noveltoon logo noveltoon
Wild Heart (Kristine Series 10)

Chapter 3

Ch. 3 / 20 Nov 28, 2025

“H INDI ba dapat na dalhin sa ospital si Zandro o `di kaya ay matingnan ng doktor?” nag-aalalang tanong ng dalaga nang nasa kotse na sila.

“He will be alright, Jenny. Huwag kang mag-alala,” assurance ni Bernard na nilingon siya. “Ano ba talaga ang nangyari?” he pretended to ask.

Nagyuko ng ulo ang dalaga. Sasabihin ba niya kay Bernard ang talagang nangyari? That she really teased and taunted him dahil naiinis siya rito nang iwan siya sa gitna ng dance floor earlier that night. Humugot siya ng buntong-hininga at nilinga ang kadiliman sa labas ng kotse.

“I–I don’t want to talk about it,” marahang sagot niya.

Nagkibit ng mga balikat si Bernard at hanggang sa maihatid siya nito sa kanila ay hindi na muling nag-usap pa ang dalawa.

“T-thank you, Bernard. Will you please let me know kung ano ang nangyari kay—Zandro?” pakiusap niya.

“Sure,” sagot nito na ngumiti. “Goodnight, Jennifer.” h indi umalis ang dalaga hangga’t hindi nawala sa paningin niya ang kotse ng lalaki.

HAPON na nang magising ang dalaga at bagaman nag-aalala siya kung ano na ang nangyari kay Zandro ay hindi nagtagal sa isip niya iyon. Niyakag siya ni Beatriz na puntahan si Nick sa bahay nito kung saan naroon ang isang anim na buwang bata na ayon sa binata ay anak nito.

Kinabukasan ay nagkagulo ang lahat dahil sa balitang nahulog si Monique, ang anak ni Alaina at Nick, sa swimming pool. Isinugod ang bata sa ospital. Naligalig ang lahat subalit kinahapunan din ay idineklarang ligtas na sa panganib si Monique.

Nang gabing iyon ay nasa telepono ang dalaga at kausap ang boyfriend na si Ralph.

“Have you seen the papers?” Si Ralph sa kabilang linya sa galit na tinig.

Umungol ang dalaga. “Not yet. Ano ba ang sinasabi roon?” Although she can guess.

“You’ve done it again, Jennifer” wika ng binata. “Alam mo bang kanina pa ako umiiwas na makausap ng Daddy at Mommy dahil alam kong kokomprontahin nila ako tungkol sa iyo?”

“Ralph, alam mo naman ang mga reporter,” katwiran niya. “They tend to exaggerate. Huwag mong paniwalaan ang nakalagay diyan.” n atuon ang tingin niya sa pagsungaw ni Franco sa pinto at sa anyo pa lang nito ay alam na niyang nabasa na rin ang diyaryo. Kinabahan ang dalaga.

“Ralph, can you call me back,” pagkasabi’y mabilis na ibinalik sa receiver ang telepono. Tumayo at sinalubong ang ama at hinagkan sa pisngi. “Good evening...”

“Ano ang ginawa mo sa party ni Attorney de Silva?” salubong ni Franco na ang galit ay naka-plaster sa mukha. Inilapag ang attaché case sa sofa.

Napahugot ng paghinga ang dalaga. Hindi malaman kung ano ang gagawin. “M-may nangyari ba kay—Zandro, Papa?”

“Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kapatid ni Bernard, Jennifer,” singhal ni Franco sa anak. “I haven’t got the time to call them. Pero mukha mo at ni Zandro Fortalejo ang nasa peryodiko kaninang umaga. We were too busy with Monique and I had some important meetings this afternoon kaya kanina ko lang nabasa ang peryodiko!”

“Oh!”

“Ano’ng kahihiyan na naman ang ginawa mo? Alam mo ba na isa sa mga importanteng client ng FNC ay ang farm ng mga Cervantes?” Gustong umusok ng ilong ni Franco na palakad-lakad sa harap ng anak. “And Kristine Steel is giving FNC a considerable price discount sa ginagamit nating tin plates! Kung iwi-withdraw ng KS ang supply ng tin plates sa atin ay mahihirapan ang production dahil magsisimula na naman tayong humingi ng quotation sa ibang tin plates company.”

Hindi sumagot ang dalaga. Alam na kasalanan niya ang nangyari. Alam din niyang importanteng tao ang mga Fortalejo sa negosyo ng mga Navarro. Pero natitiyak niyang malaking customer din ang FNC sa KS. It’s a fair deal. Pero kung masisira ang samahan ng dalawang kompanya dahil sa kanya, then she’s in trouble.

“Hindi ko mapapalampas ang ginawa mong ito, Jennifer Ruth!” At natitiyak ng dalagang galit ang ama dahil sa pagbuo nito sa pangalan niya.

“H-humingi na ako ng dispensa kay Bernard noong gabing iyon, Papa. Siya ang naghatid sa akin dito,” aniya sa mahinang tinig.

“Bernard Fortalejo is every inch a gentleman,” angil ni Franco sa anak. “Tulad din ni Senior Leon,” mahina ang pagkabigkas nito sa huling sinabi na tila para lamang sa sarili. Pagkatapos ay muling niyuko ang anak sa nagtatagis na mga bagang. “Hindi ako magtataka kung wala siyang sinabi. Pero ano ang mukhang ihaharap ko sa kanila?”

Malaki ang utang-na-loob nito sa namayapang si Don Leon Fortalejo. Noong nagsisimula pa lamang siya sa negosyo ay si Leon Fortalejo na ang isa sa mga mentor nito sa pagpapatakbo ng negosyo. Si Leon Fortalejo ang nagpakilala sa kanya sa mga malalaking tao sa industriya. Si Leon pa rin ang nagturo sa kanya kung paano pakikiharapan ang mga atake ni Jerome.

“The best way to fight an enemy is not to fight at all. Fight him with a touch of class, Navarro, iyong may finesse. Huwag mo siyang patulan sa ginagawa niya.” Iyon ang natatandaan niyang sinabi sa kanya ni Leon matapos ang iskandalong sinuntok niya si Jerome sa harap ng maraming tao. And Leon’s advice was very effective.

Si Leon Fortalejo rin ang nagpautang dito ng malaking halaga upang muling iahon ang Rancho Navarro sa Alta Tierra. Sa maraming pagkakataon ay ginusto ni Franco na tumanaw ng utang-na-loob sa matanda subalit hindi pinansin ni Leon iyon.

“Isang bagay lang sana ang gusto kong ibayad mo sa akin sa sinasabi mong utang-na-loob, Navarro,” ang natatandaan nitong sinabi ni Leon.

“Sabihin mo at kung kaya ko’y mangyayari, Leon.” Si Leon ay matanda sa kanya nang labing limang taon. And he had so much respect for the old man.

Malungkot na umiling ang matanda. “Iniisip kong sana’y isa sa mga anak mo’y mapangasawa ng mga anak ko. But unfortunately, I had only one son at matagal na siyang patay. May dalawang anak na babae si Romano sa asawa nito pero hindi ko pa nakikita.”

Natawa si Franco roon. Nang mga panahong iyon ay nasa early teens pa lang sina Alvaro at Lawrence at nasa Texas at nag-aaral.

“Huwag kang tumawa, Navarro. Hindi ko sinabi kahit kaninong tao ang sinabi ko sa iyo. I considered that a privilege.” i tinaas ng matanda ang ulo arrogantly. “Pero gusto kita, Navarro. You came from a good stock,” wika nito na tila ang kausap ay isang mamahaling uri ng kabayo. Pero kilala na ni Franco ang matanda para hindi nito malaman na iyon ay isang compliment.

Nalaman din niya ang pangyayaring unang makatagpo ni Leon Fortalejo ang mga apo nitong sina Emerald at Jewel. But Emerald is three years older than Alvaro. Isa pa, hindi na nagkaroon pa ang matanda ng pagkakataong mabanggit ang mga bagay na iyon dahil antimano ay hindi pinakawalan ni Marco de Silva ang apo ni Don Leon Fortalejo.

Bukod doon, nagkaroon ang matanda ng maraming suliraning pampamilya habang ang tatlo niyang mga anak ay pawang mga nasa ibang bansang lahat, kasama si Nick.

At ang isa sa mga regret nito’y wala ito sa bansa nang mamatay ang matandang Fortalejo. He and Beatriz attended Alvaro’s graduation in Houston.

Tinitigan ni Franco ang anak nang matiim. “Hindi ko na itatanong sa iyo ang dahilan kung bakit mo nagawa iyon, Jennifer Ruth. Pero titiyakin ko sa iyong hindi mo na gagawin pa uli ang ginawa mo,” banta ni Franco na tumalikod.

Napaiyak ang dalaga. Hindi pa niya narinig na pinagsalitaan siya nang ganoon ng ama maliban sa pagkakataong iyon.

“HINDI ako makapaniwalang ginawa mo iyon, Jennifer!” bulalas ni Nick nang makausap niya ang kapatid. “I knew you were angry with him that night pero hindi ko akalaing gamitan mo siya ng judo!” galit nitong idinagdag.

“He—he danced with me...”

“Iyon lang!” baling ni Nick sa kapatid. “Ginantihan mo na agad iyong tao dahil lang iniwan ka sa dancing floor. Why don’t you grow up, brat.” h indi itinuloy ni Nick ang sinabi at nagtagis ang mga bagang. “Ano ang nangyari at nawalan ng malay si Zandro?”

“Tumama ang ulo niya sa—sa bakal na paa ng bar stool.”

“Oh, my G...” n apatingala sa kisame si Nick. “Brat, sumusobra ka na, alam mo ba iyon?”

Nanalim ang mga mata ng dalaga. Hindi at nagpapakumbaba siya ay tatanggapin na niya ang galit ng lahat.

“It was your fault!” ganti niya sa kapatid. “Kung hindi mo ako iniwan ay hindi sana nangyari iyon.”

“My fault?” hindi makapaniwalang singhal ni Nick. “You’re a war freak, Jennifer. Short-tempered and...”

“Look who’s talking,” tuya niya at pinutol ang sinabi nito. “Don’t dare tell me that. Aren’t we all?” Gusto niyang maiyak uli sa sama ng loob. Kinakain pa siya ng guilt. Wala pa siyang balita kung ano na ang nangyari kay Zandro.

Tulad ni Franco ay matagal na tinitigan ni Nick ang dalaga. Nabawasan ang galit sa luhang namumuo sa mga mata ng kapatid. Mabibilang mo sa daliri sa isang kamay ang mga pagkakataong kakikitaan ng luha si Jenny. All their lives, sinikap ng dalagang maging tulad nilang tatlo nina Alvaro at Lance. She played their games and sports and sometimes even beat them. Laging nakasunod sa kanila with admiration.

She only started to wear lady dresses nang ipadala ni Franco sa Houston upang mag-aral sa isang finishing school doon. Nag-alala si Franco na baka ang kaisa-isang babae ay maging tomboyish pa.

It was worth it. Jenny learned to dress well habang nagdadalaga. Likas ang grace sa pagkilos na kinaiinggitan ng maraming babae. Iyon iyong mga panahong nagsisimulang mag-alala si Alvaro at Lawrence sa kapatid. Though she still rode horses and practiced her martial arts, marami na ang umaaligid na mga bubuyog. Doon din nagsimulang maging overprotective ang mga Navarro men. Hindi nito maitatangging na-spoil nang husto ang kapatid.

And now with unshed tears, she was probably repentant.

“I really am so happy, brat, na hindi ko makuhang magalit nang matagal sa iyo. Ligtas na si Monique at nagkasundo na kami ni Alaina. In fact, we are planning to have our wedding soon.”

“Oh, Nick, I’m so glad for you,” aniya na sandaling kumislap ang mga mata. “You haven’t told me yet kung paano kayo nagkakilala ni Alaina.”

“Some other time, brat.” s andaling ngumiti si Nick pagkatapos ay muling pumormal at tinitigan ang kapatid. “Kung ano man ang nangyari kay Zandro, Jennifer, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko o ng Papa,” napapailing nitong sinabi. “Ang mabuti pa’y tawagan ko si Bernard.”

“Hindi na kailangan.” s i Franco mula sa likuran. “Nakausap ko na ang mga Fortalejo...”

Napatayo si Jennifer. Tila akusado na naghihintay ng paggawad ng hatol. “Is he—alright?”

“Ano ang nangyari kay Zandro, Papa?” Si Nick.

Umiling si Franco. Galit pa rin ang nakabadya sa mukha. “Sufferring from concussion. Matindi ang pagkabagsak niya.”

Napasinghap si Jenny. Napaungol si Nick.

Nagpatuloy si Franco. “Kanina lang nagkamalay si Zandro, Jennifer. Hindi siya pinayagan ng doktor na makalabas ng ospital pero nagpilit ito. He is now being taken to Paso de Blas.”

“`Pa, bakit pinayagan ni Bernard na dalhin ng Paso de Blas si Zandro kung hindi pa dapat?” Si Nick.

“Walang magagawa si Bernard sa kagustuhan ng nakatatandang kapatid,” patuloy ni Franco. “Pero nakuhanan na muna ng brain scan si Zandro. Hindi pa raw alam ang resulta. Temporarily, ay kailangan ng binata ng isang special nurse na makakasama sa Paso de Blas habang nagpapagaling...”

Nakahinga nang maluwag si Jenny. Kahit paano ay ligtas si Zandro. Nag-angat siya ng mukha nang muling magsalita ang ama.

“And you will be that special nurse, Jennifer.”

“What?” gulat na wika ng dalaga.

“Ano ang sinabi ninyo, Papa?” segunda ni Nick.

“Bukas ng umaga ay ihahatid ka ng chopper ng mga Fortalejo patungong Paso de Blas upang siyang mag-alaga kay Zandro,” walang emosyong wika ni Franco. Si Nick ay mariing nakatitig sa ama.

“But that is ridiculous!” protesta ng dalaga. “Ano ang kinalaman ko sa pag-aalaga ng pasyente? Higit sa lahat ay...”

“That is the least we could do, Jennifer,” mariing wika ni Franco. “Nurse him until he’s pronounce clear and out of danger.”

“Ayoko, Papa!”

“Idedemanda ka niya. Iyon ang iniwang salita ni Zandro bago siya umalis patungong Paso de Blas. You almost murdered that man, Jennifer Ruth. Magpasalamat tayo at ganoon lang ang inabot ni Zandro.”

“Magdemanda siya kung gusto niya!” hiyaw ng dalaga sa naghihimagsik na loob. “Sasabihin ko sa korte ang dahilan kung bakit ginamitan ko siya ng judo. He was trying to harass me sexually! He was—he was—” h indi niya malaman kung ano ang sasabihin.

“Harass you sexually!” gulat na wika ni Franco sa anak. “Sa gitna ng maraming mga tao? Sino ang maniniwala sa iyo?”

Tuluyang bumagsak ang luha sa mga mata ng dalaga. “Papa, don’t let him do this. Kumuha ka ng abogado, ng mga mahuhusay na abogado!”

“At sa palagay mo ba’y hindi nila kayang kumuha din ng kasinghusay na abogado, ha, Jennifer?” Sa pagkakataong iyon ay kalmante ang tinig ni Franco. Undaunted by her tears. “Isa pa, napag-alaman kong iniwan ka ni Zandro sa gitna ng dance floor. Iyon ang dahilan kaya nagalit ka. Maraming testigo na ikaw ang may kasalanan.”

“I can’t believe this is happening to me! As if I have committed murder!” Nilingon nito si Nick at umaasang ipagtatanggol mula sa ama. Pero blangko ang nasa mga mata ni Nick at bukod doon ay mabilis itong umiwas ng tingin.

“You almost did.” Si Franco uli sa kalmanteng tinig. “Be reasonable, Jenny. Ten days sa Paso de Blas at napagbayaran mo na ang kasalanan mo.”

Bago pa siya tuluyang mag-break down ay patakbong pinanhik ng dalaga ang hagdan patungo sa silid. Si Beatriz na kanina pa nakikinig ay humalo sa asawa at sa stepson.

“Hindi ako makapaniwalang ginagawa mo sa anak ko ito, Franco.”

“Dalawampung taong hindi mo nagawang suhetuhin ang anak mo, Beatriz,” pormal na baling nito sa asawa. “Ipaubaya mo sa akin ang sa palagay ko’y tama.”

“You have your own motives!”

Si Nick ay nagsasalubong ang mga kilay na tinitigan ang ama. “Hindi ko pinagdududahan ang mga Fortalejo, Papa,” galit nitong sinabi sa ama. “Hindi ko naiintindihan ang pagpayag mo sa kahilingan ni Zandro pero tiyakin mong babalik dito ang kapatid ko na tulad ng kung paano siya aalis or I’ll kill anybody who will do her any harm.”

“Isa ka pa, Dominic. Kayong mga lalaki ang nagpalaki ng ulo ng babaeng iyon!”

“She’s our only sister. Ano ang gusto mong gawin namin? Sa palagay mo ba’y gugustuhin ni Alvaro ang ginawa mong ito? Oh, yes, Zandro is a gentleman, pero lalaki iyon, Papa. And Jennifer is one hell of a beautiful woman!”

“Ako ang nakakaalam kung ano ang mabuti at masama para sa anak ko. At wala kang magagawa o si Alvaro at si Lance man.” n ilingon nito ang asawa na nag-akmang magbuka ng bibig na napigil sa bigla nitong pagsalita. “And even you, Beatriz. You have spoiled her rotten.”

“We can shoulder Zandro’s medical expenses, Franco,” pakiusap ni Beatriz. “Magpadala tayo ng kahit sampung nurses sa Paso de Blas. Pero bakit si Jenny?”

“Don’t you think they cannot afford that? I want your daughter to show humility, Beatriz. Hindi iyong ang buong akala niya ay pag-aari niya ang mundo.”

“My daughter is very young. Don’t blame me and the boys for spoiling her. You’re guilty as well.” Tumaas na ang tinig niya.

Huminga nang malalim si Franco. “Ibinigay ko sa bunso mo ang lahat ng mga bagay na kayang ibigay ng salapi, Beatriz. Pero minsan man ay hindi ko kinunsinti ang mga kalokohan niyan. Kayo ng mga anak mong lalaki. At lalo ka na Nick!”

Hindi kumibo si Nick na nagtagis ang mga bagang. Pagkatapos ay mabilis na tumalikod.