rito isang umagang nag-aalmusal sila. “Gusto kong mag-swimming at makausap man lang si Jasmin...”

“Nasa Maynila si Jasmin at sa makalawa na ang balik,” sagot nito na inabot ang isang antigong percolator at nagsalin ng kape sa tasa. “At kung gusto mo namang mag-swimming, make it this afternoon. Hindi kita masasamahan doon ngayong umaga. Kailangan ako sa limesite,” sagot ng binata na dinala sa bibig ang tasa ng kape.

Ibinagsak niya ang table cloth sa mesa in an unladylike manner. “Why can’t I go there alone? Hindi naman ako bata na dapat mo pang samahan at bantayan!”

Isang matabang na ngiti ang ibinigay ni Zandro at ibinaba ang tasa ng kape sa platito at kumuha ng pagkain. “I don’t trust you,” flat at diretsong sagot nito.

Napahugot ng matalim na paghinga si Jenny. “Hindi pa ba sapat sa iyo ang pangako kong hindi na muling pupunta sa sirang tulay? I am not that foolish to endanger my life again!”

Ni hindi natigatig si Zandro sa dabog at iritasyon niya. Patuloy ito sa pagsubo ng pagkain.

“Oh, I know that. But who knows kung ano ang maisip mong gawin out of rebellion, Jennifer,” balewalang sagot nito.

“I’m sick and tired of this bloody arrangement!” Galit niyang tinulak sa gitna ng mesa ang platito at tasa ng kape na bahagyang tumapon.

Amused na umiling si Zandro bagaman patuloy sa pagkain. “You were brought up to be a fine lady befitting your status. Sent to famous schools here and abroad pero nagugulat ako sa mga kilos at mga salitang ginagamit mo.”

“Sasabihin ko ang gusto kong sabihin at wala akong pakialam sa iniisip mo!” Nanlilisik ang mga matang tinitigan niya ito. “Hanggang kailan mo ako pipigilin dito? Ano ang mapapala mo sa pagpipigil sa akin dito sa Paso de Blas? Nagiging kaabalahan lang ako sa mga gawain mo rito!”

Inabot ni Zandro ang napkin cloth at nagpunas ng bibig. “You’re right,” mahinahong sagot ng binata. “Naaabala mo ako sa mga gawain ko. And I really wonder why I allowed myself to be coned in bringing you here. You will not change, Jennifer Navarro. Nagtataka rin ako kung bakit naisip ni Franco na titino ka rito sa Paso de Blas.”

“Then send me back!” Nahati siya sa pagitan ng matinding galit at sama ng loob. She hated her father at kung sino pa mang may pakana ng pagkanaroroon niya. “Ano ang akala ninyo sa aking lahat? Am I some kind of a juvenile delinquent? And who do you think you are that you even thought you can change my ways! You arrogant bastard!”

“I know you don’t mean that,” mahinahong sagot nito na bahagyang nagtagis ang mga bagang sa huling sinabi niya. “Bahagya lang ang kaabalahan kung ikukumpara sa kasiyahan sa pagiging narito mo, Jenny,” patuloy ni Zandro sa malumanay na tinig. Sinulyapan siya na tila hindi siya humiyaw. “You proved to be an enjoyable company, brat. You are not the boring female I have expected you to be.”

“Why, thanks a lot!”

Nagkibit ng mga balikat si Zandro at tahimik na nagpatuloy sa pagkain. Hindi maipinta ang mukha niya sa matinding inis. Tinitigan niya ang tasa ng kape nito. She was tempted to pick it up and throw it on his face.

“Huwag mong subukang gawin ang iniisip mo, Jennifer,” nakangiting sulyap ni Zandro sa kanya bagaman may bahid ng warning ang tinig. “Talagang padadapain kita `pag ginawa mo.”

Napanganga ang dalaga. “So, you read minds, too, ha?” sarkastikong wika niya.

He grinned. “Anyone can read you so easily, brat. Ibinabadya ng mukha mo ang iniisip mo.”

Padabog siyang tumayo na muntik nang ikatumba ng silya. “This is intolerable! Hanggang kailan ako rito? Ano ang gagawin ko sa susunod na mga araw? Kung sa palagay mo’y nag-e-enjoy ka sa company ko, then I’m sad to say that I don’t feel the same. I hated it here, I hate your company, I hate this goddamned forsaken place!”

“My heart bleeds for you, Jennifer,” he mocked at sa tinatamad na kilos ay tumayo at humakbang patungo sa kanya. “Another week in my company isn’t as bad, is it? Anim na araw na ang lumipas mula nang dumating ka.” a kmang magbubuka ng bibig ang dalaga upang sumagot subalit hinawakan ni Zandro ang baba niya at itinaas. “Alright, let’s go to the hotel this evening at mag-disco tayo or we can go night swimming. Hindi tayo natuloy sa night swimming noon, `di ba?”

“Go to hell!” asik niya at pinakawalan ang mukha at mabilis na lumabas ng dining room, hindi alintanang muntik nang mabangga si Agring. Nagmamadaling pumanhik sa silid niya at nagmukmok.

Muling umiling si Zandro at uminom ng tubig at pagkatapos ay nagpunas ng napkin sa bibig. “Iligpit mo na ang mesa, Agring, at huwag ninyong papansinin ang ating magandang panauhin sa kanyang sumpong.”

“Opo, senyor…” sagot ng matanda na sinimulang samsamin ang nasa mesa.

Si Zandro ay nagtuloy sa limesite at halos madilim na nang magbalik. Dumiretso ito sa study. Hindi napuna si Jenny na nasa dulo na ng hagdan at sinusundan ito ng tingin. Kinuha ang susi sa bulsa at sinusian ang pinto at pumasok. Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga. Bakit kailangang susian nito ang silid na iyon? Mabilis siyang sumunod at nagpasalamat na hindi masyadong naisara ni Zandro ang pinto.

Ang binata’y dinampot ang CP sa mesa at dumayal sa kapatid.

“Will you speak to Franco Navarro, Bernard,” wika nito. “Sabihin mong isang pag-aaksaya lang ng oras ang pagpunta rito ng anak niya.”

Itinulos sa kinatatayuan niya si Jenny. May telepono sa study kaya nakasusi ito. At siya ang topic ng kung sino man ang kausap ni Zandro.

“Bakit mo nasasabi iyan? Nagkakaproblema ka ba sa kanya?” Hinintuan ni Bernard ang ginagawa. Nahihimigan nito ang galit sa tinig ng kapatid.

“That is an understatement,” nagpupuyos na sinabi ni Zandro. “She almost get us killed the other day,” and narrated what happened at the bridge. At bago pa nakapagkomento ang kapatid ay nagpatuloy si Zandro. “Kilala mo ako bilang madiplomasyang tao, Bernard. But for some reason I cannot comprehend, I lose my temper everytime we talk. Ask Navarro to find some place to dump that brat. I have nothing to do with that hellion!”

Tinakpan ng dalaga ang bibig upang hindi marinig ni Zandro ang pagsinghap niya.

Dump! Ano ang palagay sa kanya, basura? Sa marahang hakbang ay mabilis na tumalikod ang dalaga at muling nagbalik sa sariling silid. May bahagi ng dibdib niya ang nasaling sa narinig na sinabi ni Zandro na pauwiin na siya. It hurt so bad na hindi niya napigilan ang pagpatak ng mga luha.

Nagpapauwi na siya pero hindi ito pumayag. Nangangahulugan lamang na napipilitan lamang itong sumunod kay Franco Navarro. At hindi niya matiyak kung saan siya higit na nasasaktan. Iyong pagpapadala ni Franco sa kanya rito o iyon mismong rejection ni Zandro sa kanya.

“Bakit hindi mo na lang tapusin ang taning na napag-usapan ninyo ni Franco, Zandro? You agreed to it, `di ba?” matter-of-factly na suhestiyon ng kabilang linya.

“The hellion is unpredictable. Talo ko pa ang may kasamang buhawi rito, Bernard. Lagi na lang akong nag-iisip kung ano ang sunod niyang gagawin. At ang hindi ko maintindihan kay Franco ay kung bakit ipinagkatiwala niya sa akin ang anak niya. He doesn’t even know me personally. Kayo ang magkaibigan at magkakilala...”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Bernard. “Of course, kilala ka niya. Nagkausap na kayo nang dalawang beses at sapat na iyon. Isa pa, isa kang Fortalejo...”

Lumalim ang linya sa noo ng binata. “Hindi ko alam kung dapat kong ipagpasalamat na isa nga akong Fortalejo, Bernard. Sa tingin ko ba’y lalong nagiging prominente ang pagiging bastardo ko sa pangalang...”

“Tonterias!” sansala ni Bernard sa sasabihin niya. Alam nito ang dinanas ng kapatid dahil lang isa siyang bastardo. Bagaman pareho sila ng katayuan ay magkaiba sila ng dinanas. Lumaki ito sa pagmamahal ni Julia at Marco. At nagkataong ang dalawang babaeng napaugnay rito ay hindi binigyang halaga ang pagkatao at kung sino ang naging ama nito. “Nakapagtatakang nagiging iritable ka ngayon. Are you having trouble with Jennifer because of your status? Hindi ba niya gustong makasama sa iisang bubong ang isang tulad mo?”

“She happened not to care a bit about it, Bernard, and I hated her for that!”

Ilang sandali muna bago pumasok sa isip ni Bernard ang sinabi ng kapatid. Muntik na siyang matawa roon kung hindi nagpigil. Makahulugang ngumiti si Bernard.

“A few more days won’t harm, will it, mi hermano ?”