HABANG nasa eroplanong patungong Canada, abo’t abo’t ang kaba ni Mhel. Pagkalipas ng walong taon, ngayon lang siya babalik sa bansang kinalimutan niya. Hindi lang iyon ang kanyang ikinakakaba. Nag-aalala siya sa ina. Kailangan niyang makita kung ano ang lagay nito, saka lang siya mapapanatag.
Sa loob ng walong taon, palagi niyang itinatatak sa isip na maayos ang lagay ng mga magulang. Kaya naman kahit paano ay panatag ang kanyang kalooban. Pero ngayong nalaman niya na nasa ospital ang ina, puno ng pag-aalala at pagsisisi ang puso at isip niya.
Tama nga ang kasabihang palaging nasa huli ang pagsisisi.
Kahit minsan ay nagtatampo at nagagalit si Mhel sa mommy at daddy niya, mga magulang pa rin niya ang mga ito at mahal na mahal niya.
Ayaw niyang isipin na iniwan niya ang lalaking pinakamamahal para makita ang mga magulang.
Yes, she left Iuhence.
She left him while he was sleeping peacefully in their bed. Tinulungan siya ni Raine kaya nasa eroplano na siya ngayon. Raine lent her money and she pulled some Tyron’s connection in the embassy para magawan kaagad siya ng passport para makaalis kaagad.
Naninikip ang dibdib ni Mhel habang iniisip si Iuhence. Ano kaya ang magiging reaksiyon nito kapag nalamang umalis siya nang walang paalam?
She left a note saying ‘I’m sorry, but I have to go.’ Iyon lang ang mensahe na iniwan niya para sa binata.
Babalik din naman siya. Soon, Iuhence. Babalikan kita, pangako niya.
Nang lumapag ang eroplanong sinasakyan, isa siya sa mga pasahero na nagmamadaling lumabas. Halos tumakbo siya patungo sa exit.
Pagkalabas ng airport, mabilis na pumara ng taxi si Mhel at nagpahatid sa bahay nila. Nang makarating doon, parang nakakita ng multo ang mga katulong nila nang mapagbuksan siya ng pinto.
“Miss Mhelanie?” paanas na wika ng mayordoma ng bahay nang makita siya. Halata sa mukha nito ang gulat.
Nginitian niya si Nanny Mercy. “It’s me, Nanny Mercy. Nasaan sina Mommy at Daddy? Saang ospital dinala si Mommy?” aniya sa Tagalog dahil Filipina si Nanny Mercy.
“Nasa Victoria General Hospital,” sagot nito. “Paano mo nalaman?”
“A friend told me.” Valerian is definitely not a friend. “Ayos lang po ba si Mommy?”
“See for yourself, hija.”
Napakagat-labi si Mhel at naramdamang may nahulog na isang butil ng luha mula sa kanyang mga mata.
Tinuyo ni Nanny Mercy ang luha niya. “Ipapahanda ko na ang sasakyan para ihatid ka sa ospital. Nandoon din ang daddy mo.”
“Salamat ho,” mahinang wika niya.
NANG makarating sa ospital kung saan dinala ang mommy niya, iginiya si Mhel ng family driver nila na si Mang Michael patungo sa silid ng ina. Isa rin itong Pilipino kaya nakakaintindi rin ng Tagalog.
“Iyon po ang silid ni Ma’am,” sabi ni Mang Michael, sabay turo sa kuwarto na nasa kanilang harap. “Pumasok na lang po kayo, Miss Mhelanie. Hihintayin ko nalang po kayo sa parking lot.”
“Salamat ho.” May tipid na ngiti sa mga labi niya.
Binuksan ni Mhel ang pinto at pumasok sa kuwarto.Tumambad sa kanya ang nakahiga niyang ina sa hospital bed at ang ama naman niya ay nakayupyop ang ulo sa gilid ng kama habang hawak ang kamay ng kanyang ina.
Kinagat ni Mhel ang labi para pigilan ang luhang nagbabadyang mahulog mula sa mga mata. Sa walong taon na nawala siya, bahagya lang ang itinanda ng ina.
Dahan-dahan ang ginawa niyang paghakbang palapit sa hospital bed na kinahihigaan ng ina. Hindi niya napigilan ang mga luhang kumawala sa kanyang mga mata. Halo-halo ang emosyong nararamdaman niya habang nakatingin sa ina.
“M-Mommy?”
Mahina lang ang boses ni Mhel pero nagising pa rin ang kanyang ama. Halos malaglag ang mga panga nito nang makita siya. Bumadha ang gulat, pag-aalala, at galit sa mga mata nito. Halo-halo iyon at hindi alam ni Mhel kung alin sa mga iyon ang nangingibabaw.
“D-Daddy…”
Tumayo ito at humakbang palapit sa kanya. His cold eyes held her gaze. “Mhelanie…”
“Daddy—” Napatigil siya sa pagsasalita nang yakapin siya ng ama.
“I’m so mad at you, Mhelanie. But you are still my only daughter so I will not hurt you. But what you did was childish and irresponsible!”
Napahagulhol siya sa sinabi ng ama. “I’m sorry, Daddy. I’m so sorry,” sabi niya habang palakas nang palakas ang kanyang hikbi. “S-sorry. I’m so sorry. Please, forgive me. I’m sorry. Sorry. Please, patawarin n’yo po ako.” Nakakaintindi ng Tagalog ang ama pero hindi ito magaling magsalita ng Tagalog.
Pinakawalan siya nito mula sa mahigpit na pagkakayakap at tinuyo ang kanyang mga luha. “You are my daughter, Mhelanie. I love you so much. I want you to have a happy and comfortable life. That’s why I’m doing everything I can to give you the life you deserve.”
“Alam ko po.” Tumango-tango siya at bumaling sa ina. “Kumusta na si Mommy? Okay lang po ba siya?”
“She’s fine,” sagot ng ama. “She already woke up. She’s just resting. Your mom will be very happy when she sees you. I’m happy.”
“Masaya rin po ako na nakauwi na ako,” aniya. “Malungkot po ang mag-isa.”
Niyakap na naman siya ng ama. “I miss you, Mhelanie. But later, I will scold you for leaving like that. Where have you been?”
“Sa Russia po, Daddy.” Napatungo siya. “Doon po ako nag-stay nang walong taon. Mag-isa lang po ako roon. I learned a lot. I learned how to earn money for myself. I learned how to cook. I learned how to take care of myself. Marami po akong natutunan do’n, Daddy.” Sinalubong niya ang malamig na tingin ng ama. “Alam ko po na sobrang mali ang ginawa ko, pero, Daddy, nasasakal na po ako sa `yo, eh. Hindi ko lang kayang sabihin kasi alam kong magagalit kayo. Alam ko naman na para sa akin ang ginagawa n’yo, pero sana maisip n’yo rin na may sarili akong isip at kaya kong magdesisyon para sa sarili ko.”
Tumango-tango ang ama na parang iniintindi ang kanyang sinabi. “I know that you have a mind of your own and you can make decisions for yourself. But I was worried. There are a lot of shark men out there. I just didn’t want you to get hurt. But Knight is a good man and he is my choice for you.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Mhel. Kinabahan siya. No! This is not happening again! “Anong Knight? Sino si Knight? Dad, I already told you—”
“Knight is the best man for you, Mhelanie. Believe me. Now that you are back, you can now get married and be happy.”
“What?! Dad, no—”
“Mhel? Anak ko?” anang mahinang boses na pumutol sa pag-uusap nila ng ama.
Mabilis siyang napatingin sa pinanggalingan ng boses. Her eyes watered when she saw her mom. She’s okay! Pansamantala niyang nakalimutan ang pinag-uusapan nila ng ama at lumapit sa mommy niya.
Niyakap ni Mhel nang mahigpit ang ina. “Mommy, I’m sorry. I’m so sorry for running away. Patawarin n’yo po ako. Please po, patawad.”
Hinagod ng ina ang kanyang likod. “Anak, wala kang kasalanan para patawarin. Ginawa mo lang ang sa tingin mo ay tama para sa sarili mo at masaya ako para sa `yo. Kumusta ka na? Ayos ka lang ba?”
Kumawala siya sa pagkakayakap ng ina. “Maayos po ako, Mommy. I’m so glad you’re okay. Kaagad po akong umuwi nang malaman kong naospital kayo. Nag-alala po ako nang sobra. Sorry po kung nabigyan ko kayo ng sama ng loob.”
Sinuklay ng ina ang kanyang buhok. “We all commit own mistakes, Mhelanie.”
Ngumiti siya bilang tugon at niyakap itong muli.
Makakahinga na nang maluwag si Mhel ngayon. Maayos na ang lagay ng ina. Nagkausap na rin sila ng ama. Pero alam niyang hindi pa sapat iyon. Oo nga at naiintindihan niya ang ginawa nito, pero kailangan din niyang ipaintindi na hindi na siya ang Mhel noon na sunod-sunuran sa gusto nito.
Her father might have hugged her and told her that he missed her, but Mhel knew that behind those gesture and words, he was still the strict father that she knew. At mukhang balak na naman nitong gawing impiyerno ang buhay niya.
TAMA si Mhel. Gagawin na namang impiyerno ng ama ang kanyang buhay. Patunay niyon ang lalaking nakaupo sa harap niya. Ang pangalan nito ay Knight Velazquez, isang Spanish count at may-ari ng mga kilalang bangko sa buong mundo.
“I need a wife before my father’s birthday or else, he will disown me.” His cold eyes level her gaze. “When is our wedding? You’re father told me that you are willing to be part of Velazquez Family. He said that you are more than willing to be my bride and be the mother of my heir.”
Napalunok si Mhel at nag-iwas ng tingin. “Hindi ko gustong maging asawa ka. Ni hindi nga kita kilala. Ang daddy ko lang ang may gustong ipakasal ako sa `yo,” malakas ang loob na sabi niya dahil alam niyang hindi ito nakakaintindi ng Tagalog.
“Kahit hindi mo gustong magpakasal sa `kin, wala kang magagawa kundi ang pumayag. May usapan na kami ng daddy mo at walang puwedeng gumulo sa usapang iyon,” sagot ng lalaki sa Filipino.
Nanlaki ang kanyang mga mata. “M-marunong kang mag-Tagalog?”
Tumango si Knight. “Oo. My mother is a Filipina and my father is Spanish. Tinuruan ako ng mommy ko na magsalita ng Tagalog.”
Napanganga siya. “Hell, no.”
“Hell, yes.” Tumayo ito at matiim siyang tinitigan. “Hindi ko kailangan ng magarbong kasal, pero iyon ang gusto ng daddy mo kaya ibibigay ko. You are the daughter of a well-known businessman. Isang karangalan sa pamilya namin kung makasal ako sa `yo. Kung sa akin lang, puwede na ang Las Vegas wedding.” Inayos ng binata suot na tuxedo. “Babalik ako bukas para pag-usapan ang mga gagawin sa kasal natin,” anito sa boses na puno ng awtoridad. “Sige, aalis na ako.”
Lumabas ng bahay nila si Knight at nanghihinang napasandal si Mhel sa kinauupuan.
Isang linggo pa lang siya sa Canada pero gusto na niyang bumalik sa Pilipinas para makita at makasama si Iuhence. Missed na missed na niya ang binata. Kahit nagalit siya rito dahil inilihim nito ang kalagayan ng kanyang ina, hinahanap-hanap pa rin niya ito. Gusto na niyang mayakap at mahalikan ang binata.
Gusto nang maramdaman ni Mhel ang mainit na katawan ni Iuhence pero wala siyang magawa para masunod ang kanyang kagustuhan.
Her father alerted every airport in Canada. Pinagbabawalan siya nitong lumabas. Ikinulong siya ng ama sa bahay at kinumpiska ang passport niya.
Nagmakaawa siyang hayaan siya nitong maging malaya, pero palaging ‘this is for your own good’ ang sagot nito.
Naiintindihan ni Mhel na gusto lang ng ama na maging masagana ang buhay niya pero nagagalit siya rito. Minsan, nagsisisi siya kung bakit umuwi pa siya, pero tuwing naaalala na nasa ospital pa rin ang ina at masaya ito na bumalik na siya, nawawala ang kanyang pagsisisi.
Siguro nga, iyon ang kabayaran sa walong taon na pinag-alala niya ang mga magulang. Iyon na yata ang karma niya.
“Ayos ka lang ba, Miss Mhelanie?” anang boses ni Nanny Mercy.
Binalingan ni Mhel ang matanda. “Magiging maayos lang ako kapag nakalabas ako sa bahay na ito at sa bansang `to. Tutulungan mo ba ako?”
Malungkot siya nitong nginitian. “Pasensiya na, Miss Mhelanie. Kapag ginawa ko `yon, siguradong mawawalan ako ng trabaho. Kilala mo naman ang daddy mo. Masyadong mahigpit.”
Tipid siyang ngumiti. “Alam ko `yon. Nagbabaka-sakali lang naman ho ako na baka tulungan n’yo ako.”
Nagpakawala ng isang buntong-hininga ang mayordoma. “Pasasaan ba at magiging maayos din ang lahat.”
Mapakla siyang tumawa. “Kailan kaya magiging maayos ang lahat?”
“You’ll see, Miss Mhelanie,” makahulugan nitong wika at nginitian siya. “Magiging maayos din ang lahat.”
Akmang sasagutin niya ito nang maramdamang umikot ang kanyang paningin. Mabilis na sinapo ni Mhel ang ulo at sumandal.
“Ayos ka lang ba, Miss Mhelanie?” nag-aalalang tanong ni Nanny Mercy.
Mariin siyang pumikit para pigilan ang pagkahilo na nararamdaman. “A-ayos lang po ako. M-medyo nahilo lang ho.”
“Palagi na lang ho kayong nahihilo. Kaninang umaga rin po, nahilo kayo at nagsuka. Pati rin po kahapon at noong isang araw. Baka may sakit kayo, Miss Mhelanie. Nagpa-check up ka na ba, hija?”
“Ayos lang ako,” giit niya.
Nang mawala ang pagkahilo, tumayo siya at nagpaalam kay Nanny Mercy na magpapahinga.
Pumunta si Mhel sa kanyang kuwarto at nahiga.
Nitong mga nakaraang araw, palagi siyang nahihilo. At kapag umaga naman ay palagi siyang nagduduwal. Ano ba ang nangyayari sa akin?
Wala sa sariling napatingin si Mhel sa kalendaryo. And then a realization hit her hard in the pit of her stomach.
Oh, shit! Nanlaki ang kanyang mga mata at sinapo ang sinapupunan. No way! Imposibleng mangyari iyon!
But no! It’s not impossible!
Never na gumamit ng proteksiyon si Iuhence tuwing nagtatalik sila. Palagi nitong pinupuno ng katas nito ang sinapupunan niya.
Napaupo si Mhel sa gilid ng kama at tumitig sa kalendaryo. Lagpas isang buwan na mula nang magkaroon siya ng menstruation. Posible bang pinagbubuntis niya ang anak nila ni Iuhence?