ABALA si Mhel sa paglalagay ng Band-aid sa mga maliliit na hiwa sa mga kamay ni Iuhence nang tumunog ang cell phone nito. Nagkatinginan sila ng binata, saka kapwa tumingin sa cell phone nasa ibabaw ng mesa.
“Pakisagot,” ani Iuhence. “Ako na lang ang maglalagay ng Band-aid sa kamay ko.”
Kaagad naman niyang ginawa ang sinabi nito.
Hindi pa nakakapagsalita si Mhel nang sagutin ang tawag nang may magsalita sa kabilang linya. Boses iyon ng isang babae at kaagad na kinain ang selos ang kanyang puso.
“Sir Iuhence? Nandito po si Ma’am Honeydew sa opisina. She’s demanding to know where you are. Gusto niyang malaman ang personal number n’yo at kung kailan n’yo raw siya balak tawagan kasi magtatatlong buwan na raw na hindi n’yo siya tinatawagan. Nagwawala na po siya rito sa office. Gusto niya po talaga kayong makausap. Ano po ang gagawin ko?”
Napatitig si Mhel sa binata na abala sa paglalagay ng Band-aid. Wala itong pakialam sa paligid. Naramdaman niyang parang kumirot ang kanyang puso at nakaramdam siya ng sakit sa narinig.
Honeydew? Iyon ba ang kasintahan ni Iuhence? O babaeng parausan nito? Whichever of the two, kumirot pa rin ang puso niya sa sakit.
Inilapag ni Mhel ang cell phone sa harap ni Iuhence. “Sekretarya mo yata `yan. Hinahanap ka raw ni Honeydew.” Pagkasabi niyon ay umalis siya at iniwan ito sa teresa.
Pumasok siya sa kanyang kuwarto. Gustong-gusto niyang kutusan ang sarili. Sinabi nang masasaktan lang siya, eh. Bakit ba ang tigas ng puso niya? Letse! Sabi nang masasaktan lang ako, eh! Buwisit!
Huminga si Mhel nang malalim at pinakalma ang puso na nasasaktan. Dapat niyang tanggapin ang sakit na lumulukob sa kanyang puso. Pain is good. Dahil sa sakit, makakalimutan niya ang kakaibang nararamdaman para kay Iuhence. Dapat na niyang patayin ang kung anumang nararamdaman niya para sa binata.
MHEL was bored to death. Isang araw na siyang hindi lumalabas ng kuwarto. Nagugutom na siya pero hindi siya lalabas. Hinding-hindi! Naiirita siya sa pagmumukha ng lalaking iyon! Ayaw niyang makita ang pagmumukha ni Iuhence.
Doon siya kay Honeydew! Buwisit! Letse! Peste! Argh!
Nagpupuyos ang kalooban niya sa galit habang inaalala ang sinabi ng sekretarya ng lalaki. Hindi pa rin mawala ang galit niya. Tuwing naalala niya ang pangalang “Honeydew” ay gusto niyang pag-umpugin ang ulo ng dalawa.
Ano kaya ang pinag-usapan ni Iuhence at ng Honeydew na iyon? Nag-uumpisa na naman siyang mairita. Baka nagkabalikan na ang dalawa at kasama na ng babae si Iuhence dahil mula kaninang umaga, hindi na kumatok sa pinto ng silid niya ang binata.
Hmp! She’s pretty sure that they are now sucking each other’s face off!
Hinay-hinay lang, Mhel. Huwag masyadong magselos, anang isang parte ng isip niya.
Natigilan siya. Selos? Selos?
Teka, bakit naman ako magseselos? Bakit naman siya magseselos sa babaeng iyon, sigurado namang mas maganda siya! Hmp! Buwisit na babae!
Akmang tatayo si Mhel at kakastiguhing muli ang babaeng nagngangalang “Honeydew” sa isip nang makarinig siya ng pagkaskas ng gitara mula sa labas ng kanyang kuwarto. Sunod niyon ay isang baritonong boses na nag-umpisang kumanta.
“You had me hooked again from the minute I saw you… The way you bite your lip got my head spinnin’ around… It’s like you’re always there in the corners of my mind… I see a silhouette every time I close my eyes…There must be poison in those finger tips of yours, `cause I keep comin’ back again for more…”
Binuksan ni Mhel ang pinto ng kuwarto at bumulaga sa kanya si Iuhence na tumutugtog ng gitara. He was downright gorgeous as he strumed his guitar and sang. Hindi niya maiiwas ang mga mata sa binata na nakangiti habang kumakanta.
“Trouble troublemaker. Yeah… That’s your middle name…Oh oh oh... I know you’re no good but you’re stuck in my brain… And I wanna know, why does it feel so good but hurt so bad… Oh oh oh... I swear you’re giving me a heart attack.”
Tumigil si Iuhence sa pagkanta saka nagsalita habang nakatingin sa kanya.
“Honeydew was my girlfriend. Matagal ko nang tinapos ang relasyon namin. Why am saying this? Kasi iyon lang ang alam kong dahilan kung bakit ayaw mong lumabas ng kuwarto mo. I don’t want to assume, so I’ll just clarify things for you. Honeydew is part of my not-so-good past. Three months ago, I broke up with her and cut our communication. Hindi ko alam kung bakit hinahanap niya ako samantalang I made it clear that I don’t want to be with her anymore.” Bumuntong-hininga ito. “Hindi ko alam ang rason mo kung bakit ka nagkulong. Kaya naman haharanahin na lang kita para lumabas ka at para hindi ka na magalit sa akin, kung galit ka man.”
Tumigil si Iuhence sa paglapit sa kanya nang ilang dangkal na lang ang layo ng kanilang mga katawan. Mhel could feel his body heat like a blazing sun in summer. It felt so hot and her body was reacting. Napalunok siya nang magtama ang kanilang mga mata. Hindi niya maiiwas ang tingin dahil parang nama-magnet na ang kanyang mga mata sa berdeng mga mata ng binata. Parang nahihipnotismo siya sa mapang-akit nitong mga titig.
Tumikhim si Mhel para mawala ang kaba sa kanyang dibdib at makawala sa nakakahipnotismong mga mata ni Iuhence.
“Bakit ka kumanta?” tanong niya nang walang ibang maisip na maitanong.
“I’m actually serenading you,” nakangiwing sabi nito at napakamot sa batok. “Tinawagan ko si Tyron, ang kaibigan kong may-asawa na at humingi ako ng advise sa kanya. Sabi naman niya, mawawala raw ang galit mo kapag hinarana kita. Kaya `yon ang ginawa ko.”
Kumunot ang noo niya. “At naniwala ka naman na mawawala ng harana ang inis ko sa `yo?”
“I’m hoping.” Nagkibit-balikat ito, saka tumingin sa kanyang mga mata. “Galit ka pa ba?”
Nagkibit-balikat si Mhel. “Ano ba ang title ng kinanta mo?
“‘Troublemaker’ by Oly Murs.”
Tumaas ang kilay niya. “Mukha ba akong troublemaker?”
“Oo,” puno ng sinseridad na sagot ni Iuhence. “Ginugulo mo ang puso’t isipan ko.”
Bahagyang umawang ang mga labi ni Mhel at kumabog nang malakas ang kanyang puso. “Iuhence…”
“Mula nang makita kita, ginulo mo na ang buo kong pagkatao. You do that to me, Mhelanie.” Malungkot itong ngumiti. “At nang bigla ka na lang nagalit kanina, hindi ko alam ang gagawin ko. Basta ang alam ko lang, ayokong nagagalit ka sa `kin.” Inilahad ni Iuhence ang nakabukang palad. “Kanina habang nagmumokmok ka rito sa silid mo at nagagalit sa `kin, na-realize kong ayokong nagagalit ka. I don’t like the feeling. So I want to suggest something, kung papayag ka.
Kumunot ang noo ni Mhel. “Ano naman iyon?”
“Isipin mo na hindi kita kinidnap at buong puso kang sumama sa akin dito sa pribadong kong isla. Ayoko ng nag-aaway tayo. Every time we argue, it feels like there’s a hole in my chest. And I don’t like that feeling. So please, mag-umpisa tayo bilang magkaibigan na naghalikan at nagtalik na.”
Napanganga siya sa huling sinabi ng binata. “Iuhence, iyang bibig mo, medyo kadenahan mo nang kaunti.”
Umiling ito. “Kung magsisimula tayong muli, gusto ko all out. Hindi ko pipigilan ang bibig ko na sabihin ang gusto kong sabihin. That’s me. Take it or leave it?”
“Paano kung ‘leave it’ ang sagot ko?”
“Then you’ll miss knowing the Iuhence Vergara behind his no filter mouth.”
That made her smile. “Take it then.” Hindi ito magiging si Iuhence Vergara kung nag-iisip ito bago magsalita. “Sige, payag ako.” Tinanggap ni Mhel ang pakikipagkamay nito. “Mag-umpisa tayong muli. Iisipin ko na nagbabakasyon ako sa isla mo. Pero — ” Tinaasan niya ito ng kilay. “ — kapag may ginagawa kang hindi ko nagustuhan, hahayaan mo akong makaalis sa isla mo.”
May pagdadalawang-isip sa kislap ng mga mata ni Iuhence bago ito tumango. “Okay. Deal.”
She smiled. “Deal.”
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Mhel nang makita ang klase ng ngiti ni Iuhence.
“Ano’ng nginisi-ngisi mo riyan?” nakataas ang kilay na tanong niya sa binata. “Bakit pakiramdam ko may binabalak kang masama?”
“Wala, `no,” kaagad nitong tanggi. “Masaya lang ako na pumayag ka sa suggestion ko.”
Mataman niyang pinag-aralan ang emosyon sa mukha ni Iuhence. Nararamdaman ni Mhel, may nakatago sa likod ng masayang ngiti ng binata. Nararamdaman niyang may binabalak si Iuhence at kailangan niyang alamin kung ano iyon.
Sa ilang araw na nakasama niya si Iuhence, alam niyang hindi ito nakikipagkompromiso. Palaging ang gusto nito ang nasusunod. So what changed? Why did he want to compromise with her now? Masama talaga ang kutob niya sa biglang pag-iiba ng isip ng binata.
Pero kahit may pagdududa siya sa kagustuhan nitong magbati sila, hindi siya magpapaapekto doon.
Napatigil si Mhel sa pag-iisip nang marinig niyang magsalita uli si Iuhence.
“Anyway, gusto mong sumama mamaya?”
“Saan?” tanong niya.
“Sa beach.” May kakaibang kislap ang mga mata nito. “After dinner, balak kong maligo sa dagat. Sama ka?”
“Sige, sama ako,” aniya na nakangiti.
Iuhence smiled triumphantly. “Great.”