HINDI mapigilan ni Mhel na tingnan ang kanyang singsing. Sobrang saya ang lumukob sa puso niya sa isiping fiancé na siya ngayon ni Iuhence at soon-to-be Mrs. Mhelanie Vergara. Kinikilig siya dahil sa wakas, nagkaaminan na silang dalawa at mahal din pala siya ng lalaki.
Habang nasa eroplano sila na pag-aari ni Knight patungong Paris, walang tigil ang bibig ng mga kaibigan ni Iuhence sa pagkukuwento sa kanya sa adventure raw ng mga ito mula Pilipinas hanggang Spain.
Si Iuhence naman ay natutulog sa upuan na nasa tabi niya. Hindi pa ito nagigising mula nang mawalan ito ng malay. Ang nakakatawa, inilagay ng mga kaibigan nito ang binata sa stretcher para hindi sila mabigatan sa pagbubuhat dito patungong airport. At dahil may sariling ambulance si Knight, doon talaga isinakay si Iuhence dahil hindi sila kasya sa Ferrari nito.
“Hindi na `yan epekto ng shock,” komento ni Ymar na nakilala niya habang nasa ambulansiya sila. “Epekto na `yan ng pagod.”
Napatitig si Mhel sa katabi at hinaplos ang pisngi nito. “Matulog ka lang, mahal ko.”
Nang sa wakas ay tumigil na sa pagsasalita at pagkukuwento ang mga kaibigan ni Iuhence at natahimik na ang buong eroplano, sumandal siya at ipinikit ang mga mata.
Ilang segundo pa lang ang lumilipas na nakapikit siya nang may humalik sa kanyang pisngi. Mabilis niyang iminulat ang mga mata at nagtama ang kanilang mga mata ni Iuhence.
“Iuhence...” Ngumiti siya. “Mabuti naman at gising ka na.”
Puno ng kasiyahan ang kislap ng mga mata ng binata. “Thank you.” Hinaplos nito ang kanyang tiyan. “Thank you for giving me such wonderful news.”
“Sa sobrang wonderful, nahimatay ka?” tukso niya.
“Oo.” There’s a red tint on his cheek! God, he was actually blushing! He looked cute. “Hindi ko kinaya. I was shocked, actually. Shock coated with so much happiness, it overflowed and rendered me unconscious.”
“Palusot pa, eh,” biro niya at hinalikan ito sa mga labi. “Pero kahit pa himatayin ka nang paulit-ulit, mahal pa rin kita. Walang magbabago ro’n.”
“Aww. You’re making my heart beat so fast.” Ang lapad ng ngiti ni Iuhence. “I love you, Mhelanie.
Puno ng pagmamahal na sinalubong niya ang tingin ng binata. “I love you, too, Iuhence.”
Hinawakan siya nito sa kamay at hinila patayo. Magtatanong sana siya kung saan sila pupunta, pero inilapat ni Iuhence ang hintuturo sa kanyang mga labi.
“Sshh...” anito at hinila siya patungo sa... Holy hell! Ano ba ang balak nitong gawin?
“Iuhence, ano bang…” Napatigil si Mhel sa pagsasalita nang hilahin siya ng binata papasok sa banyo ng eroplano. Hinarap niya ito. “Iuhence—” Before she could finish her sentence, his lips were already on hers, kissing her mouth like he owned it.
She’s still wearing her sundress kaya hindi nahirapan si Iuhence na hilahin iyon pataas at ibinaba ang panty niya. Pagkatapos ay pinatalikod siya nito at niyakap mula sa likuran habang hinahalik-halikan ang kanyang batok.
Nang maramdaman ni Mhel na pumasok ang matigas nitong pagkalalaki sa pagkababae niya, napasinghap siya at pinigilan ang sarili na umungol nang malakas dahil baka marinig sila sa labas.
Shucks! She’s having a quickie in a plane bathroom! She was turned on at the thought. Mas ginanahan siyang salubungin ang pag-ulos ni Iuhence at napapapikit siya sa sobrang sarap.
“Oh, Iuhence...” mahinang ungol niya habang mabilis at malakas na binabayo ng binata ang kanyang pagkababae. “Uhhm, ohhh. Sige pa.”
“Oh, Mhelanie.” Panay ang ungol ni Iuhence habang binabayo nito ang pagkababae niya mula sa likuran. “God, I miss you, honey— Ohh.”
Iniangat nito ang isa niyang binti at inilagay iyon sa toilet bowl na may takip. Nakabuka ang kanyang mga hita at habang walang tigil ang paglabas-pasok ng kahabaan ng binata sa pagkababae niya, inabot ng kamay nito ang kanyang ari at nilaro-laro iyon.
“Ohh, Iuhence... Sige pa...” mahinang ungol ni Mhel nang maramdamang malapit na siyang labasan. “Sige pa... faster— Uhhm...”
Ikinuyom niya ang mga kamay nang maramdamang malapit na siyang labasan. Pinipigilan niyang umungol dahil baka marinig sa labas. Panay ang kagat niya sa ibabang labi.
And when her orgasm ripped through her, isang impit na ungol ang kumawala sa kanyang mga labi. And when Iuhence cummed, doon siya napaungol nang malakas dahil sa masarap na sensasyong dulot ng mainit nitong katas na pumuno sa sinapupunan niya.
“That was fast but definitely delicious,” sabi ni Iuhence at kumuha ng tissue para tuyuin ang dumadaloy na katas nito sa kanyang mga hita.
Nang malinis nito ang katas sa mga hita niya, ito naman ang nag-ayos sa sarili, pagkatapos ay niyakap siya at mariing hinalikan sa mga labi.
Isinandal siya ni Iuhence sa pinto ng banyo at pinutol ang halik na pinagsasaluhan nila, saka matiim siyang tiningnan sa mga mata. Mayamaya ay lumuhod ito at hinalikan ang kanyang tiyan.
His emerald eyes glimmered in love and happiness as he lovingly touched her stomach.
“Sorry, baby. Sabik na sabik lang si Daddy kay Mommy kaya pasensiya na kung naistorbo ng alaga ni Daddy ang tulog mo,” pagkausap nito sa kanyang tiyan. “Paglaki mo, ipapaliwanag sa `yo ni Daddy ang bagay na ginagawa namin ni Mommy—”
Mahinang tinampal ni Mhel ang balikat ng lalaki. “Hindi pa nga lumalabas, tinuturuan mo na ng kahalayan mo. Tumayo ka nga riyan.”
Natatawang tumayo si Iuhence at ginawaran siya ng halik sa mga labi. “Sex education ang tawag doon, `di ba?”
Itinirik niya ang mga mata. “Iuhence, iyang bibig mo, kadenahan mo kapag lumabas na ang baby natin. Baka kung ano-ano ang ituro mo sa baby natin, kukutusan talaga kita.”
“Baby natin. Ang sarap pakinggan.” Biglang lumamlam ang mga mata ni Iuhence. “Noon, kapag nakikita ko si Tyron na masayang nakikipaglaro kay Timber, naiinggit ako. Akala ko hindi ko mararanasan ang maging ama at ang pakiramdam na may tinatawag kang anak. Kaya naman maraming salamat.” Nanunubig ang mga mata nito at na-touch siya. “Salamat sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na maging ama sa magiging anak natin.”
Hinaplos ni Mhel ang mukha ng binata. “Salamat sa pagmamahal.”
Magsasalita pa sana si Iuhence nang marinig nila ang boses ng piloto.
“We’re approaching the boarder of Paris. Please buckle up.”
Nagkatinginan sila ni Iuhence, pagkatapos ay mabilis na lumabas ng bathroom at bumalik sa upuan nila at naglagay ng seat belt. Mayamaya ay nagkatinginan sila at parehong natawa.
Nang maramdaman nilang lumapag ang eroplanong sinasakyan, pinagsiklop ni Iuhence ang kanilang mga kamay at hinalikan ang likod ng kanyang palad.
“Mahal kita, Mhelanie.”
“Mas mahal ka namin ng baby mo,” sagot niya nang tuluyan nang tumigil ang eroplano.
PAGKALABAS nina Mhel at Iuhence sa eroplano, biglang bumalik si Mhel dahil may naalala siyang itanong kay Knight. Hindi ito kasama sa mga bababa dahil dere-deretso ito sa Canada.
“Oh, bakit ka bumalik?” tanong ni Knight sa kanya nang makita siyang pumasok uli sa pinto ng eroplano.
“Ano pala `yong ‘message from a friend’ na sinasabi mo?” Nakalimutan niyang itanong iyon kay Knight, ngayon lang niya naalala.
Gumuhit ang munting ngiti sa mga labi nito. “It was a message from Valerian Volkzki and I quote ‘huwag mong pakakasalan si Mhelanie Tschauder kung ayaw mong ihulog kita sa eroplano habang nasa himpapawid’, end quote.”
“Bakit naman niya sasabihin `yon?”
Nagkibit-balikat ang binata. “Hindi ko alam. Siya na lang ang tanungin mo.”
“Okay.” Nginitian niya ito. “Thanks.”
Lumabas na si Mhel ng eroplano at naabutan niya si Iuhence na nakatayo sa tabi ng hagdan ng eroplano at madilim ang ekspresyon ng mukha. Parang sasabak ito sa giyera dahil pinipigilan ito ng mga kaibigan sa braso.
“Iuhence, ano ba’ng nangyayari?” tanong niya nang makalapit sa lalaki.
Ipiniksi nito ang braso na hawak ng mga kaibigan nito at inayos ang nagusot na damit. “Sa susunod, huwag kang babalik sa eroplano, lalo na kung may lalaki do’n,” nakatiim-bagang na sabi nito.
Oh. He’s jealous again.
Sinapo niya ang mukha ni Iuhence, saka ito hinalikan sa mga labi. “Huwag ka nang magselos. Magkakaanak na nga tayo, eh.”
Biglang umaliwalas ang mukha ni Iuhence. “Oo nga pala.” Ngumiti ito na parang hindi nagdilim ang mukha kanina. “Halika na, honey.”
Iginiya si Mhel ng binata at ng mga kaibigan nito sa private plane na pag-aari ni Iuhence. Nang makapasok sila roon, naabutan nilang natutulog si Valerian.
“Sunog! Sunog!” sigaw nina Lander at Calyx.
Napabalikwas si Valerian at nanunuring sinuyod ng tingin ang buong eroplano. Nang tumuon ang mga mata ni Valerian kina Lander at Calyx na mahinang tumatawa, mabilis na pinulot nito ang wala nang laman na plastic bottle at ibinato sa dalawa.
“Mga gago talaga kayo.” Naiiritang tumayo ito at inayos ang damit na suot at tumingin kay Iuhence. “Saan na tayo pupunta ngayon?”
“Back to Canada,” sagot ng binata at tumingin sa kanya. “Kakausapin natin ang daddy mo at hihingin ang basbas niya.”
Bigla siyang kinabahan. “Pero, paano kung—”
“Sshh.” Hinalikan nito ang mga labi niya para patahimikin siya. “It’s okay. Pumayag man siya o hindi, wala akong pakialam. Magpapakasal tayo at magsasama tayo nang masaya. Kailangan lang ipaalam natin bilang respeto na rin sa `yo at sa pamilya mo.”
Niyakap ni Mhel nang mahigpit si Iuhence. “Thank you. I love you so much.” Pagkatapos ay tumuon ang tingin niya kay Valerian na may emosyon sa mga mata nito na hindi niya mapangalanan.
“Thank you,” she mouthed the words to him.
Hindi man niya alam ang rason kung bakit sinabi nito ang mga iyon kay Knight, nagpapasalamat pa rin siya. At mukhang naintindihan ng lalaki kung para saan ang pasasalamat niya dahil tumango ito bago pumasok sa cockpit.
NANG makalapag ang eroplano sa Canada, nagpaiwan sa eroplano sina Valerian, Dark, at Ymar. Ang sumama sa kanila ni Iuhence ay sina Lander at Calyx.
Minaneho ni Lander ang Lamborghini nito patungo sa bahay nila. Nasa back seat sila ni Iuhence, nasa passenger seat naman si Calyx at panay ang asar kay Lander na kanina pa naiinis.
Pagkalipas ng halos kalahating oras na pagmamaneho, nakarating din sila sa bahay ni Mhel. Sabay silang lumabas ng sasakyan ni Iuhence at magkahawak-kamay habang naglalakad patungo sa pintuan ng kanilang bahay.
Si Iuhence ang pumindot ng door bell. Si Nanny Mercy ang nagbukas ng pinto. Nagulat ito nang makita siya at ang magkahawak-kamay nila ng binata.
“Miss Mhelanie.” Umaliwalas ang mukha ng matanda. “Nandito ka na pala. Kanina pa kayo hinihintay ng daddy n’yo,” anito.
“Salamat, Nanny Mercy,” aniya at hinila papasok sa bahay si Iuhence. “Nasaan si Daddy?”
“In his library,” sagot ni Nanny Mercy.
“Salamat.” Hinihila niya si Iuhence patungo sa library ng ama at pumasok doon na hindi man lang kumakatok. “Daddy.”
Nag-angat ng tingin ang ama mula sa binabasa nitong business magazine column. “Yes?”
“We’re here to get your blessing,” sabi ni Iuhence habang nakatingin sa kanyang ama. “But whether you give it or not, magpapakasal pa rin kami. We’re just doing this out of respect. Gusto ko rin na sa araw ng kasal namin, nando’n ka, para ihatid si Mhelanie sa altar.”
Naririnig ni Mhel ang malakas na pagtibok ng puso niya. Nanlalamig din ang kanyang mga kamay at panay ang pisil ni Iuhence sa kamay niya na hawak nito. He was trying to calm her down.
Matagal silang tinitigan ng ama, saka nagsalita. “When is the wedding?”
Nagkatinginan sila ni Iuhence.
“As soon as possible, Sir,” sagot ng binata.
Tumaas ang sulok ng mga labi ng kanyang ama. “Good.” Tumingin ito kay Iuhence. “You have always been my first choice, Iuhence Vergara.”
Napanganga si Iuhence. “Seriously? Kung ganoon, payag talaga kayo na makasal kami? As in, payag talaga? Walang halong biro?”
Tumango ang ama ni Mhel. “I give you my blessing, now go and multiply.”
Nagkatawanan sila ni Iuhence at nakangiting lumabas ng library.
“Nasaan ang kuwarto mo?” tanong ni Iuhence sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo.
“Bakit?”
“Basta, sagutin mo na lang ako.”
Nagtataka man, iginiya niya ito sa kanyang silid.
Pagkasara na pagkasara ni Mhel ng pinto, mabilis na isinandal siya ng binata at siniil ng mainit na halik ang kanyang mga labi. Napaungol siya nang maramdamang isa-isang hinuhubad nito ang mga saplot nila sa katawan.
“Seriously, Iuhence?” hindi makapaniwalang tanong niya nang ihiga siya nito sa kama at kinubabawan.
“Yes. Sabik na sabik ako sa `yo. And, hey, I have a blessing from your father.”
“Blessing?”
“Yes. He said go and multiply.” Iuhence grinned. “We will, Father, we definitely will.” He then kissed her lips and thrust himself inside her.