noveltoon logo noveltoon
Iuhence Vergara (Possessive Series 2)

Chapter 1

Ch. 2 / 24 Feb 09, 2022

LONELINESS was inevitable, especially when someone’s alone. At iyon ang nararamdaman ni Mhel habang mag-isang nagkakape sa isang coffee shop sa Russia. It was Sunday and it was boring.

I wish I could go back home.

Walong taon na ang lumipas. Walang araw na hindi niya naalala ang mga magulang. Kumusta na kaya ang mga ito? Gustong-gusto na niyang umuwi at balikan ang buhay noon. Pero natatakot siya na baka kontrolin na naman siya ng kanyang ama.

Ayaw nang bumalik ni Mhel sa buhay na lahat ng galaw niya ay kontrolado ng ama. Pati ang personal niyang buhay ay pinapakialaman nito. Ayaw na niyang maulit na wala siyang boses para magdesisyon sa gusto niya. Masyadong istrikto ang daddy niya. Walang boyfriend at walang manliligaw. Bawal iyon habang nag-aaral siya. He was preserving her for a better man he said. Halos lahat yata ng sulok sa paaralang pinapasukan ay may mata ang ama at mabilis na nagsusumbong ang mga ito kapag may ginagawa siyang labag sa kagustuhan nito, katulad na lang ng makipag-usap sa mga lalaking napupusuan niya noon. Walang kalayaan si Mhel. Isa lang ang kaibigan niya na hinayaan ng mga magulang na makasama niya at si Raine iyon.

She already tasted what freedom was like and it was amazing. She didn’t want anyone stealing away her beloved freedom.

Walong taon na rin siyang nakatira sa Mascow, Russia. Noong una, natakot siyang mag-isa. She had never been alone all her life. Palaging nariyan ang mga magulang para sa kanya pero sa nakalipas na walong taon, mag-isa niyang hinarap ang buhay. Kahit nakakatakot, para sa kalayaan niya, kaya niyang gawin ang lahat.

Hindi kinaya ni Mhel ang nalaman noon na ipapakasal siya ng ama kay Iuhence Vergara. Kaya tumakbo siya at nagtago sa Russia — ang tanging bansa na hindi itse-check ng ama sa kadahilanang hindi nito aakalain na pupunta siya roon. It’s a far away country. At nahirapan siyang makapasok sa nasabing bansa dahil kailangan ng mga papeles. Kinailangan pa niyang pekein ang mga iyon sa tulong ng isang fixer para makapasok sa Russia.

“Hello, beautiful lady. Can I sit with you?” pukaw sa kanya ng isang baritonong boses.

Tumayo si Mhel at hinarap ang lalaki. “You can have my table, Sir,” aniya sa Russian language at naglakad palabas ng coffee shop.

Sa walong taon na naroon, natutunan na niyang magsalita sa lengguwahe ng mga ito pero hindi siya gaanong marunong o magaling. At sa walong taon na mag-isang naninirahan doon, wala pa siyang lalaki na pinapasok sa kanyang buhay.

She was afraid to welcome a guy in her life for a reason that he might steal her freedom away.

Habang naglalakad si Mhel patungo sa apartment niya, tumunog ang kanyang cell phone. Mabilis niyang kinuha iyon mula sa bulsa ng suot na pantalon, saka sinagot.

“Hello? Mhel Lorenzo, speaking,” aniya sa kabilang linya.

Nang umapak ang mga paa niya sa Russia, iniba na niya ang kanyang apelyido. “Lorenzo” na ang ginamit niya, iyon ang apelyido ng ina nang dalaga pa ito.

“Mhel, hello,” said a woman with a heavy English accent on the other line. “I know it’s your day off, but I have a favor to ask.”

Napangiti siya sa sinabi ng nasa kabilang linya. “It’s okay. What is this favor you wanted to ask from me?”

Humugot ng isang malalim na hininga ang nasa kabilang linya bago nagsalita. “I want you to deliver some flowers to Wolkzbin Mansion. Can you do that for me, Mhel? It was a last minute order and it is the Wolkzbin so I cannot say no.”

Wolkzbin Mansion was well-known throughout Russia. Halos lahat ng business sa Moscow, Russia ay pag-aari ng pamilya Wolkzbin. Mula sa paggawa ng vodka na ine-export sa iba’t ibang panig ng mundo hanggang sa restaurants at hotels na nagkalat sa buong Russia at Europa. In short, napakayaman ng pamilyang iyon.

“Sure. Just wait for me in the flower shop,” aniya. “I’m on my way.”

“ Spasibo, Mhel.” She said ‘thank you’ in Russian.

“ Pozhaluysta ,” sagot niya sa Russian na ang ibig sabihin ay ‘You’re welcome’.

Mahigit pitong taon na ring nagtatrabaho si Mhel sa Dio Flower shop. Iyon lang kasi ang trabaho na hindi siya hiningan ng credentials at kung ano-ano pang papeles. Hanggang masipag ka, ayos lang sa may-ari.

Pagkalipas ng ilang minuto, nakarating na siya sa Dio Flower shop. Nakalagay na sa truck ang ide-deliver niyang mga bulaklak. Ang kailangan lang niyang gawin ay ihatid ang mga iyon sa mansiyon ng mga Wolkzbin at puwede na siyang umuwi at matulog.

After a moderately long drive, nakarating din si Mhel sa mansiyon ng nga Wolkzbin. The magnificent humongous house stood perfect before her. Para sa kanya, hindi iyon isang mansiyon, para iyong palasyo sa sinaunang panahon. It looked so regal and breathtakingly beautiful.

Ang boses ng security guard ang gumising sa naglalakbay niyang diwa.

“Who are you?” matigas ang boses at walang emosyong tanong ng security guard

“I’m Mhel Lorenzo from Dio Flower Shop,” pagpapakilala niya.

Recognition dawned on the security guard’s face. “You may enter,” anito at binuksan ang gate.

Mhel drove the car towards the large solar where the mistress of the house, Clara Garay-Wolkzbin stood, waiting for the flowers. Ang alam niya ay may lahing Pilipino ang ginang. Ang kuwento ng pag-iibigan nito at ng lalaking Wolkzbin ay talaga namang inspirasyon ng kababaihan na nangangarap na makasungkit ng mayamang mapapangasawa. Clara Garay-Wolkzbin was just an employee in Wolkzbin Enterprise. Hanggang sa nakilala ito ni Troyn Wolkzbin at nagpakasal ang dalawa.

Lumabas si Mhel ng sasakyan at nilapitan ang ginang at magalang na binati. “Good morning, Ma’am.”

“Good morning.” Hindi kagaya ng ibang Russian, wala itong accent. Her English was flawless. “Where are the flowers?” Bakas ang kasiyahan sa mukha ng ginang. “Oh, I’m so excited to see the flowers.”

Napangiti si Mhel sa reaksiyon nito at naglakad patungo sa likod ng truck para buksan iyon.

A loud excited shriek echoed in the whole solar making her jump. Nang tingnan niya kung sino ang tumili, iyon ay walang iba kundi si Mrs. Wolkzbin. Puno ng kasiyahan ang mukha nito habang nakatingin sa mga bulaklak.

“So beautiful.” The woman sighed in happiness.

Mayamaya ay may guwapong lalaking lumabas ng mansiyon. Puno ng pag-aalala ang guwapo nitong mukha.

“Mother! What happened? Bakit ka sumigaw?” anang lalaki na ikinagulat ni Mhel.

Tagalog?

“Oh, son,” anang ginang na nakangiti. “Tingnan mo ang mga bulaklak. Aren’t they beautiful, Train? Magugustuhan ito ng bride mo.”

So it is true. May dugong Filipina nga si Mrs. Wolkzbin. Wow. Just amazing. Akala niya ay hindi iyon totoo at gawa-gawa lang.

Ang bagong dating na lalaki na nagngangalang Train ay nalukot ang mukha. “Mother, leave the flowers alone. At malay ko ba kung magugustuhan `yan ng mapapangasawa ko. Ni hindi ko nga kilala ang babaeng `yon, eh.”

“Kasi naman, hindi mo binigyan ng pagkakataon ang sarili mo na kilalanin siya. You have eluded your destiny to marry her, Train,” anang ginang. “Bakit hindi mo kilalaning mabuti si Krisz? Mabuti siyang babae, Train. Magiging mabuti rin siyang asawa sa `yo.”

“Paano ko naman po siya kikilalanin gayong magpapakasal na kami sa makalawa?” Umingos ang binata. “And I don’t want to get to know her. Pakakasalan ko lang siya kasi nakaratay ngayon si Papa sa ospital at ang tanging magagawa ko lang para mapabuti ang kalagayan niya ay ang pakasalanan ang babaeng `yon,” mahabang sabi ng lalaki na hindi maipinta ang mukha.

Bago pa humaba ang usapan ng mag-ina, sumingit na si Mhel.

“Excuse me po,” wika niya sa magalang na boses. “Ilalabas ko na po ba ang mga bulaklak at saan ko po ilagagay?” aniya sa wikang Tagalog. Nakakaintindi naman kasi ang mga ito at nami-miss na niyang mag-Tagalog.

She and her mother used to speak the language. Tinuruan siya ng ina dahil gusto nitong hindi siya maging banyaga sa bansang pinagmulan nito.

Napatitig sa kanya ang dalawang pares ng mga mata na halata ang pagkagulat. Ang lalaki na nagngangalang Train ang unang nakabawi sa pagkabigla.

“You speak Tagalog?” anang binata na may pagkagulat pa rin sa boses.

Tumango si Mhel at ngumiti. “Oo. My mother is a Filipina,” imporma niya sa nga ito.

Napaigtad siya nang tumili si Mrs. Wolkzbin at niyakap siya. “Oh, my God! Ang saya naman ng araw na ito. A Filipina! Matagal-tagal na rin mula nang makauwi ako sa Pilipinas. Since my parents’ death, hindi na ako umuwi,” she exclaimed. “Amazing!” Natigilan ang babae. Mayamaya ay para bang may ideya na pumasok sa isip nito. “Wait here. May kukunin lang ako sa loob.”

Pinakawalan siya ng ginang sa pagkakayakap at excited na pumasok ito sa loob ng kabahayan. Si Mhel naman ay naiwan sa labas, sa ilalim ng mapanuring mga mata ng anak nito.

“So,” namulsa si Train at mataman siyang tinitigan. “Ano’ng pangalan mo?”

“Mhel Lorenzo,” sagot niya na nakatungo.

“You said your mother is a Filipina. So ang tatay mo ay ano?” He sounded innocently curious.

“My father is German.” She had already given too much personal information.

“Lorenzo is not a German surname.”

Nang mag-angat siya ng tingin ay nahuli niyang nakakatitig sa kanya si Train at parang sinusuri ang bawat anggulo ng kanyang mukha.

“Bakit ka ganyan makatingin?” kinakabahan niyang tanong.

Marahan itong umiling. “Nothing. I just thought I knew you from somewhere.”

Pakiramdam ni Mhel ay tinakasan ng kulay ang kanyang mukha. Kilala siya ni Train? Nagkita na ba sila nito? Pero hindi niya maalala na may nakilala siyang kasingguwapo ng lalaki noon, maliban na lang kay—

No! Don’t go there! Don’t you dare think of that man who unexpectedly hangs around your heart even when you have tried to forget the memories of him! Hindi pa rin nilubayan ng lalaking iyon ang puso’t isip niya.

“A-ahm... s-saan mo naman ako nakita, Sir?”

Bago makasagot ang binata, lumabas na ang ina nito na may malapad na ngiti sa mga labi.

“I’m back.” Malapad na ngumiti si Mrs. Wolkzbin, saka siya inabutan ng sobre. “Para ito sa `yo, hija.”

Train groaned in irritation. “Mom, you already invited three thousand guests to my wedding. At ngayon magdadagdag ka pa?”

Umikot ang mga mata ng ginang. “Silly, boy. Normal lang na marami ang bisita kasi nga kilala ang pamilya natin. Marami ang magtatampo sa atin kapag hindi natin sila inimbitahan.” Bumaling ito sa kanya. “Here, hija, an invitation to Train and Krisz’ wedding.”

“Mom!” pigil ng lalaki sa ina. “We already have three thousand guests—”

“It’s okay.” Ibinalik ni Mhel ang imbitasyon sa mabait na ginang. “I don’t want to attend—”

Mrs. Wolkzbin cuts her off. “Then we’ll make it three thousand and one and oh, shut up, please.” Pinukol nito ng masamang tingin si Train, saka nakangiting bumaling uli sa kanya. “You will come to the wedding, yeah? Magtatampo ako kapag hindi.”

“Ahm, kasi po—”

“This could also help your flower shop, too,” dagdag nito. “Kapag nagustuhan nila ang mga bulaklak, puwede mong i-advertise ang mga bulaklak n’yo. Tutulungan pa kita.”

Napaisip si Mhel sa sinabi ng ginang. That would greatly help the Dio Flower shop. Ayane, the owner, had been a good friend to her. Malaki rin ang naitulong nito sa kanya sa pananatili niya sa bansang iyon.

“Ahm,” tumikhim siya. “Sige po, a-attend ako.”

“Great.” The woman chirped. “Come,” iginiya siya nito papasok sa loob ng mansiyon. “I know you don’t have a dress to wear for the ocassion because it was an impromptu invitation. Kaya naman, ipapahiram ko na lang sa `yo ang mga damit ko. Pareho naman tayong sexy.” Napakalapad ng ngiti ni Mrs. Wolkzbin. “Oh, I’m so excited.”

Napailing-iling si Mhel. Ano ba itong napasukan niya?

IUHENCE was comfortably sitting on the couch with Lander, Calyx, Ymar, and Dark when Train barged in unannounced. Hindi maipinta ang mukha nito.

“Bud, why do you look so angry?” tanong niya sa kaibigan. “Dumating na ba ang asawa mo?”

“Hindi ko siya asawa,” ani Train na masama ang timpla. “I’m just so annoyed!” Pasalampak ito na naupo sa sahig. “Argh! My mom is being a pain in the ass! She already invited three thousand guests and now she’s adding one more! Can’t this get any worse?” He sighed in defeat.

Natawa si Iuhence sa hitsura ng kaibigan na parang pinagsakluban ng langit at lupa. “You could leave,” aniya. “Then your father will die.”

Train glared at him. “My father won’t die!”

Itinaas niya ang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko. “Okay. Okay. Mabubuhay siya. Pero huwag masyadong umasa. Medyo matanda na rin ang daddy mo, eh. Mamatay rin `yon—” Hindi niya natapos ang sasabihin dahil tinakpan ni Lander ang kanyang bibig.

“Shut up, Iuhence,” ani Lander.

Umiling-iling si Calyx. “Damn, man. I maybe blunt but I’m not like you. You have no filter. Kailangan sa `yo busalan ang bibig. You are so insensitive. Alam mo naman kung gaano nag-aalala si Train sa daddy niya.”

Napabuntong-hininga si Iuhence saka inalis ang kamay ni Lander na nakatakip sa kanyang bibig.

“Totoo naman ang sinasabi ko,” aniya at tumayo, saka naglakad patungo sa teresa.

Nasa bahay siya nina Train sa Russia. Doon sila titira hanggang sa matapos ang kasal ng kaibigan.

Iuhence leaned on the balcony railing and then looked down. May truck na nakatigil sa gitna ng malaking solar sa ibaba at may mga lalaking naglalabas ng mga bulaklak mula sa truck. Iyon siguro ang gagamitin para sa kasal ni Train.

At si Train, alam ni Iuhence na naging insensitive siya sa kanyang sinabi pero katotohanan naman iyon. Kung hindi gusto ng isang tao ang mga nangyayari sa buhay niya, then he had to leave. Running away was the best solution. Even if that was wrong.

Life really sucked... big time.